Jace Mijares

2411 Words
Simula noong nagpunta kami ni Vira sa Mijares Trine ay parang bigla na lang akong naging alerto sa tuwing mababanggit ni Mama ang mga Mijares. Tatlong araw na ang nakakalipas simula noong nakita ko ang lalaki sa Cocktailify pero hindi pa rin nawawala sa isip ko ang itsura n’ya. Hindi ko alam kung dahil ba nasa trabaho s’ya kaya mas maayos ang itsura n’ya kumpara noong nakita ko s’ya sa Cocktailify na lasing at agresibo! Agad na ipinilig ko ang ulo ko dahil bigla ko na namang naalala ang ginawa n’yang pagtugon sa halik ko. Balak ko lang naman sana na ipakita kay Yuta na nakamove on na rin ako sa kanya kaya ko hinalikan ang lalaking ‘yon. Hindi ko akalain na ilang gabi rin akong hindi patutulugin dahil sa ginawa ko. Alam kong hindi basta-basta lang ang lalaking ‘yon dahil sa eksenang naabutan kong ginagawa n’ya sa dalawang babae sa pinakadulong bahagi ng Crescent. Kaya bakit pa ba ako nagtaka na hinalikan n’ya ako na kasama ang dila noong gabing ‘yon?! Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang bumukas ang pinto at iniluwa si Mama na nakahawak sa dibdib at panay ang punas ng pawis. Kumunot ang noo ko nang mapagmasdan ang itsura n’ya. Mukha s’yang pagod na pagod at mukhang pinilit n’ya lang talaga na makauwi dahil halos hindi na s’ya makatayo ng maayos. “Ma! Okay lang po ba kayo?” tanong ko habang naglalakad palapit sa kanya. Napasinghap ako nang sunod-sunod na umubo s’ya kaya napabilis ang lakad ko para alalayan na s’ya. Kinapa ko agad ang noo n’ya at agad na umawang ang bibig ko nang halos mapaso na ako sa init ng noo n’ya! “Okay lang ako–” “Ma naman! Paano po kayong magiging okay eh inaapoy kayo ng lagnat?!” Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko dahil sa pag-aalala sa kanya. Ilang sakay ang ginawa n’ya para lang makauwi dito kaya hindi ko maimagine ang hirap n’ya sa biyahe habang inaapoy s’ya ng lagnat! “Medyo masakit lang ang ulo ko kaninang umaga. Mukhang sisipunin yata ako, Jam…” nagawa n’ya pa talagang magsalita habang inaalalayan ko s’ya papasok sa kwarto. Agad na pinahiga ko s’ya doon para kumuha ng pampunas at saka gamot. “Humiga po muna kayo d’yan–” “Hindi pwede. Magluluto pa ako ng para sa baon ng mga kapatid mo bukas–” “Ma! ‘Wag n’yo po munang intindihin ‘yon. Ako na po ang bahalang magluto ng baon nila para bukas!” iritado nang sambit ko dahil palagi na lang na ganito ang ginagawa n’ya. Kahit pagod sa trabaho ay gusto n’ya pang s’ya ang mag-aasikaso sa mga kapatid ko. Para bang hindi n’ya matanggap na kahit ano ang gawin n’ya ay hindi n’ya talaga pwedeng pagsabayin ang pagiging ama at ina sa aming magkakapatid! Kagat ang ibabang labi na iniwan ko na s’ya nang makitang humiga na s’ya sa kama. Alam kong pagod na pagod na s’ya pero pilit n’yang ipinapakita sa amin na kaya n’ya. Na kahit wala na si Papa ay walang nagbago. Pero sa totoo lang ay sobrang laki ng pagbabago simula noong nawala s’ya sa amin. Ipinagpapasalamat ko na lang na noong nawala si Papa ay tapos na ako sa pag-aaral. Dahil kung hindi ay hindi ko alam kung paano kong kakayanin ang i-maintain ang mataas na grades habang nagtatrabaho. Nakapagtrabaho o sideline naman ako noong college pero pang dagdag ko lang iyon sa mga gastusin ko sa school at para hindi na humingi ng baon kina Mama. Pero kung nag full-time working student siguro ako noon ay baka hindi ako nakakuha ng mataas na grades para ma-maintain ang scholarship ko. Mabilis na gumawa ako ng lugaw para kay Mama. Mabuti na lang at namana ko ang galing n’ya sa pagluluto kaya walang problema kung magtatrabaho s’ya sa malayo dahil kayang-kaya kong asikasuhin ang mga kapatid ko. Pagpasok ko sa kwarto ay tulog na si Mama kaya ginising ko s’ya para pakainin ng lugaw bago painumin ng gamot. Kumain at uminom naman s’ya at kinabukasan ay naging maayos na dawa ng pakiramdam n’ya kaya pumasok s’ya sa trabaho kahit na sinabihan ko na magpahinga na muna kahit isang araw lang. Nang dumating s’ya kinagabihan ay mukhang mas lumama ang ubo at sipon n’ya kaya iritadong-iritado tuloy ako at halos hindi na s’ya iwanan sa kwarto hangga’t hindi s’ya pumapayag na ‘wag na munang pumasok para tuluyan s’yang gumaling. “Hindi pwede, Jam. Walang ibang cook doon na pwedeng pumalit sa akin. Kabisado na ng mga Mijares ang luto ko kaya hindi pwedeng wala ako doon–” “Ma naman! May sakit na nga po kayo pagkatapos ay sila pa rin ang iniintindi n’yo? Kapag po ba may nangyaring masama sa inyo, sila po ba ang magiging kawawa?!” iritadong sermon ko. Halos maiyak na ako sa sama ng loob dahil sa katigasan ng ulo n’ya. Balak ko na sanang mag-enrol sa review center sa Lunes pero ganito naman ang nangyari. Pakiramdam ko tuloy ay parang bumabalik ang mga nangyari noong unang beses na mag rereview na sana ako. Sasagutin na sana ng LEF Foundation ang gastos dahil kasama iyon sa scholarship namin pero dahil nagkasakit si Papa ay hindi ako nakasabay sa mga ka-batch ko. Hindi ko rin inakalang tatagal si Papa sa ospital kaya wala na talaga akong choice kundi ang palipasin ang opportunity na ‘yon dahil kahit gustuhin ko mang mag-review ay paniguradong babagsak din ako dahil ang isip ko ay nasa kalagayan ni Papa. “Hindi talaga pwedeng hindi ako papasok sa trabaho, anak. Isa pa ay hindi ba sabi mo ay balak mo nang ipagpatuloy ang pagrereview mo? Mas lalong hindi ako pwedeng tumigil sa pagtatrabaho–” “Ma, please? ‘Wag n’yo na pong intindihin ang tungkol sa pagrereview ko. Ako na po ang bahala doon. May ipon po ako para makapag review. At kung kukulangin ay kaya ko namang isingit pa rin ang pag sideline,” mabilis na paliwanag ko. Bumuntonghininga s’ya at nakatingin lang sa akin kaya hinawakan ko ang kamay n’ya para mas kumbinsihin pa na ‘wag na munang pumasok sa trabaho para makapagpagaling ng maayos. “Mas mapapadalas po ang pagkawala ko dito sa bahay kaya kayo po ang gagawa ng mga trabaho dito. Kaya dapat ay wala kang sakit, Ma. Dapat ay healthy po kayo para kayanin mo ng tatlong buwan na wala kang katulong sa mga gawain dito…” paliwanag ko. Hindi s’ya nagsalita kaya akala ko ay naintindihan na n’ya ang gusto kong mangyari. Pero nagising ako kinaumagahan na wala na s’ya sa loob ng kwarto. Nang tanungin ko ang mga kapatid ko ay sinabi nilang pumasok si Mama sa trabaho kaya buong araw akong stress at hindi makapag concentrate sa pagseself review na ginagawa ko bago man lang sana magsimula ang actual review. Hapon na nang nakatanggap ako ng tawag mula sa kaibigan kong si Vira. Ang sabi n’ya ay hinimatay si Mama sa trabaho at kasalukuyang nasa clinic ng kompanya kaya halos maiyak ako sa inis habang nasa byahe papunta doon. Iritang-irita ako sa katigasan ng ulo n’ya pero mas naiirita ako sa mga Mijares dahil isa sila sa pangunahing dahilan kung bakit ayaw ni Mama na mag-absent sa trabaho kahit ilang araw lang. Kung bakit naman kasi kailangan pang ang luto n’ya lang ang kakainin ng mga Mijares na ‘yon? Ano naman kung ilang araw silang hindi makatikim ng luto ni Mama? Ikamamatay ba nila ang hindi pagkain ng luto ni Mama?! Isa pa ay gaano ba sila ka-importante para balewalain ni Mama ang nararamdaman n’ya para lang maipagluto pa rin ang magkakapatid na Mijares na ‘yon?! Nagngingitngit tuloy ako sa galit at iritasyon habang padarag na naglalakad palapit sa building ng Mijares Trine. Pangalawang beses ko pa lang na pupunta dito pero hindi na talaga maganda ang mga experience ko! “Jam! Dito!” Napatigil ako sa pag lingon-lingon sa paligid nang makapasok sa loob para hanapin ang canteen kung saan nakapwesto ang kaibigan kong si Vira. Inis na inis ako dahil halos abutin yata ako ng ilang minuto sa paglalakad sa loob ng building pero hindi ko pa rin nahanap ang canteen! Hindi ko akalain na sobrang luwang pala ng building na ito kahit na tatlong floor lang naman ang taas! “Mabuti pala lumabas ako! Inisip kong baka naligaw ka na kasi ganun din ako noong bago ako dito!” sambit n’ya pa habang naglalakad kami palapit sa elevator. Panay ang punas ko sa pawis sa leeg ko dahil kahit na malamig na malamig naman dito ay sobra akong napagod sa paglalakad at paghahanap sa canteen! “Kamusta pala si Mama? Sinabi ko na kasing ‘wag na muna s’yang pumasok sa trabaho. Ang tigas ng ulo!” inis na inis at nakasimangot na tanong ko habang naghihintay kami sa pagbubukas ng elevator. “Ang sabi nga ay ‘wag kang tatawagan kasi magagalit ka. Pero kasi iba na ang tunog ng ubo n’ya. Ganun na ganun ang tunog ng ubo ng Lola ko noong nagkaroon s’ya ng pneumonia! Kaya kung ako sa’yo ay ipatingin mo na si Tita Jessa! Bago pa kung saan mapunta ang ubo n’yang ‘yon!” pananakot n’ya pa kaya agad na binatukan ko. Nagtatakang napatingin s’ya sa akin kaya kagat ang ibabang labi na pinandilatan ko s’ya! “Kakasimula lang ng ubo ni Mama, Vira! Anong pneumonia ka d’yan?! Sa tunog lang ng ubo ay alam mo na kaagad ang sakit? Daig mo pa ang doktor ah!” sambit ko at nakairap na humalukipkip. Narinig kong bumungisngis s’ya kaya mas lalo akong napairap. Nai-stress na nga ako sa kalagayan ni Mama ay dinadagdagan n’ya pa ang iniisip ko! “Ay ganun ba? Akala ko kasi matagal na. Parang kasing magagagasgas ang lalamunan kapag umuubo eh! Sorry na! ‘Wag ka nang magalit! Baka mas gumanda na ako sa’yo kapag sumimangot ka pa!” natatawang biro n’ya kaya naiiling na napatingin ako sa harapan ng elevator nang bumukas iyon. “I’m attending an event in YBSB this coming weekend. I can’t really play golf…” Napasinghap ako nang bumungad sa amin ang dalawang matangkad na lalaki na pababa sa elevator. May hawak na phone ang isa at mukhang may kausap samantalang ang isa ay seryoso lang ang mukha habang nakatingin sa harapan. Muntik pa akong mapatigil sa paghakbang na gagawin dahil akala ko ay iyon ang lalaki sa Cocktailify! Halos parehong-pareho kasi ang aura ng dalawang lalaki at matatangkad din kaya akala ko tuloy ay isa sa kanina ang lalaki sa Cocktailify! Nang sumarado ang elevator at makasakay kami ay halos tumilapon ako sa gilid nang itulak ako ni Vira kaya awang ang bibig ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. “Papatayin mo ba ako sa gulat ha, Vira?!” namimilog ang mga matang tanong ko sa kanya. Kaagad na lumapit s’ya sa akin at kilig na kilig na niyakap ang isang braso ko kaya agad na hinawi ko ang kamay n’ya pero hindi s’ya nagpapigil! “Vira, ano ba–” “Syet, Jam! Parang gusto kong mag-overtime ngayon! Sobrang dami kong energy na naipon!” pumapalatak na sambit n’ya kaya nawiwirduhang nilingon ko s’ya. Nang makita n’ya ang pagtataka sa reaksyon ko ay agad s’yang nagpaliwanag. “Yung dalawang kakalabas lang ng elevator!” paliwanag n’ya. “Oh anong meron sa kanila?” nakataas ang kilay na tanong ko. Piniga n’ya ang braso ko kaya napadaing ako at napamaang sa kanya. “Mga Mijares ‘yon! Ano ka ba? Hindi ka man lang ba kinilig sa kanila?” namimilog ang mga matang tanong n’ya na para bang mandatory na kiligin din ako sa mga lalaking ‘yon katulad ng nararamdaman n’ya! “Sa tingin mo ba may panahon pa akong kiligin ngayon na okupado ni Mama ang isip ko?” nakairap na sagot ko at saka hinawi ang kamay n’yang nakahawak sa akin. Oo nga at parehong gwapo ang dalawang lalaking ‘yon pero hindi naman ako mabilis ma-attract sa mga gwapo lalo na at mayayaman pa ang mga ‘yon! Kahit ang pagpantasyahan sila ay hindi ko yata maaatim na gawin! Panay ang tingin n’ya sa akin na mukhang hindi makapaniwala sa reaksyon ko tungkol sa mga amo n’ya kaya hinayaan ko na. Pagdating sa third floor ay bumaba kami dahil nandoon na raw ang clinic. “Teka lang, Vira. Mauna ka na sa clinic. Iihi na muna ako. Kanina pa pala ako naiihi…” paalam ko sa kanya. Tinuro n’ya sa akin ang gawi ng CR kaya naglakad na ako palapit doon. Nakatingala ako habang naglalakad palapit dahil halos pareho ang itsura ng mga pinto at ang tanging naiba lang ay ang mga labels sa itaas. Nang mahanap ko ang gawi ng CR ng mga babae ay tsaka lang bumilis ang lakad ko papunta doon pero agad na natigilan nang may narinig na nagtawanan sa loob ng CR ng mga lalaki. Nag-eecho ang mga boses nila kaya kahit sana ayaw ko silang pakinggan ay narinig ko ang sinabi nila. “You should shift to a larger fit instead of using the standard fit, Jace. What if it breaks while you’re banging with someone?” natatawang tanong ng isang lalaki sa kausap. “Baka hindi mo mamalayan may panganay ka na…” Napangiwi ako nang makuha ang pinag-uusapan nila. Narinig kong nagmura ng malutong ang kausap ng lalaki. “I guess it became longer after I stopped going to the gym frequently…” narinig kong sagot ng kausap at nagmura na naman. “Fūck, Sven! I never sleep with someone without using protection! Tsaka baka himatayin si Mommy kapag inunahan ko sina Jared at Justin!” Naiiling na pumasok na ako sa loob ng CR ng mga babae habang dinig na dinig ko pa rin ang tawanan ng dalawa. “Tsk! Mga lalaki talaga. Walang ibang bukambibig kundi sēx!” nakangiwing bulong ko pa habang pumapasok sa isa sa mga cubicle doon. At habang nakaupo ako doon ay saka ko lang na-realized kung ano ang pangalan na binanggit ng lalaki kanina. Jace? As in Jace Mijares?! Iyan na ba ‘yung lalaking gustong-gusto ni Mama sa mga Mijares?! Agad na napailing ako habang iniisip ang posibilidad na hindi alam ni Mama ang tungkol sa pagiging babaero ng lalaking ‘yon! Sa pananalita pa lang at mga sinasabi ng Jace na ‘yon ay halatang-halata nang palikero! Tsk!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD