Compatible

2146 Words

Ngiting-ngiti at masayang-masaya tuloy ako hanggang sa pagluluto ng merienda noong hapon dahil ilang oras na lang ay uwian na at magkikita na kami ni Arnold. Excited na akong makakwentuhan s’ya dahil panigurado ay magiging laman ng usapan namin ay ang mga karanasan n’ya noong nagreview s’ya at nag-take ng board exams. Pagtunog ng analog clock bandang alas singko ng hapon sa kusina ay agad na napaayos ako ng tayo dahil halos tapos na naming lahat ang pagliligpit sa mga ginamit sa pagluluto. Maingay na rin si Vira at mukhang excited na sa pag-uwi dahil bukod sa payday ngayong araw ay mukhang may date pa ang luka-luka kong kaibigan dahil kanina ay nagsabi na kaagad sa akin na hindi s’ya makakasabay sa akin sa pag-uwi dahil may personal na lakad! Pakanta-kanta pa s’ya at panay ang siko sa a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD