Eleven - Prank

1523 Words
Andromeda…. Andromeda! Gumising ka na! Andromeda! Bigla akong nagising at napabangon sa pagtawag sa akin ng aking wolf sa aking isipan. Humihingal ako at ang lakas at mabilis ang t***k ng aking puso. Napahawak ako sa aking dibdib at pinakalma ko ang aking sarili. Mahina akong napaungol dahil masakit din ang buo kong katawan. Mukhang okay na din naman ang wolf ko at nagpapahinga na lang talaga. I ask her kung bakit niya ako ginising at doon ko naalala na tumakas nga pala ako mula sa pack, nakipaglaban sa ilang rogue wolves hanggang sa nakarating na ako sa tirahan ng aking mates. Ang huli kong naaalala ay ang pagbukas ng pinto ni Cygnus sa akin. Gulat na gulat siguro siya dahil sa itsura ko, duguan ang aking kamay, madumi at may mga natamo pa akong sugat. Akala ko nga mamamatay na ako dahil hindi ako makapag-heal. Pinakiramdaman ko ang aking likod, may kirot pa rin pero hindi na gano’n kasakit. Tinignan ko ang aking sarili, kinapa ko ang aking katawan, may something sa aking braso na parang metallic na bandage. Iba na rin ang aking suot which is a midnight blue, silk, halter dress na nakatali sa aking leeg. Napakurap ako dahil nasa isang malambot akong kama, which is so soft, the sheet blanket is also silk, at amoy na amoy ko ang scent ng aking mates. Tumingin ako sa paligid at natigilan ako kasi hindi ganito ang itsura ng kwarto ni Cygnus sa bahay nila. May naririnig din akong humming noise sa labas na parang isang engine pero hindi naman siya masyadong maingay to the point na nakakairita na. I am in a big circular room, sa isang bilog na malaking kama, at ang nakikita ko na mga gamit doon ay silver chrome. Mula sa mesa, mula sa lalagyan ng lamp na hugis sphere, illuminating the room with it’s dim light, mula sa mga upuan. May kakaiba rin na bulaklak na nakalagay sa mesa na kakulay ng aking damit, pero nago-glow siya. “Nasaan ako?” Tanong ko sa aking sarili. Tinanong ko rin ang aking wolf at sinabi niya na nagising siya na nandito na kami. Nasa futuristic designed room ba ako ng twins? Parang iba ang pakiramdam ko rito at feeling ko may kakaibang nangyayari. Gumalaw ako at napangiwi dahil masakit pa rin talaga ang buo kong katawan. Pero pinilit ko ang aking sarili, bumaba ako sa kama at napadapa pa ako sa sahig na mukhang gawa sa metal. Which is weird! Unti-unti akong tumayo at nakita ko ang isang bilog na bintana na nilapitan ko. Nang tumingin ako doon, napaatras ako at napatutop ako ng aking bibig sa aking nakita. It was total darkness, with white dots na kumikinang at ang malaking planeta ng earth. Yong gaya ng nakikita ko sa sci-fi movies. Pero imposible naman ‘yon! This is gonna be a joke! Baka nananaginip lang ako! Tumingin ulit ako at nakikita kaming lumalayo sa planeta at nakita ko pa ang engine na naririnig ko, na bumubuga ng asul na apoy. Napaatras ulit ako, tinignan ko ulit kung nasaan ako tapos ay lumakad. Nagulat ako nang biglang bumukas ang metal doors at bumungad sa akin ang isa pang kwarto na mukhang living room. Mas maliwanag doon, wit white lights and blue led na naka-line sa sulok ng metal din na pader. “So weird, nababaliw na ba ako? Am I in a coma or something kaya nananaginip ako ng kung anu-ano?!” huminga ako ng malalim. I really can smell the scent of my mates kaya sigurado ako na sa kanila ang kwartong ito. Kung gano’n nasaan sila? Or baka naman nasa kaharian na ako ni Moon Goddess? Bumalik ulit ako sa kwarto at nagulat nang sumara ulit ang pinto automatically. Bumalik din ako sa pagkakahiga ko sa kama at pinilit na matulog ulit. Baka nga isa lang itong panaginip at paggising ko nasa normal na kwarto na talaga ako. Nagmulat ako ng aking mga mata nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at napatili nang makita ang isang malaking figure na pumasok. Binato ko siya ng unan at hinarang niya ang kanyang malalaking braso. “Eda! Eda! It’s me!” Tumigil ako nang marinig ko ang pamilyar niyang boses. Biglang lumiwanag ang buong kwarto at namilog ang aking mga mata nang makita ko si Cygnus. Pero kakaiba ngayon ang kanyang itsura, nakasuot siya ng armor na kakulay rin ng aking damit, pero nagshi-shift ang kulay nito sa gold at purple. The armor made him more bigger, na may cape sa likod at sa gitna ng kanyang suot ay may naka-embed na gold medallion na may nakaukit na symbol. Maging ang armor niya ay may spiral na design at may malaking sword na nakakabit sa kanyang waist. His skin is slightly different too, na parang hindi human skin, his ears more pointy, and his eyes are golden which made him more handsome. I don’t know pero mas hot pa ang kanyang look ngayon. Lumapit siya sa akin at nakatitig lang naman ako sa kanya. “Cygnus…” sambit ko sa pangalan niya. Ngumiti siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo ako ng maayos sa kama. “How are you feeling? You shouldn’t be out of bed. Mahina ka pa at kailangan mo na magpagaling.” malambing niyang sabi sa akin. I can feel the tingling sensation sa pagkakahawak niya sa akin at medyo kumalma na ako. “Ikaw ba talaga si Cygnus?” tanong ko sa kanya. Nilapit niya ang kanyang mukha tapos ay hinalikan niya ang aking pisngi na nagpatindig ng aking balahibo. “Of course I am… Mabuti naman at gising ka na, and it seems that your okay. You maybe wondering kung nasaan ka ngayon.” tumango ako sa kanya. “It’s hard to explain.” “Hindi ba ako nananaginip? Cygnus, planet earth na ang nakikita ko sa labas at papalayo na tayo. Ano ba toh? Is this a prank? Nasa isang studio ba tayo? Effects lang ang lahat ng mga ito, hindi ba? Are you guys actors?” bahagya siyang napatawa. “Gaya nga ng sabi ko, mahirap na ipaliwanag. Hindi pa namin dapat sabihin ito ni Izar sayo, but you need medical help, bangwi soh…” “Anong ibig mong sabihin? Ang huli kong naalala, nakarating ako sa bahay niyo. Then nawalan ako ng malay nang pagbuksan mo ako ng pinto.” “Yes, and you were a mess… Duguan ka, ang lalim ng mga sugat mo sa katawan, and worst nalason ka. Muntik ka ng mamatay at kung hindi ka namin dinala rito baka nawala ka na sa amin. Kailangan namin na dalhin ka rito at ilayo para isama sa lugar namin.” “Lugar ninyo? Saan? Sa ibang bansa ba?” umiling siya at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. “Wait, sinugod ba ang bahay ninyo?” “Hindi namin maintindihan, maraming wolves ang sumugod sa farm at tumakas lang tayo. That’s why you’re here, with us… Eda, this is not the right time to tell you, pero sasabihin ko na rin kung bakit ka namin isinama. Alam mo naman siguro ang soulmate? You humans call it that way.” Tumango ulit ako. “Well, you are our soulmate. Hindi ka pwedeng malayo o mawala sa amin dahil ikaw na ang magiging buhay namin.” na-touch naman ako sa sinabi niya. Sila din naman ang mates ko at masaya ako dahil naniniwala sila sa soulmate. “Alam ko, Cygnus, alam ko ang pakiramdam na malayo sa inyo. I will die pag nawala kayo sa akin… Naiintindihan ko yon… Ang hindi ko lang maintindihan, bakit tayo nandito? Nasaan tayo? Para akong nasa isang movie na hindi ko maintindihan.” naguguluhan kong sabi. “Makinig ka sa akin, Eda, what you see in those sci-fi movies na napanood mo. You know aliens and other stuff, paano pag sinabi ko sayo na totoo ang lahat ng ‘yon?” napakunot noo naman ako, tapos ay tumawa dahil akala ko nagbibiro lang siya. “I am not kidding, at hindi ito isang prank,” matigas niyang sabi at natigilan naman ako. Bumuntong hininga siya at bumaba siya sa kama. Dumistansya siya sa akin at tumapat sa may ilaw. Nag-glow ang kanyang golden eyes, at parang may lumitaw na scales sa kanyang balat. Ang kinamamangha ko sa lahat at hindi ko mapaniwalaan, ay ang malaking buntot na lumitaw sa kanyang likod. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pagkakita ko sa kanya. He looks the same, but with scales and a big tail na parang sa isang crocodile. “I-I don’t know what to say…” mahina kong sabi. I mean para lang siyang shifter, a reptile maybe, kagaya ko pero wolf nga lang ako. That’s a good thing right? Pero kung sasabihin niya na isa siyang alien species, hindi ko alam kung matatanggap ko pa ito! “I’m Cygnus Azan Xephyroth, King of Kings of the City of Zahavi, Emperor of Planet Szol, and I am taking my claim now…” lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang aking mukha. “You Andromeda will be mine!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD