The 17th Rebellion

1709 Words

Habang sumasapit ang katanghaliang tapat ay siya namang dagsa ng mga mamimili. Kung hindi karne ng baboy ang binibili, isda ang nauunang maubos lalo na ang tilapiya. Abala siya sa pagkakaliskis ng isda ng may tumawag sa pangalan niya. No'ng una ay hindi niya ito pinapansin dahil abala siya. "Pssst! Chris!" Muntik na niyang mabato ito ng kutsilyo kung hindi lang sinabi na bibili ito. "Ano ba 'yun, Robin?" tanong niya. "Do'n ka muna kay Martin magsabi bago dumiretso dito." "Gano'n din naman 'yun. Isda rin kasi ang bibilhin ko," Umupo ito para pumantay sa pwesto niya. "Alam mo bang ang hirap hanapin ng pwesto niyo? Kung saan-saan pa ko umikot." Tuluy-tuloy lang ito sa pagke-kwento pero hindi niya ito pinapansin. Abala kasi siya sa pagtanggal ng kaliskis. "Christian." pagtawag ni Martin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD