NAKATITIG si Zachary sa dalagang nasa harapan niya. Napahanga siya nito sa pagiging matapang at taklesa nito. Gusto niya ang mga babaeng ganoon hindi boring kasama. Hindi tulad ng ibang babae na sobra kung magpapansin sa kaniya kaya naman naiinis siya. Sawa na siya sa mga babaeng humahabol sa kaniya. Sa mga babaeng magpapansin para makuha lamang ang atensyon niya.
Ang babaeng ito lang yata ang walang pakialam kung sino siya. Kahapon iniisip ni Zachary kung saan niya nakita ang babae. At nang makita niya ang isang university sa files sa shelf kahapon ay naalala niya kung saan. Isa ito sa mga nabigyan niya ng laptop noong nakaraang buwan. Isa itong fourth year college sa West University, sakop ng Calao. Kasalukuyan itong nag-aaral ng kursong culinary.
Nakaisip si Zachary ng magandang ideya.
"Ano bang pag-uusapan natin at kailangan mo nang kausap? Kung hihingi ka ng payo dahil broken hearted ka,excuse me, pero wala akong maipapayo sa iyo. Ano bang alam ko sa salitang love kung hindi ko pa iyon nararamdaman." Tumingin ito sa malayo.
Napatawa siya sa sinabi ng babae. "Ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong niya rito.
"Aryanda Luisa Corpuz, p'wede mo akong tawaging Ekang, yun ay kung close tayo."
"Okay, Aryanda. Hindi tungkol sa love life ang gusto kong pag-usapan natin. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I want you to be my escort kapag bored ako."
Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya. "Excuse me?"
"Ayaw mo ba? Kapalit ng pagiging escort mo ay ang pag-aaral mo. Tutustusan ko ang pag-aaral mo, ako ang gagastos para sa iyo, and also sa Lola Loleng mo. Narinig ko na palagi siyang labas-masok sa hospital."
Tumayo ang dalaga. "Pinaimbestigahan mo ba ang buhay ko?" naningkit ang mga matang tanong nito.
Humalukipkip siya. "Yes. Bibigyan kita ng oras para makapag-isip. Isang linggo ang ibibigay ko sa iyo. Pagkatapos no'n at hindi ka pumayag hindi na ako magpupumilit pa. Nasa iyo ang calling card ko, you can call me."
"Salamat sa alok mo pero hindi ako papayag. Humanap ka ng ibang i-escort sa iyo. Salamat dahil ipinagtanggol mo ako kanina." Tinalikuran siya nito pagkatapos.
Inubos niya ang tequilla na iniinom niya pagkatapos ay binayaran lahat niya iyon sa dalaga. Binigyan niya ito ng tip katumbas ng sampung libong binayaran niya. Hindi iyon natanggihan ng dalaga dahil nasa rules ng club ang pagtanggap sa tips na mula sa isang customer na kagaya niya.
Gusto niyang tulungan si Aryanda dahil gusto niya ito. Hindi dahil natamaan siya ng sinasabi nilang "LOVE" gusto niya pagiging matapang nito. At ang kagustuhan niya na mapasakamay ang dalaga dahil kakaiba ito sa lahat. She has innocent face pero napakatapang. At mukhang mahihirapan siya na mapapayag ang dalaga.
NAKATAPAT si Aryanda sa shower sa loob ng inuupahan nila ng kaniyang Lola Loleng. Wala siyang saplot sa katawan gaya ng kaniyang nakasanayan kapag naliligo siya. Hindi maalis sa isip niya ang alok sa kaniya ni Zachary. Gusto niyang pumayag pero nagdadalawang-isip siya.
Napailing siya habang sinasabon ang kaniyang buong katawan.
"Escort," mahinang usal niya at saka sumandal sa pader.
"Kung pumayag kaya ako," sabi muli niya sa sarili.
May isang araw pa siyang palugit. Hindi na niya nakikitang pumupunta sa club si Zachary. Marahil ay busy na ito sa trabaho. Ubos na rin ang ipon niya sa pagbibili ng mga pang-maintainance na gamot ng kaniyang Lola Loleng. Isang paraan na lamang ang naiisip niya. Ang pumayag na maging escort ng binata.
Mabilis siyang tumapat sa shower at saka nagmadaling magbihis. Pupuntahan niya ngayon si Zachary sa kumpanya nito. Wala na siyang pagpipilian pa, kun'di kumapit sa patalim na nakaabang sa kaniya.
SA MAY SALA ay naabutan niya ang kaniyang Lola Loleng na nakaupo sa tumba-tumba nitong upuan. Nilapitan niya ito at niyakap nang mahigpit. Nagulat ang matanda sa ginawa niya at tumingin ito sa kaniyang mukha.
"Apo, ano bang problema?" takang tanong nito. Pansin siguro nito ang pamumutla niya dahil sa puyat at pagod sa trabaho.
Sa edad nitong seventy three anyos ay hirap na ito sa paglalakad at pagkilos mag-isa. Mataba rin kasi ang Lola Loleng niya na umaabot sa sixty five kilos ang timbang. Kaya naman kung wala siya ay ang pinsan niyang si Clyde ang umaalalay sa kaniyang Lola kapag wala siya. Dahil sa edad nito nakakaramdam na ito ng maraming mga sakit tulad ng pagsakit ng gout nito, at sakit na diabetes at highblood, na kailangan ng mga gamot.
"Lola, may trabaho po akong pupuntahan. Kapag natanggap po ako baka madalas na hindi na tayo magkita dahil may kalayuan po iyon. Naisip ko po kasi na malaking pera rin iyon para sa akin at... para sa inyo, Lola."
Umibis ang luha sa mga mata ng kaniyang abuela. Lalo niya itong niyakap nang mahigpit.
"Huwag na po kayong umiyak, Lola, ginagawa ko po ito para sa ating dalawa. Mahal na mahal ko po kayo."
"Apo, pasensiya ka na ha, dahil sa akin nahihirapan ka."
Pinahid niya gamit ang mga palad ang luha sa pisngi nito. "Lola, ano ba naman 'yan. Huwag ninyo 'yang sabihin. Dahil hindi ako lumaki ng ganito kung hindi iyon dahil sa inyo." Pinilit niyang ngumiti kahit hindi niya magawa. "Sige po, aalis na ako, naibilin ko na kayo kay Clyde mamaya lamang po ay nandito na ang binatilyong iyon."
"Mag-iingat ka apo," bilin nito sa kaniya bago niya ito talikuran.
Sa pagtalikod niya ay pumatak ang mga luhang pinipigilan niya. Mabilis niyang kinuha ang bag niya at lumabas sa apartment nila. May pasok siya mamayang hapon at may actual presentation sa University. Kailangan ni Aryanda ng pera para makabili ng mga gagamitin niya sa paggawa ng cup cakes. Isa na ring dahilan kung bakit niya gustong pumayag dahil sa pag-aaral niya.
NASA LABAS SIYA ng kumpanya ng Nicols Steels. At malakas ang kabog ng kaniyang puso. Nangangatog ang mga tuhod niya habang papasok sa loob ng mataas na building.
Nakasuot siya ng button up blouse na naka-tack in sa suot niyang tattered jeans. Nakasukbit din sa balikat niya ang sling bag niya. Kanina sa daan habang naglalakad siya ay natanggal pa ang suwelas ng nag-iisa niyang sandals na flat ang apakan. Isa pa iyon sa nagpadagdag sa kabang nararamdaman ng dalaga.
Dumiretso siya sa information desk.
"Good morning, Ma'am," bati niya sa babaeng class na class kung tignan nakausot ito ng office uniform at maayos ang buhok.
"May appointment po ba kayo kay Mr. Nicolas?"
Marahan siyang tumango.
"Naku, Miss, wala ngayon si Mr. Nicolas nasa out of town business trip kasama ng secretary niya." Binuklat nito ang log book. "May I know your name, Miss, and also your contact number para in case na dumating si Mr. Nicolas ay masabihan ko kayo."
"Ahm, huwag na lang po, Ma'am. Thank you na lang po," malungkot na sabi niya.
Bagsak balikat na tinungo niya ang exit door at saka umalis. Wala na siyang ibang pupuntahan. Umupo siya sa sementong paso sa labas ng kumpanya at nakatukod ang magkabilang kamay niya sa upuan.
Ano na ngayon ang gagawin niya!
Huminga siya ng malalim at saka tumingin sa dumudugong talampakan niya. Itinaas niya ang paa at tinanggal ang naapakan niyang thumbtacks. Hindi niya naman naramdaman kaninang natusok siya. Hay sobrang manhid na ba siya at wala na yata siyang pandama.
Marahan niyang tinanggal iyon at hinayaang dumugo kaunti ang natusok na bahagi. Akma na siyang tatayo nang may magsalita sa bandang likuran niya.
"Bakit ka nandito sa labas?" tanong ng lalaking pamilyar ang boses sa kaniya. Nilingon niya ito habang hawak ang sandals niyang sira.
Kumunot ang binata at nilapitan siya. Nakita rin nito ang talampakan niya na may dugo at ang nasirang sandals niya. Umiling ito at bigla na lamang siyang binuhat.
"Teka ano'ng ginagawa mo."
"Ayokong nakikita ang babaeng magiging escort ko na ganito ang kalagayan. Diane, kunin mo ang sirang sandals ni Aryanda, ibili mo siya ng bago pagkatapos magtungo ka sa office ko."
"Y-yes... sir," anang secretary marahil nito na masama ang tingin sa kaniya.
Ipinasok siya nito sa kumpanya nito habang buhat-buhat siya. Pinagtitinginan siya ng mga empleyado lalo na ang babaeng nasa information desk. Nilampasan nila ang mga iyon at pumunta sila sa may elevator. Nanatili siyang nakakapit sa leeg ni Zachary. Amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito at ang mabango nitong pabango na bench masculine scent.
Pinindot nito ang number 14.
"Nandito ka ba dahil pumapayag ka na sa proposal ko?" tanong nito nang hindi nakatingin sa kaniya.
Marahan lamang siyang tumango. Bahala na kung ano'ng isispin nito dahil ang importante sa kaniya ngayon ay pera.
"Pero bakit ka nasa labas kanina?" tanong nito muli nang palabas na sila ng elevator. Kusang nagbukas ang automatic na sliding door sa opisina ni Zachary. Ibinaba siya nito sa sofa na naroon at saka nito tinanggal ang business suit na suot. Niluwangan din nito ang necktie at saka tinanggal ang butones ng long sleeves nito sa bandang kamay. Itinupi iyon ng binata hanggang siko at muli siyang hinarap nito. Umupo ito sa office chair sa tapat niya.
"Ahm, kasi... sinabi ng babae kanina nasa out of town ka raw. Kaya naman----"
"Kakauwi nga lang namin ni Diane. Sigurado ka ba na tinatanggap mo ang inaalok ko? May kailangan kang pirmahan na kasunduan bago natin sisimulan ang trabaho mo sa akin. Hindi kita pinipilit sa trabahong ito. Pero sa oras na pinirmahan mo ang kontrata ay gagawin mo lahat ng nakalagay roon. Pumapayag ka ba?" seryosong tanong nito sa kaniya.
Marahan siyang tumango. "May isa pa akong dalihan kaya ako nandito--- kasi..." Hindi niya alam kung paano ba sasabihin na kailangan niya ng pera.
"Sabihin mo sa akin..."
"Kasi ano..."
Nilapitan siya nito at halos isang pulgada na lamang ang layo nila sa isa't isa. Napalunok tuloy siya sa ginawa ng binata. Uminit ang lalamunan niya.
"Kailangan ko... kailangan ko ng pera." Kinagat niya nang marahan ang ibabang bahagi ng labi niya at pagkatapos ay yumuko sa harapan nito.
"Iyon lang ba? Magkano?" agad nitong tanong bago siya layuan.
"Five thousand..."
Agad nitong iniabot sa kaniya ang perang hinihingi niya. Pagkatapos ay muli nitong iniabot ang kontrata niya bilang escort.
"Kailangan mong basahin ang lahat ng iyan at unawaing mabuti bago mo ako muling lapitan. Ayokong pumayag ka dahil napipilitan ka lamang. Anyway, hintayin mo na sj Diane para makapagpalit ka ng sandals mo. May gusto ka ba? Juice or---"
"Wala, salamat na lang. " Tumayo siya pero pinigilan siya nito.
"Like I've said... hintayin mo na si Diane."
Wala siyang nagawa kun'di sundin ang utos nito sa kaniya. Palinga-linga siya sa opisina ni Zachary. Maraming libro ang nasa shelves nito at mga trophies. Pero pansin niya ang kawalan ng picture ng pamilya ng binata sa loob ng opisina nito. Tinignan niya ito na nasa lamesa at abala sa pagpipirma ng mga files na nakatambak doon. Akala niya madali ang buhay kapag mayaman ang isang tao.
Hindi pala...