NANGAGALAITI sa galit si Zachary at paikot-ikot sa opisina niya na nasa roof top ng hotel niya. Nakakuyom ang kaniyang mga palad at taas baba ang kaniyang paghinga. Dinala niya rito sa Tarlac ang business meeting niya sa Maynila dahil nalaman niya na si Aryanda ang magluluto sa mga kakainin nila. At hindi niya naisip na magiging ganito ang mangyayari. Muntik nang magahasa si Aryanda at sa sarili pa niyang hotel. Tsk, kung ipasisante kaya niyang lahat ngayon ang staffs niya. Mananagot ang mga ito sa kapabayaan nila sa trabaho. Mabuti na lamang at napanood agad ni Bernard na siyang bantay sa CCTV office room ang pangyayari kaya mabilis siya nitong nasabihan. Nagkataon siguro na walang tao sa CCTV area na pinagtambayan Bernard. Kaya hindi naging mabilis ang pagresponde. Tsk, magpapaliwana