DINALA ni Zachary si Aryanda sa pamamahay niya. Buhat-buhat niya ito habang umaakyat sila sa hagdan nang bigla siya nitong sukahan sa dibdib. Nakapikit na pinunasan pa nito ang bibig gamit ang suit niya. Napailing si Zachary, ngayon lang yata ito nangyari sa loob ng thirty years na nabubuhay siya. Nakita ng kasambahay niya ang nangyari agad na lumapit ang mga ito pero itinaboy niya. Gusto niyang siya ang mag-alaga rito na ngayon lang niya gagawin ulit sa isang babae. Ibinaba niya ito sa kama at dumapa naman ito habang nakataas ang dalawang kamay. Tumatawa ito at nagpapadyak. Lasing na lasing talaga ito, napailing siya sa ginagawa ni Aryanda sa sarili nito. Ang cute pa lang malasing ni Aryanda. Habang tinatanggal niya ang suit niyang sinukahan nito ay bigla pa itong kumanta. "Tu-tuming