KABANATA 1

2182 Words
TRIPLE HUB SERIES 3: UNINTENTIONAL Kabanata 1 ISANG MALAKING MILAGRO na naka-survive si Anne na matulog sa loob ng kanyang pinakamamahal na Ferrari Enzo magdamag. Nagpuyos ang loob niya nang maalalang hindi siya pinapasok ni Kuyang Farmer sa cabin nito kagabi. He didn't even flinch when she asked him how she could possibly get to Monférrer's Hacienda. She ended up snoozing inside her little Ferrari, in an unbelievably foetal position! Now she had no choice but to suffer a back pain. She grabbed a full-packed of premium flushable wet wipes with aloe and climbed off her car. She began to spruce up her viscous skin, her face with so much gentleness. For the first after a long time, ngayon lang siya nakaramdam na parang ang dumi-dumi niya. That thought alone made her cringe. And there were gruesome red marks in her legs due to ant's bite. Oh no! No! Her plumpy-plumpy, youthful skin got stains. Noooo! "Daddy, you wouldn't believe what happened to me! God, Daddy. I feel so marumi." She rumbled disproportionately at her father who was on the phone. She dramatically hyperbolizing her unreasonable panic with a shaky voice for one usual reason, to gain her father's sympathy. Kay North niya sana unang ilalapit ang kanyang dilemma ngunit out of reach ang personal number nito. That bastard! "Mary Anne, sweetheart, your father's in the middle of a very important executive conference. Quit bothering me. I'll transfer your call to Guillana, ask her whatever you want. Wherever you are, enjoy your vacation. Extend it as long as you want. Saka ka na bumalik." Napapadyak siya sa tampo sa ama. "You don't love me na, huh, Daddy. You're disowning me, aren't you? First, you made me sisante and now itinatakwil mo 'ko. I swear, luluhod ang mga tala, I'll plead to Jesus that Mommy's ghost will make you multo." She was only on her fourth grade when her mother died due to severe respiratory infection. Kapwa nagsipag-asawa na ang dalawa niyang half-brother. Spare the rod and spoil the child, hindi umepekto ang parenting method na iyon sa kanya. She grew up with a mean attitude and gives zero f**k with everyone. She was an impulsive archetype, a privileged bratty heiress of one of the ultrarich business magnate in the country at natural na palaging nasusunod ang luho't kapritso niya. However, despite getting whatever she wants without actually having to do to get it, yet there's still a certain spot in her being that seemed unfulfilled. May kulang. Parang may naliligalig na sulok sa pagkatao niya. May hinahanap siya. Napahinto siya sa pagda-drama nang si Guillana na ang nasa linya, ang executive secretary ng kanyang Daddy. Naghihimutok siyang pumadyak sa lupa. "Ms. Annie, your Dad instructed me to suspend any calls from you. Enjoy your long vacation, Ms. Annie. Stay out of trouble. Bye." She opened her mouth to scream out of too much vexation, but she promptly shut it off when she saw from the corner of her eyes that the cabin's front door cracked open. She spun around to face the cabin to let her foolish eyes glorified the strikingly dashing appearance of a man who just walking out from the cabin. Hispanic race was visible in his features. The man's medium textured wavey hair was sexily rough-and-tumble, stern, unthoughtful toasty topaz eyes were impatiently dark, had an imposing figure at around six feet and something inches. Maybe he's as tall as North and Primus. Looking almighty ravishing and dashing. But no big deal! She was surrounded with fiftyfold of handsome men. Her eyes were just hyperbolizing! Sounded defensive, biatch! She strode towards him. "You, moron! How dare you mistreat me last night! Just so you know, my skin could've lead to acne breakouts because I didn't sleep properly last night. Let's hope to God I won't get one or I'll file a lawsuit against you!" The guts of this man for narrowing his toasty topaz eyes at her. Vein appeared in his temples, jaw clenched, indicating a dose of rage. "File a lawsuit against me? How about me, filing a lawsuit against you for damaging my property? Sounds better, isn't? Look what you did!" Iginala niya ang tingin sa malawak na hardin sa harapan ng cabin na punung-puno ng bushes ng sensation lilac. Tila dinaanan iyon ng matinding delubyo. Doon napadpad ang kawawang Ferrari Enzo niya nang mawalan siya ng preno kagabi. A group of local teenagers poked fun on her yesterday. Naligaw siya sa bayan ng Santa Coloma, nanakawan ng mga gadgets, sinira ang preno ng kanyang kotse nang iniwan niya ito upang magtanong ng direksyon. "Hey, for your information, Mister arrogant farmer, filing a complaint will cost an arm and a leg. First you have to pay through nose before you can get a lawyer. Your face might be rich with beautiful genes but you're poor as a church mouse." She wasn't even convinced with her own words of insult. Wala ngang hint ng luxury sa pisikal na anyo ng lalaki pero lubhang naumay ang dila niya nang sabihan niya itong mahirap. Bumaba ang tingin niya at hinalughog ang suot nitong over-washed zip-up style sweetshirts at faded slim rigid jeans. No ones looks that good in that cheap, tawdry clothes! But him... “Hey, quit giving me that kind of tingin, Mister arrogant farmer!” Iritado niyang sita at bahagyang umatras. Hindi niya gusto ang tingin nito sa kanya. He gave her an odd feeling. Tipong sinisibak ang matayog niyang self-esteem sa paraan ng paninitig nito. Nakakakilabot ‘yon! Akala niya ay hindi pa ipinapanganak sa mundong ibabaw ang tao na magpapahilakbot sa nagtatapang-tapangan niyang personalidad. Pasimple siya nitong tinapunan ng malamig na may kalakip na nanghahamak na tingin bago ito dumiretso sa kanyang Ferrari Enzo na nagmukhang supreme leader sa gitna ng mga naluray na sensation lilac. Binuksan nito ang pinto sa driver seat. His moves scream great power and strength. Sa well-built na katawan nito, sisiw lang yata sa lalaki na ibalibag at ihagis siya nito sa kung saang parte ng malawak na lupain. “What the actual f**k are you doing, Mister arrogant farmer?! Back off and don't you dare graze your hand on my pinky-pinky car. You're hand might be marumi, ‘no!” Singhal niya. Hindi lang talaga niya ito maitulak palayo sa kanyang kotse dahil tinablan siya ng takot. Mahirap na baka kriminal itong kaharap niya at mauwi sa chop-chop lady ang titulo niya sa alta-sosyedad. “Get inside!” His voice was full of authority. Tipong walang makakabali sa salita nito. “Who do you think you are to dictate me? Excuse me, for you to know, I am Mary Ann Aperin and everyone treat me nicely. Am one hell of a princess. Tapos ikaw kung maka-utos ka, daig mo pa ang prime landholder ng lupain na ‘to! Makikita mo, I'll kick you out of this province once I meet my fiance’s friend. Humanda kang motherfcker ka! Masakit ang back ko because of you, heartless promdi!” His hard gaze was taunting her, shutting her mouth off. This man possessed an unyielding domineering aura which can scare away anyone without even trying. But she's Mary Ann Aperin, she just couldn't let him take her guard down. Hah! “Ang ingay mo!” He lashed out at her. In one swift move, naibato siya nito sa backseat ng kanyang Ferrari Enzo. Hiwaga nang maituturing na wala siyang natamong injury sa ginawa nito. Ang pinakamamahal niyang bunny pet na si Verguenza na nasa loob ng bunny cage nito ay nakatingin lang sa nakangiwi niyang mukha. Lovely Vergue! Her bunny’s came from the youngster Jose Rizal’s dog pet na ang kahulugan sa ingles ay embarrassment o shame. Gaya-gaya lang naman siya, gano’n! Hustong nagngitngit ang kalooban ni Anne. How dare him treat her inhuman! Mananagot ito sa batas, sa korte suprema, sa Kapulungan ng mga Kinatawan, lalo na sa Pambansang liga ng mga sisterit na bakla! He maneuvered her pinky car like he had all the rights to do so. Nasa lock cylinder ang car-key kaya hindi ito nahirapang ipasibad ang kotse. Saan siya nito dadalhin? Ipapatiwarik sa talampas o ihahagis sa bangin? Jesus Christ! She was mentally shaking because of fear. Ang dami-dami pa niyang gustong gawin sa buhay. Gusto pa niyang masungkit ang titulo bilang exceptional s*x goddess. Papakasalan pa niya si North, lalampasan pa niya ang bilang ng mga anak ng mga kapatid niya. Gano’n siya ka-competitive! Magiging ulirang asawa’t ina pa siya. Tatagain pa niya ang p***s ni North kapag magkamali itong mag-commit ng a******y. Hindi pa niya gustong makadaupang-palad si señor San Pedro. She's not excited though. “Try to put my precious life in danger again, lagot ka sa Dad ko at sa mga brother ko!” He wasn't planning to salvage her, right? Wala pa naman siyang mahihingan ng tulong. Naliligaw siya ng bongga! She was in the middle of nowhere. Nasaan ba iyong ipinagmamalaking farm ni North? Malawak na pastureland lang naman ang nasasaklaw ng kanyang mga mata. “Fine! I'm not really that b***h, e. Hindi ko naman itutuloy iyong pagsasampa ng kaso against you, Kuyang Farmer. Ihatid mo lang ako sa La Coloma Hacienda, kwits na tayo.” Sht! Kailan pa siya nagpakumbaba? Wala na yata siya sa sarili. Binaybay nila ang uneven land ng malawak na lupain. Bushes, trees were everywhere. Ngayon ay may natatanaw na siyang mga kamalig at kuwadra sa silangang bahagi ng lupain–a ranch rather. Ranch! Estancia de Monférrer? “Do’n talaga kita dadalhin—fck! Bakit hindi kumakagat ang preno?” Naalarmang usal ng lalaki. Bagama’t kinakabahan ay nagawa pa rin ni Anne na tarayan ang lalaki. “That was why I tried to palag and protest against you kanina kasi sira ang brake nito, ‘no! See where did your imprudent and insensitive attitude get us? Danger, man! Danger. Mapapatay ka talaga ng Dad ko.” Dinampot niya ang bunny cage ni Verguenza at binalot niya roon ang kanyang paboritong authentic Chanel cashmere sweater at scarf. Mamatay man siya basta’t ligtas lang si Vergue. He kept his foot off the accelerator and made a downshifting method. Iniwasan nito ang masyadong umbok na parte ng lupa. Sandali pa’y bumagal ang takbo ng kanyang Ferrari. Lumagpas na rin sila sa nakahilerang mga kamalig. It stopped in that certain spot of the vast land where lots and lots of beautiful ornamental Banaba and Siar trees stood proudly. Naudlot ang pamamangha niya sa paligid nang mapansin ang aroganteng promdi na may kausap na sa labas. Mukhang may ibinibigay na instruction sa isang middle-aged na ranch hand. Nang makababa siya ay saka naman lumayo ang antipatiko. Tinutumbok nito ang gawing silangan, pabalik siguro sa mga kamalig o sa kuwadro. Pakialam ba niya kung saang hell ito magpunta! Ang mahalaga ligtas siya at si Vergue. “Magandang umaga ho sa inyo, Ma'am. Masayang pagdating po dito sa Estancia de Monférrer.” Finally, nakatagpo rin siya ng mabait na tao sa probinsya ng Santa Coloma. “Thanks a ton. But please, help me to get to the Hacienda, Manong. I was lost since yesterday. I'm exhausted.” “Ho? Ah sandali lang po, ma'am, padating na iyong pick-up na magdadala sa inyo sa Villa.” Imporma ni Manong. “Good heavens! Maraming thank you po talaga, Manong. Hulog ka ng ulap. Akala ko lahat ng tao rito ay bad kagaya ng moron na antipatikong iyon.” Madamdamin niyang tukoy sa lalaki na natatanaw pa rin nila. “I really want to see North’s best friend, ‘yong may-ari po ng ranch at hacienda. I have to meet him. Ipapasisante ko iyong mokong na ‘yon, I swear. Damn him! He's too evil. Sino ba siya sa akala niya?” Nagtaka naman siya sa pagpipigil ng tawa ni Manong. Alin ba sa sinabi niya ang nakakatawa? O baka naman may naaamoy na itong offensive mula sa kanya? Hell no! Isang off road land rover ang humimpil malapit sa kinaroroonan nila. Isang binata ang nagmamaneho niyon. “Ma’am, ito ho pala ang anak kong si Sebio. Nagpapastol din po siya ng baka rito sa rancho.” “Oh, that's great! Nice to meet you, Sebio boy. I'm Anne.” Nagpresinta ang mag-ama na ilipat sa kabilang sasakyan ang lahat ng bagahi niya upang maihatid na siya sa Villa. “Masama ho ‘Tang ang lagay ng kabayo ni Señorito. Napuruhan ang isang binti. Parang ayaw ko nga po munang Lumapit sa Señorito ngayong mainit ang ulo niya. Ayokong mabugahan ng apoy. Iba pa naman kapag nagagalit iyon, mas malala pa kay Don Matteo.” Itinuon ni Anne ang pagpapakain kay Vergue at nagkunwaring binabalewala ang mababang usapan ng mag-ama sa harapan. Señorito? Iyon na nga yata ang best friend ni North. I really should meet him. “Tang, paano kaya nadisgrasya iyong kabayo ni Señorito? Maayos naman iyon kagabi noong umuwi kami ni Severino.” “Gawa raw ng isang entremetidang babae, iyon ang sabi ni Señorito kagabi.” “Ho, ‘Tang? Babae? Patay! Tiyak hindi iyon makakawala sa galit ng Señorito. Kawawang-kawawa siya kapag nagkataon.” “Iyan ang sigurado.” Nasindak si Anne nang tapunan siya ng blangkong tingin ni Manong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD