KABANATA 2

2109 Words
TRIPLE HUB SERIES 3: UNINTENTIONAL Kabanata 2 FELT LIKE her pituitary gland released twice the normal amount of growth hormones ‘cause she had a magical eight hours of sleep. Merci le ciel. ‘Yon lang ay hindi iyon sa gabi kundi alas otso ng umaga hanggang sa hustong pumatida ang alas kuwatro ng hapon. Okay na rin at least growth hormones ang natamo niya at hindi stress hormone na tulad ng ipinagkakaloob sa kanya ng bad-tempered na mambubukid na ‘yon! Nagpasya siyang huwag munang bumangon mula sa gothic canopy bed. Nasa guest room siya ng bahay-hacienda ng mga Monférrer. Hula niya ay hindi lang isa ang guest room sa Villa. Kanina nang dumating siya sa naturang Villa ay hindi niya maitago ang taos na paghanga sa eleganteng Villa na tila inspired sa Gothic Victorian style. It was so huge and ambitious from its panel glass arch windows, refinished main door and structures. Binawi ang katamtamang spooky impression niyon ng mga moderno at stylish na mga palamuti at luxurious furniture. A perfect example of a real royal place. Subalit hamak na mas malaki ang mansion nila sa Maynila, nga lang ay nakakabagot madalas ang ultramodern na tone niyon. Ilang magaan na katok sa pinto ang naging hudyat ng tuluyang pagbangon ni Anne. She threw a glimpse at the canopy bed one more time before she reached the static bronze door handle. Mukhang kailangan na niyang i-renovate ang bedroom niya sa mansion nila. And acquire a brand new and glamorous canopy bed like that one, of course. “Magandang hapon ho, Ma'am Anne.” Isang dalagitang na may makinis at morenang balat ang bumungad sa kanya. Kasing-dilim ng starless at moonless na gabi ang kulay ng mga mata nito, maging ang katamtamang haba na buhok nito. Naroon sa malinaw na mga mata ng dalagita ang labis na paghanga nang husto nitong masuri ang kanyang pisikal na anyo. She was used to that kind of glorifying stares, madalas galing sa mga lalaki. She was oozing with s*x appeal, usual compliment iyon galing sa mga tao. Ibang usapan nga lang pagdating sa attitude. Only true friends could stand her mean personality. Bilang lang sa daliri ang mga kaibigan niya. Few but real ones, and less hassle. “Yes, teenie?” She asked casually. Teenie short for teenager. Hindi niya nakita ang batang ito kanina nang siya ay dumating sa Villa. Nasa tobacco plantation ang Donya Coloma na base sa impormasyon na galing kay Sebio ay may nasa kalahating kilometro ang layo mula sa Villa kaya tanging ang mayordoma at isa pang kawaksi ang sumalubong sa kanya. They treated her extra nicely. Bago siya tumulak ng Santa Coloma kahapon ay nag-usap pa sila ni North sa telepono. Naipagbigay-alam na raw nito sa Donya ang pagdating niya sa hacienda. Minsan nang nabanggit ng Daddy ni North na kapwa raw noong suki ng mga beauty pageant at TV commercial ang kanyang yumaong ina at si Donya Coloma. Kaswal naman daw na magkaibigan ang dalawa. “Ah, totoo nga po pala ang sabi ng Nanang. Ubod nga po pala talaga kayo ng ganda. Artista kayo ‘no? Pamilyar ka po. Mukhang mataray nga lang ho kayo pero beautiful. Retokada ho ba kayo? ‘Di pa po kayo nagkaro’n ng pimples, ‘no?” Masaya na sana ang appreciation ng bagets sa angkin niyang ganda, siningit lang ang retokada. Pambihira! Ano kayang magandang iselyo sa bibig nito? ‘Yong designer shawl wrap niya o ang bunny cage ni Verguenza? Madrama niyang itinapat ang isang kamay sa kanyang dibdib. “Of course not. I'm authentic all over. I am not a product of science, this is all about my parents’ beautiful genes.” She was almost sneering. Wala nga naman siyang retoke pero na-offend pa rin siya ng very very slight. She have to admit how hard she worked just to look good, to maintain her gorgeous face even if she spent a lot of money for her derma treatments and procedures just to put her best face and skin forward. She didn't condemned herself to improve more and more. May pang-tustos naman siya. Pera nga lang ng Daddy niya. Ah basta! Natural ang ganda niya na may halong kunting kemikal. Period! “Wala ho akong masabi kundi sana all.” May bahid ng aliw ang tono ng dalagita. Pinilit niyang huwag patulan ang bata. Matagal na niyang nasungkit ang Professional Doctorate degree niya sa pagmamaldita, samantalang nasa Preschool level palang ang dalagita. “So, what do you want, teenie?” Cool na usisa niya. Maingat niyang inayos ang plunging neckline ng suot niyang slinky slip summer dress. “Anak ng Milagrosang Maria!” Nagtaka si Anne sa biglang bulalas ng dalagita. “Wala ho kayong suot na bra, Ma'am?” Pumailanlang ang finesse niyang tawa. “n****e pasties, darling. I occasionally wore bras. Nakakailang masyado. And anyway-horseplay, what's your sadya ba?” Kapagkuwa’y napakamot sa ulo ang dalagita nang marahil ay maalala ang orihinal nitong pakay. “Oo nga po pala, ipinapatawag ho pala kayo ni Donya Coloma. Kadarating lang ho ng Donya galing sa plantasyon, ibig ho kayong makita. Nasa sala grande po siya, Ma'am Anne.” “Sure. Tell Tita Coloma I'll make sunod na lang. Have to retouch first.” Tila balewalang wika ni Anne. “Sige ho. Bababa na ho ako.” She offered her a curt smiled and turned her back. “Perpekto ang tangos ng ilong niya. Retoke talaga ‘yon. Iisang doktor lang siguro ang gumawa sa kanila ni Janine Berdin. Ah ewan.” Nahagip pa ng kanyang pandinig ang simpleng pabulung-bulong ng dalagita. Iiling-iling niyang isinara ang pinto atsaka mabilisang nag-retouch. “I AM SO HAPPY to have you in our humble abode, sweetheart. Buong akala ko’y binibiro lang ako ni Niccolo hinggil sa iyong kagustuhan na magbakasyon dito sa hacienda.” The queen of the estate sounded truly grateful. Donya Coloma had this vivid aristocratic Spanish beauty. Madaling ipagpalagay na daan-daan ang naging manliligaw nito no’ng kabataan nito. No wonder na naging laman ito palagi ng mga beauty pageant noon. And gracious! Lakas makabata ang taste of fashion nitong modern cowgirl outfit. Nagmumukha itong treinta kaysa fifties. Maluwang niyang nginitian ang magandang Donya. “Your place is truly great, Tita.” Especially their Villa that would be a dream Royal house straight out of magazines, minus those bad teenagers who ruined her car’s brake lining and stole her gadgets. Isama pa ang supladong farmer na ‘yon! Hinatiran sila ng meryenda ng dalagitang umakyat sa silid niya kanina. “Nagpahanda ako ng espesyal na hapunan kay Elena na tiyak magugustuhan mo.” “Gosh! I'm already famished by the sound of it, Tita. Thank you very much.” “No’ng teenager pa ako, naalala kong nakapunta na rito sa hacienda si Mathilde,” that was her mother's name. “You are gorgeous as your late mother, hija. And you know what, siya talaga ang ultimate crush ng asawa ko noon.” Pinong tumawa ang Donya habang siya’y lubos na nasurpresa sa kuwento nito. “Really, Tita? So I thought Tito Nicholas was her ex-lover.” Ang Nicholas na tinutukoy niya ay ang Daddy ni North. “That was true, hija. Kaya ‘yon ang dahilan kaya hindi nakaporma si Matteo sa Mommy mo. And Mathilde and Nicholas didn't end up well. Nangibang-bansa kasi ang mommy mo dahil masyadong umusbong ang career niya sa showbiz at bumuhos ang ilang offer abroad. Nabalitaan na lamang namin na naikasal na siya sa father mo.” Hindi niya mapigilan na ma-overwhelm sa mga kuwento ni Donya Coloma. She missed her mom so much and hearing stories about her made her longing heart warmed a little. “Oh, anyway, Tita. I didn't see Tito Matteo around. Is he out of the country?” In actuality, hindi naman talaga niya personal na kilala ang asawa ng Donya. Nakalulan lang ang iilang basic information na alam niya sa mga kuwento ng Daddy ni North. “Oh, him? No, hija. Naroon siya sa karatig-bayan. Nangibang-bahay.” Muntikan na niyang maibuga ang iniinom na fresh orange juice. “Oh God! Tita, I'm sorry.” “No, don't be, darling. I'm not holding grudges against my husband.” Wika ng Donya na tila gusto pang matawa. “Naging masaya naman kami sa isa’t isa, it's just that we came to the point that we both fell out of love. We're okay, casually okay right now.” Napahanga siya ng husto ng Donya sa pagkakataong ‘yon. Itatanong pa sana niya kung nasaan ang unico hijo nito subalit naitikom na lamang niya ang bibig. “So, you and Niccolo?” Donya swiftly diverted their topic. “Nakakagulat ang kaalamang ikakasal na pala kayo. Biruin mo.” Mabini siyang ngumit at pagkuwa’y tumango. “Are you sure about him, darling? Palekiro ang batang ‘yon. Hindi man ako malimit lumuwas ng Maynila ay nakakarating pa rin sa amin dito ang mga kalokohan ng batang ‘yon at ng iba pang mga kaibigan nila. Huwag kang magpadalus-dalos, hija. Susubukan kung kausapin si Nicholas. Batid kong siya ang mastermind sa fixed marriage ninyo.” “No, Tita. I know North too well naman na po. And I'm comfortable with him.” Dalagita pa lamang siya ay may espesyal na siyang pagtingin kay North Niccolo Nicklaus. She liked Primus, too when she was young pero talagang tumagal ang pagkagusto niya kay North. Sapat na iyong dahilan upang seryosohin niya ang una’y biro ng Daddy ni North na ipagkasundo silang dalawa. “How old are you, anyway, hija?” “Turning twenty–six po, Tita, three months from now.” “That’s still a young age to get married for me. Don't be in a hurry, hija.” “Okay lang, Tita, I dreamt about getting annuled din naman po and remarried. My friend, Athena got divorced twice na nga po actually. And her third husband now is hot as hell.” She smiled brightly. “Kabataan talaga ngayon, oo.” Tila naeskandalo ang Donya sa huli niyang sinabi. May dumaang lungkot sa mga mata nito at palagay niya ay may na-trigger na hindi masayang alaala sa memorya nito. “Sa makalawa pa po pala makakasunod si North, Tita. May business trip pa po kasi siya.” “Gano’n ba? Bueno, susubukan kong humingi ng pabor sa anak ko nang personal ka niyang samahan mamasyal dito sa Santa Coloma. Oh, he's here...” Awtomatikong lumipad ang mga mata ni Anne sa gawi kung saan nakatingin ang Donya at gano’n na lamang ang paniningkit ng kanyang mga mata nang mapagsino iyon. “Hijo,” masayang sinalubong ng Donya ang lalaki. None other than the arrogant farmer! His emotionless toasty topaz eyes fixed on her. Hindi niya matiyak kung nagpapahiwatig ng pang-uuyam o galit ang talim ng titig nito. The nerve! “Come here. You have to meet Niccolo’s beautiful fiancée, anak.” Hindi niya napigilan ang pag-alsa ng inis sa kalooban niya. She stood up all too quickly and narrowed her eyes at him. “You arrogant farmer!” “Oh, seems like you two already met. Perfect, then. Huwag ka munang umalis, hijo. Dito ka na mag-dinner.” Subalit may napuna siyang bagay sa kaibuturan niya na pilit isinasantabi ang angking inis niya sa lalaki. Nabigyang-daan ang pambihirang pagkakataon na apresiyahin ang kaguwapuhan nito. He was beyond breathtaking! Naglandas ang mga mata ni Anne sa nakaigting nitong panga pababa sa dibdib nito. He was wearing zip-up sweater no more but a plain, fitted shirts. V-neck ang istilo niyon at hindi nakatakas sa mapanuring mga mata ng dalaga ang tila pilat sa ibabang parte ng neckline ng damit nito. But wait! He's Donya Coloma’s son? The only heir to the vast estate and billion wealth of Monférrers? Nightmare! “My horse is in bad shape, Ma.” Mababa ngunit may panganib sa himig nito. Napalunok si Anne nang matantong nakadirekta sa kanya ang tingin ng lalaki. Walang emosyon na hinagod nito ang revealing niyang suot na dress. “Change!” Paasik na dikta nito. Para sa kanya iyon. Samantalang si Donya Coloma ay hustong nalilito sa inaasal ng anak nito. Can't believe it! Hindi pa rin niya magawang paganahin ang utak at maniwala sa katotohanang iyon. Mahirap tanggapin na ang hinamak-hamak niyang tao kanina ay siya palang pinakaginagalang na may-ari ng Hacienda at ng malawak na rancho. The Matthieus Morris Monférrer, the aloof heir that the elite society wished to cope up with. “Hijo, she's North’s fiancée. Subukan mo namang pakitunguhan siya ng maayos.” “After what she did to my horse and with the garden?! I'm afraid not.” Mariing usal nito. “Elena, ipadala mo na lang kay Gimo ang hapunan ng babeng ‘to sa kuwadra!” Utos nito sa kusinera na kadarating lang. “Matthieus, sandali, hijo.” Walang silbi ang mga salita ng Donya. “Ikaw ang mag-aalaga sa kabayo ko buong magdamag. Hindi ka makakaalis sa hacienda na ‘to hangga’t hindi gumagaling ang kabayo ko at hanggang sa maibalik mo sa ayos ang inararo mong hardin. Everyone might treat you a princess but not me!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD