Agad na nililis paitaas ni Mihan ang T-shirt ni Thiago para tingnan ang sugat nito. “It’s nothing,” sabi ng binata. “Anong nothing, eh tumagas na nga ang dugo mo sa suot mo, o!” nakasimangot na punto niya. Sa tantiya niya ay hindi naman kailangan nito ng tahi kahit medyo mahaba. Hindi naman malalim iyon. Sa tingin niya ay nasugatan ito nang mapagulong-gulong sila sa dalisdis dahil sa may mga nakausling matulis na sanga ng mga halaman. Kahit siya ay may mga gasgas din sa braso at leeg. Noon lang din niya napansin ang mga ito nang maramdaman ang hapdi ng mga ito. “Let’s just get out of here. Don’t worry, I’ll live,” sabay ngiti nito sa kanya at kumindat pa. Hinila siya nito patungo sa mababaw na sapa. Palingon-lingon sila sa baboy-ramo na nakatingin sa kanila. Naglakad ito sa direksiyon