Chapter 9

6498 Words
Dangerous Woman Adjustment period pa sa buong linggo. Wala pang memo na pwede nang magpagawa ng kahit anong activity na mayroong merits. Kaya ang lahat ng nandito ay tanging commemoration pa lang sa pagdidiwang ng unang araw ng klase. Sa buong flashmob ata ay tulala lang ako. Hindi ko na nasundan ang mga sumunod na nangyari. Tumugtog pa sila ng isang kanta dahil na rin hiling ng mga junior high at ilang senior high na hindi nakalahok. Sa totoo lang, lumayo na ako kanina pa. Nasa isang puno lang ako at nakahilig doon, nakatiklop ang mga braso habang nakatulala lang sa tanawing iyon. "Welcome to Damgeen High School Musical!" sabay-sabay na sigaw ng mga kalahok at nag-instrumentals nang saglit bago muling tumindig sa kani-kanilang mga tayo. "Kaharayan Para Kamalayan! Halayin ang Haraya! Para Musikang Malaya!" I gasped when the students began chanting the band's advocacy in music. Tumuwid ako sa pagkakatayo. Dahil sa totoo lang, ito ang unang pagkakataon na nakasaksi ako ng ganito katatag na adbokasiya ng isang banda nang malapitan. By the looks of it, it looks like... Kaharayan is not just a band. But they are... something. Nagsitalon ang mga estudyante kalaunan nang ihudyat na ang tuluyang pagtatapos ng pagtatanghal. They shouted and raised their hands victoriously. Ang mga nanuod ay nagsipalakpakan na rin. Ang iba'y lumapit sa mga tumugtog para batiin. My eyes were darted at Dante who's now surrounded by many students. Bakas sa hitsura nito ang tuwa sa tagumpay ng kanilang grupo. Maraming lumalapit at pumupuri dahil sa ginawang palabas. The four other familiar guys, who I supposed were part of Kaharayan based on their recognition at the assembly earlier, hurried together and lifted Dante. The latter laughed and cursed them, especially when they threw him to the air and landed on the ground. Sa pag-aakalang lalagapak ang katawan sa semento, napatikhim ako. Ngunit mukhang inasahan na naman iyon kaya maayos na bumagsak pagkahagis. Namilog ang mga mata ko. "They're crazy!" I winced. Mas lalo silang dinumog ng mga tao. Dante went towards the bongo boy and backslapped him. They laughed at each other. He looked like a very friendly guy, almost the eye candy of the crowd. Para bang nais paluguran ng kahit nino. Kaya naman nang nagsimula nang marehistro ng isip ang buong pangyayari, napailing na lang ako. I don't know what to feel about this whole setup. What are the odds, Mich? You're being accommodated by the Maestro of the Year this whole time. Should I be honored or alarmed? Dapat ba akong mahiya at magpakumbaba dahil sa naging trato kanina? Marami pa silang kinamayang musikerong nakilahok sa kanila. He seemed like a gadabout, going erratic to greet and thank everyone who participated. I even heard someone initiated a party later and most of them agreed. So I think it was already a party. Ipinagkibit ko iyon ng balikat. Sa sobrang bagot ko siguro, naging pamilyar na rin ako kahit papaano kung sino-sino ang malalapit sa kanila. Kanina pa kasi ako dito sa malayo, nakuntento lang sa pagtanaw. At mayamaya pa, bumaling si Dante sa paligid na tila ba may hinahanap. Ayoko namang pangunahan pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa paraan niya ng pagsuyod sa mga tao. Nakalagpas na kasi sa iilang lipon, mukhang hindi pa rin nakikita ang kataguan. I don't want to assume but I think it has something to do with me. Tumikhim ako. Dahil doon, napagpasyahan kong umalis na sa may puno. Ngunit nahuli ata ako nang ilang segundo sa plano dahil bago pa man makaahon sa pagkakasandal, natanaw na ako nito at kinawayan. "Rookie!" May lumapit sa kanyang babae, babati ata sana. Ngunit sumenyas siya rito at palukso nang tumakbo sa direksiyon ko. I groaned my defeat. Imbes na magpatuloy, tumuwid na lang ako sa pagkakatayo at bagot na hinintay ang kanyang paglapit. "Nawala ka," he said more than asked. Inismiran ko siya, natantong iritasyon pala ang dapat kong maramdaman sa kanya. Hindi kadakilaan o kahihiyan, iritasyon dahil ramdam na ramdam kong naloko ako roon. "Silver, huh? Really?" I snarled. "Ayos ba?" bilib niyang tanong habang inaayos ang buhok na medyo basa pa dahil sa pawis. I showed him how disgusting his sweats were before shaking my head. "Hindi ko na napanuod ang sunod," pagsisinungaling ko. "Sayang. Para sa inyo 'yon. Sa mga bago. Welcome sa Damgeen, Michaela. Nakasanayan na kasi namin ang ganitong mga palabas tuwing unang araw." "Okay?" nagdududa ko nang anang. "Bakit ka nandito? Bumalik ka na ron." "Oo nga. Tara na," abot niya sa kamay ko. Napabalikwas ako sa gulat. "A-Anong tara na? Bitaw!" Nagsimula na siyang maglakad ngunit ayoko talagang magpatianod kaya para kaming nagta-tug of war sa gitna ng quadrangle! "Makihalubilo ka!" tawa pa nito. I gaped in disbelief. "Akala ko ba ay ilegal na nandito ako? Ano? Ilalaglag mo ako?" Hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy sa pagkaladkad sa akin hanggang sa nakalapit na lang kami sa iba pa. May isang sumipol. Napansin nang may kasama si Dante, o Duran kung tawagin nila. Napairap ako. "Ganda nyan, a? Sino 'yan?" "Pakilala mo naman ako, Duran!" Humalakhak si Dante at ang lintek, nagawa pa akong akbayan! "Bakit imbes na tuksuhin niyo sa akin, ha?" "E, sanay naman kami sayo! Laging may bagong kakilala!" Unti-unting dumami ang nakiusyoso sa amin, kuryoso sa pagkatao ng babaeng akbay ng sikat na kaibigan nila. "Anyway, here's Allen," tapik niya sa lalaking nakatalikod nang kaonti sa amin. Bumaling ito at nang nahinuha kung bakit siya tinapik ay kumaway siya sa akin. "Uy." "Michaela," pakilala ni Dante. Tumango na lang ako para ipakitang tama iyon. "Nice!" Nakipagkamay sa akin at bumalik din agad sa mga kausap. "Si Eli at Ezra naman," he pointed at the guys who looked like a cut from the same cloth. "Kambal." Hindi ko naiwasang matawa. "Alangan namang mag-ama?" His brow shot up. "May problema ka ba sa mga batang-ama?" Bigla akong kinutuban. "Wait... Are you one?" "Hindi. Nagtatanong lang," sabay tawa niya. "Anyway, 'yung kaninang gusto sanang makipagkilala sayo, si Miles 'yon, Michaela. So overall, we're called Kaharayan." Now that it all dawn on to me, I decided to satisfy my curiosity. Medyo nabigyan na rin naman kami ng espasyo ng mga kaibigan niya kaya siguro ayos nang magtanong. "Why Kaharayan?" He seemed surprised with my abrupt queries. Inalis na niya ang pagkakaakbay sa akin at tumingala, animo'y inaalala ang alamat ng kanilang pinagmulan. After a while, he looked down at me again as if the bulb has been litten. "Because why not?" tikhim niya. Napamura ako. Tinawanan niya ako dahil doon. "Sarap talaga pikunin nito," ani pa niya. "'De, bale kasi, Kaharayan. Bukod kasi sa mahahalay ang kasama ko, malawak pa ang imagination. Sa tagalog, haraya. Kaya Kaharayan." Sinamaan ko ng tingin dahil malakas ang kutob kong pinagtitripan na naman ako! "Hindi ka ba talaga nakinig kanina? Ayan tuloy," para bang dismayado niyang wika sa akin nang sumuko na sa pambibiro. Napailing ako. "Daming sinabi. Dapat sinabi mo na lang ang english ng haraya. Naintindihan ko na sana agad." "Rich kid, hindi alam ang haraya." I parted my lips to return his jest but I was dismissed when I noticed a group of people passing by. Bahagya ring natahimik ang iba. Si Dante, napabaling na rin sa tinatanaw ko. "Ang PRIMO." "Tutugtog na kaya sila?" "Buti hinayaan kayong sumapaw, Allen?" "Aakyat na ata sa stage ang PRIMO." Iilang bulungan pa ang narinig ko habang palihim na sinusundan ng tingin ang mga dumaan. Nakita ko ang grupo nila Rave sa gitna ng iba pang mga estudyante, siguro'y mga kaibigan at mga *roadie na pinagsama. He's carrying a gig bag on his back. May kanya-kanya ring dala ang mga kasama at hindi ko inaasahan nang nagtama ang mga mata namin. Napatikhim ako at umiwas, para bang mali na nandito ako sa kabila. His eyes were stoic. There's no vestige of humor on his face as he strutted their way towards the stage, as if he's disgusted and disappointed to the crowd he just passed by. Masyado talagang arogante. Sa kabila noon ay narinig ko ang pagtawa ni Dante. But he's laugh was different now. Para bang naangasan sa mga dumaan kaya muli akong napabaling sa kanya. "Mas makahulugan naman ang Kaharayan kaysa PRIMO. Surely, they just figured their initials make a good combination then poof! Band name." Natawa ako. "Bitter," paratang ko na lang at iniling na ang pangambang nararamdaman. "Paanong hindi, Michaela? E, hindi kami binigyan ng *set sa stage? Those selfish bastards." "They did that?" gulat kong tanong. Dante almost rolled his eyes in utter irritation. "Oo. Ewan ko na lang talaga kung pati sa flashmob ay ginulo pa kami." I suddenly felt so bad for them. For Kaharayan. Hindi pa man lubusang kilala ay alam kong hindi rin naman makatarungan ang ginawa ng grupo nila Rave. I know he's brutal and his attitude's a bit rotten. But I didn't expect that it could be that cruel. Nagpaalam na rin sina Dante. Aayusin pa raw nila ang mga ginamit at may kaonting salusalong hinanda. They were actually inviting me over but I declined. Hindi ko pa kasi ramdam na makihalubilo sa ngayon. I know I remember myself being a socialized girl, too. But in here, I couldn't imagine myself hanging out with the other kids. Kung puwede lang na umuwi ay agad ko nang ginawa kanina pa. Ngunit dahil mahigpit ang school sa in at out ng mga estudyante, kahit pa adjustment week, kinailangan kong pagtyagaan ang pamamalagi rito at maghintay hanggang sa oras ng totoong dismissal ng klase para sa araw na iyon. Nasa lanai ako, may kalayuan sa stage pero tanaw pa rin mula rito. Some of the groups were *staging and preparing the *backlines. Slowly, the *house was being packed, probably students ardent to witness the program. Meanwhile, I recited the class schedule mentally as I rested my head on the backrest of the bench I was sitting. Like any other ordinary schools, Damgeen has five school days every week from Monday to Friday. Three of them are for academic subjects and classes, while the other two days are for music lessons. MWF ang sa academic at TT para sa music. Tuesday for general music subjects whereas Thursday is reserved for specialization. Napangiwi ako nang naalala na naman ang nilagay ko sa application form. I shaded the solo category and strings section. Hindi ko sinama ang vocal. If there's something that I love the most in music, it is singing. And it's enough license for me to avoid it most right now. Bahagya kong ginulo ang buhok para gisingin ang sarili. Here you go again with your stubbornness, Michaela! Napalunok ako sabay tanaw sa stage. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal dito. Ngunit ngayon ko lang napansin na may tumutugtog na pala. Puno na rin ang mga upuan sa harap ng stage, maingay na sa bandang iyon at halos lahat ng tao, nasa parteng iyon ng quad. I scanned the vicinity around me and saw there's almost none in here. It's just me, living a loner life, making an outcast out of myself. I scoffed in disbelief. What a life! Parang kahapon lang ay pinalilibutan pa ako ng mga kaibigan. Ngayon, parang biglang hindi ako marunong makisama. I forgot how to interact and socialize like a butterfly lost in a pack of wolves. I sighed and rose from the bench. Bahagya kong pinagpagan ang pantalon at nagsimula nang maglakad. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako natutuksong manuod. Hindi naman kasi madaling talikdan ang isang bagay na nakasanayan na, lalo na kung kasama mo na ito sa araw-araw. Ngunit tuwing nababalikan ang halos labing-walong taon na pangungulila sa magulang at ang katotohanang mas pinili pa nila ang anak sa labas kaysa sa akin, ang tukso sa musika ay agad nasasapawan ng pagkamuhi sa nakaraan. It's true that most of the time, abomination is heavier than adoration. Humans are easily blinded when they're wounded. I smiled forlornly with that thought. I lifted my eyes to the stage that's nearing me as I stepped closer and noticed that the stage was dominated by the next band. Hindi na nakapagtataka kung bakit mas dinumog iyon ng mga tao at mas umingay. For a moment, I halted from my saunter and watched them. It's PRIMO now at the stage, that happened to be Rave Jackson's band. Hindi na nila kailangan pang mag-staging. Mabilis lang nilang nilagay ang mga *gear sa stage katulong ang mga rodie na kasama nila. Rave was *vamping with his electric guitar. Ganoon din ang ginagawa ng drummer sa likod at ng keyboardist. Sinusuot naman ng vocalist ang kanyang gitara habang nangingisi sa mga kumakaway sa kanila. I remembered that guy being the one with the most playful smirk that time at the mall. Akalain mo nga namang bokalista pa iyon? My eyes turned to see the guy who's seriously manipulating his gear on the side. Kahit mukhang wala sa sarili at tulala sa kawalan, tila may sariling buhay ang mga kamay sa pagmamanyiobra ng gitara. Bilib nga naman ako, o. Hindi pa man nasasaksihan ang tunay na kapasidad, having a natural ear for your instrument is already something. I'm just afraid I set my standard high for him already. But I'd rather set my highest standard for him ready tho. In that sense, there's no room for exceeding and amusing me anymore. So that in case, the only possibility there is for him is to either prove it or disappoint me. Napangisi ako sa sariling naiisip. Bago pa man sila tuluyang makapagsimula, nagpatuloy na ako sa paglalakad. I was thinking of going to the main building. Balita ko kasi ay may pa-wall of fame sila roon, featuring the prominent and most notable artists and persons in Damgeen. I got suddenly curious. Ayos na iyon. Wala naman sigurong mati-trigger na kung ano sa tukso ko kapag doon ako pansamantalang namalagi. Medyo malapit na ako sa mga tao nang nagsimula na ang pagtugtog na pinangunahan ng gitara. Pag-angat ng tingin doon, nakita kong seryosong-seryoso na ang isang Rave Jackson sa ginagawa. Therefore I conclude he's the lead guitarist.     "I got these fresh eyes, never seen you before like this. My God, you're beautiful." Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Tumaas nang bahagya ang kilay ko nang narinig ang kantang tutugtugin nila. To be honest, I anticipated them to play something darker or rough, a normal stereotyping for a rock band. But then I guess it's also part of it to begin their *set list. Light music for a startup. Not bad. "It's like the first time when we open the door Before we got used to usual." Marahas akong bumuga nang hangin nang napagtantong nadadala na naman ako sa bugso ng damdamin. Kumunot ang noo ko, abala pa rin sa pagsalag sa mga taong nadadaanan. Pagulo sila nang pagulo! I groaned. Inangat kong muli ang ulo sa kalagitnaan ng pagtawid sa dagat ng mga tao. I found the playful guy's breathy voice manly in a nice way. Napakamot na lang ako sa kilay nang nahuli na naman ang sariling nakakalimutan ang muhi sa musika. Nilipat ko na lang ang tingin sa mga inflatable air dancers sa gilid ng stage, pinipilit na iliko ang atensiyon. Huwag lang talaga sa mga bandang tumutugtog, Mich! Kaya mo 'yan! "It might seem superficial, stereotypical, man. You dress up just a little and I'm like, 'Oh, damn.'" Now that the crowd is becoming wilder, I couldn't care less. Natutulak ko na ang iilan na pahara-hara sa daan ko. Tutal at nagtutulakan na lang naman din, palagay ko naman hindi nila pepersonalin kung ako na ang tutulak sa kanila. Nga lang, may kalakasan nang kaonti. Heck, kunwari na lang hindi ko sinasadya. "So suddenly I'm in love with a stranger. I can't believe that she's mine." The heck? Muntik na akong matumba! Nilingon ko ang nadaanan kong grupo para alamin sana kung anong pinagkakaguluhan para masanggi ako nang ganon, dahil upang mapansin na nakatingin nga sa gawi namin iyong vocalist! "Dito nakatingin si Punk, bakla!" "s**t! Dito nga!" "Kaway ka naman, Punk!" Kitang-kita ang pagngisi noong lalaki sa banda namin. I don't want to assume, alright? I just want to ask... is he looking directly at... me? Para bang nakita ang nasa loob ng isip ko, marahan niyang tinango ang ulo at bahagyang tinuro ako habang kinakanta ang sunod na linya. "Now all I see is you with fresh eyes," he smirked between the pause. "Fresh eyes." Inulit na niya ang sumunod na linya nang nakapit na ang mga mata, animo'y ninanamnam ang sandaling iyon nang nakahawak ang parehong kamay sa mikropono at may pilyong ngisi sa mga labi bago bumaling nang saglit sa kabilang gilid. Hindi ko na iyon inintindi pa. What I should do right now is to plot my way out of this collision. "I told you! Sa akin nga nakatingin! Ahh!" "Anong sayo? Sa akin kasi narinig 'yung sinabi kong kumaway siya!" "E, hindi naman kumaway? Tumuro! At ako nga ang tinuro!" Tipikal na guni-guni ng mga tagahangang may malawak na imahinasyon. Napangiwi ako at inisip na lang na baka nga ay tulad ng iba, nagdedeliryo lang din ako. As I gone passed through the ocean of people, I was still able to hear the echoes from that gigantic stage. Bumuga ako ng malalim na hininga nang sa wakas, diretso na rin akong makakapaglakad. Hindi naman kalayuan iyon mula sa auditorium kaya nang nakalagpas na roon, agad ko ring nakita ang sinasabi nilang Wall of Fame. Nasa main building nga iyon pero hindi tulad ng tipikal na mga gusali, iba ang hugis ng hallway doon para bigyan ng espesyal na espasyo ang Wall of Fame. The building was spacious on the left corner where the octagonal prism wall is located. It was a floor to ceiling freestanding wall in blue and shimmering gold color palette. Ang pinakapader ay purong asul ang pintura, halos walang kapintasan at pinong-pino. Samantala, ang bawat frame ng mga litrato ng mga prominenteng tao at mga musikero ay kulay ginto, kumikinang pa! I was in awe as I examined the Wall of Fame with both hands holding each other behind me. Bahagya ko pang tinatango-tango ang ulo kada nadadaanang mga litrato. Sa baba ng mga iyon ay mga gold plate kung saan naka-engrave ang pangalan ng nasa imahe, posisyon o kontribusyon sa Damgeen, at iilang mahahalagang achievement kasama pa ang taon kung kailan sila namalagi sa eskuwela. Some of them were students of this school so probably, they're alumni. Mapa-banda man, duo, trio, solo, o isang lipon ng orchestra, mapa-chamber man o symphony! Kaya naman nang mapagawi sa isang gilid ng prism, halos maluwa ko na ang nginunguya kong chewing gum nang natanaw isang ang pamilyar na banda! "f**k! X3M Rhapsody?!" hindi ko makapaniwalang sigaw sa sarili. Para akong hinihingal kaka-check kung tama ba ang nakikita ko! Pero sino bang binibilog ko? Halata namang kamukha noong babae sa picture si Ate Tris! Katabi pa ang kapatid nitong si Kuya Craig at ang kambal na sina Kuya Troy at Kuya Froy! Sapo ko ang noo habang iiling-iling na pinagmamasdan ang frame nila doon. I can't belive that they're also a harvested fruit from Damgeen High School Musical! I'm a fan for Pete's sake! Matagal pa bago ako tuluyang nakalipat sa kabilang gilid ng Wall of Fame. Napadako na ako sa pinakamagarbong parte noon kung saan nakabalandra ang pinakamahahalagang tao sa likod ng pagtatatag ng eskuwelahan. The first face I recognized on the hierarchy was Maestro Rodel Madrigal's. At dahil kuryoso sa kanyang asawa na pinag-alayan niya ng paaralan ay agad akong tumigala sa pinakatuktok noon, dahilan upang matunghayan ko ang isang magandang ginang. Base sa kanyang hitsura, para bang napakabikas ng postura at galaw dahil sa hinhin ng matamis na ngiti sa litrato. Isang bagay na hindi ko maabot sa tanang-buhay ko. I've been always bold and gutsy with my demeanor without reservations and restrictions. I tried copying Emman's sophistication and propriety but I realized, gracefulness was really not meant for me. My sight dropped on the golden plate of her all capitalized full name. I extended my hand to its surface and grazed my fingers against it. "Damara Ginette Madrigal..." Umusbong ang nguso ko. No wonder where the weird name Damgeen has been coined and inspired, huh? Hindi na rin ako nagtagal sa establisyimento. Nang muling naalala sina Ate Tris, nailibot ko ang paningin sa paligid. Bukod kasi sa rebulto ng mga tanyag na classical artists, iyon pa lang ata ang sunod na nagpaligaya sa akin sa lugar na ito. It feels damn good walking on the same ground that your idols walked on to before, right? Pakiramdam ko tuloy ay pareho na talaga kami ng mundong ginagalawan. Natawa ako nang bahagya. I was enjoying my reverie that moment. But not until when my vision went dark when it was blocked by a cloth. I panicked in a fraction. Especially that my hands were settled behind with the sound of the click of handcuffs locked on them. My heart raced so fast with that abrupt incident. Nang akmang ibubuka ko pa lang ang bibig para sumigaw sa gitna ng pagpupumiglas, agad din iyong natabunan ng panyo! They f*****g covered my mouth as well! Am I being kidnapped? What bullshit is this?! As much as I wanted to shout and ask for help, I was unable to do so with my mouth being covered by a tight cloth and my body being dragged to somewhere! Patuloy pa rin ako sa pagpupumiglas nang narinig ang tawanan sa paligid ko. "Chill ka lang, rookie. Hindi ka masasaktan kung tahimik kang susunod sa amin." "'Wag mo nang subukan pa. Hindi ka makakawala. At kung makakawala ka man, mahahanap at mahahanap ka rin namin." The chills went down to my bone marrow. I pulled my brows into a crease. The voices around me weren't familiar. But my guts say that they're just students as well based on their voices. Kahit papaano ay humupa ang paghuhuramentado ng sistema sa kaalamang iyon. Pinilit kong huminahon, takot na tuluyang maubos ang enerhiya sa oras na makarating na sa lugar na pagdadalhan sa akin. I might need my energy for what's waiting for me in just a few moments of walk. I should contain all that. "Dito na tayo. Upo ka, huwag gagalaw," a guy's voice ordered as he pushed me downwards to the ground after a while. I groaned and jerked his hand off my waist. That's all I could do right now. Tinawanan lang ako ng mga nakakita noon at batid kong lumayo na nang kaonti ang bastos na lalaki. Sa pag-aakalang tatanggalin na nila agad kahit ang piring lang sa mga mata ko kapag nakarating na rito, hindi ganoon ang nangyari. As if we're waiting for the complete set of victims, I heard another series of laughters and teasing not so far away from here. Mukhang hindi lang ako nag-iisa sa k********g na ito dahil hindi nagtagal, mayroon pang bagong dating na bakas ng mga paa. Sa kabilang bahagi naman iyon! Damn it! Marami kami? "Kompleto na ba ang batch na 'to?" tanong ng isang babae. "Mukhang kompleto na. Nasa kabila na 'yung iba, e. Fifteen na 'to." "Sige. Hintayin lang natin si Bridge." "Nasaan na ba?" "Papunta na rito. Alam mo namang sumalang pa, e." "Peste talaga." "Huwag na kayong umangal! Parang hindi niyo 'to napagdaanan, a?" "Haha! Ayaw niyo bang gumanti?" "Ewan ko sa inyo!" Iyon ang pinagkaabalahan ko habang naghihintay sa tunay na mangyayari. Kung ano man itong pakulo na ito, masasabi kong puro kalokohan lang ang nasa utak ng mga taga-Damgeen! Ang daming paandar! Nakakaurat! "Teka, bakit black 'to?" Narinig ko ang unti-unting paglapit ng mga hakbang sa akin. "Senior high? Hoy! Bakit kayo dumakip ng senior high?! Sino 'to?" I think, that's me. Wala agad nagsalita. Saka lang may nakasagot noon nang mukhang may tumigil sa tabi ko. "Iyon na nga ang tanong, e. Sino 'to?" replied the familiar voice of the man who held my waist earlier. Nag-igting ang panga ko nang naalala ang saglit pang haplos niya sa akin kanina. "Nagpapatawa ka ba? Kayo ang kumuha dito, a?" Napalunok ako, hindi dahil kabado kundi dahil palagay ko, alam ko na naman kung saan patungo ang usaping iyon. The same old song. It's about me being illegal here. "Iyan 'yong kasamang babae ni Duran kanina. Nakakapagtaka na hindi kilala ng marami gayong Grade 12 na." "Huh? Sigurado kayong hindi taga-rito 'yan dati? Hindi na tumatanggap ang DHSM ng mga transferee, a? Hanggang Grade 8 lang pwede 'yon." "Exactly. Sa tinatagal-tagal natin dito, bago sa akin ang mukha nyan. With that look, imposibleng hindi iyan makikilala rito." Kung wala siguro ang piring sa mga mata at bibig, siguro kanina pa luwa ang mga mata ko at laglag na ang panga sa mga naririnig galing sa mga taong nakapalibot sa akin. Huh! So that's the reason behind those curious and intrigued eyes lent for me, huh? That epiphany made me wanna laugh hard! Who would've thought that all this time, my question will then be answered in this kind of situation? Gusto ko talagang matawa. Anong kalokohan ba ang nagawa mo sa nakaraan, Michaela, at pinarurusahan ka ng mapaglarong tadhana ngayon? Pagkatapos ng chismisang iyon, hindi rin nagtagal nang umingay na sa kabilang banda namin. Doon ko nahinuhang dumating na ang panauhing pinakahihintay ng lahat. "Everything settled?" isang malamyos na tinig ng babae ang ikinatahimik ng lahat. "Oo, Bridgette. Senyas mo na lang ang hinihintay." Rinig ko ang pagtikhim nito, mukhang sa tapat ko pa ata patungo ang mga yabag ng bagong dating na grupo. "K. Remove the blindfolds first. Saka na ang posas," the girl commanded. Dalawang pares ng kamay ang sumuporta sa aking pagtayo bago tuluyang kalasin ang panyo sa mata ko. The blinding phospenes urged my lids to shutdown. I let my own eyes adjust to the brightness of the surroundings and when they already did, I was greeted by a familiar demure looking girl. It's the Genius daughter of Madrigals. Abala pa ang ibang mga biktima sa pagtanaw sa paligid nang nagtama ang mga mata namin noong babae. Her on fleek brow shot up when she noticed me. Her eyes automatically lowered down on my wrist and after that, a simper was drawn on her lips. Muli niyang binalik sa akin ang tingin, mukhang napukaw ko na ang buong atensiyon. "Who are you?" she asked. Ramdam kong napunta na rin sa amin ang atensiyon ng iba. Ngunit kahit na ganoon ang tensiyon, hindi iyon naging balakid sa akin para bitawan ang prinsipyo. "I don't answer questions from strangers," I said with the same grip. Her jaw almost dropped but eventually, she laughed without humor. Nilingon niya pa ang tatlo babaeng kasama niya sa likod at dinuro-duro ako, animo'y bilib sa akin. "This girl has the audacity to talk back to a Madrigal. Should we ask her to join the band? We need her guts!" she chuckled sarcastically before turning to me again. Pagkaharap, awtomatikong nawala ang kurba sa mga labi at nag-tangis ang panga, unti-unti nang umuusbong ang tunay na iritasyon. "Do you know me?" she expelled unbelievingly. "Of course you do! Then, Miss, I'm not a strange-" "I won't call you a stranger if you're not one," I cut her off with the same intensity. Tuluyan ko na atang nakamit ang kasukdulan ng babaeng bulastog sa harap ko nang namula na ang mestisang balat. Sige, Mich. Tigasan mo pa at ipahamak mo pa ang sarili mo. "Kayo! Unahin niyo ang hambog na babaeng ito!" utos niya sa mga estudyanteng nasa tabi, lahat ay itim ang plarameter. Sinilip ko ang mga estudyanteng kasama ko rin at nakitang lahat iyon ay panay junior high. Ako lang ang may itim na plarameter sa amin. Muli kong naalala ang sagot sa misteryong iyon. Totoo bang nakapasok ako rito nang lumalabag sa patakaran? How did it happen? I know Maddison is living a pretty prosperous life. So I think it's the money? But the downside of it if that's the case is... kung madali lang palang makapasok ang mga gustong makapag-aral dito kahit labag sa patakaran basta't may malaking halaga ng pera, kung nagawa ng mga Maddison, hindi imposibleng hindi rin magawa ng iba pa? Given the fact that there's plenty of wealthier families than us! Damgeen is a very prestigious and credible music school that, based on the data I've gathered, every aspiring artist and musician would die for! Kung pera lang ang usapan, walang kahirap-hirap na makakapasok ang mayayamang kabataan kahit pa Grade 9 pataas! Ngunit taliwas doon ang reaksiyon ng mga tao sa paligid ko. Basing on their opinions and reactions about me, it was as if I committed the most unjust sin in this school! Dahil hindi iyon pangkaraniwang isyu! Kung totoo nga't hanggang Grade 8 lang tumatanggap ng transfer students ang Damgeen, don't tell me no one has ever tried before to enter this school first time in their ninth grade or above... other than me? Is this some kind of joke or something? Dahil sa naging utos ng babaeng nagpupuyos na sa galit, agad akong pinalibutan ng iba pang senior high. Hinila na rin nila ang iba pang nadukot at lahat sila'y binilugan ako. My forehead creased. "What's this?" Tinawa ko pa ang kalokohan nila na mukhang lubos nilang ikinagalit. "Are you making fun of our tradition, rookie?" a man asked hilariously, stressing the last word to insult me. With the help of his voice, I then concluded that he's the guy who held my waist earlier. I glared at him deadly. Kahit sa totoo lang, kahit papaano'y ginagapangan na rin ng kaba tungkol sa gagawin nila sa akin. Bigla akong napaisip. Since they said they've been through this before as well and they're still alive right now, I suppose it's nothing fatal, right? Iyon ang pinanghawakan ko nang tuluyan nang pumasok sa binuo nilang bilog iyong prinsesa kuno ng Madrigal. She gritted her teeth. But because of their so-called tradition, she seemed to hold back her grudges towards me to proceed with the rites she's about to declare instead. "As we begin our conventional *fanfare rites for this school year... Superstars, hail to the rookie before me and let yourselves be heard!" "Hail to the rookie! Show mosh go on! Show It?!" they shouted in chorus as they stomped their feet twice. "Or Mosh Pit?!" then stomped again. Muntik na akong matawa sa bulok nilang pun. Show mosh go on? What the heck is that? Just like a heard prayer, the Madrigal princess walked closer to me and crossed her arms against her healthy chest. Fine, I give her that. "Pili ka na, hambog. Show it or mosh pit?" singhal niya sa akin. Gusto ko sanang itanong kung anong ibig sabihin ng paandar na iyon. Ngunit base sa titig niya sa akin at sa hitsura ng mga taong mukhang mangangain na nang buhay, ipinagpaliban ko na iyon at sinarili. I know what *mosh pit means. You mean, just like what I experienced a while ago? The hyper collision of people near the stage while jumping and dancing? Pero hindi ba at sa concert lang iyon? Mosh pit may be fun but it has a dangerous image for me. Ngunit sa kabila noon, hindi rin maganda ang pakiramdam ko sa show it. I think they'd force me to perform and show what I got if I'd choose that. So I think- "Show it, guys! She said show it!" the f*****g princess declared as she raised her hand and the crowd gone wild right away! "What the? I didn't even say anything!" I snorted in defense! Damn it! Hindi niya iyon pinansin. Nginisian niya lang ako at pairap na iniwan sa gitna ng bilog. I roamed my eyes around the people. Isang malaking babae ang niluwa ng mga tao at humarap sa akin. She seemed like a big fat lady in an orchestra. With a very high vocal range and stereotypical air. "Tell me your section, roo-" "No! Let's begin!" si Madrigal princess na mukhang atat na. Taka itong binalingan ng malaking babae. "Bridge, we still have to-" "Emotions, Dangerous Woman, All By Myself?" putol nito sa babaeng kaharap ko sabay palit ng puwesto roon, sa akin nakatitig. "Choose," she smirked. Napakurap-kurap ako. In just a blink of an eye, I was able to determine the common denominator of those songs. Those are hard to sing music with very high notes. If my intuition is correct, is she challenging me to have a battle of vocals with her? "Dangerous Woman," tipid kong sagot. Kung ano ang dahilan sa pagpili ko noon? Well, because the girl in front of me is one. Nothing special. Hindi ko rin naman paluluguran ang mga ito. Wala akong balak na magseryoso. She looked like she loved the song that I picked. With my anticipation, I waited for her to start it but she just clapped her hands and called for someone else instead. "Ester and Fribella!" Mula sa likuran ay lumapit ang dalawang babaeng kasa-kasama niya kanina. My lips slightly parted in confusion. I thought she's going to have this battle with me? I pressed my lips in dismay. Where's the fun here?! Humakbang pa siya nang isang beses paatras ngunit bakas pa rin ang mayabang na ngisi sa mga labi. Halos irolyo ko ang mga mata. Akala mo kung sinong mayabang! Ang tunay na mayabang para sa akin, iyong ipapakita ang yabang sa harapan ko mismo! "In this category, you have to beat these girls' notes by hitting a higher note without cracking and straining yourself. If successfully done, then you'll pass the fanfare rites. But if not, you'll receive our own kind of mosh pit," naghahamong paliwanag niya. I gritted my teeth firmly. Our audience looked tensed around us. Ganoon din ang dalawang babaeng kaharap na mukhang nag-aalinlangan pa, nagtitinginan at para bang may nais i-raise na tanong sa babae. Ngunit sa huli, sumang-ayon na lang din at nagsimula na. Now I started to think twice about my plan. Do I have to be serious about this already or...  should I stick with my plan? To just play and fool around? Nanahimik ang paligid nang nagsalitan na ng verse ang dalawang babae. Tama nga ang naging hula ko. Talagang paaabutin pa nila sa pinakamataas na bahagi bago ako pakakantahin. They're setting the standard each passing stanza. Pataas iyon nang pataas. And based on the instructions, I have to beat their range in a higher note... without cracking and straining my voice. Napapikit ako sa naiisip. Nagpatuloy ang dalawang babae hanggang sa nakarating na sa bridge. At tingin ko, alam ko na ang gusto nilang gawin ko pagkatapos.      "All girls wanna be like that. Bad girls underneath like that. You know how I'm feeling inside."     I was dumbfounded how these two girls did their *improvisation after that high notes. At mas lalong hindi ko inaasahan ang susunod nilang gagawin. My eyes widened. Are they telling me to hit higher than that?! "Somethin' 'bout you! Feel like a dangerous woman!" the girl on the right just nailed the notes like a real Ariana G! "Somethin' bout, somethin' 'bout you!" Whereas the girl on the left even dared to beat that! What the? My heart drummed very fast and I think it was already in my throat. "Somethin' 'bout, somethin' 'bout you!" the girl on the right continued in a higher range that she has to kneel down just to exert that much pressure! And when she stood and they're fingers were pointed at me, I'm positive I was palpitating! Pressured, I still managed to think straightly and proceed with my plan. I took a deep breath, all eyes on me, as I exhaled the oxygen I have in me. "Feel like a..." Lowly and totally ruining the momentum, I sang throatily and stopped. Nilagay ko pa ang kamao sa harap ng bibig para kunwari umuubo. "Dangerous..." I took a deep breath again stupidly. Them faces started to furrow. "Woman!" I shouted like how Darna shouted her name after swallowing her stone. Tinaas ko pa ang kamay at may lakas pa ng loob na tumawa. In the middle of my little bubble of laughters, I looked around and caught them looking haywire at me. Napailing na lang ako sabay baling sa babaeng Bridgette ata ang pangalan. "Y-You!" She pointed at me, eyes piercing through. Hindi ako nagsalita. She looked hesitant with what she's about to say, probably confused with the root of her wrath. If it was because I failed... or because it's obvious I only fooled around their so-called rites. But either way, nothing can stop her from reprimanding and condemning me. Or so I thought. "You lose! Superstars, prepare for the mosh pit!" she ordered angrily. Nag-aalinlangan man, unti-unti na ring bumwelo ang mga estudyante para sa kung anong binabalak nilang gawin sa akin. I suddenly had the urge to brace myself. Ambang lulusob na sila tungo sa akin nang sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang lalaking bumagsak galing sa puno na nasa gilid namin! Nagsitilian sa gulat ang iilan. But on top of that, they're more surprised when they recognized the guy who purposely jumped from the tree! Rave Jackson walked with a proud gait near us after removing some debris on his shirt. Animo'y kamahalan na dadaan sa paraan ng paghawi ng mga tao para bigyan ito ng daan. Napatikhim ako. Base sa mga reaksiyon ng tao ay mukhang hindi rin inaasahan ang pagdating nito. Rave halted in front of Bridgette and the latter immediately jolted. "Babe!" she squealed merrily but a quiver was traced on her throat. My eyes narrowed. "What's this?" supladong tanong ng bagong dating. His eyes darted at me. Akala ko ay kaya kong suklian iyon ngunit nang hindi natagalan, umiwas din ako kalaunan. Babe, huh? What a good combination there is. "I-Initiation. You know, the traditional fanfare rites!" "She chose mosh pit," he guessed more than asked. Hindi nakapagsalita ang naduwag na kausap. Bumaling si Rave sa dalawang babaeng kalaban ko kanina kaya agad silang nagsiilingan. "S-Show it, Rave. But she... lost. So there's a... uh... most pit," singhap ng isa. Kumunot ang noo nito at hindi makapaniwalang humarap sa akin. Halos mapangisi ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Bakit, Rave? Do I look like someone who's never been defeated and always been a champion to you? "Bakit? Ano bang section ang sinabi mo?" He craned his neck to follow my vision. Now he's talking to me. I was slightly taken aback since I didn't expect him to interact with me today. Heck. The way he glanced at me earlier when they past us by, he looked distant and very disgusted. Napatikhim ako. Umiling nang dahan-dahan. "Wala..." "Wala?" he repeated, as if he couldn't believe it. "You compete against Ester and Fribella so surely, you sang. It's vocals." My face furrowed. "Uh... yeah?" He looked at me in disbelief. "What's your section anyway?" "Strings." Natahimik ang paligid. Napailing si Rave at dismayadong tinanaw ang babaeng nanginginig na ata sa kanyang tabi. He looked like he'd do a homily. But before he could even utter a word, Bridgette shook her head in defense and pointed at me. "Rave! Look at her!" she then abruptly grabbed my wrist. "She's a senior but rookie! She's a hoax! She's illegal!" I balled my fist and took my hand back. Rave snorted, disliking the way she talked to him. "That's why you went overboard?" "W-What do you mean?" "Who are you to modify the rules of fanfare rites for your own selfish interest? So what if you're the President's daughter? This is a sacred tradition for heaven's sake, Bridgette," mariin ngunit kalmado pa ring sabi ni Rave. Dahil doon ay napahiyang yumuko si Bridgette at hindi na nakapagsalita pa. Rave sighed harshly and before I could even notice, he reached for my arm and pulled me to him. Rinig ko ang munting pagsinghap ng mga tao sa paligid. Kasama na roon ang babaeng kausap niya na tingin ko'y girlfriend pa ata. Dapat akong magpumiglas ngunit hindi ko na nagawa. "Two wrongs don't make right," he lectured to her before shifting from his weight. "Where's Bria?" Napatutop ang kausap nang dahil sa huling tanong nito. "I-I don't know. I don't care," she replied bitterly. Isang mariin na titig ang ginawad ni Rave sa kanya bago ako hilahin paalis doon. Ang mga nakaharang estudyante ay mabilis na nagbigay-daan sa amin. Napabuntong-hininga ako at nagpatianod na lang. For some reasons, I lost count of the banters I did for this day and thus felt exhausted. "Rave! Where are you going? Bakit kasama mo ang babaeng 'yan?!" si Bridgette. Rave halted from our steps before glancing at her over his shoulder. He licked his lips and sighed. "We're going home," he declared with finality and dragged me again. • • • • • • • • • • • •          ɴᴏᴡ ᴘʟᴀʏɪɴɢ: Andy Grammer - Fresh Eyes Ariana Grande - Dangerous Woman  ──────|─────────── |◁ || ▷| ∞ ↺ April 17, 2020
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD