Happy Together
"Being able to enter Damgeen on your last year level is enough to make you one," Dante answered quizzically.
My face furrowed. "How?"
Dante bit his lower lip, suppressing his bulging grin before shaking his head in disbelief.
"That's illegal... So, a piece of advice, Miss Michaela," he shrugged sluggishly. "Prepare yourself once the other kids know about it."
"Uh... thanks for the advice?" nanggagago kong tugon.
Suddenly, he chuckled. "Very well said."
I don't know if I should be offended or what. But after a short while, I only directed my eyes back to the stage again. Buti na lang ay bahagyang nalayo ang paksa dahil sa isang estudyanteng nagtanong, kaya naman kahit papaano, wala akong na-miss na mahalagang impormasyon.
"Okay, back to the second to the last category, Rendition. It's not literally what you perceive about rendition in music, but it is more on your creativeness in interpreting yourself, your music, and your style for this year. And lastly, Application..."
The principal intentionally paused and for some reasons.... it gave me a fraction of goosebumps.
Napatikhim ako. Muli nang bumalik sa gitna ang punong-guro, doon sa podium.
"Napansin ko ngayon sa sintang paaralan natin, na ang huling parteng ito ang pinakahindi pinaglalaanan ng pansin ng mga estudyante. Application of music in your life is what we wanted you to realize in this area. You may not appreciate this last category because you think, it's just a waste of time exerting effort for every two merit points... out of four hundred, five hundred, or more. But personally, I still hope that some of you could start considering this one as the most essential part of our life as musicians, aside from just possessing great talents and skills. Application of music in our lives represents our purpose as musicians in this lifetime."
Unti-unti, pumalakpak ang lalaking nasa tabi ko. Namilog ang mga mata ko.
Dahil nangibabaw ang lakas ng palakpak niya sa nananahimik na paligid, halos mabali na ang leeg ng mga estudyanteng napapalingon na sa gawi namin.
Damn, just imagine a placid auditorium, fully packed of audience, with just a single pair of hands clapping!
Heat immediately flooded my cheeks. Heck, good thing that other students began clapping their hands, too! Kaya sa huli, namayani na ang palakpakan sa buong bulwagan.
Nginisian ako ni Dante. Pumalakpak na lang din ako kahit kulang na lang ay ipasok ko na ang ulo sa loob ng kuwelyo para lang itago ang hiya roon. Damn this man!
"Here," ani Dante sa kalagitnaan pa ng orientation.
I startled in surprise when suddenly, he reached for my right arm.
Noong una, hindi ko pa alam ang pakulo ng estrangherong kanina ko lang nakilala. Ngunit nang tinapik niya ang screen ng plarameter at umilaw iyon, natanto kong tinuturuan niya ako kung paano iyon gamitin.
"Tap it twice with your two fingers. Ikaw ang bahala kung anong kombinasyon ng daliri. Kung thumb and pinky finger, index and ring, thumb and ring. Pero commonly kasi ay index at pakyu."
Nasamid ako. The next thing I knew, I was laughing so hard that the other students in front of us shhh-ed us angrily!
"W-What the f**k?!" Baon ko pa rin ang munting tawa habang hinahampas siya sa braso.
Sinasalagan niya naman iyon at bahagya na ring natawa.
"Bakit ba?" Pilit niyang magmukhang suplado pero tumatawa naman.
Napailing na lang ako, pinapakalma na ang pagkatao. Buwiset!
"Ganoon 'yan bubukas," balik niya sa pinag-uusapan namin habang hawak pa rin ang palapulsuhan ko. "If ever you want to use this as your watch, too, puwede rin. Just swipe it to the left with your two fingers then viola! Digital watch, zer."
He demonstrated it and presented it with his hand as it worked. Umusbong ang nguso ko at tumango-tango.
"It's waterproof, shockproof, and bulletproof," he added.
Hindi ko alam kung nagpapatawa siya pero natawa ako. Mukha siyang seryoso at tunog-seryoso ngunit palabiro ang ginagamit na mga salita kaya hindi ko napipigilan ang tawa.
Sa kanya na lang din ako nakinig nang ipaliwanag niya sa akin ang pinaka-function ng plarameter. It is a tool to measure our quota or merit points. Required quota for juniors is 400 points. While for seniors, it's 500.
Tuwing may activity o graded event ay madadagdagan ang points. Magfa-flash iyon sa screen ng plarameter at magvi-vibrate iyon kapag nadagdagan ang puntos mo depende sa naging papel mo sa activity.
According to him, some of the contests are allocating big points for the winners and runner-ups. Iyon minsan ang nagsisilbing premyo bukod pa sa tropeyo, certificate, plaque, o minsan pa'y cash prize.
Ganoon din daw sa loob ng klase. Mas mataas ang puntos kapag naging aktibo sa discussion. Iba pa ang overall summary of grades na makikita sa official student card.
Kapag hindi nakaabot sa minimum required quota, it's either you failed completely, or you're given a chance and you're called a wildcard. Or in layman's term, irregular. Depende pa sa magiging verdict ng management.
"May tinatawag na MOTY, GOTY, at VOTY," si Dante nang bitawan na ang aking palapulsuhan.
The latter sounds familiar. Hindi ko lang masiguro kung saan narinig dati.
"Superstars are the ordinary student body. Seniors are black. Juniors are blue. Required 500 for the former. Required 400 for the latter." Bahagya siyang umayos sa upo at humarap sa akin nang konti.
"But if you wish to be more than just an ordinary rookie, might as well achieve 600 merits to be called as Genius. 700 as Maestro. And 800 as Virtuoso."
Hindi ako nagsalita. This man can talk without my cooperation. He naturally has it in him. Idagdag pa na masyado niyang sineryoso ang pag-o-orient sa akin.
"But the first individual or group to attain 800 points will be crowned as the *Virtuoso of the Year or VOTY. The second highest as the *Maestro of the Year. Then the third will then be the *Genius of the Year."
My lips parted. Dante continued as he shifted his weight on the seat. Tinanaw niya ang entablado kaya ganoon na rin ang ginawa ko.
I noticed that a group of students was now called on the stage for whatever reason I missed for being immersed with our own discussion here.
"Once you become the GOTY, you'll be wearing the purple plarameter. Silver for MOTY. And gold plarameter for VOTY. Kung soloist ka, ikaw lang ang may naiibang kulay sa Damgeen. Ngunit kung grupo naman kayo, kayo lang ang may ganoong kulay. Pero hindi porque Genius, Maestro, o Virtuoso ka na dahil naabot mo ang quota, special ka na. No, marami ang nakakaabot sa ganoong punto. Kaya naman ang exclusive plarameters ay para lang sa Top 3."
I licked my lips and nodded. Dahil nakadirekta na ang mga mata na natatakpan ng shades ni Dante sa stage, tinutok ko na rin doon ang atensiyon.
He turned unusually silent after that. Naging taimtim sa pinapanuod na ganap sa baba.
I narrowed my eyes to look closely. I saw eight students falling in a horizontal line in the middle of the stage. Lahat ng mga estudyanteng nasa audience ay nakatuon din ang buong atensiyon doon, animo'y manghang-mangha sa mga taong nakapresinta sa harapan.
Binigyan sila ng tig-iisang folder, kasabay ng pagtaas nila ng kanang kamay, para bang may gagawing panata.
"Hindi mo narinig?" biglang tanong sa akin muli ni Dante.
Umiling ako. "Hindi. Ang daldal mo, e."
Bahagya siyang humalakhak, nasa harapan pa rin ang mga mata. "Last semester, sila ang nahalal na *SOLMA para sa taong ito. Supreme Organization of Leaders in Music and Academe."
I snorted. "Ang haba masyado."
Nagkibit-balikat siya. "Hence the SOLMA."
"Okay," I just said dismissively.
That being said, I concluded they're having their oath-taking right now. Hindi rin nagtagal, nagpalakpakan ang mga tao. Sabay-sabay na yumuko at tumabi na rin sa gilid.
Muling sumampa ang principal sa podium. Saka ko lang napansin ang isa pang babae sa gilid na hagdan, nakapila rin, animo'y naghihintay ng hudyat na tawagin.
"Thank you, SOLMA. I expect you to lead and to direct the student body to your platform in harmony." Bahagya siyang ngumiti sa walong estudyanteng nasa kanyang likuran. "And finally, let's give a round of applause to the previous Genius of the Year, Bridgette Madrigal!" anunsiyo ng pangunahin.
Nagpalakpakan ang lahat.
The girl has a long straight black hair. Her body looked more matured for a high school student with curves on their right places. Hmm. She's tall. Hindi ko nga lang alam kung sino ang mas matangkad sa amin.
She walked with a proud gait towards the middle of the stage, waving her hands to the audience, obviously enjoying the spotlight.
I spotted the purple plarameter on her right wrist, proving that she really was the GOTY. Napangiwi ako.
Now tell me, is that what you call modesty? I mean, I don't wanna judge her. Fine. I'll just give her the benefit of the doubt.
"Hey," si Dante ulit.
Kunot-noo ko siyang binalingan. Ngunit katulad pa rin kanina, sa harapan pa rin nakatutok ang mga mata.
"What?" medyo iritado ko nang tanong na inignora niya lang.
"Anong napansin mo sa pangalan, rookie?"
"What..." Hindi ko na natuloy ang pagbuga ko ng apoy nang may napagtanto nga. "Bridgette Madrigal..."
Nanliit ang mga mata ko habang inaalala ang apelyido. Mayamaya, agad na nanlaki ang mga mata ko nang may nahinuha.
"Anak ng principal at Damgeen President?" gulat kong pagkumpirma.
He nodded lightly, smirk was sported on his lips.
"Bingo."
Dahil tuloy doon ay mas naging tutok ang titig ko sa babae na ngayon ay kasalukuyang tinatanggap ang bulaklak at plaque sa entablado.
The thropy and crown for being the Genius of the Year were received last semester. Ngayon ay mukhang recognition na lang. Gusto kong mapairap. Halata namang gustong-gusto noong babae ang nangyayari. Pakiramdam ko, mayabang. Typical spoiled brat. Rich kid na iPhone ang gamit at dating may braces kaya pantay na pantay ang ngipin.
Dismayado ako sa sariling naiisip. Where's the benefit of the doubt you're talking about, Mich?
Katulad ng SOLMA, tumabi ito sa kanila, bahagya pang nakikipagkamay sa kanila bago muling kumaway sa madla na akala mo'y kampyon ng Binibining Pilipinas.
On my peripheral vision, I saw that the guy on my right pressed his lower lip before fluttering his index finger to the stage, as if he just remembered something that's essential to my knowledge so he must blurt it out.
"Hey, listen. She's part of an all-female pop acapella band. But she's the only one recognized as GOTY. Bridge preferred to be independent every milestone and achievement. That being said, what are your thoughts for that matter?" bulong ni Dante na ikinabahala ko kalaunan.
Suminghap ako, ilang sa binabalak na sagot.
"She's just like... me."
Tuluyan nang napabaling sa akin si Dante. "Hmm?"
Umiling ako para agad na itama ang ideyang naiisip niya. "I want to be independent. But... taking all the credits to herself is what makes her a bitch."
Dante chuckled amusingly. "Sure."
Bumalik na siya sa kanyang puwesto. Panibagong grupo ang namataan ko sa gilid ng entablado. Unlike the first one, they're composed of four guys, wearing the same kind of silver plarameter on their right wrists. At hindi pa man natatawag, sinisigaw na ng mga tao ang kanilang pangalan.
"And now, let's give it up for the Maestro of the Year, Kaharayan!"
Compared to the GOTY, the audience was more wild and cheerful with the current band going up to the stage.
Nakatanggap din sila ng mas malaking plaque at certificate. Tinaas nila iyon na naging dahilan ng paglakas ng hiyawan at palakpakan ng mga tao.
"Huh? Bakit apat lang?"
"Kulang! Nasaan si Duran?"
"Kulang ang Kaharayan!"
"We demand for Duran!"
There's a ton of negative and violent reactions from the students for some certain reasons. Kulang daw ang bandang iyon. And wait, did I hear it right? Kaharayan? Where did I even hear that name? Why does it sound familiar?
"And last but not the least, let's all welcome... the current Virtouso of the Year..."
A drumroll played. The auditorium became silent, yet evidently thrilled at the same time.
Sa pag-aakalang sa gilid din magmumula ang banda na kasalukuyang ipepresenta, mukhang lahat ay nagulat nang bumukas ang kurtina ng entablado.
My jaw almost dropped on my lap as an upbeat music was played. And a very familiar guy was the last one to appear to the stage!
"Punk, Rave, Irah, and Morgan... Or also known as," tigil ng principal at tinutok ang mikropono sa audience, bahagyang natatawa.
"PRIMO!" the students shouted and clapped in unison.
Tuluyan nang nalaglag ang panga ko. I even tried blinking countless of times just to confirm it but no matter how hard I tried, iyon at iyon pa rin ang nakikita!
Ang apat na lalaking nabunggo sa mall ay nasa entablado at pinupuri ng lahat.
But on top of that, there's Rave Jackson! In the middle of the familiar guys, holding the plaque for their band, his own certificate, and with a gold plarameter on his damn wrist!
What the heck? Are you f*****g kidding me?
Halos mabaliw ako, natatawa mag-isa sa aking upuan, hindi pa rin lubusang makapaniwala.
Of course, Mich. Bakit hindi ka pa natuto? E, hindi ba, drama na nga ang buhay mo? Dapat ay kabisado mo na ito!
Heck, I can't convince myself that everything was just a plain coincidence. Para kasing mas madaling paniwalaan kung... planado ang lahat. At may nakahandang patibong sa akin kalaunan.
"You looked shocked," puna na naman ng katabi.
Sa ngayon, hindi ko na nagawang paunlakan pa iyon ng pansin. I was just too dumbfounded with everything. Para akong pinaglalaruan ng tadhana.
Tuliro pa rin ako hanggang sa natapos na lang ang mismong programa.
While everyone was so enticed talking about what to do next after this, on the other hand, I was walking like a zombie to egress the auditorium, falling in line like a dead creature.
Nasa likuran ko si Dante. Alam ko iyon dahil hanggang sa mga oras na ito ay rinig ko pa rin ang mahinang boses, may kausap sa telepono. Kinailangan ko pang sampalin ang magkabilang-pisngi para lang bumalik ang ulirat.
Napansin ko kasing nahahati sa dalawang linya ang mga estudyante habang papalapit nang papalapit sa exit. Pagkaangat ng tingin, may nakabalandra pala sa taas ng dalawang linya. Rookie at Master.
Napatikhim ako nang marahan akong tinulak ni Dante sa kaliwa kung saan ang pila ng rookie.
I glared at him. He just smirked and nodded, still wearing the shades. Well, it looked good on him, alright. But he looked stupid to me because the auditorium was obviously shaded! Saan ang araw?
Napailing ako nang napansin ang pagsunod ng titig sa kanya ng mga estudyante, lalo na ng mga kababaihan. Malaking tao rin kasi. Kahit simple ang puting long sleeves at jeans na suot, kapansin-pansin ang anyo at dating.
Sinuot ko na lang ang crossbody bag at sumunod na lang sa pila. One thing that I noticed in this line is that, all of them looked young.
They're all wearing blue plarameter... except for me. Doon ko napansin ang kuryosong tingin sa akin ng mga tao. Naisip ko pa na parang pinagbubulungan ako dahil tuwing nahuhuli ko ay napapaiwas ng tingin at bulong sa kausap.
Sa totoo lang, ano bang mapapala ko sa mga iyon? Gusto ko kasi sanang lapitan ang lahat ng nahuhuling tumitingin sa akin. Para sana diretsahin kung ano bang problema sa akin. Pero naisip ko, sa paraan ng pagtitig nila sa akin na para bang ilegal nga na makita ako rito tulad ng sinasabi ni Dante, baka wala rin akong makuha na matinong sagot.
Teka, bakit nga ba hindi ko na lang direktang itanong sa lalaking iyon?
Iyon ang nakatatak sa utak ko nang bumilis na ang galaw ng linya namin. I was nearing the exit when I saw that student were given items before they go. Tinanaw ko ang kabilang linya at ganoon din sa kanila.
I wrinkled my nose when it was my turn to receive them. But the watchful eyes of the staff giving those stuff didn't go unnoticed.
But seriously, what's with this can of sardines and coke in a can? Sponsored giveaways? Really?
Napatikhim ako nang naramdaman ang vibration sa palapulsuhan ko. Pagkatingin, umangat ang aking kilay nang nalamang '010' na ang naka-flash doon.
I smirked. Now I get it. The reason why everybody earlier looked enraptured to attend the orientation, is because it provides additional ten merits, huh? Wala naman akong interes sa mga puntos na iyon sa totoo lang. Simula pa lang naman kasi, hindi ako sang-ayon sa pag-aaral ko rito.
Eyes still fixated on the cans when a heavy arm dropped on my shoulders. Pagkatingin ko, si Dante! Buti naman at hindi na ako pinahirapan sa paghahanap sa kanya? Balak ko na nga kasing itanong ang tungkol sa mga opinyon sa akin ng mga estudyante.
You know, questions like what makes me, being in this school, illegal? Ngunit akmang ibubuka ko pa lang ang mga labi, nang bigla na niya akong kinaladkad patungo sa gitna ng quad!
"Hey! What the heck?" I grunted.
I tried removing his arm around my shoulder but he was pretty stronger than he looks like!
"Look," turo niya lang sa isang direksiyon, hindi alintana ang pag-aapila ko.
Iritado pa sa hindi niya pagpansin sa akin, sinundan ko ang tinuturo ng kanyang daliri.
Nasa kabilang quadrangle na kami. Dahil sa exit lumabas, nasa kabilang gilid kami ng auditorium. Kung ikukumpara sa freedom park kanina na mayroon lang obelisk at mga rebulto, mas marami ang tao rito at mas magarbo ang dekorasyon!
There's a massive stage at the middle of the quadrangle with a majestic semi-circle truss roof, like a round arch sheltering the performers who'll play on the stage later.
Puno ng mga lobo at malalaking inflatable air dancer ang magkabilang gilid. Sa katunayan, wala pang natugtog doon pero abala na ang mga estudyante dahil hile-hilera ang mga booth at kiosk sa palibot noon.
"Where am I? Music Festival?" munting tawa ko. "At may giveaways pa! Sardines and coke? Weird combination. Katakot, ha? Baka may chemical reaction!" biro ko.
Tumawa naman siya ngunit panandalian lang dahil kinalas na niya ang pagkakaakbay sa akin. Hindi nawala ang mapanuring mga titig sa amin ng mga tao ngunit ipinagsawalang-bahala ko na iyon nang napatingin na rin sa tinatanaw ni Dante.
There's a young man in the middle of the crowd. Probably junior high for wearing a blue plarameter on his wrist. He's obviously *busking, playing a *bongo drum and with a hat lying on the floor before him.
Wala masyadong pumapansin sa kanya ngunit may barya na naman ang loob ng sumbrero. May dalawang babaeng kinukuhaan siya ng video, probably his friends supporting him with the busking.
"He's doing it wrong," rinig kong bulong ni Dante sa kanyang sarili, para bang dismayado.
Muli kong pinakinggan ang beat. Ayos lang naman. Pero hindi ko nga mapagkakailang hindi consistent ang beat na ginagawa.
Dante folded his arms as he watched the boy. Iyon tuloy, napatitig na lang talaga ako roon.
A random group of seniors neared him and hurled a few coins to his hat. Sa pag-aakalang lulubayan na nila agad ang lalaki, nanatili pa sila roon at nagtatawanan.
Nakapukaw iyon ng atensiyon. By the looks of it, the group of seniors composed of three guys and two girls seemed pretty popular here so they caused a traffic of audience for that frosh.
May binulong ang bagong dating lang na lalaki sa nagbo-bongo. The frosh nodded his head, as if acknowledging what the man has told him. Napansin kong mas lalo silang pinalibutan ng iba pang senior high. Puro kasi itim ang suot na plarameter kaya natutukoy ko kung talagang tititigan.
Natawa tuloy ako.
"That escalated so quickly," I muttered under my breath as I watched the frosh being surrounded with more groups of seniors.
"Let's see what will happen. This is interesting," sabi naman ni Dante, bakas ang ngisi sa tono.
Sumang-ayon ako at tumango, nangingisi pa rin dahil mas dumami na nga ang nanunuod! May mga katabi na rin kami, mukhang nakikiusyoso na rin sa nangyayari. Maging sa likod, ramdam kong napupuno na rin nang paunti-unti.
I tried peeking at their wrists. I figured out that the group on my left side were youngsters. Marahil nasa grade 7 to 8 pa lang, kuryoso na rin sa kaganapan na pinagkakaguluhan na ngayon.
And after a while, just like that, the guy who whispered something to the bongo boy reached his bag on the ground.
My lips parted when the guy took out his *saxophone inside. He raised his left hand and plucked his fingers, as if counting, before maneuvering his instrument along with the bongo frosh.
Hindi pa nakatulong na may dumaang may dalang *clavinet na katamtaman ang laki at puwesto sa kanilang gitna, bigla-bigla na lang ding tumugtog!
As if a cue, ang kaninang grupo ng mga senior high na tatlong lalaki at dalawang babae na nasa audience pa rin pala ay walang pakundangang lumapit, may dala na rin na kanya-kanyang saxophone, *trombone, at *trumpet! Nakipag-apir sa nagbo-bongo at tumugtog! Mukhang kilala naman pala ang isa't isa!
Napaatras ako. Naramdaman iyon ni Dante kaya muli niya akong hinila pabalik sa kanyang tabi. Heck, the commotion was just too overwhelming to take!
From the bongo frosh to these groups of senior high students, the quadrangle was packed with a beautiful combination of different instruments.
They were now playing the familiar rhythm of Happy Together but in a *reggae version, when out of a sudden, a high-pitch whistle almost split my ears.
Napasinghap ako. Dalawang nakaunipormeng guwardiya ang humahawi na sa mga tao.
My heart skipped a bit. Alarmed, the youngsters beside me faltered on their feet. Tulad ko ay mukhang nagkagulo na rin ang iba pang mga junior high. Aambang aalis na sila sana, bagay na gagawin ko na rin kung hindi lang ako hawak ni Dante, nang biglang inalis ng dalawang guwardiya ang kanilang sumbrero at hinagis iyon sa mga nanunuod.
Tumigil na rin ang pagpito nang may naghagis sa kanila ng tig-isang bass guitar at umalingawngaw ang picking ng dalawang pamilyar na lalaking nakauniporme lang pala ng pangguwardiya!
"Si Eli at Ezra!"
"Anong ginagawa ng Kaharayan dyan?"
"Honcho!"
"'Yung kambal!"
Nagsimula nang magkagulo ang mga junior high sa tabi ko, tuluyan nang nagbago ang opinyon sa pag-alis. Ganoon din ang hitsura ng iba pa sa kabilang parte ng lipumpon. Mukhang mas napukaw pa lalo ang atensiyon dahil sa mga dumagdag.
But unlike them, I sported a scowl on my face and tore my fingers through my hair. I witnessed the two girls who were just recording a video a while ago, now with two cans on their hands and rattled them like a... real rattle.
Napataas ang kilay ko. Iyong de latang sardinas at coke!
Kasabay ng pagdumog ng mga taong nanunuod ay ang unti-unting pagdami rin ng mga kalahok sa gitna, tumutugtog na animo'y praktisado ang lahat at nagtatawanan! Ang kaninang mga senior high na nanunuod lang din ay pumorma na't kinakalansing ang kani-kanila ring mga lata!
Dahil kuryoso na, sinubukan kong alugin ang mga latang natanggap ko kanina ngunit halos mabingi ako sa tawa ni Dante nang nahuli niya akong ginagawa iyon.
"Ano? Maracas ba?" tawa pa niya lalo.
Sinamaan ko siya ng tingin at binalik na lang ulit sa bag ang mga de lata. Hindi natunog ang akin dahil mukha ngang totoong sardinas at coke!
"Imagine me and you, I do
I think about you day and night, it's only right
To think about the girl you love and hold her tight.
So happy together."
Muling napukaw ang atensiyon ko sa gitna. May grupo ng mga reggae singer ang nagbigay-buhay na sa liriko ng Happy Together. Hindi na lang iyon basta-bastang instrumentals tulad ng kanina. Nakabuo sila ng malaking reggae group sa mga sandaling iyon.
Everything happened in just a snap of a finger. And it's too late when I realized, the quadrangle was filled with a reggae *flashmob.
"I can't see me loving nobody but you
For all my life.
When you're with me, baby the skies'll be blue
For all my life."
I was well aware that my jaw was already on the ground as I watched a new male vocalist who entered the group, that unlike the other vocalists, with a wireless microphone on his hand.
The vocalist and the bongo frosh did a high five before the former turned around to face the crowd, microphone directed at his mouth as he sang the next stanza.
"Me and you and you and me,
No matter how they toss the dice, it had to be
The only one for me is you, and you for me.
So happy together."
Dumami lalo ang nag-aalog ng mga de lata. Karamihan, mga senior high. That's why I concluded that it was the real purpose of the line division between rookies and masters earlier.
I rolled my eyes in disbelief.
But before the guy even sings the second chorus, all of them stopped from playing unexpectedly. Mula sa mga instrumento hanggang sa mga kumakanta, lahat ay huminto sa pagtugtog.
Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa biglang pananahimik ng buong paligid. How ironic. Saka lang ata ako nabingi nang nabalot na ng katahimikan ang lugar. At tulad ko, hindi rin malaman ng mga freshmen ang nangyayari.
Kung bakit biglang tumigil ang lahat ay hindi ko rin alam. Lahat ng mga halatang walang papel sa flashmob ay matutukoy kung sino-sino dahil kami lang naman iyong hindi magkamayaw sa pagbaling ng ulo sa bawat sulok.
Muli kong binalingan ang humigit-kumulang singkwentang estudyante sa harapan, naestatwa, ngunit bakas ang pagkahingal dahil sa ginawa.
Out of curiosity and confusion combined, I eventually nudged Dante on my side. His eyes dropped down to me. Even with the shades, I was positive he's thinking about something else at that moment.
"W-What happened? They suddenly... stopped," tanong ko, tinawa pa ang pagkalito sa kaganapan.
Imbes na sagutin agad ako, hinila niya ang magkabilang manggas ng kanyang long sleeves shirt at unti-unting humakbang na palayo sa akin.
What the f**k?
Pinanlakihan ko siya ng mata at pinasaere ang magkabilang kamay sa gilid, mouthing him the word, "what?!"
And just like that, he removed his shades with a smile. My heart drummed so fast in a heartbeat when Dante ran towards the center of the crowd and pulled out a stick from his pocket.
My right hand flew all the way to my mouth when I realized it was a *baton on his hand. Slowly, he raised his both hands dramatically. And I couldn't believe what just happened next.
I blinked repeatedly. The students in front of him prepared to play, as well as the seniors behind me when I heard them took a deep breath in unison. Only to found out that... nice, there's an *orchestra behind my back.
"I can't see me loving nobody but you for all my life."
Napapikit ako nang dumagundong sa aking sistema ang nakakapanindig-balahibong pag-awit sa likod.
From reggae, I figured that some of the instruments were replaced by classical instruments like violins, cellos, french horns, trumpets, and the likes. Napakamot na ako sa kilay.
"When you're with me, baby the skies'll be blue for all my life."
Muli pang nadagdagan ang mga estudyante roon. Maging ang munting orchestra sa likod ko ay nagsimula na ring maglakad patungo sa sentro.
Napamura ako. Ang kaninang mga inakala kong nakiki-chismis lang, mga kasama pa pala sa kalokohan! Ngayon, hindi imposibleng lagpas isang daang tao na ang nasa harapan!
"Sila 'yung Kaharayan, 'di ba? Iyong mga nasa pinakasentro? Kasama 'yung nagko-conduct?"
"Oo. Kaya pala sila kulang kanina. Para ata rito!"
"Ayon naman pala si Duran! Hindi talaga magpapahuli!"
"Si Duran! Napakaguwapo!"
"Go, Durante!"
Naiwan ako kasama ang mga estudyanteng panay mga junior high na lang. Samantalang ako, napapailing na lang, hindi pa rin makapaniwalang nakatitig sa lalaking tumatayong conductor ng buong lipon.
My eyes then drifted on Dante's right wrist. Ngayon ko lang natunghayan dahil balot pa kanina ang braso. And it's too late when I found out what he's wearing.
It's a silver f*****g plarameter.
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
ɴᴏᴡ ᴘʟᴀʏɪɴɢ:
The Turtles - Happy Together
──────|───────────
|◁ || ▷|
∞ ↺
April 16, 2020