Failed
"Just four cities away? Naririnig mo ba ang sarili mo, Mich?" si Natasha sa screen nang nakapag-video call na.
"Four is less than five, Nat," I stated as if it's an essential-to-completeness information to add.
Eksaherada siyang tumawa... halos nababaliw na. Napabuntong-hininga ako.
"Ang layo pa rin! Ang laki ng mga syudad sa pagitan natin!" simangot niya nang tumigil na sa sarkastikong tawa.
"Tss." I just scoffed and glanced at the traffic.
Kung sa bagay, tama nga naman iyon. Magdadalawang oras na kami sa kalsada. Kahit gumamit ng express way ay mabigat pa rin ang trapiko. Kaya naman bukod sa malalaki ang syudad na nasa pagitan ng lumang bahay namin at sa bagong lilipatan, para bang ang layo-layo pa rin talaga dahil sobrang traffic.
"May housewarming pa ba o tapos na?" tanong niya.
Bumaba ulit ang tingin ko sa phone ko. I creased my forehead. Hindi ko kasi alam.
Pagkaangat ng ulo, napansin kong nakasilip si Mommy mula sa harapan. Base sa ngiti niya, mukhang narinig niya ang tanong ni Natasha. Kaya naman, hinarap ko doon ang screen. Agad kumaway si Mommy sa kaibigan.
"Tita Sandy!"
"Hi, Natasha. Sa Monday ang housewarming. Punta kayong mga kaibigan ni Mich."
"Ay, naku, Tita! Sure na sure 'yan! Gamitin na lang namin chopper nila Emman kapag bibisita kami," rinig kong sagot ni Nat sabay tawa.
Kung tahimik na ako kanina, mas nawala pa ata ako sa hulog ngayon. Now that she's mentioned his name, I suddenly recalled our call convo earlier.
Napaiwas ako ng tingin kahit alam kong hindi naman iyon mapapansin ni Nat. Alam niya kaya? Hindi imposible. Pero... parang mas madaling paniwalaan na kinimkim nga iyon ni Emmanuel sa sarili.
Huh. I could only imagine him puking his lungs out for being vocal with his feelings for me to other people. Yes, he's bisexual. Open for both men and women. But all this time, it's engraved on my mind that we're impossible to be an item because... we're friends. Na hindi kami talo. Wala akong pag-asa! Tapos...
"Ikaw talaga, Natasha. Pwede namang magpadala na lang kami ng van sa boundary at doon na lang kayo susunduin."
"Joke lang naman po! Nakakatakot sa chopper," pagak na tawa ni Nat. "Sabihan ko po mga kaibigan namin tungkol sa invitation, Tita. Then refer ko kay Mich ang mga makakapunta."
"Alright. That'll do," Mom said with finality.
Binalik ko na ulit sa akin ang screen pagkatapos at tinaasan ng kilay ang kaibigan. Mukhang tagumpay ang loka-loka.
"Count me and Emman in! Matik na 'yan!" aniya.
I flinched a bit. And I hoped she didn't notice. Mariin akong napapikit saglit at tumango na lang. Hindi ko maiwasang sisihin si Emman dahil sa disposisyon ko ngayon. Hindi maalis sa isip ko! Pero imbes na kilabutan, parang...
Napalunok ako at iniling na lang ang mga bumabagabag na ideya.
Malaki na ang mansiyon ng mga Maddison na nilisan namin. Ang alam ko, ibebenta na iyon. Pwede pa sanang asset. Sayang din ang sentimental value pero mukhang para sa kanila ay ari-arian lang iyon.
Engineer si Daddy. Samantalang business consultant naman si Mommy ng ilang malalaking kompanya. Her service is being outsourced. Parehong matagal na sa kanya-kanyang industriya na kinabibilangan pareho. At kung ikukumpara sa iba, desente at propesyunal na ang mga trabaho nito. Plus, the high position they attained for being loyal to their bosses and employers.
Hindi naman kami naghihirap. Higit pa sa sapat ang natatamasa naming buhay. Ngunit hindi ko pa rin maiwasang hindi magtaka. Is being a high profile engineer and a very sought-after business consultant could really provide such abundance and luxury?
Kasi pagkatigil ng aming sasakyan sa isang matayog na tarangkahan at pagbuksan pa kami ng dalawang guwardiya, dahilan para maipasok na ang sasakyan sa malawak at mahabang driveway patungo sa isa pang mas malaking mansiyon, I can't help but to think. It looked new and fully furnished now. Akala ko wala nang mas ilalaki pa ang bahay namin noon kaya inaasahan kong mas maliit kahit konti ang lilipatan. But then I was wrong for it was otherwise!
Trevino Residential's Exclusive Subdivision. Iyon ang pangalan ng lugar kung saan nakatirik ang mansiyon. In short, TRES. Matunog ang pangalang Trevino sa bansa dahil isa ito sa malalaking real estate companies sa Pilipinas. It was under the flagship of Trevino Group of Companies.
Just by hearing the clan name screams affluence, influence, and power. Kaya naman ang malaman na sa isang eklusibong subdivision pa nila nakatayo ang lilipatan ay talagang nakapagtataka para sa akin!
Sa ipon ba? Sa malaking suweldo? O baka naman may na-close na malaking deal noon na hindi nasasabi sa amin? Kailan pa ito sinimulang itayo kung ganoon?
Ang dami kong tanong ngunit wala ni isa roon ang lumabas sa bibig ko nang tuluyan na akong pinababa ni Mommy sa sasakyan.
Hilary was already jumping in so much joy and excitement while pointing at the big mansion when I went off the car. Dinaluhan ito ni Mommy nang nakitang palabas na ako kanina. Si Daddy naman, kinakausap ang family driver.
Sinipat ko ang mansiyon. It was a white, black, and wooden brown palette of modern contemporary exterior design, featuring the combination of stone bricks, woods, and wall glass materials.
The element that made it colorful was the patio. Puno iyon ng mga mabeberde at makukukay na halaman. Panay topiary plants sa iba't ibang geometrical figures. Ang medium sized fountain sa bandang gitna ng rotunda road ay pinalilubutan ng makukulay na wildflowers.
At dahil magtatakip-silim na, nakabukas na ang lahat ng ilaw na nagbibigay anyo pa sa kabuuan ng bahay. The bright lights coming from different parts of the mansion gave a modern and luxurious vibe to me. Maging ang infinity pool kasi na nasa gilid na bahagi ng mansiyon ay pinalilibutan din ng ilaw. Heck, everything felt surreal. Totoo bang amin na ito?
"You like it?"
I jolted in surprise when I heard Daddy's voice from behind. Nilingon ko ito. Tapos na sa pakikipag-usap sa driver at nakalagay ang parehong kamay sa likuran, mukhang kanina pa pinag-aaralan ang reaksiyon ko.
Napakurap-kurap ako at singhap. "I love it! But... this is too much, Dad. How come I didn't know anything about the construction?"
Hindi agad ito nakasagot. Bahagyang natigilan. Napansin ko iyon, lalo na nang lumagpas ang tingin niya sa akin. Iyon pala, papalapit na si Mommy at Hilary. Tumikhim ito at tumuwid na sa pagkakatayo bago muling ibaling sa akin ang tingin.
"Aren't we coming into our new home?" rinig kong maligayang wika ni Mommy sa likuran ko.
My eyes narrowed at Daddy. He just smiled at me and patted my shoulder. "It's a blessing, anak."
Iyon lang ang nakuha kong sagot bago kami tuluyang imuwestra papasok ng mansiyon. At kagaya nga ng inaasahan, kompleto na ang mga muwebles, furnitures, appliances, at ornaments ang loob. Dahil doon, pansamantalang nawala sa isip ang pagtataka kanina sa reaksiyon ni Daddy nang tuluyan nang namangha sa kabuuan ng paligid.
"This is awesome! Where's my room?!" takbo ni Hilary papalapit sa amin.
Nasa kitchen kami ngayon. Kumuha kasi ng maiinom dahil napagod sa byahe. Samantalang ako, inunang tignan ang cupboards at pantry! Dinukot ko ang malaking cookie jar at dinala sa pamamagitan ng pagyakap gamit ang isang braso bago tuluyang humarap sa kanila.
"Nasa taas, honey. You want to go to your room na?" dalo sa kanya ni Mommy sabay alok ng tubig ngunit tinanggihan niya iyon.
"Yes, Mom! Mas malaki ba kay Ate Mich? Well, it should be! Because I'm the real dau-"
"Lary! Where's your manners?" Daddy's strict voice thundered.
Napairap ako at kagat na lang sa unang cookie. Sanay na ako kaya wala na iyon sa akin. Hilary is already fifteen years old but she acts like a seven-year-old spoiled brat. Siguro hindi rin naman ako masyadong nagpapaapekto dahil after all, pareho kaming salbahe. Madalas ko ring pinapatulan. Suwail na masyado, e.
Napangisi ako sa naiisip. If there's a rebel and black sheep in this family, there's no doubt it was me.
"Iaakyat ko na si Hilary sa room niya, Edward. Dalhin mo na rin iyang si Mich nang makita na niya rin ang kanya," si Mommy, nakahanda nang umalis dahil hila-hila na ni Lary ang braso.
"Sige na. Pagsabihan mo 'yang bunso natin. Haynako!" problemadong napasapo sa noo si Daddy.
Umalis na sina Mom. Nilapag ko na ang jar sa countertop pagkakuha ng tatlo pang cookie nang lingunin ni Dad.
"Tara na, Mich. Pagpasensiyahan mo na ang kapatid mo," naiiling niyang sambit habang tumatayo na mula sa stool.
Hindi na ako nagsalita at ipinagkibit na lang iyon ng balikat.
We halted in front of a door with my golden nameplate hanging on it. Napataas ako ng kilay. This is too dramatic and artsy. Definitely not suited for me. But well, I'll give it a benefit of the doubt.
"Here's the key. Open it yourself, honey."
Tinitigan ko nang saglit ang susi na nilapag ni Daddy sa palad ko. I glanced at him again. He nodded lightly and even stepped one backwards to give me my moment.
"I don't get the absurd exaggeration but..." naiiling kong sambit habang pinapasok na ang susi sa seradura.
One last look at Dad and I almost laughed to see his immersed focus on my reaction. Kaya naman nang pihitin na ang doorknob at natunghayan ang loob ng sariling kuwarto, pakiramdam ko'y alam ko na kung bakit.
My "almost" laugh was now freed the moment my eyes laid down to see what's waiting for me in the inside.
I was completely astonished. My lips parted, hesitant to face Dad behind me. Tinawa ko ang pinagsamang pagkamangha, pagkabigla, at pagdududa.
"I-I think we're lost. This is the master's bedroom, Dad..." Hindi ko na nakilala ang sariling boses.
Umiling siya, halos natatawa na rin. "I'm sure we're in the right room with your name on the door, Michaela."
My eyes widened. Right! The nameplate! Tuluyan ko nang pinalaya nang buong-buo ang pagkagulat at pagkamangha.
"Are you freaking kidding me? This is huge!"
Binaybay ko na nang tuluyan ang munting pasilyo patungo sa gitnang bahagi ng kuwartong pagmamay-ari ko raw!
Underneath a queen-sized bed was a wide round gray shaggy fur carpet. The nightstand has intricate designs beside the bed. Sa harapan noon ay isang flat screen tv na may naka-install na wall cabinet sa ibaba. At the other side of the bed was a large vanity set. Sa tabi noon ay ang puting kurtina na hinahangin pa. Probably the balcony!
What the hell? I have a balcony now!
I hurried towards it and rolled the sliding glass door. By that, I was welcomed by the horizon and the wideness of our property. Sa pagbuga ng malamig na panggabing hangin, animo'y inihipan ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa aking mukha. The luxurious yet homey feels of TRES looked so majestic, especially with its night view combined with its light posts along the roads.
Ramdam ko ang presensiya ni Dad nang mukhang sumunod ito sa akin. I looked at him over my shoulder. Dumiretso siya sa barandilya at tulad ko, pinatong din ang mga siko habang tinatanaw ang payapang kapaligiran.
"You're smiling."
I am?
Nakumpirma ko iyon nang ibaba ang magkabilang-gilid ng labi, na kung hindi nga nakangiti ay dapat lang na wala akong ibababa. Napatanaw na lang din ako sa kawalan at umubo nang peke.
"This is too much," I sighed.
Sa gilid ng mga mata ko ay pansin ko ang pagsulyap ni Dad sa akin. Bahagya siyang umiling at bumuga ng malalim na hininga.
"You deserve this, Michaela. More than anyone else in this family..."
"H-Huh?" lito kong tanong.
That surely made my entire attention diverted to him. Kumunot ang noo ko. Imbes na sagutin ang tanong, ngumiti lang ito at may kinuha mula sa kanyang pitaka. Pinanuod ko lang si Dad sa ginagawa niya hanggang sa abutin niya ang aking kamay.
"This belongs to you, Michaela Singh," Dad said throatily before dropping the cold chains on my palm.
Napatikhim ako.
"W-What's this?" I still asked the obvious.
Napakurap-kurap pa ako nang ilang beses bago tuluyang irehistro ang bagay na nasa kamay ko. It was a silver necklace. With a G-clef pendant with a stone diamond on its tail.
Tuluyan nang umawang ang bibig ko. Tinitigan ko iyon at nagawa na ring haplusin nang napakarahan. I don't know if the stone was real. But all I could say was... it's beautiful.
Inangat ko ang mga mata ko kay Daddy. Wala pa rin ang sagot sa tanong ko. I know it's a necklace. But... still, what is this?! It looked worn out. Hindi na gaanong makintab kaya siguradong hindi na brand new. The pendant looked stunning though. Konti na lang, mapapaniwala na akong tunay nga ang materyal doon.
"It'll look very good on you, anak. Let me do the honor."
Namilog ang mga mata ko nang biglang nilahad nito ang kanyang kamay.
"This... This is not even mine, Dad. Bakit isusuot sa akin?" Tinawa ko ang hiwagang nararamdaman. "Sa inyo na po 'yan. Itago niyo na lang ulit."
Binalik ko na iyon sa mga kamay niyang nakalahad pa rin. Kahit ang totoo, parang nabato na ata ang mga mata ko roon. Para bang... ang laki nang nawala sa loob ko nang nawala iyon sa kamay ko.
Tinawa ko na lang ulit ang kahibangang nararamdaman. But Daddy looked at me intently. He looked pained when I put it on his hands, not to let him wear it to me. But to return it back to him completely.
I pressed my lips. Napaiwas ako ng tingin.
"This necklace, Mich..."
Dad paused when he started to walk behind me. Hindi ko sigurado kung bakit, ngunit nagsimula nang lumabo ang mga mata ko dahil sa likidong namumuo roon.
As soon as I felt the cold surface of the accessory around my neck, I slowly closed my eyes... and shallow tears fell on my cheeks.
"Belongs to your real mother..." marahang dugtong ni Dad bago ipatong ang mga kamay sa aking balikat.
He tapped my shoulders lightly. Minulat ko ang mga mata nang nakumpirma ang koneksiyon ng bagay na iyon sa akin. Pinilit kong silipin ang kuwintas at inangat iyon.
"Suot mo ang kuwintas na 'yan noong araw na... binigay ka sa amin ng mama mo. Anak..." tikhim nito bago ngumiti nang malungkot sa akin. "Gusto kong malaman mo na mahal na mahal ka ng totoo mong mga magulang..."
"Mahal?"
Halos matawa ako. 'Yun na ata ang pinakawalang saysay na narinig ko.
Binitawan ko ang kuwintas at mariing pumikit. Nang idilat muli ang mga iyon, napalitan na ang mga luha dahil puno na ng hinanakit at sama ng loob ang kaibuturan ko.
"Dad, naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?" Tuluyan na akong natawa. "Anong mahal? Saan ang pagmamahal doon? Ang mahal niya, Dad, 'yung asawa niya at 'yung anak nila sa labas. Sila ang mahal non para iwan ako. Kasi sila lang ang nagmamahalan, Dad! Wala ako! Nandito ako kasi wala akong puwang sa binuo nilang mundo!"
Hindi pa man ako tapos ay panay na agad ang iling ni Daddy, animo'y determinadong pabulaanan lahat ng iyon.
"Mich, anak..." He heaved a deep sigh before reaching my hands. "May rason kung bakit nangyari ang lahat ng ito."
Binawi ko ang mga kamay ko. "Anong rason kung ganoon, Dad?"
Hinintay ko ngunit walang dumating. He looked torn for some reasons, as if there's a mental turmoil inside his head. Ngunit bago pa man niya punan ang kuryosidad ko ay mabilis na rin akong umiling.
"Tama na, Dad. Alam kong pagod tayong lahat ngayon. Mabuti siguro kung magpahinga na lang muna tayo," pagod kong ngiti.
Dad swallowed before looking at me again.
"At itong kuwintas na 'to," pagpapatuloy ko sabay abot sa lock noon para sana kalasin na. "H-Hindi ko deserve 'to, Dad. Hindi ito..."
Ngunit bago ko pa man tuluyang ma-unlock iyon, inagaw ni Dad ang mga kamay ko at marahas iyong binaba.
"This is all for you, Michaela. Lahat ng ito... Lahat ng 'to ay para sa kapakanan mo, anak!"
My confusions got aggravated with everything I've heard in just this moment. Hindi ko na alam kung paano ko nagawang makatulog nang mahimbing pagkatapos noon. Marahil ay masyado akong napagod sa araw na iyon. My body's dead tired, most especially my mind.
Napag-alaman ko rin na sa Lunes pa ang housewarming dahil kinabukasan ang pagpapa-bless sa buong bahay. They preferred to do it intimately for now. Then, saka na ang housewarming party kasama naman ang close friends ng pamilya namin sa susunod na araw.
The necklace Daddy has given me... I don't know how or why... but I was wearing it the whole day. I wanted to convince myself that I was just too lazy to remove it from my neck. But who am I kidding?
Nangingimay pa nang konti ang pakiramdam dahil hindi pa sanay na may matagal na suot-suot na ganoon. Ngunit habang lumalalim ang araw, natagpuan ko na lang ang sariling nasasanay na rin kahit papaano.
Taimtim lang namin na sinusundan ang pari sa bawat bahagi at sulok ng mansiyon habang nagbabasbas ito ng holy water. We spoke if we have to. But most of the times, it was the priest who frequently conveys about the sacred scriptures for the house blessing.
"Kailan ka ulit makakabisita rito if ever?"
I was caressing the ornament on my neck as I enjoyed the view before me. Nasa balkonahe ako ng kuwarto, kausap na si Mildred sa phone pagkatapos ng ilan pang ritwal at tradisyon para sa pagpapa-bless.
I suddenly felt down thinking I was finally bound to tell her about my situation. Bumuntong-hininga ako at kinagat ang labi.
"Milly, hindi ko kasi alam, e. Pero... baka... hindi na ulit ako makatugtog sa bistro."
Maiintindihan ko kung magugulat lahat ng taong pagsasabihan ko noon. Singing and music was almost engraved on my life, even on my name. Literally. Kaya naman, ang pagtalikod sa musika ay parang pagtalikod ko na rin sa sariling buhay.
Well, in my case, that's exactly what happened to me. Music is just a symbolism of my unfortunate destiny. And of my hatred towards my biological musician parents.
Iyon kasi ang madalas nabi-bring up sa tuwing nagpe-perform ako sa mga family event at gatherings ng Maddison. Na ang salot ay 'di hamak na anak ng mga musikero. And the fact that I inherited that talent from the people who got rid of me as if I didn't mean anything to them... sucks. Big time.
"Huh?" Mildred paused a bit. "Ayos lang naman kahit hindi na kasing dalas noong dati, Mich! Anytime pwedeng-"
"No, Milly. I'm sorry. Tatalikuran ko na ang... p-pagtugtog." I swallowed the lump on my throat.
Pansamantalang natahimik ang linya. Napahilamos ako ng mukha at hilig sa railings, problemado sa sariling pag-amin.
Milly chuckled haywire on the other line, as if she just heard the silliest thing in her life. "Anong pakulo na naman ba itong bata ka? Mich, sinasabi ko sayo, a. Tigilan mo ako-"
"I'm serious, Mildred," I cut her off with finality.
Napapikit na ako at bagsak ng noo sa palad habang nakapatong pa rin ang siko sa barandilya.
Rinig ko ang paghugot nito ng malalim na hininga bago muling nagsalita.
"Kung ganoon na nga ang kaso, wala na akong magagawa. Pero huwag mong kalilimutan, Mich, na lagi kang welcome dito, ha? Whether you perform or you chill, you know where to go."
Malungkot man ang boses nito ngunit hindi ko man kita, alam kong pinipilit pa rin nitong ngumiti sa likod ng pagiging dismayado sa dala kong balita.
"Of course, Milly. We'll see each other again. Sigurado iyon," tawa ko nang mahina.
"Aasahan ko 'yan. Mami-miss namin ang number one suki namin dito, e."
"I know it very well. Makakaya natin ito. Walang iiyak."
Tuluyan nang bumalik ang pagiging magaan ng pag-uusap nang nagsunod-sunod na ulit ang mga biruan.
Aaminin ko, bukod sa isyu tungkol sa nakaraan, ito na ang pinakamabigat na desisyong ginawa ko. Pero kung tutuusin, konektado pa rin sa nakaraan at pamilya. Funny how I made myself believe that I'm all cool with everything already. What a fool, Michaela. You're so damn pathetic.
Sa panibagong araw ay kinailangan pa akong katukin ni Manang Tina para lang ipaalala sa akin na may party nga pala ngayon!
I rose myself from the bed and peeked at the clock. It's already past eleven in the morning. They'll be here at one! According to Nat, some of our friends will be here as well. Nang umabot pa kay Cleo ay nagpumilit ding sumama ngunit syempre, nalusutan naman. They don't want to bring disgrace to our house. Alam nilang hindi ko rin talaga gustong umaaligid si Cleo.
But on top of that, Natasha didn't mention that... he's going to join, too. Kahit nasabi na namang awtomatiko na silang dalawa, hindi pa rin mawala sa akin ang pagdududa na posible ring hindi iyon makadalo. Kaya naman habang naghahanda para sa party, iyon ang laman ng isip ko.
Hindi ko naman matanong kay Natasha dahil nakakahiya. Kinagat ko ang labi habang hinahalughog ang closet.
"E, ano naman? Lagi mo namang ginagawa 'yun, 'di ba? Ang kulitin si Emman?" ngiwi ko habang pabalik-balik na ata sa mga damit, wala pa ring nakukuha. "Kaya hindi magdududa si Nat! Anong bang iisipin noon?"
Masisiraan na ata ako ng bait. Kinakabahan kasi ako. Para bang kapag nabanggit ko kay Natasha na kuryoso ako tungkol kay Emman, baka makahalata!
Though I normally do that but now, it's different! Para bang aalingasaw agad iyon sa kaibigan dahil masyado niya akong kilala? Ngunit sa kabilang banda, kilala niya rin kami kaya tulad ko, alam niya ring imposible kaya baka... hindi naman siguro? Damn it! I don't know! Bahala na nga.
It's almost one when I heard the horn of our van, signaling its arrival. Mabilis akong tumakbo patungo sa balkonahe at palihim na sumilip. Pumarada ang sasakyan sa harapan ng mansiyon katabi ang iba pang hilera din ng mga sasakyan. Kaya nang nakita ang pamilyar na mukha ng mga kaibigan, agad namilog ang mga mata ko, nagsimula nang kabahan!
Gosh. I never recalled myself being this tensed. And definitely not with Emman! Ngayon lang! Leche talaga.
I groaned as I went out of the balcony. Hindi ko kayang suyurin ang mga kaibigang unti-unti nang bumababa sa van. Baka atakihin na ako sa puso kung hihintayin pa ang paglabas doon ni Natasha at ni Emman.
Kung tutuusin kanina pa maingay ang mansiyon dahil sa sunod-sunod na pagdating ng mga bisita. Mom and Dad invited their business and family friends, too. Especially they're intimate friends as well.
Si Hilary lang ata ang mukhang hindi makakapag-expect ng mga kaibigan dahil lahat ay nasa syudad na nilisan namin. At dahil nga mga bata pa, malamang ay hindi papayagan ng mga magulang dahil sa layo. Pero kahit naman payagan ang iba, sina Mom at Dad na mismo ang tumanggi sa ideya.
It's one fifteen when I became contented with my outfit. Wearing a black corset tube, floral high-waist A-line skirt and doll shoes, I let my hair done by styling it with smooth boho waves. Light lang ang makeup na ginawa ko dahil hindi naman ito party na pangmalakasan. It's an informal yet intimate at the same time. Kaya kahit kabado pa man, isang buga ng malalim na hininga bago ko napagdesisyunang bumaba na.
Good thing about our staircase is that, it's not situated at the center. Tahimik ko iyong pinasalamatan dahil hindi ako masyado makakapukaw ng atensiyon. Nakailang katok na kasi ang mga kasambahay tapos ngayon lang ako makakababa. Nakakahiya!
"Ayan na 'yung kaibigan niyo. Naku!"
"Sa wakas!"
Tatawa-tawa kong tinahak ang kinaroroonan ng mga kaibigan. Ngunit nang namataan si Mommy sa hindi kalayuan, doon muna ako dumiretso para batiin ito.
"Good morning, My," sambit ko nang nakalapit.
Mom excused herself to her friends before turning to me. She smiled. Pinasadahan niya nang tingin ang kabuuan ko bago abutin ang aking mga kamay.
"Good morning! You looked aristocratic today, Mich," aniya pagkatapos kong halikan ang kanyang pisngi.
"Thank you, Mommy. Pasensiya na kung ngayon lang nakababa. Si Dad po?"
Hindi ko kasi nakita simula pagkababa ko. Si Hilary naman ay tanaw ko sa living area na kinakausap ng ilang mga tito at tita niya. She's wearing a cute jumpsuit set. Tuwang-tuwa na naman ang mga relatives at paniguradong kung ako iyon, panay panghuhusga lang ang ituturan sa akin.
"He's entertaining the other guests. Come, let me introduce you to my friends. Mabilis lang ito at puntahan mo na rin ang mga kaibigan mo."
Tumango ako at nagpatianod sa kanya. The group she's currently talking to was some of her corporate workmates. They looked pleased to see me and I received more compliments.
Hindi naman ako mahiyain sa ganoon at nakakasabay rin. Then after few more pleasantries, Mommy already let me accommodate my friends, too.
Nasa may tabi sila ng living area kung nasaan ang lounge, nakatambay sa isang malaking rectangular white hardwood table dahil ang mga kaanak na ang nasa sala. Ang ilang mga nasa mini bar na katapat lang ang lounge ay lumapit na rin, natanaw kasing papunta na ako.
"Akala namin hindi mo kami ie-entertain, e!" biro ni Fred na may hawak na shotglass at nakatuon sa mesa.
Tinaasan ko iyon ng kilay dahil wala pa man ay nakaka-shot na agad. Tinawanan ko sila at pinaliwanag na pinakilala pa ako ni Mommy sa mga kaibigan.
"Ang bongga dito, Mich! Mas malaki sa mansiyon niyo doon. Mas mahirap dumihan!" si Natasha na agad akong niyakap.
"Nasaan 'yung iba?" tanong ko naman.
Fine. I was lowkey searching for him, alright? Pero dahil kasi sa takot, hindi ako naging partikular sa tanong. Lima silang naabutan ko. Si Natasha, Frederick, Letcher, Denise, at Monique. Wala si Emman. Hindi ko alam pero bahagya akong pinanghinaan ng loob.
"Hindi na nakasama, e. May ibang lakad tapos 'yung sina Crane, hindi pinayagan dahil alam mo na, strict parents," kibit-balikat ni Nat.
Hindi ko napigilan ang pagbagsak ng balikat. Hindi nakasama? Akala ko ba sigurado iyon? Tsaka bakit hindi agad sinabi sa akin ni Nat?
I sighed inwardly. Kung sabagay, kung karaniwan nga lang naman ang pagkakataon, hindi niya na rin iyon maiisip.
Siniko naman ako ni Monique. "Bakit? Sana ba ay sinama na namin si Cleo?" sabay tawa niya.
Sinegundahan naman iyon ng dalawa pang lalaki na alam kong hindi rin maganda ang opinyon kay Cleo. Ngunit alang-alang sa panunukso sa akin, nagagawa pang makisali. Samantala, nangingisi lang ang tahimik na si Denise habang nakasandal sa kinauupuan, iniihipan lang ang bangs habang nakatanaw sa amin.
"Sira kayo. Baka palayasin ko kayo rito, sige!" sabat ko na lang sa paandar nila.
"Pero in fairness, a? Ganda natin ngayon! Mukhang birhen!" si Nat ulit.
Tumawa sila. Naparolyo ako ng mga mata.
"Baka may pinapagandahan. May crush siguro sa bisita ng parents?" singit ni Letcher na nakaakbay kay Fred, parehong nanunudyo ang mga titig at ngisi.
Lecheng Letcher. Napailing ako, hindi makapaniwala sa natatanggap kong tukso.
"Hindi ano," I denied.
Napaiwas ako ng tingin.
"Hindi raw!" ulit ni Monique, tinuturo ang pag-iwas ko.
Tumawa si Nat at sinundot ang tagiliran ko. "Naku! Knowing this b***h, nag-aayos lang 'yan kapag may pinopormahan, e. Tapos makikita 'yung crush niya."
"What the hell?" kunwaring tawa ko na lang.
Kinabahan ako lalo. Abot-langit na ang tahip ng dibdib nang pinanliitan ako ni Natasha ng mata. Damn it! Sinasabi ko na nga ba at makakahalata ang isang ito!
Pinagsilbihan na ng light food at cocktails ang mga kaibigan nang nag-request na. Mamaya pa kasi ang buffet. Nag-avail sina Mommy ng catering service kaya nakaayos na iyon sa hall at hinihintay na lang ang iba pa.
"Mich, pahanap ang Daddy mo. We'll start in a few," lapit sa akin ni Mommy.
Binati siya ng mga kaibigan kaya iniwan ko na muna sila roon. When I went past by the living area, I tried hard not to draw any attention by furtively walking and slightly lowering my head.
Nandoon kasi ang mga kamag-anak ng Maddison. Syempre, imbitado rin. Ngunit sa huli, bigo ako at hindi pa rin nakaiwas sa pangmamata ng ilan sa mga kaanak nila.
"Wala talagang modo. Hindi man lang bumabati ang isang iyan. Bumati na ba sa inyo?"
"Naku! Puputi na lang ang mga mata ko bago magpasupil ang isang 'yan."
"Where's her manners? I can't believe Edward and Sandra let a rude girl live with them in this house, too!"
"Nakikitira na nga lang, hindi pa nakikitungo. Balita ko, wala pang modo!"
"Pagpapaganda lang ata ang alam nyan. Nothing but a pretty face. The rest, rotten demeanor!"
I pursed my lips and lowered my head more as I walked passed by them.
Akala ko sanay na ako. I thought exposing myself to the harsh reality for years could make me undeterred and indifferent with these tenacious remarks already. Ngunit tulad lang ng pangungumbinsi sa sariling hindi na ako apektado sa nakaraan, mukhang binibilog ko na naman ang sarili.
In the end, it was just all my determined audacity to put up a strong facade.
Nilibot ko pa ang ilang bahagi ng mansiyon kung saan may mga bisita, hindi na inalintana pa ang sumunod na mga panghuhusga.
According to Mom, Dad's busy entertaining the guests, especially the incumbents and dignitaries. Ngunit maging sa kanilang kuwarto at study, wala akong nakita ni anino nito.
That's when I decided to go outside to see if he's there. Ayoko sana dahil mainit at baka pa masira ang ayos ko. Ngunit hindi rin nagtagal, natanaw ko na itong nakatalikod mula sa banda ko. Mayroon itong kausap na matangkad na lalaki. Parehong nakaharap sa garden habang mukhang seryoso sa pinag-uusapan sa dulong parte ng lanai.
As much as I don't want to disturb them, I've got no choice but to strut my way to declare the start of the party.
Dad's in his white dress shirt, gray waist coat, and black trousers, probably wearing a tie, too. I don't know. All I could see was their backs. Samantalang mas kaswal naman ang suot ng lalaking kausap. The man's wearing a black cap, black balenciaga shirt, silk silver trousers, and leather shoes.
Nakatalikod pa lang ngunit agad naghuramentado ang kalamnan sa nakalalagot-hiningang tanawin. And as soon as I cleared my throat to catch their attention, I f*****g regretted it right away.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig.
"Mich!" parang gulat pang turan sa akin ni Dad pagkalingon sa gawi ko.
But I was stunned on my feet the moment the man he's been with also turned his face to see me, too. Halos malaglag na ang panga ko nang natanaw ang sobrang pamilyar na mukha.
W-What is he doing here? I mean, akala ko ba, may ibang lakad o hindi na nakadalo? Damn it! Hindi ko alam kung dapat ba akong maduwag o matuwa ngayong nakumpirma kong nandito siya!
Damn, Emmanuel KT Demetriou!
But on top of that, what's he doing here with my father? My forehead creased. I don't remember them having a formal word with each other without me. Sa pagkakaalala ko'y civil lang naman sila sa isa't isa dahil kaibigan ko ito, nakakatambay rin sa bahay dati kasama ang iba pa naming kaibigan. But seeing them alone and very serious made me curious.
What is it that they have to be this formal and private?
"A-Anong sadya mo, anak?" Bakas ang pagkabigla at kuryosong pinagsama sa boses ni Daddy.
Napakurap-kurap at iwas ako ng tingin nang tuluyan na ring humarap ang kasama sa akin. Parang bigla akong nahiya sa suot ko. Biglang nawalan ako ng lakas ng loob at nabahag ang buntot!
"H-Hanap na po kayo ni... M-Mommy. Magsisimula na raw po," I stammered.
Dad suddenly looked worried as he turned to Emmanuel. Tumango-tango ito. Tinanaw muna ako bago tuluyang tapikin ang balikat ng huli saka na rin umalis.
Ngayong nahimasmasan na, bigla akong nataranta. Bakit hindi pa ako sumabay kay Daddy! Nakalunok akong sumilip kay Emman at nang nahuli itong nakatitig lang sa akin habang nasa loob ng bulsa ang mga kamay, walang sabi-sabi na akong tumalikod.
Ngunit kung minamalas ka nga naman, nakakaisang hakbang pa lang ay agad niya akong napigilan!
"Where are you going?"
Emman's deep and manly voice made me halted. Bigla ata akong naestatwa sa kinatatayuan nang narinig ang boses nitong panlalaki. Kung noon, magtatatalon ako sa tuwa at pipilitin siyang ganoon lang muna.
Ngayon, para bang mas pipiliin kong bumalik na lang ulit ito sa pagiging mataray at ambisyosang bakla. Ever since before, I always find it hard to focus whenever he's so serious, especially with his manly voice.
Heck. That's a deadly combination. And for the love of God, he's doing it right now! Damn it!
My lips parted when he neared me. Nilayasan na ako ng ulirat nang tumigil na siya mismo sa harap ko. Kung kaninang nakatalikod pa lang ito ay halos lagutan na ako ng hininga, ngayong nasa harapan na'y hindi ko na sigurado kung humihinga pa ba ako.
"Y-You're here," was all I could utter.
What the heck? Napatikhim ako. Samantalang marahan naman siyang tumango.
"Yes," he answered hoarsely.
Sinubukan kong tumawa. I tried to lighten up the mood but I realized, I just probably looked constipated.
"Uh... kasabay ka nila Nat dito?"
Imbes na sumagot, dumapo ang tingin niya sa bandang dibdib ko. My face heated up. Sa pag-aakalang kung ano iyon, halos sampalin ko na ang sarili nang napansin niya lang pala ang bagong kuwintas ko.
Emman c****d his head on the other side as he examined it, before shifting his sight towards me again. He licked his lips.
"Hiwalay ako sa kanila. I drove my own car."
"O-Okay. Bakit nga pala kayo... magkausap ni Daddy?"
Bigla akong kinabahan sa sariling tanong. Does it have to do with me? Hindi naman siguro, 'di ba? Ano namang ang pag-uusapan kung ganoon? Tungkol sa pag-ibig niya sa akin?
Tonta! Hibang na nga ako.
"Business."
Tipid ang sagot niya, para bang hindi iyon importante dahil mas mahalagang timbangin niya ang disposisyon ko ngayon.
"Ah..."
Gusto kong matawa sa sarili.
Surely, I've always been a good conversationalist. But today, I think I got tongue-tied with him.
How ironic. Tuwing siya ang kasama, hindi paghahanap ng paksa ang problema ko, kundi kung paano patatahimikin ang bibig ko. But now, the table has been turned. My treatment to him suddenly turned 180 degrees.
"Mich..." he called.
There's a hint of frustration in his voice.
Hindi ako nakasagot, tinititigan lang siya ngayon na animo'y may malaking kasalanang nagawa kung makitungo sa akin.
"Are you... mad at me?" he asked with weary eyes.
I flinched a bit, apektado na bigla sa mga galaw niya. Ngunit sa huli, umiling din ako.
I sighed. "Hindi sa ganon..."
I'm just a tad... awkward. I guess.
Marahan siyang tumango at napapisil ng balingusan. "I know it's pretty... insensitive of me to suddenly blurt that out, Michaela. I'm so sorry..."
Napatikhim na ako. "K-Kailan pa? At... paano? Bakit?"
Lahat na ata ng 5 W's and 1 H ay halos sabihin ko na para lang magkalinawan kami ngayon. I have to admit, I was tensed and slightly shocked by it. But there's a part of me, that I have to be honest, that's thrilled me as well...
Bigla akong nahiya para sa naiisip.
"For God knows when, Michaela. I don't know.. It just... happened."
Marahan akong umiling at tinignan na rin siya. "What if you only mistook it for missing me? Nasanay na tayo sa isa't isa. And knowing I'll be gone for-"
"You don't believe me?"
My eyes widened. "I-I mean, w-we need to double check!"
He laughed without humor. "What's your suggestion then? Put your hand on my chest to see if my heart's racing fast for you?"
Umiling ako. Dahil ang totoo, wala ring ideya sa gusto ko ngang mangyari.
Humakbang siya ulit nang isang beses, para bang hindi pa sapat ang lapit namin ngayon.
"Kiss you to see if a gay like me can digest your lips? Mich, I'm not gay. I'm bi and I can pound you right here, right now, and see if my c**k will stiffen for you."
Napatawid ako ng tayo sa pagiging bulgar na nito sa pananalita. Bagay na nangyayari lang tuwing iritado, nasasaktan, o napupuno na. But this time, I think those emotions were combined. I could see them manifested in his eyes.
That's why instead of feeling insulted and violated, I was dominated by my understanding because I know very well he doesn't mean it. Eventually, I managed to shake my head.
Napatikhim ako. "Just... J-Just answer my question. A-Ayos na siguro iyon..."
Nanatili lang ang titig niya sa akin, hindi na nagsalita pa upang hintayin ang aking tanong.
"So... you love me?" I asked stupidly.
His brow shot up. "Yes."
For some reason, nakagaan ng loob ko ang pagtataray niya.
"Kung ganoon, bakit ngayon mo lang sinabi?"
Marahan siyang umiling at bumuntong-hininga na.
"Ngayon mo lang narinig."
"Huh?" pagtataka ko.
He ran his fingers through his hair and bit his lower lip. And when he swallowed, his adam's apple obviously moved. Muli siyang napailing na para bang may mali siyang nasabi.
"Just like what I told you... I love you, Michaela. And don't you ever forget about it this time. Because..."
"Because?"
I pulled my eyebrows into a crease with his intentional pause. His eyes looked pained about something. That he has to close them in order to proceed.
And by that, I don't know why... but my heart throbbed in pain as if it's all my fault that I... really did.
"Because the first time, you already failed to remember it..."
April 12, 2020