Sweet Goodbye
"Ugh! Wait!" inis na sigaw ko.
Napalingon sina Natasha sa akin. Tinaas ko ang palad ko para isenyas na sandali lang, saka ko ulit tinignan ang punyetang dress ko.
"Damn. Get off," sambit ko roon.
Ilan pang malulutong na mura ang naisigaw ko sa nasabit na laylayan ng black dress ko sa may bukana ng Range Rover ni Emmanuel. Damn it!
"Matagal pa ba 'yan?" maarteng tanong ni Emman nang makabalik ulit sila rito, parang hindi pa nakikita kung bakit ako natagalan.
"What happened?" untag naman ni Natasha habang nakakunot ang noo.
Sumilip silang dalawa ni Emman at sabay silang humagalpak sa tawa nang natanaw ang sitwasyon ko.
"Oh, my gosh! I told you not to wear that dress, shortie," Emman said in between his laughs. Damn this gay.
"I hate you." Inikot ko ang aking mata sa kanya at nilipat ulit ang tingin sa suot ko.
Umiling-iling naman si Nat at yumuko para tulungan na ako sa pagtanggal. Pero mayamaya pa, sabay-sabay kaming napatili nang nakarinig ng punit pagkahila ni Emman nang nainip na.
"I didn't bring extra shirts for Pete's sake!"
Humalinghing sa tawa ang dalawa nang pumanhik na kami papasok ng bar samantalang nako-conscious na ako sa hitsura ko.
May kaunting punit sa laylayan ng black sequined spaghetti strap dress ko. I tried pulling the hem of it lower. Maliit lang naman iyon at nagmumukhang slit, exposing some of my left leg's skin.
"Your cleavage's bothering me, Michaela. Cover up!" bulalas ni Emman nang nagtama ang aming mga paningin, biglang iritado.
Inilingan ko na lang ito habang tinatali ang kalahati ng buhok sa tuktok ng ulo. Dahil kasi maikli na, hindi na kayang talian nang buo tulad ng dati. Abala naman sa pag-aapply ng makeup si Natasha sa gilid namin, pakiramdam niya kasi ay nasira ang makeup niya sa pagtulong sa'kin kanina.
"Who's your flavor of the night, Ems?" utas ni Natasha habang paikot-ikot ang tingin sa paligid ng club.
Nagkibit-balikat lang si Emman at hinigit na kami ni Natasha. Sa ganitong mga lamyerda talaga ay laging nakaplano ang listahan ng bakla.
May ilan kaming nakakasalubong na kakilala tulad ng mga batchmates at iilang random acquaintances na ikinagulat namin. Karamihan pa sa kanila ay lalaki at mga may hitsura kaya pigil na pigil ang dalawa.
I groaned in disbelief. Pinilig ko ang aking ulo at pinagmasdang mabuti ang bar. Paminsan-minsa'y tumatama sa aking mukha ang makukulay na laser lights habang naglalakad kaming tatlo. Umaalingawngaw naman ang kantang Blurred Lines sa buong bar na sinasabayan ng indak ng mga tao.
It's already our last day of class earlier. Kaya napagpasyahan na mag-hang out para ipagdiwang ang opisyal na bakasyon namin. Nauna kaming tatlo nina Nat at Emman. Alam ko kasi parating pa lang ang ibang kaibigan namin.
Kahit na medyo puno na ang bar, nagawa pa rin kaming kaladkarin patungong counter ni Natasha. We heard that the bar is going to have a hydro party when the clock strike at 11 o'clock. Hindi naman ako interesado sa ganoon. Nandito lang ako para i-spoil ang sarili at...
Napanguso ako sa naiisip. Napalingon ulit ako kay Natasha.
Sinabi niya na sandali lang at kakausapin muna niya ang mukhang bagong barista. Umupo siya sa isang high stool at kinalampag ang counter habang ako, nakahalukipkip lang dito sa kanyang gilid. Samantalang nakahilig naman ang kaliwang siko ni Emman sa countertop ngunit magkahawak ang parehong kamay, pinapanuod ang eksena ng kaibigan namin.
"Hi," saglit na kindat niya sa barista. "Reserved table for Asha?" untag niya pa.
Napangiwi ako samantalang tumango naman ang sommelier at sinenyas niya na sumunod kami sa dadaanan niya.
"This way, Ma'am," baritonong sinabi ng lalaki.
Lumingon sa amin si Natasha mula sa likuran at ngumisi, ngising tagumpay. Jackpot. Hindi na masama. Pero nakakahiya pa rin at sa mismong barista pa nakisuyo kung mayroon namang waiter!
Nakabuntot lang kami sa sommelier hanggang sa narating namin ang regular spot dito sa bar na lagi naming tinatambayan. This spot is pretty cool. Isang L-shaped sectional couch at tama lang para matanaw ang parehong dance floor at bar.
Matagal-tagal na rin naman nang mamalagi kami rito sa bar na ito almost two times a week. But for this moment, napagkasunduan namin na kaming tatlo na lang muna ang magkakasama. We have our circle but the three of us are the closest to each other. Minsan ay may hiwalay talagang mga lamyerda na hindi kasama ang iba.
At kung tutuusin, kabisado na namin ang bawat sulok ng lugar. Sadyang nagpasama lang si Natasha sa sommelier dahil paniguradong tipo niya.
Pagkapirmi sa puwesto, tinanaw ko na lang ang mga tao sa dance floor at ang professional DJ na nasa likod ng mga *turntables, mixers, at vinyls. Kilala ko iyon. Nakasama ko na dati sa isang gig at sa mga sunod pang offer ay tinanggihan ko na lang. Though, medyo limot ko na ang pangalan.
My lips twisted. I'm not fond of long term commitment. Forming a group or band was not really on my plan. Bumuntong-hininga na lang ako at bumaling sa mga kaibigan.
"Thank you!" si Natasha sabay dampi ng palad sa matipunong dibdib ng bartender.
Napangisi ako at kuha ng isang cocktail doon. My eyes then drifted to Emman that I caught seriously staring at me. His brow shot up before crossing his legs and sipping on his own glass of whiskey.
Kumunot ang noo ko. Ano na namang problema ng baklang 'to?
Samantala, inilingan ko na si Nat at binigyan ng tinging itigil na niya iyon dahil nakakadiri. I want to have fun but not this kind of entertainment! And aside from that, I don't want us to stoop down to that level.
Sa huli, ngisi na lang ang isinukli ng sommelier sabay sulyap sa akin bago umalis sa aming table. Agad naman na tumawa si Natasha.
"Ikaw ata ang type. Peste," Nat hissed with utter irritation before quaffing her tequila sunrise for a start.
Rinig kong tumikhim si Emmanuel. Napabaling kami sa kanya ni Nat nang ngumisi ito. Ngunit ang kilay ay nakataas at nakatutok ang mga mata sa binababa niyang shot glass sa mesa.
"Huwag mo nang asahan ang babaeng 'yan. She's a rebel but not a slut," he said.
Natasha bursted out with laughters. "Talaga? Kaya pala laging nahahagip ng lalaki sa suite!"
Napailing na ako. "Hindi ko naman ginusto! Nagkakataon lang na laging..." I trailed off.
"Na laging?" Emman grimaced impatiently.
Napalabi ako. "May tama. Tipsy!"
"Tipsy your t**s. I'm tired cleaning up your mess, Mich," mataray niyang wika bago tumayo para daluhan ang kabilang mesa na puno ng expat.
Tinawanan na lang namin iyon ni Natasha. "What a scummy douche!"
Sinadya naming iparinig ang mga komento namin sa pagwo-walkout niya ngunit sinasadya niya rin namang hindi pansinin iyon. Nasipat ko na lang na abala na sa pakikipag-usap sa isang babae at lalaki sa magkabilang gilid. Panay expat. Siguro kakilala o naka-fling na dati pa man. But I doubt the latter. Aside from academics, Emman is not a repeater.
"Hi, Mich!"
"Nat, attend kayo mamaya sa hydro?"
"Hindi ko pa alam!" tatawa-tawang sagot ng kaibigan sa mga nakakasalubong habang patungo na kami sa dance floor.
I reached for a glass from the steward's tray and quaffed in it. Nagpatuloy lang kami sa pagtawid sa dagat ng mga tao. The bar was surprisingly packed tonight, animo'y nagkasundong ipagdiwang ang huling gabi ko sa syudad na ito.
I smiled bitterly as I nodded to some acquaintances. Nilagok ko na nang buo ang inumin bago iyon ilapag sa isang bakanteng mesa.
"Teka, may lalapitan lang!" paalam ni Natasha.
Tinanguan ko na lang ito at pumirmi sa isang single bar height table, malapit na halos sa dance floor.
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi, sinisimsim ang lasa ng iba't ibang lasa ng nainom ko roon at napapikit na lang kung gaano kasarap nang nagsama-sama ang mga lasa nito sa aking labi.
Sinandal ko ang sarili sa matangkad na mesa at tinanaw si Emman na sumasayaw na sa gitna. He's flirting with both girls and boys, while Natasha is smuttily talking with a familiar man.
Samantala, no one dared to come close to me. Isang nanlilisik na mata lamang para sa mga sumusubok ay alam na nila ang ibig kong sabihin doon.
I expelled with pleasure as I massaged my temples. I wanna make this night perfect kaya't hindi ko sasayangin ang huling pagkakataon ng aking kalayaan.
Nilugay ko ang aking buhok at hinayaang tumalbog iyon sa bawat galaw ko. Tumayo ako at uminom pa ng isang shot bago rumampa papunta ng dance floor. Ayokong sumayaw nang walang lakas ng loob. I want myself slightly drunk before getting wilder.
The crowd was totally hot when I landed a feet on it.
Tinaas ko ang aking kamay sa ere at nakisabay na rin sa pagsayaw ng mga tao roon na parang mga hayop na nakatakas sa hawla nang ilang dekada. Sigawan at tilian ang mga maririnig sa gitna. Nakakabasag ng tenga.
"Mich! Kanta ka raw! One round sa stage!" rinig kong sigaw sa akin ni Nat sa isang banda ng dance floor, kumakaway sa akin at may isang grupo nang kasama.
Hindi ko iyon pinansin at nakangiting ipinikit ang mga mata.
"Kanta raw, Miss Singh," a low baritone voice echoed on my ears.
Sa ilang pagkembot na ginawa ko sa aking bewang ay naramdaman ko na may humaplos doon pababa sa aking balakang. Isang morenong lalaki na may matipunong pangangatawan ang salarin. Malinis ang tabas ng buhok at todo ang puri ko sa kanyang katawan.
Napangisi ako. He's pretty intoxicated. Kung ikukumpara sa kanya, mas matino pa akong mag isip... sa ngayon.
"I'd rather dance with you," I almost whispered.
Kumuha ako ng isang shot glass sa dumaang sommelier at nilagok iyon, naalala ang paratang ni Emman na hindi ko hilig ang hookups. He's underestimating me.
Muli akong lumagok ng isa pa. Pinili ko naman 'yung katabi ng mojito dahil napagsawaan na. I need a stronger one. Mampatapal sa makapal kong mukha, mampalakas ng loob, bago ko muling hinarap ang gwapong lalaki at nakisabay sa bawat galaw ng kanyang katawan.
I don't want to leave this city yet. I lived almost half my life here. I finished my primary school and almost my secondary in this place as well. Next school year ay grade twelve na sana sa kalasuluyang pribadong eskuwelahan na pareho naming pinag-aaralan nina Natasha Gayle Garduque at Emmanuel KT Demetriou.
I licked my lips as I ground my body to this man's lean built and swallowed the lump on my throat. Just the thought of leaving this place along with my beloved friends, it made me wanna burst out in tears again.
Tinawa ko na lang ang pangungulilang nadarama hindi pa man nangyayari ang paglisan.
Sobrang tipsy na ako nang mga oras na iyon dahil hindi na mabilang sa daliri ng paa't kamay ang mga nainom na hard liquors. s**t! I feel so tanked up! Where the hell are Nat and Emman? I can't see them anymore! How long am I dancing with the same guy? Half an hour or one? Damn it!
"Michaela Singh, right? My friends right there told me you're beautiful. But you're damn hot, baby," mariin niyang pagkakabulong sa akin gamit ang matigas na ingles.
Bahagya akong nagulat nang narinig na may accent ito. Mukha namang lokal ngunit baka lumaki sa ibang bansa.
Napangisi na lang ako at tumitig sa mga namumungay niya nang mata.
"I'd prefer being called as cool tho." I winked at him.
Kung nasa katinuan lang ako, paniguradong ako na mismo ang sisipa sa sarili palabas ng establishment na ito. But unfortunately, I was now far from being sober. Pagsisisihan ko ito panigurado. Pero... bahala na.
Tinawanan ko ang debateng nagaganap sa sariling utak samantalang umangat naman ang gilid ng kanyang labi.
Medyo nagulat ako nang binaba niya ang kanyang ulo at dumampi ang namamasa niyang mga labi sa aking leeg.
My lips parted a bit. Napasinghap ako sa biglaan niyang pag-atake. Pero nagawan ko naman ng paraan at agad naman na narehistro ng utak ko iyong nangyari.
Naramdaman ko ang maiinit niyang palad sa aking bewang at ginalaw iyon, taas-baba sa tiyan ko bago nagmaneho pababa sa hita.
Hindi ko alam kung lasing ba ako nang dahil sa alcohol o sa sarap na nararamdaman ko. This man is obviously the one night stand type of guy.
I already encountered a lot of guys like him but I never failed myself. Jesus! I'm still a virgin. No one can dare to do such nasty premarital things to me. Bukod pa roon, isa ring palaisipan sa akin kung paanong nakakauwi pa ako sa sariling bahay buhat ng madalas na iuwi ng mga lalaking nakakasayaw.
I gasped. The whimpers won't stop especially when his huge hands cupped the both of my butt cheeks.
Hinaplos ko naman ang kanyang dibdib at walang pasabi niya akong pinihit at binuhat papunta sa kung saan habang patuloy pa rin na hinahalikan ang aking labi.
Ramdam ko ang pagngisi nito nang nakarating na kami bandang dulong bahagi ng club at nakita ko na lang na inilapag niya ako sa isang couch na punong-puno ng mga lalaki. Doon siya pumagitna at umupo bago ako hilahin para kumandong sa kanyang mga hita, saka ako pinaulanan ng halik sa iba't ibang parte ng mukha at leeg ko.
"f**k damnit! This is Michaela Singh?" malalakas na sigawan at samu't saring malulutong na mura ang narinig ko bago tuluyang nagdilim ang aking paningin.
Nagising na lang ako kinabukasan dahil sa maliwanag na sikat ng araw. Just like an impulse, I hurriedly lifted up my body but it turned out to be a wrong f*****g move.
"Oh, s**t!" bulyaw ko sa sakit ng ulo nang tangkain kong tumayo mula sa kama. "Shit..."
Sa huli, mas pinili kong pakalmahin muna ang sarili. Pakiramdam ko kasi may mabibiyak sa loob ng bungo ko! Heck, what happened last night by the way?
Saka lang bumalik sa isip ko iyong mga nangyari kagabi. This is one of the reasons why I hate drinking... uhm... sometimes. Tipong gigising ka sa umaga, mararamdaman mo 'yung sakit na parang isang aral na matatauhan ka na lang sa katangahang nagawa mo. At first, it will give you complete pleasure and blithe enjoyment but it will break your head after.
Hinilig ko ang aking ulo at pinasadahan ng tingin ang paligid. Thank goodness, nasa mansiyon ako. Because as far as I'm concern, my previous hang out went out of the limit.
Minsan kasi, gigising na lang ako kinaumagahan na bigla na lang akong magugulat dahil nasa ibang kwarto na pala ako o kaya ay sa ibang unit. At ang malala pa, pagmamay-ari iyon ng isang lalaki. Kaya nga laking gulat ng mga nakakaalam na isang malaking himala na wala pang nakakauna sa akin. Bagay na ikinakagulat ko rin naman.
Pero hindi naman kasi 'yon madalas. Hindi lalagpas ng limang beses. Ilang beses kong pinapangako sa sariling hindi na aabot ulit sa ganoon pero mukhang pumalya na naman kagabi ang sarili. And for whatever reason, I was able to get home in one piece!
"Mich?" dinig kong tawag sa akin ng isa sa mga pinakamalapit sa akin na househelp dito sa mansyon.
"Manang Tina," sigaw ko nang maingat, tinatantiya ang ulo. "Come in... Please."
Dahan-dahan akong tumayo habang inaalalayan ang ulo. Humarap ako sa may pintuan at doon iniluwa nang buong-buo si Aling Tina na may maaliwalas at maliwanag na ngiti.
Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang bowl. Agad nanuot sa silid ang mabangong amoy noon. Tinanaw ko ang masarap niyang porridge, isang piling ng tatlong saging, at isang basong tubig din.
My head's pounding and my stomach's off-kilter. But despite that, I managed to smirk in amusement. Huh. She expected this.
"Good morning, ading," bati niya sa akin bago ilapag ang bed table sa nightstand nasa gilid ng kama ko.
Masyado pa kasi akong abala sa sariling katawan. Magulo pa kaya baka matapon lang kapag sa kama.
Tiningala ko ang wall clock. Eleven thirty-four pa lang pala ng tanghali.
"Good morning," I responsed dizzily. "Nasaan po sina Mommy?"
Ngumiti siya nang makahulugang ngiti. "Naghahanda na sa baba."
"Huh?" sabay gusot ko ng mga mata ko.
"Ang sabi ko... nandodoon na sila sa baba, hija. Nag-iimpake na."
"What?!" Napa-aray ako nang biglang kumirot ang ulo.
Tumingin ulit ako kay Aling Tina na nananatiling nakatitig pa rin sa akin.
I whispered, "For real?"
Marahan siyang tumango bago ilahad sa akin ang tubig. Dumapo roon ang paningin ko bago siya muling tignan.
"They're really decided to leave, aren't they?" I asked outrageously.
Nagkibit-balikat lang si Manang at bahagya akong natawa. Out of the bunch of househelps sharing their abomination with each other against me, Manang Tina was the only one who managed to deal with me. Bata pa lang ako ay nariyan na ang serbisyo para sa Maddison kaya siguro... kilala na rin... at alam ang pinagdaanan ko.
"What do you mean by that? You're not sure o hindi mo lang naintindihan ang sinabi ko?" sambit ko at humagalpak sa tawa pero napahinto rin ako agad bago mapahawak sa ulo.
"Aw..." I hissed.
I can really see the world spinning around! Just... great.
Inabot ko na sa wakas ang porridge din na nakalahad sa akin. Sinungitan ako ni Manang, hindi na naman nagugustuhan ang tabas ng dila. I sighed and pouted. I can't help but to be really bold with my words sometimes.
Nagpaalam na rin si Manang Tina sa akin hindi maglaon at pinaalalahanan akong bumaba pagkatapos kong ubusin 'tong gatas. Kaya um-oo na lang ako saka muling humigop sa bowl.
Nilapag ko muna 'yung mangkok sa bed table saka ko hinanap iyong phone ko. May mangilan-ngilang bagong mensahe roon kaya kuryoso kong binuksan at binasa.
Ang mensahe ni Emmanuel ang unang bumungad sa akin.
Emman:
Where are you?
Maybe Emman messaged me last night at the party when I was still with that guy. Nang naalala ang sitwasyon ko kagabi ay nagsitaasan ulit ang mga balahibo ko. I messed up again.
Emman:
Where the heck are you, Michaela Singh?!
Napangisi ako sa text niyang iyon. I really like it when he's mad, lumalabas ang pagkalalaking nakatago sa kaibuturan.
Natasha:
Pogi!
Natasha:
Ooops! SWS. Peace!
Natasha:
Hey, Mich. Saan ka na? Kumekembot na si Emman dito sa sobrang pikon kakahanap!
Uwi na tayo. Ayoko na sa hydro. Nakita ko ex ko kasama 'yung alaga niyang aso.
Emman:
What the hell? I know the guy is damn attractive, hot and some sort. But seriously, why do you have to be on top of him?
Teka... ano raw?! Nakaibabaw ako sa lalaki?
Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa aking unan at pinanggigilan iyon. It's so gross! Buti na lang ay wala akong maalala kung hindi ay baka himatayin na ako kapag naalala ko nga iyon!
Hindi ko na pinansin ang sakit ng ulo. Pinagsasampal ko ang sarili at iginulong ang katawan sa dagat ng unan at kumot. Nagpagulong-gulong lang ako sa kama habang nakapadyak ang mga paa. The thought that I was on the top of a guy makes me what to p**e!
What the hell?
Napatigil na lang ako sa pagwawala nang tumunog ang phone ko. Tinignan ko iyon habang nakabusangot at nakitang tumatawag si Emman.
"Hello!" May halo pa ring inis ang boses ko nang sagutin ko ang tawag.
"Good morning," he greeted with a husky morning voice.
Let me guess... bagong gising lang ito.
"Why did you call?"
Ginulo-gulo ko ang aking buhok at umupo sa kama nang may unan sa mga hita. Rinig ko pa sa kabilang linya ang malalim na hikab ni Emman kaya't napahikab na rin ako.
"Good morning," said he.
I frowned. "You already told me that."
Tumawa ako.
"Oh? I didn't know." He then yawned again. "How's your head?"
Nang ungkatin niya ulit ang tungkol sa ulo ko, napahawak ako sa aking noo at ginulo muli ang buhok.
"Ito, ulo pa rin."
"Nice joke." Irritation was evident in his voice so I chuckled. "What are you laughing at?"
"Wala!" anang ko. "Bago lang kasi sa akin na mapikon ka. Madalas kasi kami ni Nat ang pinipikon mo," I said and slammed again at the bed. Humiga ako, imitating starfish.
I heard him groaned on the other line tapos nakarinig din ako ng yabag ng mga paa. Maybe he's going to his bathroom already. Nakumpirma ko iyon sa tunog ng bumukas na pinto at paglagaslas ng tubig sa sink.
"You said wala, yet, you answered pa rin. Bakla ka talaga ng taon," natatawa niyang sinabi pero hula ko na antok pa rin.
Napanguso ako sa bigla niyang pagbabago ng disposisyon. Gusto ko pa sana patagalin iyong side niyang lalaki tuwing bagong gising.
"Anyway." Umubo ako para matanggal ang paos sa boses. "Anong oras na kayo nakauwi kagabi?"
"Two o'clock," he answered. "At anong kami? Kasama ka namin. Baka mamaya iuwi ka pa noong moreno. E, alam naman naming..." He sighed and it took him a while to say something kaya inunahan ko na.
Bumuga rin ako ng hangin habang tinaas sa ere ang isa kong kamay nang mangalay iyon.
"We're leaving..." May kirot sa puso ko nang sabihin ko na iyon sa wakas sabay kuyom ng kamao kong nasa ere, tinatanaw iyon habang nakahiga pa rin.
"Yeah," he murmured. Narinig ko na naman ang lakad niya. "That is why I called you... Nakausap mo na ba si Natasha?"
Napailing na lang ako ng ulo kahit alam kong hindi niya makikita iyon. Umupo ako sa kama at tumingala nang mag-init ang sulok ng mga mata.
Shit. Please. Not now.
"Mich," tawag na niya sa akin nang hindi pa rin ako nakakapagsalita.
Umehem ako bago sumagot.
"Uh... Ano nga ulit... 'y-yun?" I stuttered. Tinawa ko para tabunan ang pagpiyok.
"Nevermind." Saka ko narinig ang background. I think, nagsasalin siya ng tubig sa baso. "Hindi ka na ba namin mapipigilan?"
"Mapipigilan," agad kong sagot. Ramdam kong magsasalita ulit siya kaya inunahan ko na naman. "But to them... it's final."
Hindi siya umimik. Tahimik lang ang paligid namin. We fell in a long stretch of silence. Hinayaan ko muna iyon. But after a while, I gasped when I felt my tears falling from my eyes. Napapikit ako.
No. I won't cry... Not now.
I kept on reminding myself until a knock on my door intruded us.
"Ading."
Ang malambing na boses ni Aling Tina ang umalingawngaw sa buong silid ko kaya mabilis kong pinahid ang kakapatak na luha pa lang sa aking pisngi, natatakot na maaaring may makakita, bago tumugon.
"Po?" My voice croaked as I covered my speaker.
"Hinahanap ka na ng mommy at daddy mo."
"Opo. Bababa na rin naman po. Mauna na ho kayo. Susunod na lang ako."
"Pakibilisan, hija," paalala niya.
I heaved a sigh. "Sige po."
Hinintay ko muna na makaalis nang tuluyan si Manang bago ulit tingnan ang screen ng phone ko. On going pa rin ang call.
"Sorry about that," tikhim mo.
"Okay lang, sis." I know he was just trying to lighten up the mood.
Ngayon ko lang napansin na nasa living room na siya marahil dahil naririnig ko ang kanilang TV.
"Uhmm..." Nangapa muna ako ng salita, napapakagat ng labi. "Mamaya na lang muna tayo mag-usap kasi kailangan ko pang mag-ayos ng mga gamit. Kung okay lang-"
He didn't wait to finish my sentence and in he cut me off.
"Sure." Then he hang up.
Nakipagtitigan ako sa screen ng phone nang mga ilang segundo bago tumayo sa kama.
"Chill, Michaela. It's alright... Everything will be alright," I reminded myself as I opened the door.
Pagkababa patungong living area ay sumalubong sa akin ang mga gamit na natatakpan na ng mga puting tela. Ang dating makulay na mansyon ay naging plain na lang nang dahil sa mga telang iyon kaya nakakapanibago sa paningin. Even the ornate chandeliers were settled on the floor, probably for pickup later.
"Good morning, dear." Mom won't forget greeting me everytime.
"Good morning, Mom, Dad. And Lary," ngiti ko sa kanilang tatlo na mukhang handang-handa nang lumarga paalis.
Nakalinya na ang mga luggage. Pati na rin ang mga kahon na handa nang ilagay sa paparating na sasakyan.
Nakabihis na sila at nakamakeup na rin si Mommy. Si Daddy naman ay nakaputing polo shirt lang samantalang si Hilary ay naka-floral dress. She's my younger sister. Not related by blood though. She's their real daughter.
"Good morning, big sis," she greeted me back sarcastically while her arms are crossed infront of her chest.
I secretly rolled my eyes.
Pinaayos na sa akin nina Mommy ang mga gamit ko dahil anytime, hindi imposibleng dumating na ang sasakyan namin kaya sobrang nagmadali ako.
Nakapamewang ako habang pinapasadahan ng tingin ang buong paligid ng kwarto. Buti na lang at kaunti na lang ang liligpitin ko dahil mukhang nag-empake na kahapon ang mga kasambahay dito.
Ilang sandali pa, napatunganga na lang ako sa partikular na parte ng silid. The stuff I broke were probably thrown away at this rate. Malinis na ang parteng iyon at wala na rin ang mga basag na salamin mula sa frames.
Sa gitna ng pag-aayos, naisipan kong maligo bago ituloy ang ginagawa. Pinulupot ko ang tuwalya sa buhok para mas mabilis na matuyo.
"Ma'am? Tapos na raw po ba kayo?" katok ng isang kasambahay.
Nakayuko ako nang mga oras na 'yun kaya umayos ako ng tayo at nagpunas ng pawis gamit iyong bimpo na nasa leeg ko.
"Yes! Pakitawag na lang si Manong para ipabuhat ang mga 'to please!"
Inayos ko pa nang konti ang mga kahon at pagkatapos, dinampot ko na 'yung trashbag na pinaglagyan ko ng mga gamit na hindi ko na kailangan.
May kumatok sa pinto kaya naglakad ako papunta roon. Sakto kasing tapos na ring mag-ayos at magbihis. Handa nang ipababa ang mga gamit dito o idispatsiya.
"Ma'am."
"A! Ikaw pala, Manong." Pinapasok ko siya at tinuro 'yung mga kailangang ibaba.
Binuksan ko na 'yung pintuan pero hindi muna ako lumabas. Nanatili lang ako sa bukana. Pinasadahan ko ng tingin 'yung kwarto at napabuga ng hangin.
"Tss," I snorted.
I couldn't deny. I'm going to miss this place.
Unti-unti ko nang sinarado ang pinto at nagmadali nang tumakbo pababa. Sinalubong ako ni Daddy na umiinom ng kape sa baba ng staircase. We're now back in good terms. Ganoon naman madalas. Pansamantala lang lagi ang mga pag-aaway dahil hindi natitiis ang isa't isa.
Isa pa, wala naman silang kasalanan sa nangyari. Malaki ang utang na loob ko sa kanila.
"Ready?" Tumayo siya at ginalaw ang salamin.
"Yes, Dad."
Iminuwestra na niya ang daan papunta sa garahe. Ako na lang pala ang hinihintay. Kung alam ko lang.
"Mom! She's here!" sigaw ni Hilary sa bintana ng itim naming SUV at doon din dumungaw si Mommy.
Ngumiti siya at agad akong pumasok. Doon ako pumwesto sa pinakalikod. Ako lang mag-isa doon habang si Dad naman ay nasa front seat, katabi ang driver namin.
"Fasten your seatbelts," anunsiyo ni Dad sa unahan nang tumitingin dito sa likuran.
Kinapa ko ang seatbelt sa upuan ko at kinabit iyon sa aking katawan. Doon na nagsimulang umandar ang sasakyan namin.
"Yey!" Hilary cheered as she clapped her hands four times.
Sinandal ko lang ang sarili ko sa upuan at tinanaw ang labas nang bigla akong may naalala.
I fished for my phone inside my travel bag and glanced on it.
No new messages.
I felt a sudden pang on my chest. Pero naisip ko, lagi naman sila iyong gumagawa ng first move. Why don't I try it instead?
Nakailang buntong-hininga ako habang tinitipa ang number ni Natasha sa call. I memorized her digits. But I sighed in disappointment nang hindi niya iyon sagutin. Out of coverage. So sunod kong dinial ang number ng ilan pang mga kaibigan na nasa kaparehong circle.
Ilang bye's at take care lang tapos sinabi nila na sana magkita pa kami in the future. Syempre ang sinabi ko, magkikita kami at magkikita to console them. Napaplastikan pa nga ako sa iba dahil hindi ko nararamdaman na talagang mami-miss nila ako pero hinayaan ko na lang dahil wala na akong magagawa. Hindi lang talaga kami close noong ilan.
"Hello."
Wala pang tatlong ring ay narinig ko na kaagad ang malalim at malamig na boses ng effem kong kaibigan. Si Emman.
"Shit."
Napapikit agad ko pagkarinig pa lang ng boses nito. Ilan pang mura ang naibulong ko sa aking sarili bago nakapagsalita nang matino.
"This is it," I finally said.
Bumaba ang tingin ko sa aking kamay at nakitang nanginginig na iyon. Nanghihina na ako. Parang hindi ko kakayanin pero kailangan, e.
Humarap si Mommy dito sa puwesto ko at ngumiti. Nginitian ko rin ito at umayos ulit siya ng upo para kausapin si Lary.
"I know you're on your way. Sana ayos ka lang sa pag-iwan sa'min."
His voice sounds weird and unusual. Para bang pinipilit lang patinisin ang totoong buo at kalaliman ng boses. There was a vestige of quiver, too. But thinking that I was just hallucinating, I just ignored it and chuckled instead.
"Wag ka namang ganyan. Alam naman nating hindi ko 'to ginusto, e. Hindi ba?" I sniffed.
"Hush," he soothed. "Alright, alright. I was just kidding, shortie. Ikaw naman," he tried to sound jokingly.
Napailing ako at pinalis ang mga luha.
"I'm going to miss the two of you," namamaos kong sabi. "Tell Nat na nagtatampo ako sa kanya dahil hindi manlang niya ako tinatawagan."
"Noted," he said and I chuckled.
"'Wag mo akong kakalimutan, ha?" I sounded so desperate but the hell I care!
Matagal na pause ang namayani sa aming dalawa bago ko siya narinig na tumawa.
"Of course. Malakas ka sa akin, e... Malakas ka sa'min." Mayamaya ay bumuntong-hininga siya.
A few seconds, narinig kong may humikbi sa kabilang linya. Napatikhim ako.
"Are you crying?" namimilog na mata kong tinanong na parang imposibleng umiyak siya in his whole life.
"Hell no!" He sounded so defensive. "I'm just watching a drama movie."
"An overused excuse. Don't even try to fool me."
Dumungaw ako sa bintana at tinignan kung paano umandar ang mga sasakyan sa paligid. Napahaplos ako sa windshield habang pinapanuod ang bawat pagpatak ng ulan sa lupa.
Napakagat ako sa ibabang labi. It will be totally a lonely day.
"Hey," sabi niya sa kabilang linya.
Napapikit ako, pinapakinggan ang tunog ng bawat paghinga niya.
"I will miss you," saad niya.
Pero ngayon, gamit ang panlalaking boses kaya napamulat ako ng mata.
"H-Huh?" I asked in disbelief.
Once in a bluemoon lang siya magsalita gamit ang tunay niyang boses. It's either, he's mad, very serious, sleepy, or whatever unusual mood he's up to.
Hindi ko nga ba alam kung bakit pa kailangang itago ang tunay na boses. Hindi naman malambot ang kilos. He's feline and gracefully overrefined but not to the extent he's justifying being an effeminate or bisexual.
Tingin ko'y natural na talagang mabikas at pino ang kilos at disiplinado. Maiintindihan naman kung hindi ipitin ang boses kaya matagal ko nang ipinagtataka ang parteng iyon.
Pagkatapos ng ilang sandali, hindi naman ako nabigo dahil sinabi niya ulit ang linyang iyon gamit ang boses na napakalalim at guwapo. It's like a melody on my ears...
Napailing ako nang natantong nahihibang na ata ako.
"I will miss you..."
Napangiti ako dahil doon. Sa pag-aakalang hanggang doon na lang, mas lalo akong napamulagat nang may idinagdag pa ito. Napatikhim ako.
"Naduduwag ako." He sounded upset and chuckled. "But I couldn't contain it anymore, Michaela."
"What..." I hissed.
"Listen," sambit niya at halos mabiyak na ang puso ko sa lakas ng t***k.
Hindi ako nakasagot. Hindi ako sumagot at nanahimik dahil natahimik. For a sec, I felt his hesitations. Ngunit kalaunan, rinig kong bumuntong-hininga. At... iyon na ata ang nakakagulat na bagay na narinig kong... papantay sa nalaman ko tungkol sa nakaraan.
"I love you..." he furtively whispered.
Naestatwa ako. My heart was on my throat. My head throbbed more. But nothing could ever be more powerful than my pounding chest.
"Gusto ko nang aminin 'yan sayo noon pa lang... pero naduduwag ako. Na baka kamuhian mo ako dahil kaibigan mo ako. At isa pa akong... ano," buga niya ng hangin.
Hindi ako nakaimik, halos tuliro na sa kinauupuan.
"But this time, listen to me like I'm a real man. I'm a man, Michaela. I'm a man so you listen."
Napakurap-kurap ako. Napapailing nang kaonti.
"Wait, could you please-"
But he didn't let me finish my sentence... when he decided to make my heart shrunk.
"I'm in love with you, Michaela. And this time, don't you ever forget that..."
A static sound almost split my ears. When Emmanuel KT Demetriou... ended the call.
April 11, 2020