Part 6: Legs

1330 Words
Ang malalang pagkasira ang Liquara ay isinisi kay Yue, pinaniniwalaan ng lahat na siya ang nagdala ng kamalasan sa kanilang lahi. Gayon pa man ay nakahanap sila ng bagong tirahan at tinawag nila itong "Tsunaria" na ang ibig sabihin ay "Payapang Alon". Hinayaan nilang tumira si Yue sa kanilang bagong tirahan pero sa isang condition. Bibigyan nila ito ng misyon sa ibabaw ng lupa. "Hindi ako pabor na gawin mo ang misyon at lalong ayokong gawin mo ito. Alam ko na, bakit hindi tayo umalis dito? Lumipat tayo ng ibang lugar na malayo dito sa mga sirena na nanghuhusga sa iyo," mungkahi ni Seres, ang tagapag alaga ni Yue. "Inay, ang ating tinitirhan ngayon ang pinaka ligtas na lugar para sa ating mga sirena. Delikado ang ibang parte ng karagatan kaya't hindi ako papayag na umalis ka dito,"tugon ni Yue. "Pero, nasasaktan ako kapag may sinasabi silang masama at hindi kaaya aya tungkol sa iyo," sagot ni Seres at hindi na niya napigilan ang pag iyak. "Hindi inay, hindi na ako nasasaktan dahil habang buhay na nila akong tinatawag na salot at malas kaya't sanay na rin ako. Mas masasaktan ako kung may mangyayari sa iyong masama. Ikaw lang ang tanging bagay na mayroon ako. Kaya't hindi ko kakayanin at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa iyo. Isa lang ang hinihiling ko, huwag kang aalis dito sa lugar na ito dahil ligtas dito. “Gagawin ko ang misyon at magtatagumpay ako, inay. Pangako ko ito," wika ni Yue, kailangan niyang gawin ang misyon dahil sa tatlong mahalagang bagay. Una, kailangan patunayan niya na hindi siya malas o salot. Ikalawa ay dahil wala siyang ibang pamimilian kundi ang gawin ito. Marahil ito ang kanyang kapalaran. At ikatlo ay dahil gusto niyang gamitin ang pagpunta sa lupa para hanapin na hanapin rin ang kanyang ama dito. "Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni Seres, ang kanyang mata ay punong puno ng pag aalala. "Sigurado na ako inay, nakapag desisyon na ako. Mayroon din akong mahalagang bagay nais gawin sa itaas ng lupa," ang tugon ni Yue sa kanyang ina. Lumipas ang mga araw, dumating ang ika 21 kaarawan ni Yue. Ang mga lalaking sirena na tumutuntong sa edad na 21 ay automatikong nagkakaroon ng paa kapag sila ay umahon sa karagatan. At ang gabing ito ay espesyal na sandali sa buhay ni Yue dahil ito ang unang pagkakataon na tatayo siya sa lupa gamit ang kanyang mga paa. Ito rin ang unang pagkakataon na isinama ni Seres si Yue sa isla ng Karikit upang doon gawin ang kanyang "unang pagtayo". Noong mga sandaling iyon ibayong kaba ang naramdaman ng binata dahil sabi ng mga nakatatanda ay masakit raw ang pagkakaroon ng mga paa. Pero hindi niya malalaman kung hindi susubukan. Habang nilalagyan niya ng telang takip ang kanyang bewang ay gumuguhit ang kaba sa kanyang dibdib. "Yue, dito kita dinala sa isla ng Karikit dahil ang islang ito ay espesyal sa iyong ama. Dito niya madalas sinasamba ang buwan at nagpapasalamat sa mga biyayang pinagkaloob nito. Kaya nararapat lamang na dito mo gawin ang iyong unang pagtayo at pagtapak sa lupa," ang paliwanag ni Seres. "Natatakot ako, ina," tugon ni Yue. "Ang lahat ng unang beses ay kakatakot hindi ba? Pati ang unang pagkatataon na ikaw ay lumangoy ay bumalanse sa tubig ay nakakatakot rin, tama?" tanong ni Seres habang nakangiti. "Huwag kang matakot at magtiwala ka sa iyong sarili," dagdag pa niya. Noong mga sandaling iyon ay humahon si Yue sa sa pampang at dito ay naupo siya sa tabi ng mga batuhan. Kakaiba ang liwanag ng buwan noong mga sandaling iyon. Para bang masaya ito na masaksihan ang unang pagtayo ng merman na nagtataglay ng silver na buntot. Habang nakaupo si Yue sa batuhan ay tumama ang liwanag ng buwan sa kanyang silver na buntot dahilan para magliwanag ang kanyang mga kaliskis. Maya maya ay tila ba unti unting naglalaho ang mga kaliskis sa kanyang buntot na papalitan ng hita. Noong mga sandaling iyon ay hindi siya makapaniwala sa kanyang nasasaksihan. Nagkakaroon na siya ng mga hita at mga paa! Kaya pala pinaglayan ni Seres ng takip ang kanyang bewang upang hindi makita ang maselang parte ng kanyang katawan. "Inay, nagkakaroon na ako ng hita, nakikita ko na ito!" ang natutuwang na wika ni Yue. Hindi niya maitago ang matinding pagkamahanga. Hindi naman masakit, wala siyang naramdamang kakaiba sa unti unting pagbabago sa kanyang katawan. At makalipas ang ilang minuto ay tuluyan ng nagkaroon ng mga hita si Yue, hinawakan niya ito, ginalaw galaw hanggang sa magulat siya dahil sumusunod ito sa kangang nais. "Ang husy inay! Ang galing nito! Sabi ng mga matatanda ay masakit daw ang magkaroon ng paa pero bakit bale wala naman ito?" pagtataka ni Yue. "Subukan mong itukod ang mga kamay mo sa malalaking batuhan at subukan mong tumayo, pakiusap," sagot ni Seres. At iyon nga ang ginawa ni Yue, noong itapak niya ang kanyang talampakan sa lupa ay ibayong sakit na ang kanyang naramdaman. Parang siya natapak sa isang libong karayom. Masakit ito at makirot, hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam basta parang mapupunit ang kanyang mga kalamnan sa hita. Napasigaw si Yue, naipaiyak ito ng husto habang paunti unting tumatayo. Matindi ang kapit niya sa batuhan upang alalayan ang kanyang katawan. "Ganyan nga Yue, dahan dahan lamang at huwang mong madaliin. Huminga ka ng malalim at huwag mong biglain ang iyong sarili,” pagsuporta ni Seres. Patuloy sa pagtayo at pagbalanse si Yue, patuloy rin ang sakit na kanyang nararamdaman. Marahil ay totoo nga ang sinasabi ng mga matatanda na ang pagkakaroon ng paa ang pinakamasakit na bagay na maaaring maranasan ng isang sirena, pero ito ang pinaka mahalaga sa lahat. Makalipas ang ilang oras na sakit ay matagumpay na nakabalanse si Yue. Ang akala niya ay tapos na ang kanyang paghihirap ngunit magsisimula pa lamang pala ito. Dahil ang ginawa pa lamang niya ay ang "unang pagtayo". Ngayon ay pupunta na siya ikalawang phase ng pagiging isang tao at iyon ang ang tinatawag na "unang paghakbang". Sa ilalim ng kabilugan ng buwan ay unang isinagawa ni Yue ang paghakbang. Sa unang pagtapak pa lamang ng kanyang paa ay parang pinupunit na ang kanyang talampakan. Napasigaw siya at napaluha, pagkatapos ay nabuwal sa lupa. Noong mga sandaling iyon ay awang awa sa kanya si Seres, ngunit hindi niya maaaring lapitan at tulungan si Yue. Dahil ang isang sirena ay dapat matutong tumayo sa sarili niyang paa upang maging matatag ang kaniyang binti. "Bumangon ka Yue, kailangan mong tumayo muli," ang wika ni Seres "Hindi ko na kaya inay, masyadong mahirap, masyadong masakit," pag iyak ni Yue, gusto na niyang sumuko. "Kung susuko kay ay paano mo mahahanap ang iyong ama sa lupa? Paano mo mapagtagumpayan ang iyong misyon? Isipin mo ang iyong ina, ang iyong ama, ang iyong mga ninunong nagtataglay ng pilak na buntot, lahat sila ay nakatunghay sa iyo at ginagabayan ka," sagot ni Seres, punong puno ng pag asa ang kanyang boses. Noong marinig ni Yue ang sinabing iyon ni Seres ay muli niyang sinubukang bumangon at tumayo. Itunukod niya ang mga kamay sa batuhan at muling bumalanse. Habang nasa ganoong posisyon siya ay may nakita siyang mga kulay pilak na liwanag sa paligid. Lahat ng mga liwanag na ito ay lumilipad patungo sa kanya na parang sumasayaw sa kanyang harapan. Pati si Seres ay namangha sa kanyang nasaksihan, marahil ay totoo ngang nakatunghay kay Yue ang kanyang mga ninuno at ngayon ay tinutulungan nila ito makatayo. "Ang pangyayaring ito ay isang milagro. Si Yue ay kinalulugdan ng buwan at ng kanyang mga ninuno. Sa tingin ko ay magtatagumpay sa kanyang misyon dahil hindi siya nag iisa," ang sabi ni Seres sa kanyang isipan habang pinagmamasdan ang mga silver lights na nagsasayaw sa paligid ng binata. Noong mga sandaling iyon ay kakaibang lakas ang naramdaman ni Yue at sa unang pagkatataon na nagawa niyang ihakbang mga paa hanggang sa siya ay makapaglakad ng maayos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD