Kasabay ng pag sikat ng araw sa kalangitan ay ang pag-ahon ni Yuelo sa karagatan. Dito ay mula siyang nagkaroon ng mga paa at sa pampang pa lamang ng karagatan ay nakaabang na sa kanya si Marine hawak ang kanyang damit na susuotin.
Si Marine ay isang sirena din na kaibigan ni Seres na kanyang ina. Magbuhat noong umayat si Yue sa lupa upang isagawa ang kanyang misyon ay dito na siya tumira.
"Bakit kailangan mo pa kasi bumalik sa karagatan kapag gabi. Pwede ka naman doon sa loob ng bahay mag tago katulad ng ginagawa ko," ang nakangiti wika ni Marine habang tinutulungan si Yuelo magbihis ng damit.
"Ayos lang naman ako, nakasanayan ko na rin na bumalik sa karagatan kapag sasapit na ang gabi," ang nakangiti tungon ni Yue.
"Nga pala, kumusta ang misyon mo? Kailangan ba talagang gawin mo ito?" tanong ni Marine na may halong pag aalala.
"Kailangan kong gawin ito upang iganti ang mga kalahi nating nasawi dahil sa kanyang kagagawan. Kapag napatay ko na si Ryou Guerrero ay agad akong tatalon sa dagat at hindi na nila ako makikita pa. At alam mo ba ang good news tiya? Binili ni Ryou ang aking paintings at ngayon ay dadalhin ko na ito sa office niya para ideliver. Doon na rin niya ako babayaran," excited na wika ni Yue.
"At talagang excited ka pa? Papatay ka diba? Ngayon lang ako nakakita ng isang assassin na tuwang tuwa pa sa task niya. Yue, pinapaalala ko lang sa iyo na yung gagawin mo ay hindi biro. Napakagwapo ni Ryou Guerrero, lahat ng mga tao may asawa at wala ay nagkakadarapa sa kanya. Tapos ikaw papatayin mo lang siya? Unfair naman yata iyon. Teka, paano naman siya tatapusin?" tanong ni tiya Marine.
"Mag babaon akong katas ng makamandag na fire fish. Ipapatak ko ito sa juice na iinumin niya tapos ay mangingisay na siya at malalason," ang nakangising wika ng binata. Ang akala niya ganoon lang kadaling mag aassinate ng tao.
"Fire fish? Madali lang mamatay ang kamandag nito sa alcohol. Kapag ininom ni Ryou ang juice na may lason ay agad siyang makakaligtas kung iinom siya ng alak. Mag isip ka ng kakaiba na walang gamot para mission accomplish ka na kaagad," sagot ni Marine.
"Huwag kang mag-alala tiya Marine, magtatagumpay na ako ngayon araw. Ngayon pa ba ako mag aatras kung kailan napalapit na ako kay Ryou?" sagot ni Yuelo.
Tanghali na noong magtungo si Yue sa siyudad upang ideliver ang painting sa opisina ni Ryou. Suot niya ang luma at kupas na ripped jeans at mayroong pa itong colored sun glasses na pambata na napulot niya sa basurahan kahapon. Ito kasi ang nakikita niya sa mga babasahin, mas gwapo ang mga lalaking may nakalagay na salamin sa mata, mas mayabang at mas maporma tingnan. Kaya't ito ang kanyang sinasunod.
Noong dumating si Yuelo sa building ng kumpanya ni Ryou ay nakapatingala ang binata dahil sa sobrang taas ng gusali sa kanyang paligid. Mga bagay na ngayon pa lamang niya nakikita at parang nalulula na siya agad.
"Iyan na ba yung painting na binili si Sir Ryou?" tanong ng guard kay Yue noong makapasok ito sa loob ng lobby.
"Oo, ito nga yung painting na nabili niya kahapon," ang sagot ng binata habang nakangiti.
Pinapasok siya ng guard. "This way sir, hinihintay na po kayo si Sir Ryou sa kanyang opisina," ang tugon ng guard at sinamahan niya si Yue sa patungo sa opisina si Ryou sa 4th floor ng gusali.
Abala si Ryou sa pakikipag usap sa telepono noong mga oras na iyon. Nahinto siya sa pagsasalita noong makita niya si Yue na pumasok sa loob ng kanyang opisina. Literal na nagulat siya sa itsura nito dahil kakaiba talaga ang styling ng binata, napangiwi siya at pinigil ang pagtawa.
"Sir Ryou, nandito na po si Mister Yuelo, ang artist ng Historica Art Gallery, hawak na po niya ang painting na iyong binili," ang bungad ang guad sa kanya.
"Good afternoon, narito na yung painting," nakangiting bati ni Yue.
Natawa si Ryou dahil sa kanyang itsura, "bakit ba may salamin ka pa? Pambata iyan ah, hugis puso pa ha? Saan ka ba sisinghot at bakit ganyan ang suot mo? Gwapo ka sana kaso weird ka lang. Halika maupo ka muna dito," ang paanyaya ni Ryou, napapakamot ito ng ulo.
Tumayo ang binata at kumuha ng baso may juice saka inilagay sa tabi ng kanyang laptop. Ito na ang pagkakataon ni Yue, habang nakatalikod si Ryou ay kinuha niya ang maliit na bottle ng katas ng Fire fish at mabilis itong inilagay sa inumin ng binata. Hinalo pa niya ito gamit ang kanyang daliri para mas kumalat ang lason sa inumin. Medyo salahula ang kanyang ginawa pero wala namang choice!
Muling humarap sa kanya si Ryou at ngumiti, nilagyan niya ng yelo ang juice at iniabot sa kanya. "Yuelo, sa iyo ang juice na ito. Tikman mo, masarap iyan dahil gawa iyan sa imported na brand. Akin naman itong alak, let’s drink!”
Nangiti si Yue, ngunit kinabahan siya. Hindi niya ito maaaring tikman dahil may lason ito. Hindi naman niya inakala na para sa kanya pala yung inumin na iyon. "Sorry, pero hindi ako mahilig sa ganyang inumin," sagot ni Yue, pinapapawisan na ang binata sa kaba.
"Hay, ano ka ba? Minsan lang ako mag alok ng drinks, masarap iyan dahil paborito ko iyan. Halika mag toast tayong dalawa," ang sagot ni Ryou at nilagyan niya ng alak ang kanyang baso.
"Ayoko talaga," ang pagtanggi ng Yue.
"Please? Itry mo lang lumagok ng kaunti," pamimilit ni Ryou sabay habang nakangiti, mas lalo siyang nagiging gwapo habang tinititigan.
Itinaas niya ang baso, "sana marami ka pang paintings na magawa in the future, cheers!" ang wika niya at walang nagawa si Yue kundi ang uminom din. Noong sumayad ang juice sa kanyang labi ay naramdaman na niya agad ang lason nito. Namula ang kanyang mukha at nagsimulang bumula ang kanyang bibig.
Tumalikod ulit si Ryou at hindi niya napansin si Yue sa ganoong kalagayan, "gusto mo ng chocolate cookies? Alam mo kapag na stress ako sa work ito talaga ang kinakain ko," tanong nito habang nakalikod at kumukuha ang cookies.
Lalaong bumula ang bibig ni Yue at nag foam na ito kaya naman agad niyang inabot ang baso ng alak ni Ryou at nilagok ito upang mapatay ang kamandag ng lason. Noong humarap si Ryou sa kanya ay okay na ulit ang kanyang pakiramdam na parang walang nangyari.
"Oh bakit nasa iyo itong baso ko? Okay ka lang ba?" tanong ni Ryou, kinuha niya ang basong alak at saka uminom. "Alam mo narealize ko na hind namani pala ganoon ka weird yung painting mo. Sorry kung medyo na-offend kita kahapon doon sa art gallery," dagdag pa niya, lumakad siya upang pagmasdan ang painting ni Yue.
Tahimik ang buong silid.
Habang pinagmamasdan ni Ryou at ang painting ay marahang inilabas ni Yue ang kanyang patalim na gawa sa ngipin ng pating. Tumayo siya upang itarak kay Ryou ang kanyang hawak. Buo na ang kanyang loob na patayin ito. May lason ang talim nito kaya kapag nasugatan niya ang binata ay mag dudulot ito ng severe damage sa kanyang katawan.
Masama ang tingin ang tingin ni Yue kay Ryou, kaya lumakad siya habang nakatalikod ang binata ay pinagmamasdan ang kanyang painting, "Hindi naman talaga ganoon kapanget ang gawa mo. Ang good thing ay gumaganda ito sa paningin ko habang tinititigan. Sabihin mo nga sa akin, naniniwala ka ba sa mga sirena?" tanong ni Ryou at noong humarap siya sa kanyang likuran ay nakita niyang nakatayo si Yue sa kanyang likuran. Hawak ang patalim na pangil ng pating sa kanyang kamay. Nakahanda na ito upang yariin siya!
Kinabahan ang binata, nanlaki ang kanyang mata dahil nahuli siya nitong may hawak na armas. Samantalang si Ryou naman ay nakatingin lang sa kanya at nagtaka ang binata dahil sa weird na kilos nito. Ang totoo ay hindi talaga siya pinagduduhan ni Ryou dahil para sa kanya si Yue ay inosente na parang isang batang paslit.
At isa pa, wala sa isip na Ryou na gagawa ng masama si Yue dahil napakagwapo nga nito at talagang extraordinary ang mukha. "Wow para sa akin ba iyan? Ang ganda nito ah, very authetic. Saan mo ito nakuha?" tanong ni Ryou noong makita ang kanyang espesyal na patalim. Kinuha ito sa kanyang kamay at hinila siya binata pabalik sa kanyang bangko.
Bigo si Yuelo..
Masyadong swerte si Ryou at ito nagliligtas sa kanya..
"Kung mayroon ka pang ibang paintings ay ibigay mo na lamang sa akin. Bibilhin ko na lang ito upang hindi masayang. Siguro ay ako lang ang makaka appreciate ng weird mong paintings," dagdag ni Ryou habang nakangiti, dito ay unti unting napapansin ni Yue ang kakaibang kagwapuhan ng binata. Sa tuwing magbibitiw ito ng ngiti ay para bang nagbibigay ito ng kakaibang kaba sa puso ng binata. Parang may kakaiba na hindi niya maunawaan.
Hindi sumagot si Yue nakatitig lang siya sa gwapong mukha ng bilyonaryo. Noong mapansin ito ni Ryou ay natawa na lang siya at saka nag "snap" sa harapan ng mukha ng binata dahilan para bumalik ang ulirat ito.
"Are you okay? Gwapong gwapo ka ba sa akin kaya ka tulala?" tanong nito.
"Hindi ka naman gwapo e, weird ka rin kaya katulad ko. Kasi gusto mo rin ng mga weird na bagay," ang hirit ni Yue sabay tayo. Sa palagay niya ay hindi niya maisasagawa ang kanyang misyon ngayon. Hahanap na lamang siya ng ibang pagkakataon para maisagawa ito ng maayos.
"Are you leaving? Ipapahatid na kita sa guard. Salamat nga pala sa souvenir mong shark tooth. Sana next time magdala ka naman dito ng mas kakaibang bagay katulad ng ngipin ng whale o kaya ay pakpak flying fish!" hirit ni Ryou pero nagbibiro lamang ito.
Ngumiti si Yue at nagsabing, "Okay! Magdadala ako," ang tugon nito. Nagdesisyon si Yue magdala dito bukas ng ngipin ng balyena at pakpak ng flying fish. Nagbibiro lamang si Ryou pero seryoso niya itong gagawin.
Bandang hapon, muling tumayo si Yue sa batuhan, nakaharap siya sa malawak na kagaratan. Ngayon ay full moon kaya't ito ay isang espesyal na gabi para sa kanya.
Ang full moon ang nagpapaalala sa kanya ng dating buhay na kinagisnan sa ilalim ng karagatan. At kapag ipinipikit niya ang kanyang mga mata ay bumabalik sa kanyang isipan ang mga pangyayari bago pa siya umakyat sa lupa at isagawa ang kanyang misyon.