LORI NATASHA
“OH, REALLY? DITO na lang sa bahay? Sige, magpapaluto na lang ako kay Manang. Dito na tayo mananghalian,” sabi ni Kuya Jared. I guess, isa sa mga kaibigan ni Kuya ang kausap niya. Sana si Kuya Kenzo.
Habang nilalaro ko ang pamangkin ko, nawala ang atensiyon ko sa bata nang may tumawag kay Kuya Jared through cell phone. Ipinagdasal ko na sana si Kuya Kenzo iyon para lumigaya ang katawang lupa ko. It’s summer vacation kaya ang bagot ko na rito sa buhay. Then isa na lang sa nagpapasaya sa akin ay ang makita ko si Kuya Kenzo. Siya kasi ang happy pill ko. Daig pa niya ang sinag ng araw which is our source of energy.
Si Kuya Kenzo ay kaibigan ng Kuya Jared ko. Sa lahat ng kaibigan ni Kuya, sa kanya lang ako nagkakaganito. Iyong tipong maririnig ko lang ang pangalan niya sa bibig ni Kuya ay hindi na ako mapakali. Nanginginig agad ang tuhod ko at ang bilis ng t***k ng puso ko.
I was sweet sixteen when I started to love him. Aside sa mukha niya na sobrang gwapo. Ang cool ng ugali niya para sa akin. Ang tahimik niyang tao. Nagsasalita lang siya kung kinakailangan. Siya iyong tipo ng lalaki na nakikinig lang sa pag-uusap nila Kuya. Madalang ko lang din siya nakitang ngumiti. Tipid na ngiti nga lang. Para bang pilit? Sa ugaling niya na ganoon, nagustuhan ko siya. Kinikilig ako. Sobra.
Sa totoo lang, madalas akong nagpapansin sa kanya. Ilang beses na rin ako kunwaring nadapa sa harapan niya. Pero ni minsan ay hindi man lang niya nagawang tumawa. Iyon pa naman ang purpose ko kung bakit ko madalas ginagawa iyon. Mabuti pa iyong mga kaibigan ni Kuya ay parang mamatay na sa katatawa.
Sa lahat ng kaibigan ni Kuya, siya lang din iyong nag-iisang bachelor. Wala pa siyang asawa or girlfriend man lang. Kinakabahan na nga ako na baka lalaki rin ang gusto niya. ’Wag naman sana! Pangarap ko pa naman na maging asawa siya. Imposible man iyon pero hindi ako susuko, ’no? Hanggang sa wala pa siyang girlfriend, hindi ako titigil na magpapansin sa kanya.
Kuya Kenzo is already 28-year-old habang ako ay virgin at eighteen.10 years ang age gap namin dalawa. Malaki, right? Parang iyong bukol niya lang din sa ano niya.
Napangiti na ako nang maalala ang bakat niya sa tuwing naliligo siya sa pool namin. Nakikita ko iyon lagi kapag ako ang nagboboluntaryong maghatid ng pagkain sa kanila. Sinasadya ko talaga iyon kasi nga gusto ko siya makita. Pero iyon nga lang, makakasalanan ang aking mga mata. Sa daming pwedeng tingnan, doon pa talaga lagi dumadapo. Aaminin ko na ang landi ko pagdating sa kanya. Mahal ko, e! Ano ang magagawa ko?
Si Kuya Jared ang panganay sa aming tatlong magkakapatid at ako ang bunso. Magkasing-edad lang sina Kuya Jared at Kuya Kenzo at ang gitna sa aming magkakapatid ay limang agwat sa akin.
Ang sabi sa akin ni Mommy, sinadya raw talaga nila ako dahil plano nila ni Daddy na hindi huminto sa paggawa ng bata as long as wala pa silang babae. Kaya noong nalaman nila na ang pronoun ko ay she. Napasigaw raw talaga sila sa sobrang saya. Sana all masaya na nandito ako sa mundo.
Back to my mahal, Kuya Kenzo, sa tagal ng pagkakaibigan nila ni Kuya Jared, wala pa kaming moment na masasabi kong the best. Isang simpleng hi at hello lang talaga. Maybe disadvantage ang age gap namin kaya wala kaming chance na maging malapit sa isa’t isa. Isa rin sa kutob ko ay bata pa talaga ang tingin niya sa akin. Hindi ko na rin siya masisisi roon. Sa kinikilos ko tuwing nandito siya sa bahay, daig pa ang bagong regla sa sobrang papansin.
“Magdala ka ng donuts at pizza, Ken. Dito ko na lang babayaran. Paborito kasi iyon ng prinsesa namin,” sabi ni Kuya Jared.
“K-Ken? Si Kuya Kenzo ang kausap ni Kuya? Si Kuya Kenzo ang pupunta rito!?” masaya na sabi ko sa isipan.
Napasigaw ako sa sobrang tuwa kaya nagulat ang pamangkin ko. Agad ko naman itong niyakap habang hindi mapigilan na matawa. Napalingon sa akin si Kuya Jared kaya itikom ko ang bibig ko.
Anyways, hindi alam ng Kuya Jared ko na mahal ko ang kaibigan niya. Maliban sa nahihiya ako, natatakot din ako kung ano sasabihin niya. Sigurado ako na may masasabi siya sa oras na malaman niyang gusto ko si Kuya Kenzo. Sa dami ng pwedeng mahalin na kaedad ko, sa kasingtanda pa talaga niya? Kakaiba ako, ’di ba?
“Tati Lor, I was about to die sa sigaw mo po,” sabi ng pamangkin kong si Harry.
“Sorry. Happy lang si Tati, okay?” sagot ko.
“Why po, Tati?”
“Kasi napakaganda ko. I am blessed with this beauty,” sabi ko.
Napanguso ang pamangkin ko habang napalingon sa akin si Kuya Jared. Grabe sila kung maka-react. Para bang hindi sila naniniwala.
Kung may pwede man akong maipagmamayabang sa mundo, iyon ay ang kagandahan ko. Kaya nga minsan ay hindi ko mapigilan na mapatanong sa sarili ko kung bakit hindi iyon nakikita ni Kuya Kenzo. Kung tutuusin, nasa mukha at katawan ko ang ebidensiya.
Kahit hindi pa nakikita ni Kuya Kenzo ang halaga ko, hindi naman ako napanghihinaan ng loob. Malakas ang kutob ko na magiging kami. Wala kaya akong ginusto na hindi ko makukuha. Kaya humanda siya sa alindog ko.
“Kuya, sa kwarto na muna ako,” paalam ko. Hinalikan ko ang pamangkin ko. “Bye for now, Harry. Tati will be back later.”
Napatakbo na ako patungo sa kuwarto ko. Matatagpuan ito sa ikatlong palapag ng bahay namin. Sa hindi pagmamayabang, ipinanganak kaming may kaya sa buhay. Hindi ko naman maipagkakaila na grateful ako roon. At least, I will not experience how hard life is. Tamang chill lang sa gilid.
Pagdating ko sa kwarto, agad akong naligo muli. Naligo na ako kanina pero dahil alam kong pupunta rito si Kuya Kenzo, kailangan kong maligo muli. I need to look fresh para mas may chance. May kutob kasi ako na maarte ang lalaking mahal ko. Para bang picky siya sa sobrang taas ng standard niya. Maybe iyon din ang reason kung bakit wala pa siyang girlfriend.
Nang natapos na akong maligo, agad kong kinuha ang croptop at skirt sa closet ko. Hindi man maganda pakinggan na galing sa babae na katulad ko, pero gusto ko na makikita ni Kuya Kenzo na sexy at hot ako. Gusto ko lang siyang akitin. Sana lang talaga mag-work.
Natapos kong magbihis, agad akong nag-ayos sa sarili. Pinatuyo ko muna ang buhok ko gamit ang blower. Nang tumuyo na, agad kong itinali ang buhok ko gamit ang isanh panyo. Gusto ko lang na makita niya na ang ganda ng leeg ko. May nabasa lang ako sa magazine na maliban sa mata ng babae, isa rin sa tinitingnan ng mga lalaki ay ang leeg ng babae. At dahil maganda ang hulma ng leeg ko, magbabakasali ako na mapansin ito ni Kuya Kenzo. Sana lang talaga at baka magiging giraffe pa ito kung hindi pa niya papansinin.
Minutes after, nang natapos ako sa pagpapaganda ay agad akong naligo ng pabango. Dahil nakikita ko na ang sarili ko na panay daan sa gilid ni Kuya Kenzo, dapat ihahanda ko na ang sarili ko. Girl scout kaya ako back then na laging handa.
Sa excitement ko, sa balcony na ako tumambay. Nakikita ko kasi mula rito ang sasakyan nila. May gagawin kasi ako kapag dumating na sila Kuya Kenzo. Magpapansin ako nonstop.
Hours after, napatayo na ako sa kinauupuan ko nang makita na may mga sasakyan na na huminto sa tapat ng gate namin. Pagkatapos, iniligay ko na ang cell phone sa mesa para kunan ang sarili ko na sumasayaw sa Toktik. Gusto ko lang ipakita kay Kuya Kenzo na malambot ang katawan ko.
Nagsisimula na akong sumayaw at ginalingan ko talaga. Sana may pumansin sa akin para may dahilan akong kausapin sila. Habang sumasayaw, hindi ko mapigilan na mapatawa. Napagtanto ko lang kung gaano kahirap na magkagusto sa taong hindi ka gusto. Kailangan talagang dugo’t pawis na magpapansin.
“Lord, sana may tumawag sa akin! Hinihingal na ako rito sa pagsasayaw,” hiling ko sa aking isipan.
“Toktik pa more, Lori!” sigaw ng isa sa mga kaibigan ni Kuya—si Kuya Kyle.
Napangiti ako at agad humarap para makita sila. Tinakpan ko ang bibig ko para kunwari na nahihiya ako. Pagkatapos, humakbang na ako ng mga tatlong beses para mas makita sila sa baba. Iginiya ko ang tingin sa kung saan si Kuya Kenzo pero nagpag-alaman ko na wala na naman siyang pake. Seryoso lang siyang nagtitipa sa cell phone niya. Mission failed!
“May foods kaming dala, Lori. Halika sa baba,” sabi ni Kuya Kyle.
“Oh, pizza!” nakangiti na sabi ko.
“Kay Kuya Kenzo mo ito!”
Napalingon ako kay Kuya Kenzo. “Pwedeng makikain, Kuya Kenzo?”
Napatingin sa akin si Kuya Kenzo nang walang emosiyon. Even his face looks blank, I can’t deny how f*cking handsome he is. He is wearing plain black t-shirt and a jogger shorts. Pero daig pa niya ang modelong nakahubad. Ang sarap niyang titigan!
Napatango si Kuya Kenzo kaya ang lapad ng ngiti ko. Gusto kong sumigaw sa sobrang saya pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Sa pagkakataong ito, hindi ko hahayaan na may makaalam ng sikreto ko. Kahit mga kaibigan ko, itinago ko sa kanila. Kilala ko ang mga iyon, sigurado ako na sa oras na malaman nilang gusto ko si Kuya Kenzo ay malalaman din iyon ng buong mundo. Sila iyong mga klase na kaibigan na hindi titigil hanggang sa walang mangyayaring interaction between the two subjects.
“Thanks, Kuya!” sigaw ko.
Kinuha ko na ang cell phone ko na nakabukas pa ang Toktik at agad na bumalik sa loob ng kwarto ko. Bago ako lalabas dito sa kwarto ko, I will make sure na maganda ang ayos ko.
Habang nasa harap ng salamin, kinuha ko ang lip balm ko at nilagyan muli ang labi ko. Hindi ko hahayaan ang sarili ko na tuyo ang labi ko at baka madismaya pa si Kuya Kenzo. Gusto ko na mapagtanto niya na masarap halikan ang labi ko.
“Lord, kailan mo sasampalin si Kuya Kenzo ng realizations na deserve ko na mahalin niya!” sabi ko sa isipan.
Napabuntonghininga na ako at agad na lumabas mula sa kwarto. Habang papababa ng hagdan, nakikita ko na silang magkakaibigan sa sala. Gusto ko man silang tingnan pero nakayuko lang ako para kunwari walang pakialam.
“Tatiii!” sigaw ni Harry.
Napangiti ako. Savior ko talaga sa kahihiyan ang pamangkin ko. Isa siya sa dahilan kung bakit may rason ako na makalapit kung saan sila Kuya.
Nilingon ko ang pamangkin ko. “I’m back!”
“Ninong Kenzo is here po! Your crush po!”
Napatigil ako sa paghakbang habang hindi mapigilan na magsitayuan ang mga balahibo ko. Nakalimutan ko na sinabihan ko pala ang pamangkin ko tungkol sa nararamdaman ko kay Kuya Kenzo. Ang mali sa akin, I did not consider him as a threat. Four-year-old pa ang pamangkin ko at wala sa pag-iisip ko na kaya niyang seryusuhin ang sinabi ko.
“Harry, bakit mo pinahamak si Tati!” sabi ko sa isipan.
~~~