“HEY, HARRY! STOP making story! Nakakahiya ka, ah!” sigaw ko. Sana this time, mukha akong nagsasabi ng totoo.
Dahan-dahan na humakbang patungo sa akin si Harry. “Tati, you are lying po! You have said to me, everytime you see Ninong Kenzo po, your world stop revolving po. I asked you po back then why it was happening then you crazily answered to me dahil crush ninyo po si Ninong Kenzo po! You like him po.”
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakakahiya! Para akong nilamon nang buhay ng lupa. Ang hirap dumipensa sa pamangkin ko. Hindi ba naman niya nakalimutan kung ano talaga ang eksaktong sinabi ko. He wasn’t making a story, he was telling the truth. The truth that puts me in this shamefuk situation.
“Tati, halika na po! Doon tayo kay Ninong Kenzo,” apuradong sabi ni Harry.
“Sabihin mo muna na nagsisinungaling ka,” sabi ko. Pinagdidilatan ko siya ng mga mata para makumbinsi ko na siya na sundin ako.
Napailing si Harry. “No! Bad po ang mag-lie.” Nilingon nito ang ama nito. “Dad, Tati was pushing me to lie. Promise po, nagsasabi po ako ng truth.”
Nagtawanan ang mga kaibigan ni Kuya Jared kaya para na akong mamatay sa kahihiyan. Nilingon ko kung saan sila at nakita kong seryosong nakatingin sa akin si Kuya Kenzo. Hindi ko alam kung masaya ba siya o hindi. Nakatitig lang talaga siya sa akin. Sana naman nagandahan siya sa ayos ko. Para pa naman sa kaniya ang lahat ng ito.
“Lord, sana ngumiti siya,” hiling ko.
When I saw him smiling, my eyes widened. Then I would say, I am okay. Nawala bigla ang hiya ko at naramdaman ko na muling kumapal ang mukha ko.
Napatawa ako sabay kamot sa ulo ko. “Huli pero hindi kulong.”
“Ano ba iyan, Lori, sa daming lalaki, si Kenzo talaga? Ang tanda na ng kaibigan ko para sa iyo,” reklamo ni Kuya Jared.
Napabuntonghininga na lang ako. Tama nga ako sa hinala ko. May masasabi at masasabi talaga si Kuya Jared sa desisyon ko. Kasalanan ko ba kung magustuhan ko si Kuya Kenzo? Sinunod ko lang ang sinabi ng puso ko.
“Red, walang mali doon. Crush lang naman iyan. Hindi naman iyan umaasa na maging sila,” sabi ni Kuya Kyle.
“Umaasa kaya ako,” sagot ko.
Nagtawanan ang lahat. Ano ba ang sinabi ko? Nakalimutan ko.
“You don’t need to worry, Kyle, para ko lang kapatid si Lorna,” sabi ni Kuya Kenzo.
“L-Lorna?” tanong ko sa isipan.
Hindi ko mapigilan na magsitayuan ang mga balahibo ko sa narinig ko mula kay Kuya Kenzo. Lorna? Tunog matanda iyon. Hindi bagay sa ganda ko. Tinawag na nga niya ako sa pangalang hindi ko gusto, na sisterzoned pa ako. It was called double kill.
Nilingon ko si Kuya Kenzo. “K-Kuya, Lori Natasha. You can call me Lori, Natasha, or baby.”
Napatalikod ako at agad na tinakpan ang mukha ko. Nahihiya lang ako sa sinabi ko. Pero kakapalan ko na ang mukha ko. Nahuli na rin naman ako kaya lulubusin ko na. Wala rin namang mangyayari kung wala akong gagawin, ’di ba? The best thing I can do is to activate my landi mode.
Nang marinig ko ang mga halakhak ng mga kaibigan ni Kuya, lalong lumapad ang ngiti ko. Natutuwa lang ako sa tapang ko. Hindi ko lubos maisip na mangyayari ito nang ganito kabilis.
“Tati,” pagtawag ni Harry.
Lumingon na ako muli sa kanila. Imbes na kay Harry ako titingin dahil ang pamangkin ko ang tumawag sa akin, kay Kuya Kenzo dumapo ang tingin ko. Pasensiya na pamangkin ko, nagmamahal lang ako.
Napataas naman ang kilay ko nang hindi na nakatingin sa akin si Kuya Kenzo. Pero nang muli niyang nilingon ako, sinenyasan niya ako na kumain ng pizza na dala niya. Tinuro niya ang box ng pizza gamit ang nguso siya. Sh*t! Ang sarap higupin ng labi niya. Kahit malayo ito sa akin, nakikita ko na ang bango at lambot nito.
Sa sobrang kilig ko, napatakbo na ako pababa. Hindi ko man lang napansin na nadaanan ko na ang pamangkin ko. Kung hindi lang ito umiyak, hindi ako mapahinto para balikan ito.
“Hey, Tati!” singhal ni Harry.
“Sorry, Harry!” Kinarga ko ito “Eat tayo pizza roon kay Ninong Kenzo mo, okay? Tahan na.”
“I will po. Doon po tayo sa crush ninyo po?”
Inilapit ko ang bibig ko sa tenga nito. “Yup! Pero ’wag ka ng maingay, okay? Dapat nga secret lang iyon.”
“Sorry, Tati. Tati, Ninong Kenzo po is staring at you.”
Nanlaki ang mga mata ko at agad na nilingon si Kuya Kenzo. Pagtingin ko, nakayuko lang pala ito. Tumawa ang pamangkin ko.
Napabuntonghininga na ako. I am not aware na ganito na pala ang mga bata sa generation na ito. Ang dami na nilang alam. Kaya na pala nilang gumawa ng kalokohan sa murang edad pa lang.
Pagdating ko sa tapat ni Kuya Kenzo, pinaupo ko sa tabi niya si Harry. Pagkatapos, umupo ako sa tabi ni Harry. Tinutukso ako ng mga kaibigan ni Kuya pero pinipigilan ko muna ang sarili ko. Imbes na magwala ako sa kilig, nakayuko lang ako habang hindi mapigilan na mapangiti.
“Guys, ang bata pa ng bunso namin para tuksuhin ninyo kay Kenzo. Ni hindi pa nga iyan marunong maglaba ng mga undies niya,” sabi ni Kuya Jared.
Napalingon ako kay Kuya Jared. Kung pwede lang murahin siya, ginawa ko na. Paano niya nagawang ibulgar iyon sa harapan ng lalaking gusto ko? Nakakahiya! Paano na ako magugustuhan ni Kuya Kenzo niyan?
Nilingon ko si Kuya Kenzo at napangiti lang ito. Imbes na mahiya na ako, natulala na lang ako sa kanya. Ang gwapo niya kapag nakangiti. Ang bango niyang tingnan at ang sarap yakapin. Pwede bang akin na lang siya?
Nilingon ako ni Kuya Kenzo kaya agad akong umiwas ng tingin. Nahihiya lang ako.
May kumurot sa pisngi ko kaya nanlaki ang mga mata ko. Paglingon ko, si Kuya Kenzo. Nakatitig siya sa akin at parang may gustong sasabihin.
“Nasa tamang edad ka na. Matuto kang maglaba, Lorna,” aniya.
Ano ba iyan! Si Kuya Jared talaga! Ano na lang kaya ang iisipin sa akin ni Kuya Kenzo! Mas akong magmumukhang bata sa paningin niya. Dumagdag pa sa iniisip ko ang tawag niya sa akin! Sa ganda ng pangalan kong Lori Natasha ay ginawa niyang Lorna! Why!?
“Hey, Kuya Kenzo! Lori Natasha nga! Saan mo ba napulot iyang Lorna? Para naman akong nasa 80s niyan! Hello? I am sexy and gorgeous for that name,” reklamo ko.
“Lor ay galing sa Lori at Na ay galing sa Natasha. Para mas madali ay Lorna. Bagay naman sa iyo. Cute.”
“C-Cute daw?” nakangiting tanong ko sa isipan.
Ano na, Lori Natasha? Aarte ka pa ba? Crush mo na ang nagsabi na cute raw. Sa sobrang kilig ko, pinaupo ko si Harry sa kandungan ko at umusog nang kunti para mas mapalapit kay Kuya Kenzo.
Nang naamoy ko na ang pabango ni Kuya Kenzo, mas bumilis ang t***k ng puso ko. Mas pumugi lang siya sa paningin ko. Plus point talaga sa lalaki ang mabango.
Sa gigil ko, mas umusog ako. Nagkunwari naman akong natumba para makasandal ako sa braso niya. Napangiti na ako pero agad akong napaayos ng upo nang sinigawan ako ni Kuya Jared.
Nilingon ko si Kuya. “Grabe ka, Kuya. Aksidente lang. Ang galaw kasi ni Harry.”
“Tati, I did not do any move,” sagot ni Harry.
“Dinamay mo pa ang pamangkin mo. Doon ka na nga sa kwarto mo. Pinapahiya mo ako sa kaibigan ko,” sabi ni Kuya Jared.
“Okay lang, Red. Ganyan talaga ang mga bata,” sabi ni Kuya Kenzo.
Napanganga ako nang marinig ang sinabi niya. A-Ako? B-Bata? Sa landi kong ito? B-Bata? Iba ka rin, Kuya Kenzo! Baka gagawa tayo ng bata ay pwede pa!
Nilingon ko siya...
“Hawakan mo nga itong akin kung bata ba talaga,” natatawa kong sabi sa isipan.
~~~