Chapter 1: Spartan Dimatinag, Takbo!

2208 Words
Ikinulong na naman ng mga kapatid ang kaawa-awang si Spartan sa bodega. Mag-iisang oras na siyang naroon at kabadong-kabado na siya sa "surprise" na parusang ibibigay daw ng mga nakatatanda. Pinag-iinitan na naman siya ng four evil brothers niya na sina Aries, Hades, Nero at Cicero dahil kaninang umaga, nahuli nila itong nagme-makeup ng patay sa funeral parlor na pag-aari ng kanilang Tita Cleopatra. Tumakas din kasi siya sa pagsasanay ng boksing at arnis kaya mas uminit na naman ang ulo nila sa kanya. Sa kakatanong mula sa mga kapitbahay at mga kamag-anak natunton nila kaagad ito sa pwesto ng tiyahin na nasa kabilang bayan lamang pero kailangang tumawid sa ilog upang mapuntahan. Sa kasamaang-palad, nahuli nila siya sa aktong paglalagay ng blush-on sa pisngi ng namayapang si Doña Facunda kaya halos kaladkarin na nila siya pauwi ng bahay. Kinahihiya nila ang kapatid na mahilig magpaganda ng mga taong sumakabilang-buhay na. Kung hindi lang dahil sa inang umaawat sa kanila, marahil ay naitakwil na nila si Spartan noon pa man. Para sa kanila, hindi trabaho ng isang tunay na lalaki ang pagme-makeup. At mas lalong-lalo na hindi dapat gagawin ng mga tigasing "Dimatinag"! Si Spartan ay nagmula sa pamilya na tanyag sa lugar bilang mahuhusay na aswang hunter. Lahat ng kalalakihan sa kanilang lahi ay pinagsasanay upang maging mandirigma kaya pati siya ay hindi rin nakaligtas. Panahon pa ng mga Kastila ay requirement na para sa kanila ang mag-training dahil kailangan nang mga tauhang lalaban sa mga aswang na naliligaw sa kanilang lugar. Laganap kasi sa rehiyon ang napababalitang mga halimaw na nagdudulot ng panganib sa mga naroon kaya halos lahat ng lalaki sa probinsya nila ng Cuh-Piz* ay marunong ng self-defense. Noon ay paisa-isa lamang ang mga kaso ng pinaghihinalaang nabibiktima kaya mas mahinahon pa ang mga tao pero nitong nakaraang mga buwan, umabot na sa sampu ang mga napaslang. Gaya nang inaasahan, nawawala ang lamang-loob ng mga nasawi at ang dalawa ay buntis pa. Dahil sa magkakasunod na kaso, mas naging istrikto ang pag-eensayo sa mga aswang hunters, mapabata o may edad pa man. (Lugar na gawa-gawa lang ni Author) Pinamumugaran man ng masasamang elemento ang lugar, hindi naman makaalis ang mga taong naroon dahil kadalasan ay salat sila sa pera at naroon ang kanilang pangkabuhayan katulad ng pagsasaka. Isa pang malungkot na dahilan ay napaliligiran sila ng mga bundok at tubig, at walang matinong mga daan kaya bihira lamang ang mga sasakyan doon. Kadalasan ay mga habal-habal na motorsiklo lamang ang lumilibot doon kaya pahirapan talaga ang pagbiyahe. Upang makaiwas na lang sa mababangis na mga aswang, nagtalaga na lang sila ng nagrorondang mga lalaki na bihasa sa pakikipaglaban bilang pagdepensa. Isang bayani man ang tingin sa pagiging aswang hunter, kahit anong gawin ni Spartan ay hindi siya natutuwa sa paghabol at pagpatay ng mga aswang dahil "yucky" at "gross" daw. Makakita lang niya siya ng dugo ay para bang isusuka na niya ang lahat ng laman ng bituka at hihimatayin pa. "Sa sobrang kaba ko, kakabagan na yata ako," aniya habang nginangatngat na ang mga kuko sa daliri nang dahil sa nerbiyos. Kamote at nilagang munggo pa naman ang inalmusal niya kanina kaya paniguradong umalsa na iyon sa kanyang tiyan. Ilang sandali lang ay naramdaman niya na napuno na nga ng hangin ang tiyan sa sobrang stress kaya napautot pa siya. "Masamang senyales! Kailangang makatakas ako!" pagdedesisyon na niya habang pinipigil ang sarili na huminga at malanghap ang masamang hangin na nagmula sa kanya Sumilip siya sa maliit na siwang sa may bintana upang malaman kung naroon ba sa paligid ang salbaheng mga kapatid. Nang makitang abala silang nagkakantahan, napagtanto niya na iyon na ang tamang panahon upang tumakas. Feel na feel pa naman ng panganay niyang kuya na si Aries ang pag-awit ng "My Way" ni Frank Sinatra habang naggigitara si Nero kaya naisip niya na walang makakapansin sa kanya. "Ayos, habang nagkakantahan sila, pupunta muna ako kay Tito Hercules. Doon, siguradong hindi ako makukuha ng nga kapatid ko!" pagpaplano na niya. Nilabas niya mula sa bulsa ang ikinukubling balisong. Maingat niyang pinihit ang mga tornilyo na nasa bintana. Nang mabuksan na iyon, dali-dali siyang gumapang patungo sa may likuran ng bahay. Lumingon-lingon pa siya nang dahil sa pangambang mahuhuli ng mga kapatid. Abot-langit ang kaba niya kaya nang makarating sa may pader na pagsasampahan upang makalabas, nakahinga na siya nang maluwag. "Walang kahirap-hirap! Ang wais mo talaga, Sparta-" natigilan siya sa pagpupunyagi nang apat na pares ng maskuladong mga binti na puno ng balbon ang humarang sa kanyang dadaanan. "Saan ka pupunta?" Isang baritonong boses na mala-kulog ang dumagundong sa tainga ng binata. Pag-angat ng tingin, bumungad sa kanya ang mga kuya na naglalakihan ang katawan at maihahalintulad sa wrestlers at mga gladiators noong unang panahon na may six-pack abs at namumutok na mga biceps. Siya man ay biniyayaan ng katawang maihahalintulad sa isang atleta, nagmumukha siyang posporo kapag naitabi na sa mga kapatid "K-Kuya?" nauutal na nasambit na lang niya habang nagkakamot ng ulo. "A...e..." "Tatakas ka, ano?" "Hehehe..." parang bata na paghagikgik na lang niya bilang tugon kaya mas nainis ang mga kapatid. Tila ba isa siyang kuting nang damputin sa kuwelyo ng mga nakatatanda at sapilitang tinangay patungo sa may tangke ng tubig. Sa lakas nilang apat, parang papel lang siya na hinila at hindi na nakapalag pa. "Huwag niyo naman na akong parusahan! Peace na tayo!" pagsusumamo niya. "Ibibili ko kayo ng beer," panunuhol pa niya. "Ako na rin ang sasagot sa pulutan! Basta palayain niyo na ako at huwag isusumbong kina Itay!" "Hindi ka na kasi nagtanda! Imbis na nagsasanay, nagme-makeup ka ng mga patay!" nanggagaliiti sa inis na pinagalitan siya ni Aries. "Huwag kang mag-alala, hindi ka naman namin parurusahan! Iwo-water therapy ka lang namin para matauhan ka na!" "W-Water Therapy?" nanlalaki ang mga matang pag-uulit niya. Isa kasing uri ng pagsasanay sa ilalim ng tubig iyon na pinaniniwalaan nilang pampatatag ng katawan, lalong-lalo na ng baga at puso. "Hindi yata therapy 'yun kasi feeling ko made-deds ako kapag ginagawa niyo sa akin iyon!" "Mga kapitbahay, tulungan niyo ako!" paghingi na niya nang saklolo. "Gagawin na naman nila akong sponge! Absorb water pa more! Hindi ko na kaya!" "Warm-up pa nga lang 'yun," panunuya pa lalo ng mga kapatid nang makitang takot na takot na siya. "Mamaya, magte-training naman tayo sa boksing! Bilisan mo lang umilag kung ayaw mong maging punching bag, hahaha!" "Kuya, ayaw ko talagang mag-boksing! Ayaw ko nang nabubugbog! Ang face ko, maha-haggard!" lumuluhang pagmamakaawa na niya habang hinuhubaran at itinatali ang mga kamay niya gamit ang lubid. Balak nilang ilublob sa maruming tangke ng tubig ang bunso at ipahiya sa pag-aakalang magiging tigasin din katulad nila kapag pinahirapan. "Huwag po, makikita nila ang ded* ko!" pagrereklamo niya lalo nang tanggalin na ang mga kasuotan at tanging pink boxer shorts na may disenyong mga dinosaurs ang naiwan. Nagsilabasan mula sa mga tahanan ang mga tsismosang kapitbahay nang marinig ang ingay na nagmumula sa bakuran ng mga Dimatinag. Subalit, imbis na umawat, tuwang-tuwa na pinanood pa sila at pinagtawanan. "Anak ng patola! Anong ded* sinasabi mo? Tigil-tigilan mo nga kami sa pag-iinarte mo!" "Atsaka, ano 'yan?" paninita pa nito sa kanya. "Ang pangit ng underwear mo! Naalibadbaran ako sa kulay at disenyo! Hubarin mo nga 'yan!" "Huwag naman, Kuya!" pagkontra na niya kasabay ng paghawak nang mahigpit sa garter ng shorts. "Censored na ito!" "Wala akong pakialam! Sa susunod, puting brief ang isuot mo, hindi mommy panty na may dinosaurs!" "Hindi naman ito panty, shorts!" pagkontra pa niya. "Ang sabi ni Tita Cleopatra, sa US pa ito at limited edition kaya special ito!" "Panty pa rin 'yan, galing nga lang sa US! 'Yun ginagamit ng mga buntis!" pasinghal na pagdidiin ni Aries. Akmang hihilain na sana ng mga kapatid ang suot na panloob pero nagsisigaw na siya na tila ba nakakita ng nakakatakot na aswang. "Ay! Huwag po! Makikita nila ang kinabukasan ng mga Dimatinag!" pagpa-panic na niya habang nakikipaghilaan ng garter sa mga kadugo. Nakaladkad pa siya sa lupa at nakipagbuno kay Aries dahil kahit buhay pa ng mga tsismosang kapitbahay ang kapalit, hinding-hindi niya isusuko ang paboritong panloob. Nagmamatigas man, napatili at nanlumo na siya nang marinig na mapunit na ang manipis na underwear. "Bitiwan niyo ako! Lalabas na ang hotsilog ko!" pagmamakaawa na niya upang maisalba ang pinakamamahal na underwear na regalo pa ni Aling Cleopatra noong nineteenth birthday niya, isang buwan na ang nakalilipas."Naghe-hello na nga ang betlogs ko, huwag po!" Laking pasasalamat niya nang bitawan na ng mga kuya ang boxer shorts. Subalit, dismayado pa rin siya dahil hindi pa rin nila siya pinaligtas sa pagkalublob sa maruming tubig na dalawang buwan nang nakaimbak doon. Lasap niya ang lumot at putik nang aksidenteng mainom pa iyon. Halos masuka siya nang maramdamang pati kiti-kiti ay dumaan sa kanyang dila. "Pweh! Ano ba 'yun gumagalaw-galaw sa ngangala ko?" Napaubo pa siya nang iahon sa tubig at hayaan munang makahinga. Pagdura niya ay tama nga siya ng hinala dahil gumapang sa lupa ang mga insektong mala-uod pa ang itsura. "Pfft! Eeew! Sana naman, pinalitan niyo man lang ng malinis na tubig!" "Nagrereklamo ka ba?" nakapapanindig-balahibong itinanong ni Aries na ikinasindak ni Spartan. Batid niya na kapag hindi nito nagustuhan ang sagot niya, paniguradong mabibitin na naman siya nang patiwarik. "H-Hindi po," nauutal na tugon niya kasabay nang paglunok ng laway kung saan lumalangoy pa rin ang mga peste. "Ang sarap nga ng mga kiti-kiti, parang nag-protein shakes na ako, pampalaki ng muscles! Nutritious and delicious!" "Tumayo ka na!" kasunod na inutos naman nito. "Wait lang, kaunting break pa-" Hindi pa man siya nakakabawi sa paghinga ay hinatak na siya ng kapatid patayo at itinulak sa tangke. "Tama na po!" pag-awat na niya dahil hilong-hilo na siya at nasusuka na sa amoy ng mabahong tubig. "Hindi na kaya ng powers ko!" "Ang hina mo naman! Ilang beses ka pa lang nalublob, umiiyak ka na!" panlalait ni Hades sa kanya. "Noong ako ang nagte-training, tinatawid ko ang ilog na puno ng buwaya at linta!" Walang anu-ano ay nilublob na naman siya. Hindi na niya nabilang kung ilang segundo siyang hindi humihinga pero bigla na lamang umikot ang kanyang paningin at bumigat ang talukap ng mga mata. Dahil sa kakulangan sa hangin, nawalan na siya ng malay. Natagpuan na lang niya ang sarili na nakahiga sa kama. Nagising lang siya nang tumilaok ang alagang mga tandang ng ama at mga kapatid. "Buhay pa pala ako," napagtanto niya habang kinukurot-kurot ang braso. Pag-upo ay medyo nagdilim pa ang kanyang paningin kaya napahiga siya muli. Akmang ipipikit muna sana niya ulit ang mga mata upang magpahinga pa nang kaunti pero biglang bumukas na ang pintuan ng kanyang silid. Bumati sa kanya ang nakasimangot na mukha ng ama kaya alam na niyang nagsumbong ang mga kuya. "Hoy! Bumangon ka riyan!" inutos nito. "Tumayo ka at hindi pa tapos ang pagsasanay mo!" "Si Itay naman," tahimik na pagrereklamo niya. "Kaaga-aga, angry mode na!" Nais man niyang sumunod ay mabigat talaga ang kanyang katawan at masakit ang mga kasu-kasuan. Pagsalat niya sa noo ay napag-alaman pa niya na nilalagnat siya. "Pasensya na po, medyo masama ang pakiramdam ko," paghingi niya ng paumanhin. "Bukas na lang po sana..." "Ang sabihin mo, tatamad-tamad ka na naman!" paninimula na nitong pagalitan siya. "Sinabi ng mga kuya mo na tumakas ka na naman sa pagsasanay kahapon!" "Sorry po talaga. Pagod na rin kasi ako dahil ilang araw na akong nagte-training. Katatapos lang din ng finals namin sa school kaya nagpalipas oras lang po sana ako saglit kina Tita Cleopatra." Tila ba nagdilim ang isipan ni Bruno nang marinig ang sinabi ng bunso. Mariin niyang pinagbabawalan na magtungo si Spartan doon dahil ayaw niyang maimpluwensyahan ito ng hipag na isang cosmetologist. Dati itong makeup artist at hair stylist ng mga artista sa Maynila noong dekada sisenta hanggang nobenta pero nang magkasakit at magretiro na, nagnegosyo na lang ng funeral parlor sa probinsya. Marahas na hinatak niya ang braso ng binata at sapilitang pinalabas ng silid. "Aray! 'Tay, Saan po tayo pupunta?" "Simula ngayon, doon ka muna sa tiyuhin kong si Zeus maninirahan!" deklarasyon nito na nagdulot ng takot sa anak. Si Zeus ang nakatatanda sa kanilang nayon na naging tagapagsanay mismo ng ama. Kinatatakutan ang lalaki dahil kilala iyon bilang mabagsik na maestro. Ilang buwan lang siyang nanatili roon pero parang impiyerno na ang naging karanasan niya. Magaan pa ang parusang pagbitin ng patiwarik sa puno na may mga antik kapag sumuway o may pumalpak na misyon kaya ayaw na talaga niyang bumalik. Ganoon pa man, gustong-gusto siyang maging guro ng mga tatay sa kani-kanilang mga anak na lalaki dahil natuturuan naman sila ng disiplina at nagiging mahusay na aswang hunter. "Huwag niyo na akong pabalikin sa kanya, 'Tay," maluha-luhang pagtanggi niya habang nagpupumiglas. "Ayaw kong maging aswang hunter! Hindi kaya ng sikmura ko ang magchop-chop ng monsters!" "Ayaw mo talagang magpakatino kasi!" pambubulyaw ng tatay niya. "Lalamya-lamya ka, nakakahiya ka sa angkan nating mga tigasin!" "'Tay, hindi ko talaga gustong maging aswang hunter kasi gusto kong maging katulad ni Tita Cleopatra!" "Anong gusto mo?" magkasalubong ang kilay na pinaulit n Bruno. "W-Wala po," nag-aatubiling pagbawi niya sa sinabi kanina lamang. "Ituloy mo ang sasabihin mo kung hindi tatamaan ka sa akin!" pagbabanta na nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD