“Ano ba talaga ang nangyari?” Tanong ni Luke sa akin. Sabay naming pinapanuod ang kabuuan ng siyudad, ang mga makukulay na ilaw sa ibaba at ang mga bituin. Huminga ako ng malalim nang umihip ang malakas at malamig na hangin. Pumikit ako para mas damhin ito. “I don’t know. I just heard that she’s talking with two girls about you. Kung tama ang dinig ko, Chloe ang pangalang binanggit ni Alison. Alison said that she’s trying to avoid you because of that girl, at mabilis na ang sumunod na nangyari, I just found them hurting Alison. Itinulak pa siya nung isa kaya nahulog siya sa hagdan.” Luke sighed heavily. “Chloe dela Cruz.” He stated, “She’s my ex. We broke up six months ago because she cheated on me. Noong nakipag-hiwalay na ako sa kanya ay hindi niya matanggap. Ewan ko, kaya pala iniwas