Chapter 36

1856 Words
Chapter 36 CHLOE'S POV Kakatapos lang namin ni Nadya ng subject namin sa araw na ito at mag kasabay na kaming nag lalakad na dalawa palabas ng University. Pasado alas kwatro pa lang ng hapon at nakaka sabayan namin ang ilang mga estudyante na pauwi na rin. "Bwisit!" Himutok na lamang na parinig ng pinsan ko na mapa-lingon naman ako sa gawi niya. "Huh?" Wika ko na lamang at ang mukha nitong pikon na pikon, kaagad din naman napalitan ng liwanag na mapag tanto nitong naka tingin na ako sakanya. "Hindi ikaw ang sinasabihan ko, Chloe." Depensa naman nito sa akin, na mapa tango naman ako. Lumukot bahagya ang mukha ng pinsan ko at halatang naiinis nga talaga. "Naiinis lang kasi ako eh." Himutok na pag lalabas nang sama ng loob na nararamdaman nito. Ngayon ko lang siya muli na makitang galit na galit at nag tataka na rin ako sa pagiging tahimik nito kanina pa. Ngayon lamang kami nag kasama at nag ka-kwentuhan muli ni Nadya dahil kong minsan hindi naman nag kakatagpo ang oras ng pasok namin. Hindi rin naman kami masyadong nag uusap sa cellphone o kaya naman sa mga social media accounts dahil mas komportable pa rin naman kami na napag uusapan ng personal ang mga bagay-bagay. "Bakit, may nangyari ba?" Wala rin naman sa akin naikwento ang pinsan kong si Nadya kaya't hindi ko rin naman kong anong problema nito. "Hindi kana man siguro sinaktan ng gago mong ex boyfriend na si Bernard, ano?" Pag kilatis nitong mapa tamimi na lang ako. Huh? Alam niya ang tungkol sa bagay na iyon? Hindi na lang ako nakapag salita at aaminin kong wala naman talaga akong balak sabihin o ipaalam sa pinsan ko ang pangyayari na ginawa sa akin ni Bernard no'ng naka raang araw dahil ayaw kong lumaki pa ito. Ayaw ko rin naman na bigyan pa ng problema ang pinsan ko sa anumang ginawa niya sa akin. Ang pananahimik ko ang maka kuha ng sagot ang pinsan kong si Nadya. "Naku, naku! Kapag nalaman ko lang talaga na sinaktan o kaya naman may ginawa siya sa'yo, mapapatay ko talaga siya!" "Paano mo nalaman, Nady——" "So may ginawa talaga ang tarantado na iyon! Papatayin ko talaga siya!" Akmang susugod na aalis sana ang pinsan ko na mabilis ko naman napigilan ang kamay nito. Kilalang-kilala ko na ang ugali ng pinsan ko at susugod talaga ito kong kanyang nanaisin. Panigurado aawayin na naman nito si Bernard at ayaw ko nang humantong pa iyon doon. Gusto kong tuldukan kong ano man ang ugnayan naming dalawa at ayaw ko nang palakihin pa ito. "Nadya, nadya sandali lang." Pigil-pigil ko na lamang na salita at nadadala niya ako dahil sa malakas na pwersa nito, na akmang susugod. "Maging mahinahon ka lang." Napa-hinto naman ang pinsan ko sa naging wika ko at kina-baling ng tingin sa akin. "Mahinahon? Paano ako magiging mahinahon, na hindi ka pa rin tinatantanan ng tarantadong Bernard na iyon? Sobra na siya sa’yo at hindi tama na ganiyanin kana lang niya parati!" "Wala naman siyang ginawa sa akin, nag kausap lang kaming dalawa at tinanong niya lang ako tungkol doon sa sulat at mga bulaklak." Pag sisinunggaling ko na lamang. Hindi ko alam kong ano pa ang mga nalalaman niya. Hindi ko na pahahabain o palalabasin ang tunay na nangyari sa aming dalawa ni Bernard ng gabing iyon dahil na rin sa pagiging emosyonal ng pinsan ko. Gusto ko na lamang matapos ito sa paraan na mahinahon at walang gulo. "Hayop talaga siya!" Hindi pa rin matapos-tapos ang pag hihimutok nito. "Hindi ako naniniwala na tinanong ka lang niya, Chloe. Kilala ko ang ex mo, at basang-basa ko na ang maitim niyang pag katao." Patuloy na pag dadakdak nito at nang mapansin ko na nagiging mahinahon na siya, unti-unti na rin naman lumuwag ang pag kakahawak ko sa pulsuhan nito. Hindi ko na kailangan pang pigilan ito dahil naging kalmado na siya. "Tama na Nadya," pag papahinahon ko na lamang sakanya. "Isa pa din ang walang-hiyang Tasya na iyon! Ang bruha ang may kagagawan ng pag papadala ng bulaklak at letter kay Bernard." Giit nito na may pag tataas na boses. "Dapat talaga tinuluyan ko na ang babaeng iyon at pati na rin ang mga alipores niya doon sa restroom, dahil nakaka-gigil talaga! Ughh!!" Namula na ang pisngi nito na pag lalabas lamang ng sama nang loob at hindi na ako kumibo pa. "Maraming salamat talaga Nadya." Kina-lingon naman nito sa akin. "Salamat sa parati mong pag tatanggol sa akin, pasensiya na ha? Hindi kasi ako matapang at kay lakas ng loob na kagaya ng sa'yo." Mahina ko na lamang na salita at yumuko na lamang ako. Hindi ko inaaahan na hahawakan ng pinsan ko ang kamay ko, kaya't nag katitigan na lang kaming dalawa sa mata. Ang kanyang matang puno ng galit kanina, kaagad naman iyon napalitan ng lungkot at pag aalal. "Iyon? Maliit na bagay, at kahit ganiyan ka na napaka manhid at tanga, mahal na mahal kita, Chloe." Anito na hinaplos ang dibdib ko sa katagang binitawan nito. Noon paman talaga si Nadya lamang ang nandiyan para sa akin, naging kasama at kasandalan ko sa lahat ng bagay sa lungkot man o saya. "Gagawin ko ang lahat para protektahan ka sa mga taong nanakit at nag bu-bully sa'yo.. Kong totoosin nga, balance lang ang friendship nating dalawa. Tignan mo, ikaw sobrang tahimik at mahinhin samantala naman ako bungangera at pala-away, kaya't perfect na perfect tayong dalawa." Ngumiti na lang ng kay tamis sa akin ang pinsan ko at para naman na nakaka hawa, ang kanyang ngiti kaya't napa ngiti na lang ako. "Oo, tama ka nga." "So, how about this Sunday movie marathon naman ulit? This time, sainyo naman ang place natin ha?" Tinaas-baba ni Nadya ang kilay nito bilang pag papaanyaya. "Sure." Sabay pa kami nag katawanan na dalawa at mag kasabay namin tinatahak ang daan palabas ng University. **** Hindi ko mapigilan na pamulahan ng pisngi na ngayo'y naka tingin ako sa kamay naming dalawa ni Taurus na mag kahawak. May kilig sa aking dibdib na ngayo'y mag kasama kaming nag lalakad na dalawa sa Mall para mag date. Pasimple ko na lamang sinilip si Taurus sa tabi ko, at kahit simple lanang ang kanyang pormahan napaka anggas at guwapo niya talaga na hindi ko maalis ang mga mata ko sakanya. Noon, takot na takot akong lumabas kami na mag kasama. Mas pinili kong mag tago at ayaw ipaalam sa lahat ng mga tao ang tungkol sa relasyon namin pero ngayon unti-unti na akong umaalis sa comfort zone ko. Kinagat ko na lamang ang ibaba kong labi at tinignan muli ang guwapong mukha ni Taurus. Nang mapansin siguro ng binata na kanina pa ako naka titig sakanya, kaya’t bumaling ito ng tingin at nginitian ako ng kay tamis na mag bigay ng butterfly sa stomach ko. Totoo nga talaga siguro ang kilig at sayang nararamdaman kong mag kasama kaming dalawa ngayon. Harap-harapan at pinapakita sa lahat ng mga tao ang aming relasyon at sa tamang panahon mag karoon na siguro ako ng lakas na ipag paalam naman sa Campus ang relasyon naming dalawa. “Saan mo gustong kumain?” “Kahit saan, okay na ako doon.” Sagot ko na lamang. Matapos lang namin manuod ng sine kaya’t naka ramdam na kami pareho ng gutom. Nag kasundo naman kami ni Taurus sa palabas na pinanuod namin kanina at iyon na ata ang pinaka masaya at the best na date namin. “Sige, doon ulit tayo kakain sa favorite mong restaurant.” Anito at tumango na lamang ako bilang pag sang-ayon, na alam na alam niya talaga ang mga favorite ko. Hawak-kamay pa rin kaming nag lalakad at iilan sa mga maka salubong namin na mga tao, hindi mapigilan ang kanilang sarili na mapa-lingon at ang iba pa’y kiligin na hindi inaalis ang mata nila kay Taurus.. Sino ba naman ang hindi, kikiligin sa guwapong si Taurus. Pinag pala na talaga siya at hindi na ako mag tataka na hanggang dito sa Mall marami ang humahangga sakanya na mga kababaihan. Totoo naman talaga na guwapo si Taurus, at lalong lumabas ang appeal at charisma niya sa kanyang kasuotan ngayon. Simpleng white t-shirt, at pina-ibabawan na blue jacket na may hoodie ang porma niya. Sa pang ibaba naman ang ang light brown lamang na pants at shoes. Kong may ilan naman na mga taong humahangga kay Taurus, ang iba naman sa kanila napapa-ngiwi at kusang napapa taas ng kanilang mga kilay kapag nakikita nila na kasama si Taurus at mag kahawak ang aming mga kamay. Kahit hindi sila mag salita, nababasa ko ang pandidiri at iba’t-ibang reaksyon sa kanilang mukha ng mga tao na pinapanuod kaming mag kasama, na hindi ko na lang pinapansin pa. Kong panigurado maganda at sexy ang kahawak-kamay ni Taurus ngayon, hindi sila mag re-react ng ganun. Ano ang magagawa ko? Isa lamang akong di-hamak na pangit na nerd na hindi ko hilig mag-ayos. Simple lamang ang pormahan ko. Suot nang black and white skirt na hanggang tuhod ang haba at sa pang ilalim naman ang black leggings para hindi mag expose ang aking balat sa mga maraming tao. Sa pang-itaas naman ang light pink shirt, na mga pang lola na ang pormahan at desinsyo. Walang kaartehan ang sarili ko, naka lugay lamang ang mahaba kong buhok at nag lagay lamang ako ng pulbos para mawala ang oily ng mukha ko. Nag patuloy lamang kami ni Taurus sa pag lalakad at hindi na maalis rin ang simpleng kwentuhan namin. “Taurus, hijo?” Kaagad naman napawi ang matamis na ngiti sa aming labi ni Taurus na marinig na lamang ang boses sa gilid namin. Kaagad din naman kami napa lingon ni Taurus para tignan kong sino iyon at para naman akong nabuhasan ng malamig na yelo sa aking katawan na makita ang tatlong bulto ng tao sa harapan namin. Mr and Mrs. Dawson? Ilang segundong humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan na gumuhit ang gulat at hindi makapaniwala sa kanilang mga nakita. Nag pasalit-salit sila ng tingin sa amin ni Taurus ng kanyang mga magulang. Gulat na gulat ang Ginang samantala naman ang Daddy ni Taurus walang emosyon at nakaka takot ang kanyang aura. Ang kapatid naman na babae ni Taurus napa-anggat na lamang ng kilay at mukhang hindi nito nagustuhan ang kanyang mga nasaksihan. Napaka bilis na nang pintig ng aking puso at nanlamig na ang katawan ko. Imbes batiin sila, nataranta na ako at mabilis naman akong napa bitaw sa pag kakahawak kamay naming dalawa ni Taurus, pero kahit gawin ko iyon huli na dahil nakita na nila iyon. Umiwas na lamang ako ng tingin, gusto kong ihakbang ang paa ko paalis pero mistula nang naka pako ang mga paa ko na hindi ako maka galaw. Nagulat na lamang ako nang hawakan muli ni Taurus ang kamay ko at proud na pinakita sa kanyang pamilya ang pag kakahawak-kamay naming dalawa. Wala sa sariling napa baling na lamang ako ng tingin sa guwapo at seryosong mukha ni Taurus, basta ang alam ko na lamang kay lakas na nang pintig ng aking puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD