Chapter 37

1975 Words
Chapter 37 Chapter 37 CHLOE’S POV Kanina pa ako tahimik at nakikiramdam lamang na kasama kong kumakain sa mamahalin na restaurant ang mga magulang ni Taurus. Naka pwesto sila sa six seater seats, at maganda rin ang ambiance ng kanilang nakuhang pwesto dahil na rin sa hindi gaanong crowded, nabigyan pa sila ng privacy na mag kakasama na mag salo-salo ang pamilya. Naka lapag rin sa lamesa ang masasarap at nakaka takam na mga pag kain na mag papahikayat talaga sa’yong kumain ng marami. Gaano pa iyon kakasarap at kagaganda sa tingin at mata lamang, ngunit hindi talaga maalis ang malakas na pintig ng aking puso at kaba na yumakap sa buong pag katao ko. Buong ingat ang pag subo ko ng pag kain maski pag nguya rin mabagal lamang. Habang kumakain, hindi maalis-alis ang palihim kong pag obserba sa pamilya ni Taurus na tahimik lamang kumakain. Una kaagad nakuha ng loob ko ang Ina ni Taurus, na si Mrs. Melinda at naka suot ito ng magandang kasuotan at napapalibutan rin ng mga kumikinang na mga ginto at palamuti sa katawan. Kahit may edad na, hindi pa rin halata dahil alagang-alaga nito ang kanyang sarili sa pag papaganda. Mahinhin lamang ang kilos at galaw ng Ginang, na makikita mo talaga na galing ito sa disente at mayaman na pamilya. Kahit hindi man ito mag salita, napaka gaan lamang ng awra at presinsiya nito para sa akin. Sunod ko naman sinuri ang kapatid ni Taurus na si Elise, hindi lamang nag kakalayo ang edad naming dalawa at naka suot lamang ito ng kikay na pormahan. At ang balat naman ng dalaga napaka puti at porcelana ang kanyang kutis. Hiyang-hiya naman ang maitim at magaspang balat ko at kahit na rin ang natatanging artistahin na dalaga na malayong-malayo naman sa itsura kong napaka pangit. “So, you must be Chloe right?” Ang salita ng Ginang ang mag patigil sa akin. Nag karerahan ang malakas na tambol ng aking puso na sa isang iglap, napa tigil naman ang lahat sa pag salita ng Ginang subalit ang kanilang taenga naging bukas sa susunod kong sasabihin. Bahagya kong binaba ang hawak kong kubyertos at umipon ng lakas nang loob bago sumagot. Naka abang na sa akin naka tingin ang Ginang, hindi naman galit ang tanong nito at kahit na rin ang paraan na pag titig. Ang nag papakaba na lang talaga nang husto sa akin ang presinsiya ng Ama ni Taurus na tahimik lamang kumakain. Lumunok muna ako ng laway at bahagyang sinulyapan ang Ama ni Taurus na naka-tuon lamang ang atensyon nito sa kinakain. Hindi na mabasa ang mukha nito at naka kunot pa ang noo, na hindi ko mabasa ang tumatakbo sa kanyang isipan ito. Malaki ang pangangatawan ng Ama ni Taurus na si Sebastian Dawson, ang founder at may-ari kong saan ako nag aaral ngayon. Kagalang-galang kasi siya at kilalang-kilala talaga sa University sa napaka strict at wala sa vocabulary nito ang ngumiti man lang sa ibang bisita at iyon ang naramdaman ko ngayon. “O-Oho,” sagot ko na lamang na pinag dikit na lamang ng Ginang ang kanyang palad sabay tumango-tango pa bilang pag sang-ayon. “I heard na sa Apollo University ka rin pala nag aaral,” dugtong pa nitong kina-lunok ko naman. Grabe ang intense pala ng mga tanungan at hindi ako handa sa tagpong pangyayari na mag kakaharap-harap kaming lahat. Ramdam ko na ang pag papawis ng aking palad na palatandaan kong gaano ako kinakabahan at natatakot nang husto. Hindi rin ako mapakali sa kina-uupuan ko at nag darasal na lamang na sana matapos na ito para maka alis na ako sa hot-seat kong saan ako naka upo ngayon. “Opo doon po ako nag aaral, 3rd year college na po ako ngayon.” Mainggat ang bawat salita at pag sagot ko na hindi ako makakagawa ng anumang pag kakamali lalo’t nasa harapan ko silang lahat ngayon. “Ahh that’s good.” Anito. “So ano naman ang trabaho ng mga magulang mo, Chloe?” Dugtong pa muli ng Ginang na kina-lingon ko naman si Taurus sa tabi ko na tahimik lamang itong kumakain at nakikiramdam lamang. “Ang Mama ko naman nag tra-trabaho ho sa pharmacist at ang Papa ko naman po nag tra-trabaho sa isang maliit at hindi lang ho sikat na kompaniya.” Dugtong ko na lamang. “Wow talaga, that’s good to hear. So, ilan ba kayong mag kakapatid?” “Ako lang ho, nag iisa lang naman po akong anak.” Nag shape O na lamang ang labi ng Ginang sa naging sagot ko sa mga katanungan niya. “Wala naman masama na nag-iisa ka lang na anak. Look at me, dalawa lang naman ang anak namin ng asawa ko pero heto’t stress na stress din ako paminsan kapag nag sasabay silang dalawa nag papasaway, right hon?” Hindi na maalis ang matamis na ngiti ng Ginang at kina-lingon naman nito sa asawa para hingin ang magiging pag sang-ayon nito. “Yea.” Gumuguhit ang malagong na boses ni Sebastian Dawson, na kina-punas naman ng table napkin sa labi nito. Nakita ko ang maka-hulugang pag titig ng Ama kay Taurus, na kahit ako mismo pinaninindigan ng balahibo sa katawan. Ibang-iba ang impact no’n sa akin at kahit na rin sa dibdib ko. Hindi naalis ang matalim at maka hulugang titig ni Mr. Sebastia kay Taurus at kina-sandal na lang nito ang likod sa upuan na hindi pinuputol ang titig sa anak. “Hindi ko alam na may girlfriend kana pala Taurus.” Maka hulugang pag bubukas nito ng usapan na napa-tigil na lamang si Taurus. “Kong hindi pa namin ikaw nakita dito sa Mall, wala kaming kaalam-alam sa mga pinag gagawa mo,” mahina lamang subalit may laman ang binibigkas nitong titig. Sa isang iglap, natikom ko naman ang bibig ko at pasimple na lamang sinulyapan nang tingin si Taurus na naging mabigat ang pag hingga at pag nguya nito ng pag kain. Nilapag niya sa pinggan ang hawak nitong kubyertos at matapang na hinarap ang kanyang Ama, na hindi man lang natakot sa presinsiya nito. “Bakit? Kailangan ko ba ireport sa’yo lahat ng mga nangyayari sa akin?” Matabang na wika na lamang ni Taurus at sa isang iglap, hindi nagustuhan ni Mr. Dawson ang naging pag sagot sakanya kaya’t dumilim na ang mukha nito. “Ganun ba ang gusto mo? Bakit? Kokontrolin mo na naman ako, hahawakan muli sa leeg?” “Ayusin mo ang pananalita mo, hindi ko gusto ang tabas ng dila mong iyan!” Kay diin at pag babantang tinig na lahat na lang sila natigilan at kahit na rin ang asawa nito. “Hon.” Saway naman ng Ginang na namumuo na ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Ito ang kauna-unahang pag kakataon na makita ko silang nag kakasagutan at, sa tingin ko naman na may pinaka malalim pa itong dahilan. Nag tagis na lamang ang panga ni Mr. Dawson at panlilisik ng mata nitong ayaw pa rin mag paawat. Imbes masindak at manahimik na lamang si Taurus sa galit na mustra ng kanyang Ama, kundi wala lamang sakanya at perinte pa rin itong naka upo sa silya at nakikipag titigan pa rin dito. “Huwag mong simulan ngayon, Taurus!” Banta nitong may pag tataas ng konti sa boses. “Not now, at huwag dito Hon,” aligaga at hindi alam na gagawin na sambit ng Ginang sa asawa. Naging malilikot na rin ang mata nitong hindi alam ang gagawin para putulin lamang ang namumuong tensyon sa dalawa. “Nakaka hiya sa maraming mga tao, nanunuod sila sa atin at lalong-lalo na kay Chloe, just remain calmn Hon.” Ang pag papakalma ng asawa nito ang mag pabigat naman sa pag hiningga ni Mr. Dawson. Umayos ito ng pag kakaupo sa silya at sabay tikhim na lamang, na kina-ayos nito ang suot na tie. Kahit naka lihis na ang galit ni Mr. Dawson, nandon pa rin ang matatalim at pag babanta niyang titig kay Taurus, na nag papahiwatig na hindi pa siya tapos dito. Aamininin ko sa aking sarili, na nabigla at hindi ko inaasahan ang magiging sagutan nila sa mga oras na iyon. Nag patuloy na lamang si Mr. Dawson sa pag tapos ng kanyang kinakain na mabigat at hindi pa rin nawawala ang madilim na mustra ng mukha nito, samantala naman ako tahimik at nag oobserba lamang. Si Elise naman, parang normal lamang sakanya ang tagpong nadatnan kanina at kibit-balikat na pinag patuloy ang pag kain na para bang walang nangyari. Sandali, ano iyon? Ganun lang? Wala man lang siya magiging reaksyon? Takang-taka ako at walang naka sagot sa mga kasagutan sa isipan ko ang tagpong nakita ko at sa huling pag kakataon, sinulyapan ko si Taurus na tahimik lamang at bakas talaga sa kanyang mukha na may alitan at hindi sila pag kakaintindihan ng kanyang Ama. “Chloe.” Tawag sa akin ng Ginang na mapansin siguro nito ang palihim kong pag obserba. Ngumiti na lang ng kay tamis sa akin ang Ginang at may pag papaanyaya. “You should try this dish, Hija masarap ito.” Pag aalok nito ng pag kain malapit sakanya at bahagyang iniusog ng konti para masubukan ko iyon. “Sige ho,” alangan na lamang akong sumagot at bago ko kina-balik ang atensyon ko sa pag kain nag paiwan na muna ako ng titig sa kanilang lahat. **** Matapos ng ilang minutong pag salo-salo at kwentuhan napag kasundo na rin ng lahat na umuwi na. Hinatid namin ni Taurus ang kanyang mga magulang sa parking area dahil nandon nag hihintay ang kanilang sasakyan. Matapos ng insidenteng pag sagutan na lamang ni Taurus at ang kanyang Ama, hindi na nagawa pang kumibo at umimik pa ni Mr. Dawson. Ang pananahimik nito ang mag bigay ng tinding takot at pangamba sa dibdib ko na kahit hindi siya mag salita, ramdam ko pa rin ang galit na presinsiya nito kay Taurus. Guston nitong ilabas lahat ng kanyang galit at nararamdaman subalit kailangan niyang mag pigil dahil maraming mga matang naka masid sa kilos at galaw niya, na ayaw niyang ipakita ang totoo nitong ugali. Nauna at walang lingon-lingon nang pumasok sa sasakyan si Mr. Dawson, hindi nga ito nag paalam at magawa kaming tignan pareho sa mata ni Taurus, at aaminin kong nasaktan rin ako sa pag iwas na lamang nito na para bang galit na hindi mo maintindihan. Si Elise naman tahimik lamang sa buong pag titipon, at bago siya pumasok sa sasakyan, nag paiwan muna ng maka hulugang titig sa akin at walang salitang sumunod na rin sa kanyang Ama sa loob nang sasakyan. “Sige na Hija, mauna na kami sainyo.” Pag paalam ng Ginang na kaharap namin ito sa labas nang sasakyan. “Bakit hindi ka pumunta sa bahay namin this weekend? For sure naman wala kang pasok sa araw na iyon, right? Invited kita at sumalo kana rin sa family dinner namin.” Anito na mamilog na lamang ang mata ko sa katagang sinabi nito. “P-Pero kasi p——-“ “Hindi ako tumatanggap ng ‘no’ na answer, Chloe.” Pag tatapos nitong napa hinto naman ako sa sasabihin ko sana. “So, hihintayin kita this saturday evening? Hihintayin kita Hija.” Kulang na lang mapunit ang labi nito sa matamis na ngiti sa labi at bago pa ako maka sagot, tinalikuran niya na ako at dire-diretso nang pumasok sa loob ng sasakyan at kina bukas-sara naman ng pintuan ng family driver nila. Naiwan na lamang akong naka tayo, at katabi ko si Taurus, sabay namin pinapanuod ang itim na sasakyan, na kina sakyan ng kanyang mga magulang ni Taurus at kusa na lamang ako napa hawak sa aking dibdib at kay lakas nang tambol ng puso ko. Ano? Iniimbitahan ako ng Mommy ni Taurus sa kanila? Sandali, totoo ba ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD