Masakit ang ulo, ng magising si Lucas kinabukasan. Nag-aagaw na rin ang liwanang at dilim, indikasyon na malapit ng sumilay ang haring araw. Napahawak siya sa ulo, ng maalala ang nangyari kagabi. Hindi niya alam sa sarili niya kung bakit humantong ang lahat sa ganoong pangyayari. Hindi niya malaman kung dahil ba sa impluwensya ng alak kung bakit humantong sa pag pwersa niya kay Anna ang lahat ng nangyari. O dahil sa galit siya sa ginawa nito para mawala ang tiwala ng pamilya niya sa dalaga, o sa hindi maalis sa isipan niya ang pagyakap ng lalaking iyon at paghalik sa pisngi ni Anna. Pagsisihan man niya ang kamaliang nagawa sa nagdaang gabi, ay hindi na niya maibabalik pa ang kasalanan niyang iyon. Siguradong magdudulot iyon ng pasakit kay Anna ng matagal na panahon. Babangon na sana s