Pagkabalik ko sa table, wala na ako sa mood. Hindi ko alam ang mararamdaman. Galit na galit ako sa ginawa niya. Dapat pala hindi ko na lang siya inalagaan no'ng may sakit siya. Mahirap ba talaga mag-sorry? Iyon lang naman ang gusto ko. Although, kinalimutan ko na talaga 'yon, naiinis ako dahil kung kailan humingi na siya ng patawad, hindi naman sincere at kailangan ba talaga, kailangan pang ipilit ng ina? Napainom ako ng wine sa inis. Ngayon pa talaga kung kailan masama ang pakiramdam ko. "Nasaan si Aevo?" tanong ng ina ni Aevo. Bago pa ako makasagot ay naramdaman ko na ang presensiya niya sa tabi ko. Inisod ko ng kaunti ang bangko ko. Wala na akong pake kung makita pa nila ang ginawa ko. I heard Aevo tsked. Naramdaman ko ang braso niya sa bangkong inuupuan ko, pinipigilan ak