Oriana Fatima’s POV “Oriana, pabili rin.” Agad kong sinara ang tupperware dahil tatlong tortang talong na lang ang natira. Para na ‘to kay Damien na kahapon pa nag pa-reserve sa akin. Hindi pwedeng maubusan si Damien dahil ito ang gusto niyang kainin. Baka mamaya, hindi pa kumain ang lalaking ‘yon. “May nag order na nito.” “Siguro si pogi ulit!” natatawang sambit ng isang kasamahan ko. May halong panunukso pa sa akin. Hindi ko siya pinansin at inilagay ko sa plastik ang lalagyan ko para ihanda ko kapag nagkita kami ni Damien mamaya. Pero nasaan ba kasi ang lalaking ‘yon? Hindi ko nga siya nakasabay kanina sa pagpasok. Hindi ko pa siya nakikita ngayong araw. Sabi niya hihintayin niya ako sa kanto nila pero wala naman siya kanina ng dumaan ako. Hindi ko na rin siya hinintay kanina d