Episode 40

2702 Words

Oriana Fatima’s POV “Ayokong malaman ni Damien ang tungkol sa pag-alis natin.” Basag ko sa katahimikan naming dalawa ng aking kapatid. Nakaupo kami sa tig-isang sun lounger na natatakpan ng malaking mga payong upang hindi kami maarawan. Kaya kahit mataas ang sikat ng araw, hindi pa rin masakit sa balat dahil nakatago naman kaming dalawa. “Ate, bakit hindi mo pa agad sabihin sa kanya? Para alam na agad ni Damien at hindi na siya magugulat pa–” “Mag-iisip lang siya kapag sinabi ko sa kanya—” “Eh ganoon talaga ‘yon, Ate. Kaysa naman magpapaalam ka sa kanya kung kailan aalis na tayo. Ano na lang mararamdaman niya kung ganoon? Bigla ka na lang aalis ng hindi man lang siya nakakapaghanda. Mas masasaktan siya sa gagawin mo—” “Iniisip ko nga ang nararamdaman niya kaya ayokong malaman niya,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD