"Ano bang nangyari sayo at nagpakalasing ka ng ganon?" Kalmadong tanong ni Kuya Stephen sa pinsan nitong tinamaan na ng hangover. Napangiwi na lang si Samantha sa inasta ng Kuya niya. Alam niyang kahit kalmado ang tono nito ay galit ito sa nadatnan. Kakauwi lang kasi nito kaninang madaling araw at naabutan ngang mahimbing na natutulog ang pinsan nilang si Sandro sa couch at amoy alak. At bilang si Stephen ang pinaka-matanda sakanila, ito ang nagsisilbing Kuya din ni Sandro. Lumapit siya sa Kuya niya at marahang tinapik ito sa balikat. "Relax lang Kuya. Good morning." Nakangiting lambing ni Sam sa Kuya niya. Napatitig ang binata sakaniya at kapagkuwa'y lumamlam na din ang mga mata nito. "Oh Kuya Sand." Lumapit siya sa pinsan niyang nakayukyok na sa lavatory sa CR at panay an