Hindi maintindihan ni Samantha kung ano bang dapat niyang maramdaman matapos niyang marinig ang sinabi ni Daphne. Kanina pa ito nakaalis pero siya ay hanggang ngayon ay tulala pa din sa salas at pilit sinisink-in sa utak niya ang mga binunyag nito na nakapag-pakirot sa puso niya. Kung hindi lang dumating ang pinsan niyang mainit na naman ang ulo dahil sa bago nitong step Mom at step sister ay hindi siya makakabalik sa reyalidad. May part sakaniyang naniniwala siya sa sinabi ni Daphne lalo na't may pruweba itong ipinakita sakaniya. Pero sabihan man siya ng 'tanga', 'masokista' at 'bulag' ay ayos lang sakaniya kasi mas malaki ang paniniwala niyang hindi siya niloloko ni Jace. Hindi siya nito kayang saktan. Kilala niya si Jace, matagal na. At kahit naman minsan'y nakikita niyang m