Kabanata 28

1282 Words
Kabanata 28 Bumungad sa akin ang mukha ni Mama. Agad akong napayakap sa kanya at napahagulhol. “Ano'ng nangyari?” tanong nito. Umiling-iling ako. Hinagod nito ang aking likod na ikinagaan din naman ng aking pakiramdam. Hindi man agaran ngunit nakatulong pa rin ito sa akin. “Lumiban ka muna sa klase Catherine,” anito. Umiling ako. “Papasok po ako,” tipid kong sagot at pinahiran ang aking mga luha. Pinakalma ko ang aking sarili at kumalas nang yakap dito. “Sigurado ka ba?” Napatango ako at tumayo na. Inalalayan ko rin ang Mama na makatayo at sabay na kaming pumanaog. “Nely, maari bang ihatid mo si Catherine sa eskwelahan,” pakiusap ni Mama sa aking tiyahin. Tumango naman ito at inakay ako. “Ano'ng nangyari?” ani Tiyang Nely. “Wala ho tiyang, tipid kong sagot. Natatakot ako ng sobra ngunit pinairal ko ang maging matatag. “Tiyang, sa sasakyan na ho ako kakain. Ipagbalot niyo na lamang ho ako nang makakain ko,” ani ko at lumabas ng bahay. Diretso ako agad sa loob ng sasakyan. “Maayos lang ho ba kayo, Binibini?” ani ng taga pagmaneho ng Mama. Napatango ako at lihim na napakuyom ng aking kamao. Gusto kong sabihing hindi ngunit natatakot ako. Baka ikapahamak ko pa. Dumungaw ako sa bintana at tinanaw ang aking silid. Laking pagkamangha ko nang may mahulog na rosas. Hindi ko siya nakita ngunit alam kong siya ang naghulog niyon. Agad akong lumabas ng sasakyan at lumapit sa puwesto na pinaghulugan ng rosas. Pinulot ko ito at binasa ang nakasukbit na maliit na papel sa tangkay nito. ~Mahal kita Catherine~ Napangiti ako at inamoy ang itim na rosas. Bumalik akong muli sa sasakyan ngunit nanatili pa muna ako sa labas. “Saan niyo ho nakuha iyan!?” ani Mang Isko. “Ito ho ba?” tukoy ko pa sa hawak kong rosas. Napatango ito at agad na napalabas ng sasakyan. Bigla na lamang itong lumuhod at yumukod sa harapan ko. “Ipagpatawad niyo ho ang aking kalapastanganan sa pakikitungo ko sa inyo ng walang galang,” anito na ikinakunot ng aking noo. “Catherine... ani Tiyang Nely. Bahagya itong napatingin sa hawak ko at agad din namang napasunod sa pagluhod at pagyuko na ikinagulat ko. “Tiyang! Tumayo ho kayo,” awat ko pa sa mga ito. Napatayo naman silang dalawa ngunit nanatili pa rin ang pagkayuko. “Tiyang, bakit?” puno ng pagtataka kong tanong. Nag-angat nang tingin ang aking tiyahin. “Kanino mo nakuha iyan?” tukoy nito sa hawak kong itim na rosas. “Sa nobyo ko ho, nakangiti ko pang sagot. Napasinghap ito at bumaling kay Mang Isko. “Ihatid mo na siya at ingatan mong mabuti,” bilin ni Tiyang Nely at agad na napabalik sa loob ng bahay. Bakit kaya naging ganoon sila? Daig ko pa ang prinsesa sa pagtrato nila sa akin. “Sumakay na po kayo,” ani Mang Isko at pinagbuksan pa ako ng pinto. Sumakay na lamang ako at hindi na umimik pa. Wala rin naman akong makukuhang sagot. Pagkarating sa unibersidad ay naging magalang pa rin ang pagtrato ni Mang Isko sa akin. Napailing na lamang ako. Dahil lang sa rosas ay naging ganoon na sila. Kakaiba talaga sila! “Catherine... bungad sa akin ni Mocha. Maluwag akong napangiti. Tila nahihiya pa ito sa akin. Lumapit ako ng kunti. “Hindi na ako galit kung iyan ang naiisip mo. Siguro'y nagtampo lamang ako ngunit lubos ko rin namang naunawan na hindi lahat ay puwede kong pakialaman, wika ko. Niyakap naman niya ako. “Patawad Catherine,” usal nito. “Nauunawaan kita,” sagot ko. Ngumiti na ito kaya mukhang maayos na kaming dalawa. “Tara na, gayak ko. Napatango lang ito at hinawakan ang aking kamay. Pareho na kaming umakyat sa hagdan ngunit humarang naman itong si Akesha sa dadaanan namin. “Tumabi ka,” mariing utos lang din ni Mocha. “Nasaan si Cedrick!” baling naman nito sa akin. “Hindi ko alam ang sinasabi mo,” sagot ko. “Sasabihin niyo o malilintikan ka sa akin!” banta pa nito. “Subukan mo Akesha, ako mismo ang makakalaban mo!” ani Mocha. Napaatras naman ito. “May araw ka rin sa akin.” Dinuro pa ako nito na ikinagalit ko. Para bang may kumawala sa katawan ko. Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Mocha sa akin at sinugod si Akesha. Walang kahirap-hirap ko itong nahablot sa leeg niya at isinalampak sa pader. Halos mabaon siya sa pader sa sobrang galit ko. “Huwag na huwag mo akong maduro kung ayaw mong tuluyan kitang ibaon sa pader!” banta ko at binitawan siya. Bakas sa mukha nito ang matinding takot sa akin at agad na kumaripas ng takbo palayo sa amin. “Catherine... Paano... ani Mocha. Natigilan ako at natauhan sa nagawa ko. Napaharap ako kay Mocha na nanginginig ang aking mga kamay. Napapaawang ang aking bibig dahil sa sobrang pagkamangha at pagkagulat. Akmang hahawakan ako ni Mocha ngunit nagdilim na lamang ng biglaan ang aking paningin. Pakurap-kurap pa ako sa aking mga mata bago napadilat. Nasa isang silid ako na hindi pamilyar sa akin. Sinipat ko pang mabuti ang aking sarili. Ganoon pa rin naman ang aking suot na uniporme. Bumukas naman ang pinto at iniluwa nito si Mocha. “Kumusta ka?” anito. “Mabuti naman. Ano ba ang nangyari?” kunot-noo ko pang tanong. “Wala kang maalala?” anito at tila hindi kumbinsido sa sinabi ko. Umiling pa ako dahil wala naman talaga akong maalala, maliban na lamang sa ginawang pananakot sa amin ni Akesha. “Anong ginawa ni Akesha sa akin?” tanong ko pa. Napahalukipkip pa ito. “Hindi si Akesha, kundi ikaw mismo. Paano mo nagawang buhatin siya at ibaon sa pader ng ganoon kalakas.” Napangiwi ako. “Ako? Binuhat siya at ibinaon sa pader? Nagbibiro ka ba Mocha? Hindi ko kayang gawin ang bagay na iyon.” Kumikit-balikat ito at hinila ako pababa sa kama at lumabas ng silid. Nasa unibersidad pa rin pala ako. Ang akala ko ay kung kanino ang kuwartong iyon. Napatigil kami sa ika-dalawang palapag, sa may hagdan. Lumapit pa ako ng kunti at talaga ngang may bakas sa pader. Isang bulto ng katawan ang bumakas sa pader at kitang-kita ko ang mga tipak ng semento. “Hindi ko talaga ginawa 'yan, tukoy ko pa sa bakas ng pader. Napapailing itong napahilot sa kanyang sintido. “Hindi ko na alam Catherine. Saka ko na lamang iisipin iyan. May dapat tayong paghandaan at iyon ang ika-tatlong pagsusulit natin. Mamaya na iyon gaganapin,” anito. “Pasulit na naman,” naiusal ko. “Wala tayong magagawa kaya halikana't baka'y mahuli pa tayo,” ani Mocha. Pumanhik kaming muli sa itaas at tinungo na ang aming silid. Pagkapasok namin ay mataman lamang na nakamata si Zairan sa akin. Mukhang dinamdam nito lalo ang nangyari sa amin noong nakaraan. Hindi ko siya masisisi sapagka't nais ko lamang ang maging tapat sa aking nararamdaman patungkol sa kanya. “Lahat ay magsitayong muli. Mapapaaga ang ating pagsusulit. Ito'y laro kung saan hahamakin ang iyong kahinaan. Maaring ito'y magiging makatotohanan o kaya'y imahinasyon lamang. May tatlumpong minuto na lamang kayo,” ani ng guro namin at agad din namang lumisan. “Anong laro iyon Mocha?” baling ko rito. Napailing ito at napalumbaba. “Salaming palaisipan sa kabilugan ng buwan. Ito ang kakaiba sa lahat ng laro. Hahamakin ang iyong tapang at pananalig. Ngunit nakakatakot ang larong ito dahil maari itong maging makatotohanan,” paliwanag nito na ikinalunok ko. Naiuntog ko ng marahan ang aking ulo sa mesa. Pasulit na naman! Walang katapusang pagpapakamatay ang mga larong ipinapataw nila sa amin.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD