Kabanata 2

1203 Words
Kabanata 2 NANLULUMO akong umupo sa kahoy na bangko sa isang tindahan. Sobrang pagkadismaya ang nararamdaman ko ngayon. Wala man lang ni isa ang nagpaskil sa mga establesyemento para sa kung sinong naghahanap ng trabaho. Halos naikot ko na yata ang buong baranggay Pag-asa, makahanap lang ng trabaho. Napapailing na lang ako at napatayo na. Dapit hapon na rin naman kaya napagpasiyahan ko nang umuwi sa amin. Nang makauwi ako sa bahay, agad akong nagpalit ng pambahay. Sinimulan ko na ring magluto para sa magiging hapunan namin. Habang nagsasaing ako ay para bang may malamig na hangin ang dumaan sa likuran ko. Marahan akong napalingon sa gawing likuran ko. Siguro'y malakas lang ang simoy ng hangin. “Catherine...” tawag sa akin ng tiyahin ko kaya agad akong napalabas ng kusina. “Po?” Napangiti naman siya nang makita ako. “Halika. Mag-usap tayo saglit,” sabi niya pa sa akin. Lumapit ako at naupo sa tabi nito. “Anong nangyari?” Napalunok ako sa tanong niya. “Wala na po akong trabaho,” malungkot kong sagot habang nakatungo. Napahugot naman ng malalim na hininga ang tiyahin ko. “Mamaya mag-empaki ka na,” utos niya. Napaigtad ako sa narinig ko. “Bakit po?” nagtataka kong tanong. “Isasama na kita sa trabaho ko,” tipid na sagot niya at may hinalungkat sa bag nito. “Naalala mo 'to?” sabi niya pa habang hawak ang isang mamahalin na lalagyan. Laman nito ang napakamabangog pabango. Ito ang gustong-gusto ko noong mabili na pabango kaya lang masiyadong mahal sa isang gaya nitong nakalagay lang sa maliit na lalagyan. Ibinigay sa akin ni tiyang ang pabango. “Ito tatandaan mo Catherine. Huwag na huwag mo sanang kaligtaang gamitin ang pabangong 'yan sa oras na tumuntong tayo doon, kahit sa gabi, bilin niya pa. “Po? Madali ho itong mauubos,” kunot-noo kong sabi. “Marami silang ganito para sa 'yo.” Sagot naman niya. Tumahimik na lang ako. Wala rin namang patutunguhan kung magtatanong pa ako kung bakit. Tiyak na iiwasan lang ng tiyahin ko ang mga nais kong itanong sa kanya. KINAUMAGAHAN ay maaga pa sa tilaok ng manok kami umalis ng bahay. Tanging mga importanteng gamit lang ang dala namin. Sumakay muna kami ng Jeep bago nakarating sa pantalan kung saan sasakay kami ulit ng bangka. “Dating gawi,” matipid na utos ng tiyahin ko at agad kaming sumakay sa bangka. Ang nakapagtataka lang ay kami lang dalawa ni tiyang ang pasahero sa bangkang sinakyan namin. Iyong iba ay hindi sumabay sa amin at maghihintay na lamang daw ng susunod na biyahe gayong kay laki pa nang espasyo ng bangka. Nagtataka man ngunit nanatili akong walang imik sa mga nangyayari sa paligid ko. “Matulog ka muna, nakangiti pang ani ng tiyahin ko. Napatango lang ako at pumuwesto na nang upo para makatulog ako. Ang lamig pa naman ng simoy ng hangin, kakabagin pa yata ako nito mamaya. NAALIMPUNGATAN ako sa mahinang tapik ng tiyahin ko sa braso ko. Agad akong napaayos nang upo. Mataman akong nagmasid sa paligid ko. Kakaiba ang nakikita ko. Dumadaan na kami sa ilog at sobrang linaw pa ng tubig. Ang pagkakaalala ko ay nasa dagat kami bumabaybay. “Tiyang? Sigurado ho ba kayong hindi tayo naliligaw?” tanong ko pa. “Oo naman. Nandito na tayo,” sagot niya pa at agad nahinto ang bangka. Inalalayan pa akong bumaba ng bangkero sa bangka niya. Napayakap ako sa sarili ko. Masiyado kasing malamig. Hinawakan naman ni tiyang ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad. Wala pang isang metro ang nilakad namin ay bumungad na sa akin ang napakalaking pader. Bigla ding bumukas ang tarangkahan at bumungad sa amin ang anim na lalaki at isa-isang yumukod nang mapadaan kami. Ano ito? Parang sa pelikula ko lang napapanood ang ganitong eksena. Magtatanong na sana ako pero bumungad naman sa amin ang may edad na babae. Maganda pa rin siya kahit bakas sa mukha nito ang katandaan. Niyakap naman niya ako na siyang ikinabigla ko. “Ito na ba siya?” malumanay na tanong nito at pumaling nang tingin sa tiyahin ko. Yumukod naman si tiyang. “Siya na po,” sagot ni tiyang. Ang gulo lang nila. Masiyadong pormal at seryoso ata si tiyang ngayon. Nginitian lang ako ng may edad na babae at kinayag na ako. Nag-aalangan pa akong magpahila rito pero nginitian ako ng tiyahin ko kaya nagpatianod na lang ako. Ang laki ng bahay nila, kaya ko kayang linisan ito? Itinuro na niya sa akin ang magiging kuwarto ko. “Sigurado po kayong dito?” paninigurado ko. Malaki ang kuwarto ko. May malaking kama, mga muwebles na mamahalin. May maliit din na sala at nakahelerang mga libro sa gilid nito. “Oo naman,” masaya niyang wika. Seryoso ba siya? “Nely, pag-usapan natin ang mga dapat gagawin mo,” aniya at humarap ulit sa akin. “Ako nga pala si Ginang Zoldic.” Pakilala niya kaya napayukod ako agad. Ang tanga! Siya pala ang amo ng tiyang ko. “Pakiusap, huwag mo na sanang ulitin 'yan. Huwag na huwag.” Bakas sa mukha nito ang matinding takot at biglaang pag-alis nito sa harapan namin. Nagsalubong ang kilay ko. “Tiyang –” Napatigil ako sa senyas ng aking tiyahin. “Ako na ang bahala, magpahinga ka na,” sabi pa niya at kinabig na ang pinto pasarado. Naiwan akong lutang ang utak at napapaisip. Nagkibit-balikat na lang ako at sinimulan ng ayusin ang mga gamit ko. Nasa ikalawang palapag ang kuwarto kong ito. Hindi man lang sinabi ni tiyang kung tabi ba kami o may sarili rin ba siyang kuwarto na kagaya nito. Nagtataka pa rin ako kung bakit ganitong kuwarto ang ibinigay sa akin, samantalang isang hamak na utusan lang naman ako dito. Binuksan ko ang isang antigong kabinet. Tumambad sa harap ko ang nakahelerang mga damit na puro diretso lang at hanggang tuhod ko lang ito kung susukatin ko. Uso pa rin pala ang bestida sa lugar na 'to. May nakasabit pang maliit na papel sa damit. Nakasulat dito na para sa akin ang lahat ng ito. Kasama na ang mga pares ng sapatos, mga alahas at bagong uniporme. “Akin 'to lahat?” manghang sambit ko pa. “Sa 'yo iyan lahat Catherine kaya maari bang isuot mo 'yan lagi, biglaang saad ng tiyahin ko sa likuran ko. Nakadamit na ito ng pangkasambahay. Napasimangot ako at sinipat ng mabuti ang unipormeng nasa kabinet ko. Kinuha ko at ito at pinakita kay tiyang. “Iba ho ang uniporme natin?” taka kong tanong. Marahan namang napatawa ang tiyahin ko at kinuha 'yong hawak ko. “Uniporme mo ito sa eskwelahan Catherine. Mag-aaral ka na ng kolehiyo,” pagpapaliwanag niya. Nagulat ako sa narinig ko. “Po? Pero paano po ang trabaho ko?” tanong ko pa. Marahan naman hinaplos ni tiyang ang buhok ko. “Sabihin na nating mabait sila para tulungan tayo,” sabi niya pa. Umiling-iling ako. “Pero–” “Huwag ng maraming tanong,” singit pa ni tiyang sa sasabihin ko. Napabuga na lang ako ng hangin. Ang bait naman ng amo namin. Nagkibit-balikat na lang ako at tinulungan ni tiyang na mag-ayos ng gamit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD