Cecily NANG UMUWI kami sa bahay matapos naming magpunta ng beach, ayaw nang humiwalay sa akin ni Damon. Hawak niya ang kamay ko at sinabi niya na gusto niya akong dalhin sa kuwarto niya at maglalaro raw kaming dalawa. “Can we play, Cecily?” Pumayag ako sa gusto niya. Maganda na rin na mas magkalapit kaming dalawa. Tumingin ako kay Dmitry. Hindi niya pinupuna ang biglaang paglapit ng kalooban sa akin ng anak niya pero nararamdaman ko na natutuwa siya sa nangyari. “I’ll be in my home office. Let me know if you need anything.” Hinalikan ni Dmitry sa ulo ang anak at ako naman ay sa pisngi. Nahiya pa ako dahil nakatingin si Damon sa amin nang gawin iyon ni Dmitry. Pumunta kami sa kuwarto ni Damon habang si Dmitry naman ay sa home office niya. Agad na ikinalat ni Damon ang kanyang mga l