Naging masya ang handaan sa mansion ni Donya Matilda dahil marami ang dumalo na malalapit sa Donya. Kabilang na ang mga magkakapatid na Geller na kapuna-puna ang mga itsura dahil sa angking kagwapuhan at kakisigan. Pagkatapos ng handaan ay nauna na akong umakyat sa kwarto namin ni Timothy. Naiwan silang nag-iinuman at nagkakasiyahan sa baba. Sandali lamang akong nakatulog kagabi dahil ginising ako ni Timothy at maraming beses niya akong inangkin. Labis ang aking kasiyahan nang marinig kong binibigkas niya kagabi ang aking pangalan habang paulit-ulit niya akong inaangkin. Dahil lasing lamang ba siya kagabi kaya ganun'?o dahil may puwang na ako sa puso ng bilyonaryo? Mabigat pa rin ang aking katawan kinaumagahan. Tumayo ako at naligo na muna bago bumaba. May konting kirot ang nararamda