Kinabukasan Nagising akong mag-isa na lamang sa kwarto. Wala si Timothy sa tabi ko siguro ay nasa baba na ito ngayon. Inayos ko muna ang aking sarili bago bumaba. Kasalukuyang naghahanda ang mga katulong ng almusal. Nasa dining table na rin si Donya Matilda at ngumiti ito nang makitang palapit ako. Nagmano at hinalikan ko muna ito sa pisngi bago ako umupo sa aking pwesto. "By the way, iha. Hindi na nakapagpaalam si Timothy sa'yo. May emergency meeting siya kanina. I don't know if makakauwi siya ngayon!" "mahinang saad ng Donya. Bigla akong nanghina nang marinig ang sinabi niya. Kaarawan ko ngayon at tanging si Timothy lamang ang sinabihan ko. Gusto kong umiyak pero hindi ko gustong ipakita sa harap ng mama ni Timothy ang totoong nararamdaman ko ngayon. Pilit na ngiti lamang ang aking