Chapter 6- Siya pa rin sa puso mo!

1309 Words
Wala na siya kinabukasan nang magising ako. Naglinis ako saglit pagkatapos ay humanda na upang pumunta sa Mall kung nasaan ang Food Porn Hub Resto. Alam kong namamaga ng kaunti ang gilid ng aking mga labi ngunit mas kailangan ko ng trabaho. May mga dokumento naman akong dala kung sakaling hilingin ng management ay may ipapakita ako. Nagtatanong lamang ako sa mga tao kung nasaan ang Mall na nasa calling card. Hindi naman pala masyadong malayo kaya malalakaran ko lamang ito kung sakaling tatanggapin ako. Nasa ikatlong palapag ang Food Porn Resto. Pumasok ako at nakita ko si Ma'am Lorena sa loob. Ngumiti siya nang makita niya ako. "Eloisa! Mabuti naman at dumating ka na. Naku may magandang balita ako, puwede ka nang magsimula ngayon. Umalis kasi ang isang waitress rito kahapon kaya bilin si Miss Jelaine ay ako na ang bahala bilang manager dito sa resto!" mahabang salaysay ni Ma'am Maricel. " Salamat po talaga. Kailangan ko talaga ng trabaho! "Maluha-luha kong saad sa kanya. " Oh sige.. Ngayon eh.. Kailangan mo munang pag-aralan ang trabaho mo.Si Lizel na muna ang magtuturo sa'yo para bukas eh ready ka na. S'yanga pala Eloisa, Kailangan mo nang e-memorize ang mga menu na ito... "saad niya sa akin habang iniaabot ang isang kopya ng mga menu. Napakunot ako sa mga pangalan ng menu. May gan'un ba talaga? " Eloisa.. Masanay ka na ha.. " Tumango at ngumiti lamang ako sa kanya. Namula 'ata ako sa mga pangalan ng mga menu. Talagang hindi ako sanay. Buong araw akong tinuruan ni Lizel. Hindi naman mahirap bagkus ay madali lamang akong natuto. Alas siete ng gabi ang out ko sa resto dahil may ibang waitress na naman ang papasok hanggang alas dies ng gabi. Bago ako umuwi ay kumain na kami sa resto.Libre ang pagkain para sa aming mga staff. Napag-isip-isip kong maswerte ang mga empleyado rito. Alas otso na ng gabi ng makarating ako sa condo. Madilim ang buong paligid. Wala pa si Timothy. Pumasok na ako sa kwarto at nagwarm bath. Siguro ay hindi na naman ito uuwi ngayon. Nagsuot ako ng manipis na pantulog.Nighties raw ang tawag rito ayon kay Donya Matilda. Nang umuwi kasi kami rito sa Manila ay maraming mga damit at gamit ang ibinigay niya sa akin. Lumabas ako at tumungo sa kitchen at nagtimpla ng gatas. Pumunta ako sa sala at binuksan ang tv. Comedy ang pinapanood ko kaya hindi ko maiwasang tumawa. Tumigil ako sa kakatawa nang may pumasok na tatlong kalalakihan sa loob ng condo at isa sa kanila ay si Timothy. "Woah bro... Ba't hindi mo sinabi na may alaga ka palang anghel sa condo mo?" dinig kong saad ng isa sa kanila. "Shut up Lander..." saad ni Timothy. "Mahilig ka pala sa bata Tim."saad naman ng isang lalaki na kasingtangkad ni Timothy. Nakita kong nakatingin silang tatlo sa akin. Ngayon ko lamang napagtanto ang aking suot. Ni wala akong bra. Hindi ko naman alam na uuwi siya . " She is just a maid. My maid... " matigas na saad ni Timothy. Napakasakit ng sinasabi niya sa akin. Tumayo ako upang pumasok sana sa aking kwarto nang hinila niya ako patungo sa kusina. Naiwan naman ang dalawa nitong kasama sa sofa. "Are you seducing me Eloisa? Ba't ganyan ang suot mo?" "Ah a-akala ko kasi hindi ka uuwi ngayon. Hindi ko naman alam Tim." " Go back to your room and dress decently. Bumalik ka at pagsilbihan kami. Narinig mo naman ang sinabi ko kanina na katulong ka kaya act as one Eloisa." Hindi ako umimik dahil nagsisimula nang bumadya ang takot sa aking dibdib. " Naintindihan mo ba ang sinasabi o gusto mong masaktan? " " N-naintindihan ko. S-sige magpapalit na ako! " Umalis ako at pumasok sa kwarto at nagpalit ng maisusuot. Nang lumabas ako ay kinuha ko ang wine sa rack at ng ice sa ref at dinala kina Timothy. " Ipakilala mo naman kami sa katulong mo Tim 'di ba Kram? "saad ng lalaking tinawag niyang Lander kanina. " Oo nga naman Timothy.. Kung ganyan ba naman kaganda ang katulong ko eh hindi na ako papasok sa trabaho o dadalhin ko na lang kug saan ako pupunta. " saad ng isang kasama nila. Hindi ko sila pinapansin ngunit pulang pula ang aking mukha dahil sa narinig. " Puro talaga kayo kalokohan. Mag-ingat kayo sa mga kabataan ngayon ang lakas mamikot. Nakilala mo pa lang ngayon gabi bukas asawa mo na! " seryosong sambit ni Timothy. "May pinaghuhugutan ka bro? Teka where is Mel? I haven't seen her in your company anymore!" tanong ng kasama niyang si Kram. Inilalagay ko ang mga ice cubes sa glass nila at ako na rin ang nagsasalin ng wine. " Oo nga Tim. I heard she is in Spain now." si Lander. " Y-yeah. Next week I will fly to Spain! "si Timothy. " Pag-ibig nga naman! " halos sabay sambit ng dalawang kasamahan ni Timothy. " Yeah I'll cross mountains and seas for her. " dagdag pa ni Timothy. Hindi ko na kinaya ang aking narinig mula kay Timothy kaya pumunta na muna ako saglit sa kitchen at doon umiyak. Ito na ba ang kabayaran sa lahat ng ginawa ko? Matuturing ko ba talagang kasalanan ko ang nangyari kung bakit naikasal kaming dalawa? Hindi ba rin niya ginusto ang nangyari sa amin? Hindi pa rin niya ba akong kayang mahalin kahit na ibinigay ko na ang lahat sa kanya? Pero hindi ako susuko. Gagawin ko ang lahat para mahalin niya ako at kailanman ay hindi ko bibitawan ang pangako ko sa aking sarili na si Timothy lamang ang mamahalin ko. "Are you crying?" boses ni Lander ang narinig ko sa aking likuran. Pinahid ko ang aking mga luha at humarap sa kanya na nakangiti atsaka umiling. Mas lumapit ito sa akin at hinawakan ang mahaba at medyo curly kong buhok. "Well you can't deny it. Is it what you heard from him right?" tanong niya. Mas naiyak ako. " Mel and Tim were classmates during college in Britain. Saksi kami ni Kram sa pagmamahal nila kasi magkaklase kaming apat and we're bff. Alam namin ang pinagdadaanan nila ngayon. They we're about to get married and settle down but you came into the picture Eloisa.Ayaw kong manghimasok pero sabi nga nila, kung para sa'yo daw ang tao ay magiging kayo pa rin hanggang sa dulo. I'll just wait and see kung sino ang end game ni Timothy. Well hindi ko rin siya masisisi,ang ganda at ang bata mo rin naman... "saad nito sabay tapik sa aking balikat at bumalik na sa mga kaibigan. Inayos ko ang aking sarili. Gusto ko sanang matulog na ngunit alas onse na ng gabi nang umuwi ang mga kaibigan ni Timothy. Nang tiningnan ko ang aking asawa ay nakahiga na ito sa sofa at alam kong lasing na ito. Niligpit ko na muna ang mga kalat bago bumalik sa sofa at tinanggal ang sapatos ni Timothy at inayos ang paghiga nito. Kumuha ako ng tshirt at sinimulan ko nang tanggalin ang butones ng kanyang polo. Kumuha rin ako ng towel at maligamgam na tubig upang magiging presko siya. Maigi kong tinitigan ang kanyang mukha. Kahit saang anggulo ay napakagwapo niya. Bakit perpektong hinulma ang kanyang mukha at tila lahat ng bahagi ay walang maipipintas. Napalunok ako nang makita ang kanyang mabalahibong dibdib. Hindi ko mapigilan hawakan ito at himasin. "Mel... I love you so much honey!" bulong niya habang hinahawakan ang aking kanang braso. Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa aking narinig mula sa bibig niya. Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi at masuyo akong tinitigan. "Just c-come b-back honey..." Bigla niya akong hinalikan. Puno ng pagsuyo. Halik na puno ng pagmamahal. Halik na hindi ko naramdaman mula sa kanya. "Mel..." tanging sambit niya at tuluyan nang natulog. Mapakla akong ngumiti. Kailan ba niya akong matutunang mahalin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD