Kinabukasan ay maaga akong nagluto ng almusal para sa aming dalawa.Akala ko ay aalis na siya dahil may problema raw sa Britain ngunit ang sabi niya ay napostphone raw ang flight niya dahil nasira ang private jet nila. Pagkatapos kong mag-ayos ay pumasok na ako sa Resto. Magdadalawang buwan na pala ang dinadala ko sa sinapupunan. Napakabilis ng oras at araw, hindi magtatagal ay masisilayan ko na sila. "Good morning Miss Jelaine!"Bati ko nang makita ko siyang nakatayo sa may counter. " Hello Eloisa..Anyare kahapon, umuwi na kayo agad!" " Ah eh may maagang flight po kasi si Timothy! " sagot ko kahit hindi naman totoo. Ayaw ko namang sabihin sa kanya ang totoong dahilan kung bakit umuwi na kami kaagad. " Well I see...Kumusta na pala kayo? Ang Melissa na'yon kumusta? " " Hindi ko na po si