Maaga akong nagising upang ipagluto siya. Alam kong hindi pa siya masyadong magaling. Kagabi ay napakataas ng kanyang lagnat at ang pinakamasakit ay paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan ni Melissa.
Pagkatapos magluto ay naligo at gumayak na upang pumasok sa trabaho. Itinali ko lamang ang aking basang buhok dahil bawal sa resto ang nakalugay. Naglagay ng pulbos at kaunting lipstick para kahit paano ay presentable naman ako bilang waitress.
Palabas na ako ng condo nang may humila sa aking braso.
Nakita ko si Terrence Geller ang kapatid ni Tim. Nakashades ito pero kitang kita ko ang kanyang matamis na ngiti sa akin.
"A-ano po ang kailangan n'yo?" mahina kong sambit.
"Ikaw.. I mean, saan ka pupunta? 'Di ba dapat eh binabantayan mo ang amo mo?" tanong nito.
"Ah--"
"" Ihatid na kita saan ka ba pupunta?Mag-isa ka lang! " sambit niya.
" S-sa Mall.. " sagot ko.
" Well papunta rin ako sa Mall na pupuntahan mo Eloisa! " saad niya.
" P-pero magagalit si T-Tim-".
" Ako ang bahala hindi naman niya malalaman na magkasama tayo. Atsaka maid ka 'di ba? Hindi' yun magagalit maliban na lang kung asawa ka niya!"
Napalunok ako sa aking narinig.
" Ah mauna na po kayo..Bawal po kasi akong sumama sa mga lalaki. "
" C'mon lets just pretend that we don't know each other kapag nandiyan siya. Napakastrikto ng amo ha... Tara sabay na tayo! "
Wala akong nagawa dahil hinila na niya ako papuntang parking lot at isinakay sa kotse niya.
Sinabi ko sa kanya ang Mall na pupuntahan ko. Napakadaldal ni Terrence habang minamaneho ang kotse niya. Ngumingiti ito habang nagkukwento sa akin.Naisip ko tuloy si Timothy, nitong huling buwan ay hindi ko na ito nakita ulit na ngumiti.
" Kumusta na pala ang kapatid ko?Kinausap niya ako last time na gagamitin niya ang private jet ko ngayon. I don't know what changed his mind!"kwento nito.
Hindi na lamang ako umimik. Hindi ko na sasabihin na may lagnat si Timothy. Aalis pala talaga dapat siya ngayong araw.
" By the way, anong oras ka uuwi? "
" Alas siete ng gabi! "sagot ko.
" What? "bigla nitong pinreno ang sasakyan sa isang tabi?" Seriously, maid ka ba talaga? "
Napa-iyak na tuloy ako. Hindi ko na kayang magsinungaling. Ang bigat na ng dinadala ko.
" T-Terence ang totoo ay a-asawa niya 'ko. Ikinasal kami dahil nahuli kami ng mama ni Terrence. May nangyari sa amin noong birthday ng mama niya. K-kasalanan ko naman eh.G-ginusto ko ang nangyari at sinadya ko na mahuli kami ng girlfriend niya kasi Mahal ko na siya noon pa... "naiiyak kong sambit.
" Sh*t! "Mura ni Terrence. Hinawakan niya ang aking baba at itinaas." Look at me Eloisa, are you sure kaya mong manatili sa tabi ni Timothy? Kilala ko ang kapatid ko. S-sinasaktan ka ba niya? "
Umiling ako. Ayaw ko ang mas kaawaan pa niya.
" Isang taon lang si Tita Matilda dito sa Pilipinas. I know after that he will find way to get rid of you. G-ginagawa lamang niya ang gusto ng mama niya maliban na lang kung may nararamdaman siya sa'yo! "
"M-mahal niya si Melissa p - pero hindi ko kaya Terrence. Hindi ko kaya na mawala siya sa buhay ko."
"B-bata ka pa nga talaga Eloisa. Hayaan mong alagaan kita. Gagawin ko ang bagay na gusto mong gawin ni Timothy sa'yo. Unang kita ko pa lang sa'yo I felt something different." saad niya sabay haplos sa aking mukha.
Bigla akong umiwas. "S-salamat pero huwag na."
Napabuntunghininga naman ito at nagmaneho na ulit.
"Saan ka nagtatrabaho?" tanong nito.
"Sa food porn hub resto..."
"Huh? May gan'un?" ngumiti ito sa akin sabay pagkrus ng maiitim na kilay
"O-oo.. Masarap ang mga pagkain doon. Try mo minsan!" sambit ko.
"Next time p-pero... Mamaya pwede ba kitang sundin kahit iuwi lang kita sa condo."
"M-magagalit si Timothy at isa pa ayaw kong magsinungaling sa kanya." saad ko.
"N-nagtatanong ba siya? Kailan pa ba niya tinantong kung saan ka pumupunta o kung sino ang kasama mo?"
Natahimik ako.
"I know him too well Eloisa.Isa pa, huwag mong masamain ang pagsundo ko sa'yo. Pwdes naman tayong maging magkaibigan 'di ba?"
Ngumiti ako sa kanya.
"' Yan mas gumaganda ka kapag nakangiti ka. Pwde 'di ba?"
"S-sige." sagot ko.
Wala naman sigurong masama kung bilang magkaibigan lamang.
Bumaba ako sa mismong entrance ng mall. Nang dumating ako sa resto ay dali-dali kong isinuot ang uniporme ko na pang waitress. Ibang klaseng uniporme ito. Di gaya ng ibang resto na white tshirt at slacks ay napadaring ng suot ng mga waiter at waitress rito. Nakapencil cut na black skirt ako at nakafitted topdown button vneck shirt.
Nang lumabas ako ay nakita ko si Terrence na nakaupo sa isang gilid. Sumenyas siya sa akin at lumapit naman ako sa kanya.
Sinusundan ba niya ako? Akala ko ay next time na ito pupunta.?
Ibinigay ko ang menu sa kanya at tahimik akong naghintay sa tabi niya habang nakatayo.
"Well, I love this menu.. Isang t***d milk tea, Ano 'to? Russian, German, British footlong? Hmmm British footlong na lang' yung 10 inches with super hot sauce.I'll order this for you Eloisa."
Napanganga naman ako. "Ha? B-bawal po.."
" Binibigay ko na nga lang ang British footlong ko sa'yo ayaw mo pa?"
"A-ano?" Ibang iba ang Geller na ito kay Timothy.
" Take out ko 'yan para sa' yo mamaya. Ito na lang para sa'kin, Chicken Oversized breast and Chicken 69.Masarap ba ang Chicken 69 Eloisa? Nasubukan niyo na? I mean natikman mo na?"
Napanganga ako sa sinabi niya.
" S-sige repeat order ko sir. One t***d milk tea, one chicken oversized breast, and one chicken 69 for dine and 1 British footlong 10inches with super hot sauce for take out. Iyon lang po ba? "
Tumango ito sa akin at kinindatan ako.
Ngayon ko lang talaga napansin. Halos lahat ng features ng mukha nila ni Timothy ay magkapareho. Mapagkamalan silang kambal. Ba't ngayon ko lang napagtanto. Seryoso si Timothy. Si Terrence ay cool.
Nang bumalik ako sa mesa upang dalhin ang kanyang mga inorder ay seryoso na itong nakatingin sa laptop niya. May suot na rin itong salamin sa mata.
"Dito na muna ako magtatrabaho." Sambit niya pero nakatingin pa rin sa laptop niya.
Sa isang banda ay napapangiti ako.
Iisipin ko na lamang muna na si Timothy ang narito sa Mall at todo bantay sa akin. Tutal magkahawig naman silang dalawa.
Maraming customers sa araw na iyon.
Sa tuwing lalapit ako sa ibang customers ay nakikita ko siya na nakatingin sa akin at kapag titingin ako sa kanya ay ibabaling niya ang tingin sa kanyang laptop.
Matiyaga niya akong hinintay hanggang sa pag-out ko. Ang ibang mga kasamahan ko ay kinikilig dahil sa kanya ngunit hindi ko pa rin sinasabi na kilala ko si Terrence.
Diretso niya akong hinatid sa condo ngunit hindi na siya lumabas pa.
"S-salamat Terrence." nakangiti kong sambit sa kanya.
"Yours!" nakangiti rin siya habang iniaabot sa akin ang inorder niya kanina sa resto. Natawa ako.
"S-salamat sa British Footlong!" sambit ko.
"Yeah, pumasok ka na baka iuwi pa kita sa condo ko." Sambit niya sabay kindat sa akin at pinaharurot na ang kanyang sasakyan.
Nang pumasok ako sa unit ni Tim ay natatawa pa rin ako sa tuwing iisipin ang pilyong si Terrence.
"Nababaliw ka na ba?" boses ni Tim ang narinig ko.
Madilim ang mukha nito na nakatingin sa akin. Nawala ang ngiti sa aking labi nang tingan ang nakakunot niyang kilay.
"Saan ka galing? Lagi ka 'atang gabi kung umuuwi ah?" tanong nito.
"Nagtatrabaho ako... G-gusto kong mag-ipon dahil gusto kong makapag-aral sa susunod na pasukan!" sagot ko.
"Mabuti naman at may isip ka rin! Kung inuna mo lang sana ang pag-aaral keysa sa lumandi." matigas niyang sambit.
Napayuko na lamang ako dahil ayaw kong makita niya ang sakit sa aking mga mata habang sinasabi niya sa akin 'yon.
Naglalakad ako papasok sa aking kwarto nang tumunog ang aking cellphone. Pinahiram ni Ma' am Maricel sa akin ang cellphone niya kahapon para ma-contact raw niya ako. Touch screen na cellphone ito at si Ma'am Maricel at Terrence lamang ang alam sa numero ko dahil sa pangungulit kanina ni Terrence Geller ay ibinigay ko na lamang ang numero ko.
"Hello!" aniya ko sa kabilang linya.
"Hey, kumusta? Kararating ko lang sa pad ko!" boses ni Terrence iyon.
Tumingin ako kay Timothy na mas kumunot ang noo sa akin.
Nagmadali akong pumasok sa loob ng aking kwarto.
"O-okay lang din. S-sige na may gagawin pa ako!"
"Ang british footlong ko..'Yung bigay ko pala sa' yo kinain mo na?"
"Iinitin ko pa muna..." sabi ko.
"Hindi mo na kailang initin pa ang footlong ng mga britanyo. Matigas yan kahit hindi malamig"
Ano ba talaga ang ibig sabihin ni Terrence? Madumi lang ba talaga ang isip ko o tama ang hinala ko na ibang footlong ang ibig niyang sabihin?
Narinig ko ang malalakas na tawa niya sa kabilang linya. Napatawa na rin ako.
"Ba't baliw ka kaysa sa kapatid mo?" hindi ko mapigilang tanungin siya.
" Mas nakakabaliw naman talaga ako kaysa sa asawa mo."
Napailing na lamang ako.Iba talaga ang isang ito eh.
"S-sige na goodbye na. See you when I see you Eloisa."
Napailing na lamang ako.
Ipapasok ko na sana ulit ang cellphone sa bag ko nang bumukas ang pinto.
"Get ready for this coming weekend. Sasama ka sa akin sa baguio!" seryosong mukha ni Timothy ang bumungad sa akin nang buksan nito ang pinto nh kwarto ko.
Napanganga ako. Kinurot-kurot ko ang aking taynga at naninigurado kung tama ang aking narinig.
" Huwag kang umasa na kagustuhan ko. Tumawag si Mama gusto niyang naroon ako at pati na rin ikaw!"
Wala akong ginawa kundi ang tumango na lamang.
Akala ko ay kaming dalawa lamang at kagustuhan niya pero napilitan lang pala.