Chapter 4-Kasal

1339 Words
" Timothy? Walang hiya ka talaga! " Iyak at bulyaw ng boses babae ang aking narinig mula sa pintuan. Dahil sa lakas ng tili nito ay nabulabog ang mga tao sa mansion at naramdaman ko na lamang na maraming mata ang ngayo'y nakatingin na sa amin. Mabilis akong tumayo at kumuha ng tuwalya at ibinalot sa hubad kong katawan. Tumayo ako at ganoon na rin si Timothy na natarantang tumayo at kinukha ang roba nito at isinuot. Napaiyak na rin ako dahil hindi ko alam kung tama ang ginawa ko. Tumingin ako sa pulang kumot na katibayan sa nasira kong dangal. "Mel... Honey please.. Don't freak out. Let me explain!" pilit na niyayakap ni Timothy ang babaeng nagwawala. "Ano pa ba ang kailangan kong marinig mula sa'yo Timothy! Niloko mo'ko! Ilang oras pa lamang akong wala sa tabi mo pero may kalandian ka nang iba!" sigaw ng babae kay Timothy. "I-ikaw na babae ka! Pareho kayong maharot kaya magsama kayong dalawa! I'm quittin' Timothy. I'm calling our wedding off!" itinapon nito ang singsing sa mukha ni Timothy na namumula. Tumakbo palabas na ang babae ngunit nagmadali ring nagbihis si Timothy at sumunod sa babaeng umiiyak. Naiwan akong umiiyak. Ni hindi man lamang niya ako tinapunan ng tingin. Ganoon na lamang ba ang trato niya sa akin? Isang basura na lamang na itatapon pagkatapos gamitin. Umupo ako sa kama at tinakpan ko ang aking mukha gamit ang dalawa kong palad. "Iha...Eloisa!" tinig ni Donya Matilda ang aking narinig at hinihimas nito ang aking likod. Tiningnan ko ang mukha niya na may bahid na pag-aalala. " S-sorry po Donya Matilda." nakuha kong sambit. Hiyang - hiya ako ngayon sa Ginang. "Huwag kang mag-alala. Pananagutan ng aking anak ang nangyari sa inyo. Iha, mahal mo ba si Timothy kaya mo ginawa ito?" Tumango ako. Napabuntunghininga ang Ginang. " Naalala ko ang sarili ko sa'yo Eloisa. Minahal ko ang daddy ni Timothy. Dumating ang punto na sinubukan ko siyang pikutin ngunit hindi ako nagwagi. Sa huli, nauwi pa rin akong bigo. Pero nagpapasalamat ako dahil nagbunga ang gabing 'yon. Dumating si Timothy sa buhay ko! " Patuloy pa rin akong umiiyak. Nasasaktan ako. Hindi ko alam ang susunod na gagawin ko. " A-anak? Eloisa?... "sigaw ni Nanay sa akin nang makita ako at si Donya Matilda sa kwarto ni Timothy. Niyakap ako ni Nanay. " Nay patawarin niyo po ako! " " U-umuwi na tayo Eloisa.... " sambit niya sa akin. " Maricel... Aayusin na muna natin ang lahat. Bukas na bukas rin ay kakausapin ko si Timothy. Pananagutan dapat niya ang anak mo." Hindi na nagsalita pa ang aking ina ngunit alam kong masama ang loob nito sa akin. " Sa ngayon eh, matulog na muna tayo pero bukas na bukas rin ang kakausapin ko kayo! "dagdag ni Donya Matilda. Tumayo ako at nagbihis sa loob ng Comfort room at hindi nagtagal ay bumaba na kami ni nanay patungo sa kwartong laan para sa amin. " Eloisa,anong ginawa mo anak?Ba't hinayaan mo na may mangyari sa inyo ni Senyorito? " " Nay... M-mahal ko po siya!" "Anak naman.Gumising ka nga! Tingnan mo naman ang estado ng pamumuhay natin? Sa tingin mo ba mamahalin ka ni Senyorito kahit ibigay mo pa ang lahat sa kanya? Anak, masasaktan ka lang." "S-sorry nanay!" niyakap ko siya at nagsimula na namang umiyak. Naabutan na ako ng umaga sa kaiiyak. Pagkatapos maligo at mag-almusal ay tinawagan na kami ni Donya Matilda sa taas ng opisina nito sa mansion. Nang pumasok kami ay nakita kong nakaupo si Timothy sa harapan ni Donya Matilda. Magulo ang buhok nito. Kagaya ko ay hindi rin 'ata ito nakatulog ng mabuti. "Umupo kayo Eloisa, Maricel!" itinuro ng Donya ang dalawang upuan sa aming harapan. "Alam nating lahat na maraming nakasaksi sa pangyayaring' yon kagabi. Hindi lamang ang mga kasambahay rito sa mansion kundi ang mga bisita na rin na nagpalipas ng gabi rito sa mansion. Maricel, babae ang anak mo kaya hayaan mong panagutan ng aking anak si Eloisa.Nag-usap na kami ni Timothy. Aayusin natin ang araw ng kasal nila sa lalong madaling panahon! " Wala sa aming tatlo ang umimik. Tiningnan ko si Timothy. Napakatahimik pa rin nito at ramdam ko ang galit nito para sa akin. " Dito ka na titira Eloisa hanggang sa araw ng kasal ninyo! "dagdag pa ng Ginang." Then I think we're done here! " Tumayo ang Ginang at sumenyas na pwede na kaming umalis ni Nanay. Sumama na muna ako sa kanya pauwi sa aming bahay at kumuha ng aking mga gamit. -------- Pagkatapos ng dalawang linggo ay ikinasal na kami ni Timothy sa huwes.Nang matapos ang kasal ay sa Manila na kami tumuloy sa condominium niya. Hindi niya ako kinikibo. At ni minsan ay hindi niya ako itinuring na asawa niya. Hindi rin niya ako pinapatulog sa kwarto niya. May nakalaan na maliit na kwarto sa akin. Paggising ko sa umaga ay wala na siya at sa gabi naman ay hindi ko namamalayan kung anong oras siyang umuuwi. Ganito ang buhay ko sa piling ng aking asawa na kahit minsan ay hindi ako itinuring na asawa. Ganito ang kalakaran namin sa isang buwan. "Tim....!" tawag ko sa kanya.Linggo ngayon alam kong rest day niya ngayong araw sa kanyang kompanya. Tumikhim lamang ito. Hindi man lamang ako tinapunan ng tingin. " G-gusto ko sanang lumabas ." "Feel free to go wherever you want to. Gusto mong lumabas? Lumabas kang mag-isa mo. Huwag kang umasa na sasama ako sa'yo. At ito ang tatandaan mo Eloisa, maghanap ka ng pera para sa sarili mo! I am only your husband in paper! Ginusto mo ito kaya magdusa ka! " matiim niyang saad sa akin. Tumango lamang ako at napahikbi ng tuluyan dahil napakasakit ng mga salitang narinig ko buhat sa lalaking mahal ko. " M-maghahanap ako ng trabaho.. "anas ko. " Then go ahead dahil wala kang makukuha sa akin! You think you'll have what i have kapag napikot mo'ko? Sorry Eloisa you choose a wrong billionaire! " dagdag niya. " H-hindi ko gusto ang kayamanan mo Timothy! "nakuha kong sambit. Hinila niya ang braso ko at itinulak niya ako sa sofa. Napahiyaw ako sa lakas ng pagtulak niya sa akin. " Don't you try to reason out with me Eloisa. Be sure you know how to play a game.Ngayon pa lang Eloisa, I assure you that the moment you chose me, you also choose hell!" Hahawakan pa sana niya ako ngunit mabilis akong nakailag. Ba't ibang iba na ang Timothy na nakilala ko noon. Siya ba ang mabait at mapagmahal na Timothy na nakilala ko noon? Ba't puro pasakit lamang ang ipinaparamdam niya sa akin. Tama ba ang taong minahal ko? Naghintay ako dahil sa pangako niyang babalikan ako. Nang umalis na siya ay nagbihis na rin ako at umalis na sa condomimium. Nasa centro ng siyudad ang condomimium ni Timothy kaya bumungad ang ingay ng mga tao at sasakyan nang makalabas ako. Nakarating ako sa isang pampublikong parke at don ako umupo at masayang tinitingnan ang mga batang naglalaro. Sa di-kalayuan ay may nakita akong batang babae ba umakyat sa monkey bars na mag-isa. Lumapit ako sa kinaroroonan niya at nasalo ko siya nang muntik nang mahulog sa taas Umiiyak ang batang babae habang nasa mga braso ko at natataranta ang isang babaeng lumapit sa amin. "Anak... I'm sorry... Naku maraming salamat Miss at nasalo mo ang aking anak. May kausap kasi ako sa cellphone kaya hindi ko siya napansin. Mabuti at nandito ka... Ako pala si Lorena. Ikaw?" "Ako po si Eloisa. Dumaan lang ako rito sa parke. Sa katunayan po eh naghahanap ako ng trabaho." "G-gusto mong magtrabaho? May hiring kami na waitress sa redto ng amo ko. G-gusto mo tulungan kita? Sasabihin kong pinsan kita..." "H-ha? Ah eh sige po.. Maraming salamat.." "Oh 'eto ang card. Tingnan mo ang address malapit lamang ang mall na' yan. Nandiyan ang food porn resto na pinagtatrabahuhan ko. Hihintayin kita!" Napangiti ako nang binasa ko ang maliit na card. FOOD PORN RESTO owned by Jelaine A. Garcia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD