TAHIMIK na kumakain si Karenina habang si Brixton ay umiinom ng kape pero ramdam niya ang panaka-nakang pagsulyap nito sa kanya. Hindi ito sa kuwarto nito natulog kagabi. Nagalit na naman kasi ito dahil sa hiniling niyang pauwiin na siya nito. Bigla na lang siya nitong iniwan pero nang magising siya kanina ay naroon na ito sa loob ng kuwarto at mataman siyang pinagmamasdan. She finds it creepy, but at the same time she was happy knowing na hindi pa rin pala ito umaalis. Ayaw sana niyang bumaba at kumain pero pinilit siya nito. Kung wala lang sana siyang planong paamuin ang lalaki ay ang sarap sanang magpapakipot dito kaya lang kailangan niyang magiging mabait para kahit papaano mabawas-bawasan naman ang pagiging masungit at cold ng awra nito kapag kaharap siya. Sa kama lang yata niya it