ANG TUNOG ng humahampas na alon ang nagpagising kay Karenina kinabukasan. Napabalikwas pa siya ng bangon nang makitang alas otso na ng umaga pagkatingin niya sa orasan na nasa bedside table. Agad siyang nagtungo sa banyo at naligo. Matapos makapagbihis ay lumabas siya ng kuwarto. Nasa unang baitang pa lang siya ng hagdanan nang marinig niya ang boses ni Lorelei mula sa ibaba. "No, kuya Brix! Please, hayaan mo na ako sa gusto ko at hindi ito ang gusto ko na makulong habangbuhay rito sa Isla!" Natigilan siya. Nandito na pala si Brix. Dumungaw siya at agad niyang natanaw ang mga ito sa may sala. Kung gano'n, ikinulong nga talaga ni Brix si Lorelei. Pero bakit? Dahil ba kay Andrei? "Stop this nonsense, Lorelei." Mahina pero may diin sa boses na sabi ni Brixton sa kapatid nito. Sa hitsu