Sa ibayong dagat kung saan naroon ang dalagang si Antonette. Dahil sa tulong ng mag-asawang Mohammad at Gwendolyn ay malayang nakakadalaw si Antonette sa kanilang tahanan. Dahil simula noong nakilala nila ito ay naging malapit na rin sila isa't-isa. "Ann, paano iyan? Uuwi na naman ang anak namin sa Pilipinas. Baka hindi ka na rin makadalaw sa amin dito," ani Gwendolyn sa dalaga. "Puwedi naman po, Tita. Kahit wala si Khalid dito. Depende nga lamang po sa duty ko. Ngunit hindi po ba nakakahiyang ako ang dadalaw dito kahit wala siya?" balik-tanong ng dalaga. Kaso ang kapatid na babae naman ni Khalid Mohammad ang nagsalita. "No, Ate Ann. Huwag mong isipin iyan dahil ang pamamahay namin ay bukas para sa lahat. Kahit sino ay maaring dadalaw dito anumang oras," saad nito. Nakabalot ang ulo at