"Anong plano mo ngayon, Lovely? Hindi puweding ganito na lang tayo habang buhay," tanong ni Mr Fernandez sa anak. "Huwag kang mag-alala, Daddy. Dahil may naisip akong paraan para mapasaakin ang buong kayamanan ng mga Ortega," sagot ni Lovely na halatang nag-iisip ng panibagong gagawin. Nagpalakad-lakad siya sa harapan ng ama. Hindi puweding mauwi sa wala ang nasimulan niya. Kailangang mapasakamay niya ang kayamanan ng mga Ortega lalo at kasal sila ng asawa niya. Kahit pa nabuko siyang peke ang pagbubuntis niya. "Anak, kung ako sa iyo bilis-bilisan mo ang iyong pagkilos lalo na ngayon at alam na nilang lahat ang kalokohan mo. As you can see matapang na sila lalo at may TRO laban sa atin," muli ay sabi ng Ginoo. Sa narinig ay muling napakuyom ang palad ni Lovely. Wala naman sa plano niy