Chapter 5

1642 Words
Ameya Kinaumagahan, araw ng Lunes, ay balik kami ulit sa trabaho. Maaga akong nagising para magluto ng breakfast namin. I was preparing the dining table when Justine went out of our room already finished taking a bath. He's already tying his necktie. Lumapit siya sa akin para ipaayos ito. "Bakit nakabihis ka na? Aalis ka na ba?" tanong ko habang inaayos ang kanyang necktie. "Kinda. Marami pa kasi akong gagawin sa opisina pero syempre hindi ako aalis na hindi kumakain ng linuto mong breakfast." Ngumiti siya. "Buti naman dahil magtatampo talaga ako kapag hindi ka kumain. Linuto ko pa naman iyong paborito mo." Hinalikan ko siya sa kanyang labi. "Thank you, sweetheart. I love you." He kissed me back. Sabay kaming kumain ng umagahan. Habang kumakain ay naalala ko iyong nangyari kahapon. "About yesterday…" simula ko. Ngumiti ng matamis si Justine at pinaikot ko iyong aking mga mata. "I'm not talking about the sex." Tumawa siya. "I was talking about the woman." Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at uminom siya ng tubig sabay punas sa kanyang mga labi gamit ang puting hanky. "No worries. Sinabihan ko na si Jethro tungkol diyan. Nag-assign siya ng pulis sa vicinity ng resto just in case may ganoon ulit." He smiled. "Thank you." I smiled back at him. "You are welcome. Anyway, I'll go ahead sweetheart. Sigurado ka bang ayaw mong magpahatid?" Tumango ako. "Okay." He gives a kiss on my forehead at kinuha ang kanyang gamit at lumabas na ng bahay. Nakasunod ako sa kanya at tumayo sa pintuan habang pinagmamasdan siyang umalis. Nang magbukas ang aming gate ay nag-drive siya palabas at nag-wave ako sa kanya at bumusina siya ng dalawang beses. Nagsara iyong gate namin at bumalik ako sa loob para iligpit na muna iyong mga pinagkainan namin. Pagkatapos ay naligo ako at nagpalit ng damit. I hailed a cab at pumunta sa resto ni Justine. Pagdating ko ay bukas na iyong resto. Nagpalit ako nang pang chef na uniform. "Good morning Ma'am Ameya!" Masayang bati sa akin ni Emma. "Good morning!" bati ko rin sa kanya. "Kumusta po ang weekend niyo Ma'am?" tanong niya habang pinupusod ang kanyang buhok. "It's okay. Ikaw?" tanong ko habang nagre-retouch ako. "Masaya po kasi kasama ko iyong bf ko. Saka…" bitin niyang sabi at nakita kong para siyang kinikilig. Pinakita niya sa akin iyong singsing sa ring finger niya. Napasinghap ako. "Oh my! He proposed?" Masaya siyang tumango. Impit siyang napasigaw dahil sa kilig. "Opo! Gulat nga rin po ako e. Alam niyo po hinding-hindi ko po makakalimutan kung paano po siya nag-propose. Iyon na po yata iyong pinaka-sweet na ginawa niya." "Congratulations! I'm happy for you. Invited ako sa kasal ha?" biro kong tanong sa kanya. "Oo naman po Ma'am! Kayo po ang number one sa listahan ko," masaya niyang sambit. Tumawa ako. "Halika na at bukas na ang resto." Masaya siyang sumunod sa akin. Katulad ng dati ay maraming dumating na tao sa resto at punuan ito. Natutuwa ako kapag nakagagawa ako ng masasarap na pagkain. Maraming customers ang bumabalik upang kumain dito. Hindi sa pagbubuhat ng bangka pero palagi nilang sinasabi na masarap daw iyong mga pagkaing ginagawa ko. Siguro sa susunod ay lulutuan ko si Justine ng mga ganitong pagkain. Mabilis ang oras kapag busy ka at marami kang ginagawa. Biglang kumalam iyong sikmura ko at pagtingin ko sa orasan ay pananghalian na. Pumunta ako sa pantry at doon kumain ng aking lunch. Kasabay ko iyong ibang staff. Nang matapos ang isang oras kong break ay bumalik ako ulit sa trabaho. Magluluto na sana ako nang tawagin ako ni Ronald. Isang waiter sa resto ni Justine. "Ma'am Ameya, may naghahanap po sa inyo na customer. Gusto niya raw po kayong makita at magpasalamat sa isang masarap na pagkain," aniya. "Ganoon ba? Nasaan siya?" tanong ko. Inayos ko na muna nang mabuti ang aking itsura. Sumunod ako kay Ronald hanggang sa tumigil siya sa isang lamesa na malapit sa may bintana. Nang tumigil si Ronald ay bumungad sa akin ang babaeng nagpakilala na fan ko noong isang araw. "Hi," masayang bati niya at kinawayan ako. "Amanda, right?" tanong ko at tumango siya. "I'm flattered that you can still remember my name." Ngiti niya. "Of course. Halos parehas kasi tayo na nagsisimula ang pangalan sa Am kaya hindi ko siya agad makakalimutan. Isa pa paano kita makakalimutan ikaw iyong slang mag-Tagalog." Ngumiti ako. Nagtawanan kaming dalawa at tinanong ko kung pwede akong umupo sa table niya. "Buti naman at napadalaw ka ulit dito. Akala ko nga bumalik ka na. " tumango siya. "Oo. Balak ko na sanang bumalik sa America pero nakapagdesisyon ako na magbakasyon pa rito. I mean, it's more fun in the Philippines, right?" Tumawa siya. Sumang-ayon ako, "Yup! So, I heard you like my food?" "Oh, right! Yes, I love it! I mean maraming masasarap na resto sa America at five star pa ang mga ito. Pero kompara sa nakain ko ngayon malayong mas masarap ito. You're a very good cook," puri niya sa aking pagluluto. "Thank you. Really. Gustong-gusto ko talaga ang pagluluto. Nag-aral ako sa—" "Illinois State University," tuloy niya sa sasabihin ko na ikinamangha ko. "Wow! How did you know that?" manghang sabi ko. Ngumiti siya. "Remember, I'm your fan? Syempre alam ko lahat tungkol sa iyo. I mean not all, but at least the things that can be found in the internet." Humagikgik ako. Masarap kausap si Amanda at mukha siyang friendly. She's also beautiful. Mukha siyang may lahing iba bukod sa pagiging Americana niya. "Well, thank you." Huminga ako ng malalim. "Anyway, I need to go back to work." Sabay tayo ko. "Oh, sure. Pasensya ka na kung inistorbo kita," hinging paumanhin niya. "It's okay. Kung may time magkwentuhan tayo ulit." Malapad siyang ngumiti at tumalikod na ako. Bumalik ako sa aking trabaho hanggang sa last shift ng trabaho. Katulad ng dayi ay maraming ginawa si Justine at malalate siyang sunduin ako. Inaayos ko iyong mga plato sa lalagyan at kasama ko si Emma. "Ma'am Ameya nabalitaan niyo na ho ba iyong nangyari sa isang modelo rito sa lugar?" Umiling ako. "Hindi pa. Hindi kasi ako ganoon mahilig manuod ng balita. Bakit? Ano bang nangyari?" Tumigil siya sa kanyang ginagawa at linabas ang kanyang cellphone. "Teka po at may ipapakita ako sa inyo." Nag-scroll siya sa kanyang cellphone at may hinanap dito. Nagpalit na muna ako ng aking damit habang nakasunod si Emma sa akin at patuloy na may hinahanap sa kanyang cellphone. "Ito po Ma'am Ameya." pinakita niya sa akin iyong cellphone niya. Binasa ko ito at nakita ko na ayon sa balita ay may nakita silang katawan ng isang babaeng model na naitapon sa ilog. Ayon sa balita ay ginahasa ang modelo dahil wala na itong saplot nang makita ito. Ang masaklap pa ay nawawalan ito ng dalawang mata at ang maselang bahagi ng katawan nito ay wala rin. Napakunot ang aking noo sa aking nabasa. "Grabe naman iyan. Nakita na ba nila kung sino iyong may gawa niyan?" Umiling si Emma. "Hindi pa nga po e. Grabe po no? Kung sino man ho iyong may gawa niyan mukhang may galit siya sa mga babae." "Kaya ikaw mag-iingat ka. Susunduin ka ba ng nobyo mo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Tumango siya. "Oho! Siya nga po ang nag-opresi na maghatid-sundo sa akin. Lalo na ho at gabi na tayo umuuwi." "Sinabi mo pa." Sabay kaming napalingon ni Emma nang magpaalam na iyong ibang waiter at kami na lang dalawa ang naiwan. Napabuntong-hininga si Emma at tumingin sa relo ng kanyang cellphone. "Ang tagal naman ni boyfie." "I-text mo ulit baka naman nakatulog na." Tumipa siya sa kanyang cellphone nang sabay kaming mapasigaw nang may kumatok sa pinto ng resto. "What the hell?!" sigaw ni Emma. "Pasensya na ho ma'am iyan po iyong boyfie ko. Paano ho ma'am mauna na ho ako." Isinukbit nito ang kanyang bag. "Sige. Kita-kits bukas." Lumabas na si Emma. Huminga ako ng malalim at tumingin sa aking cellphone. Hinihintay kong may matangap akong text galing kay Justine. Lumipas ang ilang minuto ay nakaramdam ako ng antok kakahintay kay Justine. Napagdesisyunan ko na ipahinga ang aking ulo sa lamesa habang nakasandal ang aking ulo sa aking mga braso. Hindi ko na naisipan pang isara iyong pinto ng resto dahil alam ko naman may itinalagang bantay si Jethro para sa akin. Unti-unti akong nakaidlip kahihintay kay Justine. Lumipas ang ilang minuto ay naramdaman ko na may mga kamay na humahaplos sa aking buhok. Sisimulan niya ang paghaplos mula sa aking noo pababa sa aking buhok. Mas lalo tuloy akong hinihila ng antok. Napangiti ako sa isipin na si Justine ito. "Justine," sambit ko. Tuluyan akong hinila ng antok nang magising ako dahil may yumuyogyog sa akin. Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Justine. "Sweetheart. Wake up!" gising ni Justine sa akin. Napaayos ako ng upo at kinusot ang aking mga mata. "Justine. Anong oras na?" "It's past midnight. Kararating ko lang dahil natagalan ako sa meeting namin. Bakit ka natulog na nakabukas iyong pinto? Tinext mo sana ako para kinatok na lang kita," paliwanag niya na ipinagtaka ko. "Ha? Ngayon ka lang dumating?" pagtatakang tanong ko. "Yes, sweetheart. Ngayon-ngayon lang ako dumating." diretso akong napupo at napalinga-linga sa aking paligid. Kung ganoon sino kaya iyong humahaplos sa buhok ko kanina? Baka naman guni-guni ko lang. "Sweetheart?" pukaw ni Justine sa akin. Napatingin ako sa kanya sabay ngumiti ng pilit. "Tara na." Kinuha ko iyong mga gamit ko sabay isinara na namin iyong resto. Bago ako sumakay ay nakita ko namang gising at nakasakay iyong pulis na nagbabantay sa kanyang patrol car. Isinawalang bahala ko na lang ito at sumakay sa kotse ni Justine. Nananaginip lang siguro ako. Pagdating namin sa bahay ay nagbihis na ako at naglinis ng katawan bago ako humiga sa aming kama. Itutulog ko na lang ito. Marahil ay pagod lang ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD