Justine Pagdating ko sa bahay ay tulala at hindi makausap ng mabuti si Ameya. Pinahiga ko siya sa kama at umupo sa gilid ng kama habang nakatitig ako sa kanyang mukha. She just smiled at me which gave me an assurance that she's a little bit okay. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung anong nangyari. Palabas na ako ng kompanya ko nang tawagan ko siya pero hindi siya sumasagot. Akala ko ay busy lang siya kaya hindi ko na inulit. Habang tinatahak ko ang daan papunta sa aking resto ay nagulat na lang ako nang may biglang tumawid sa kalsada at muntik ko pa itong masagasaan. Nang tignan ko nang mabuti ay si Ameya ito. Takot, gulat at kaba ang nakita ko sa ekspresyon ng kanyang mukha. Nang makita ko siya sa ganoong kalagayan ay alam ko agad na may mali. Napatingin ako sa kanya nang mapansin k