Chapter 3

1105 Words
Ameya Natutuwa akong maging chef sa restaurant ni Justine. Ganito ang gawain ko tuwing umuuwi ako rito sa Pilipinas. Bukod sa nakagagawa ako ng masasarap na pagkain ay pampalipas oras ko na rin ito. Nasasanay at nahahasa ko rin ang mga pinag-aralan ko. Mas malaya rin akong nakagagalaw dito dahil kunti lang ang nakakikilala sa akin. Hindi ko kailangang tumakbo sa mga paparazzi at magkaroon ng bodyguard tuwing lalabas ako. Pagtingin ko sa dining area ng restaurant ay kunti na lang ang kumakain dahil sa malapit na ang closing time. “Ma’am Ameya, hindi pa po ba kayo uuwi?” tanong ni Emma. Isa sa mga assistant chef ko at mas bata sa akin ng limang taon. “Bakit? Ayaw mo bang nandito ako?” asar kong tanong sa kanya habang liniligpit ko iyong mga gamit sa kusina. Mabilis na umiling siya. “Naku, hindi sa ganoon ma’am. Bilib kasi ako sa iyo ma’am. Mula umaga hanggang ngayon energetic ka pa rin. Hindi pa rin ako makapaniwala na isa ka pong chef. Ang ganda niyo po kasi. Bagay po talaga kayo sa runway at hindi sa kusina na nakatago.” Napangiti ako sa kanya. “Binobola mo nanaman ako. Ang mabuti pa tulungan mo na lang akong magligpit dito.” “Paano po kayo napasok sa pagmo-model Ma’am Ameya?” tanong niya habang hinuhugasan niya iyong kaldero. “Nag-aaral ako noon ng culinary sa Illinois. Last year ko na at graduating ako noon. Nang mag-martsa ako ay may talent manager pala na bumisita sa school para mag-scout ng mga model. Sa modeling course dapat siya pipili pero nagulat ako nang bigyan niya ako ng offer.” Mahabang paliwanag ko. Tumango-tango siya. “Kahit ako naman siguro kapag nakakita ako ng katulad niyong kaganda bibigyan din kita ng offer Ma’am Ameya.” “Please, stop with the ma’am. Hindi mo naman ako manager. Tawagin mo na lang akong ate.” Paki-usap ko sa kanya. “Okay, Ma— ay este, Ameya po.” Pagkatapos naming iligpit at maglinis sa kusina ay sarado na ang resto. Iyong ibang waiter ay inaayos na iyong bawat lamesa. Iyong iba ay nagtapon ng basura at nagre-ready nang umuwi. Nang matapos namin ang lahat ay nakatanggap ako ng text kay Justine na mahuhuli ito saglit dahil sa rami ng kanyang ginagawa. I send him an ‘okay’ message na may kasamang kiss na emoticon. Napa-angat ako ng aking tingin nang magpaalam si Emma sa akin. “Ma’am Ameya, mauna na ho ako. Nandyan na ho kasi si boyfie sa labas.” Kinikilig niyang turan. Tumango ako. “Ingat. See you tomorrow.” Kumaway pa siya bago lumabas ng pinto. Isa-isa na ring nagsialisan iyong iba. “Ma’am Ameya, mauna na ho ako. Ito ho iyong susi.” Paalam ng isang waiter sa akin sabay abot ng susi ng restaurant. “Salamat. Ako na ang magsasara.” Ngiti ko at ako na lang ang naiwan sa resto. Kinuha ko ang mga gamit ko at nag-ayos ng aking sarili bago ako lumabas ng resto ni Justine at sinara ito. Buti na lang pala nagdala ako ng makapal na jacket. Ang lamig ngayon dito sa Baguio. I rub my hands together as I blow hot air into my hands at the same time. Pinagmamasdan ko ang ilang mga gusali na nakabukas pa nang may boses ng babae na tumawag sa aking pangalan. “Miss A-Ameya?” napatingin ako sa tumawag ng pangalan ko at nakita ko ang isang banyagang babae. Tumingin ako sa aking kanan at kaliwa at baka nagkamali lang siya ng tawag pero wala naman akong makitang ibang tao. Napatingin ako sa kanya ulit at ngumiti siya sa akin. She’s American. Mapapasabak nanaman ako sa English nito. She’s wearing a brown trench coat, brown blouse that has white flower design tucked in her tattered jeans, and brown stilettos. Hindi naman siya masyadong mahilig sa brown ano? “H-hi. Do I know you?” alanganing tanong ko rito. “No. But I know you, you are the international model from Illinois. I saw you standing here that’s why I decided to call out your attention. I am your big fan. My name is Amanda, Amanda Burns.” Lahad niya ng kanyang kanang-kamay sa akin. “Oh, pleasure to meet you.” Tanggap ko sa kamay niya sabay ngiti. “Ang ganda mo pala sa personal Miss Ameya.” Slang na Tagalog niya. Napakurap-kurap pa ako nang marinig ko siyang mag-Tagalog. “Wow! You speak my language,” di-makapaniwalang turan ko. “Yes. Pinag-aralan ko iyong lenggwahe mo para kapag nagkita tayo ay madali kitang makausap,” she said. “Taga-saan ka?” usisa ko sa kanya. “I’m from California. Nandito lang ako para magbakasyon. Ikaw? Babalik ka ba sa America?” tanong niya sabay lagay ng kanyang kamay sa bulsa ng kanyang trench coat. I was about to answer her when my phone rang. Pagtingin ko ay tumatawag si Justine. Humingi ako ng paumanhin kay Amanda at sinagot ang kanyang tawag. Tumalikod ako kay Amanda at sinagot ang tawag ni Justine. “Hello? Nasaan ka na?” “I’m on my way, sweetheart. Five more minutes, and I’ll be there.” “You’re calling while driving? ‘Di ba sinabi ko sa iyo na bawal kang gumamit ng telepono habang nagda-drive?” suway ko sa kanya. “Sorry, sweetheart. Ibababa ko na. Bye, I love you.” “I love you too,” sagot ko. Pinindot ko ang end button at humarap ulit kay Amanda. Mataman siyang nakatitig sa cellphone na hawak ko. “Sorry,” paumanhin ko. “Boyfriend?” mapaklang tanong niya. Tumango ako at namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Ilang minuto pa ay nakikita ko na mula sa malayo ang headlights ng sasakyan ni Justine. He parks in front of the resto. Hinarap ko si Amanda at nagpaalam. “Mauna na ako. Nandito na iyong sundo ko.” “Sure. Nice meeting you, Miss Ameya.” Lumapit ako sa sasakyan ni Justine at sumakay ng kanyang kotse. Pagpasok ko ay binigyan ko siya ng halik sa kanyang labi. Minaneho niya ang kanyang sasakyan. “Who is that?” tanong niya. “Amanda ang pangalan at sabi niya fan ko raw siya. Taga-America siya pero ang galing niyang mag-Tagalog,” manghang sabi ko. “Hanggang dito pala sinusundan ka ng mga alipores mo.” Ngising asar niya sa akin. Pinaningkitan ko siya ng aking mga mata sabay kinurot sa kanyang tagiliran. “Aray! Aray! Sweetheart, baka mabunggo tayo.” Suway niya sa akin at hinawakan ang kamay ko na kumukurot sa kanya. “Tse!” Singhal ko sa kanya. “Kasalanan mo kasi inaasar mo ako.” “It’s a joke, sweetheart.” He winks at me at inikotan ko siya ng aking mga mata. Sumandal ako sa upuan sabay humalukipkip. Tahimik naming tinahak ang daan hanggang sa makauwi kami sa bahay. Pagpasok namin ng bahay ay dumiretso ako sa kwarto at pumasok ng banyo para maglinis ng katawan. Paglabas ko ay naabutan ko nang tulog si Justine at hindi man lang inalis ang kanyang sapatos. Napailing akong lumapit sa kanya at inalis ang kanyang sapatos at inayos siya sa higaan. Tumabi ako sa kanya at hinalikan siya sa kanyang noo. “Good night.” Ipinikit ko ang aking mga mata hanggang sa hilahin ako ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD