Justine
Minulat ko ang aking mga mata nang marinig ko ang alarm na nakalagay sa aking study table. Pagtingin ko ng oras ay alas-sais pa lang ng umaga. Umupo ako at nakita ko sa aking tabi ang nobya kong nakahubad na natatakpan ng kumot. I smiled as I remembered how we made love last night. Napangiti ako at dumukwang para halikan siya sa pisngi. Paglabas ko ng aming kwarto ay dumiretso ako sa garahe para linisan ang aking kotse. I was busy washing my car when Jethro knocks on my gate.
"Hey bro!" he salutes at me.
“What’s up dude?”
Magkapit-bahay kami ni Jethro dahil pakiramdam ko mas secure ako kapag magkatabi kami ng bahay. He entered my transparent gate that has a biometrics system. Pinagawa ko kay Jethro dahil siya ang security genius ng barkada. Fingerprint lang ng mga malalapit na tao at kilala ko ang pwedeng pumasok. It’s also bullet proof just in case. Perks of being a celebrity and a billionaire. Sa kanya ko na rin pinagawa ang ibang locks ng bahay ko. Mahirap nang mapasukan lalo na ngayon na nandito kami ni Ameya.
"Yo!" nakipag-apir ako sa kanya.
"Kailan ka pa dumating?” tanong nito.
“Last night,” sagot ko.
Umupo siya sa upuan na malapit sa sasakyan ko. “Congrats nga pala. I saw the news last night. Iba ka rin dude. Magaling ka pa ring kumarera."
"I know. May celebration nga bukas e baka gusto mong sumama. Invited lahat. Huwag kang mag-alala pwedeng hindi uminom." Ngumisi siya at tinuloy ko ang paglilinis sa aking kotse.
"Gusto kong pumunta pero walang kasama si Cherry na mag-aalaga sa anak namin. You know how babies can make you stay awake for hours." Hinilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha. He looks tired and worn out, but nevertheless he looks happy.
"Oo nga pala. I understand. Ikumusta mo na lang ako kay Cherry at sa anak mo. Ninong ako ha?” Tumawa siya sabay tumango.
“Sure. Basta may dala kang regalo para sa anak ko kukunin kitang ninong,” asar nito sa akin.
“Gago!” Binato ko siya ng ginagamit kong pamunas sa kotse ko. Tumawa lang ito at umiwas.
“By the way, where’s your girlfriend?” tanong nito habang hinahanap ng kanyang mata si Ameya.
"She’s inside.” Turo ko sa loob ng bahay ko. “She’s still sleeping."
“I see. Parehas kayong nakabakasyon ngayon?” ani niya habang tinitignan ang kanyang cellphone.
“Kinda! Kailangan ko ring asikasuhin ang kompanya ko. I’ve been away for too long. Kahit dalawa o tatlong buwan na kunwaring bakasyon para naman makapagpahinga naman kami. Halos hindi na kasi namin makasama ang isa’t isa sa pagiging busy namin.”
“Ayaw niyo pa bang magpakasal?” Angat niya ng kanyang tingin habang liniligpit ko ang mga ginamit kong panglinis.
Umiling ako. "Nah! Sa ngayon wala muna kaming balak.”
Tumango-tango siya at nanahimik saglit. Tumayo siya at nag-inat. “Anyway, balik na muna ako. Pumunta lang ako rito para makita kung buhay ka pa.”
“Tsk! Lumayas ka na nga rito!” Taboy ko sa kanya.
Umalis na ang kaibigan at sinabi ko na wag na muna niyang isara iyong gate. Basa na ang damit ko sa kalilinis ng aking kotse kaya tinanggal ko na lang muna ang aking t-shirt. Maya-maya lang ay may pumukaw ng atensyon ko.
"Hi pogi!" bati ng isang sexy na babae.
Kumakaway ito sa akin sabay kinindatan ako. Napangiti ako rito at nakasuot ito ng shorts at sports bra lang. Kumaway din ako nang makarinig ako ng tikhim sa aking likuran. Nakita ko si Ameya na nakahalukipkip at mataray na nakataas ang kilay. Uh-oh.
"Ang ganda ng kaway mo, Muzada. Sino iyon?" mataray na tanong nito.
"Uhm, no one." Paglingon ko ay wala na iyong babae.
"No one pero kumakaway ka sa kanya? You are not wearing your shirt as well."
Napatingin ako sa katawan ko. Kinakabahang napalunok ako. "Sweetheart nakikipag kaibigan lang naman. She’s just a friendly neighbor."
Tinaasan niya ako ng kilay at nagdadabog na pumasok sa loob. Napabuntong-hininga na lang ako. Ameya is the jealous type. ‘Di ko naman siya kayang lokohin dahil siya lang ang mahal ko. Why can’t she see that? Pumasok ako at sinundan ko siya. Nakita ko siyang naghahanda ng almusal pero padabog niyang linagay sa stove iyong kawali. I sneak up behind her and wrap my arms around her waist. She didn’t react meaning she’s angry.
"Hey, sweetheart! Are you angry?" malumanay kong tanong sa kanya.
"No, I’m not," she said.
That’s actually a lie. Napabuntong-hininga ako ulit. Fine, lalambingin ko na lang. Kilala ko naman na ang kiliti niya. Madali siyang magselos pero kapag linalambing ay madali lang mawala ang tampo at galit niya.
"Look, I’m sorry. Hindi na mauulit. I was just being nice and friendly, sweetheart. Huwag ka nang magalit," paki-usap ko sabay hinalikan ang pisngi niya.
Kinalas niya ang yakap ko at humarap sa akin.
"Justine hindi naman kita pinagbabawalan na maging friendly. It’s just that I don’t trust those girls. They want what’s mine. Maybe you can’t see that, but I can. That girl was actually flirting with you. Ayoko lang naman na maagaw ka ng iba eh."
Hinawakan ko siya sa magkabila niyang braso. "Sweetheart, ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na ikaw lang ang mahal ko? Tatagal ba tayo ng ganito kung hindi? I love you, sweetheart. Kaya ‘wag ka nang magselos." I showered kisses on her cheeks and forehead.
She pouted. "Promise?"
"I promise,” I said. “Now, why don’t we eat and then after that maybe we can-"
Dumukwang ako para halikan siya pero iniwas niya lang ang mukha niya.
"Argh! Justine diyan ka magaling! Pagpahingain mo rin kaya ako. Ilang beses mo akong chinurva kagabi." Pinanlakihan niya ako ng kanyang mga mata.
Pinalo niya ako ng sandok at natawa na lang ako habang nagluluto siya ng pagkain. Well, maybe next time then.
Masaya kaming kumain ng almusal na may tawanan at halikan. Pagkatapos ay hinatid ko na muna si Ameya sa Justus Restaurant. Isa sa mga itinayo kong resto rito sa ‘Pinas. I actually named it with a little bit similarity to my name para madaling maalala ng mga tao. Ameya is a chef. Hilig niya ang pagluluto kaya para hindi niya raw makalimutan ang mga pinag-aralan niya noon ay nag-volunteer siya na maging chef sa isa kong resto. Hindi ko na rin naman siya pinigilan.
"What time should I pick you up sweetheart?" tanong ko sa kanya bago siya lumabas sa kotse ko.
"8 p.m. na lang. Basta. Ite-text na lang kita," sagot niya at binuksan ang pinto ng kotse ko.
"Okay."
Hinalikan ko siya sa pisngi bago siya lumabas ng kotse ko. Nagmaneho ako papunta sa opisina ko dahil ilang buwan kong hindi naasikaso ito. My business is about winery. Nagsimula akong magtayo ng sarili kong kompanya kasabay nang pagsimula kong mahilig sa race car driving. Habang umaangat ako sa larangan ng race car driving ay siya ring pagsikat ng winery company ko. Don’t get me wrong. I don’t like drinking that much. I just want to make some liquor. Masaya ako kapag maganda ang nagiging reviews ng mga customers ko. Kung bakit ako nahilig sa paggawa ng alak ay hindi ko rin masabi.
Pagdating ko sa gusali ng aking opisina ay masaya akong binati ng mamang guard sa entrada ng gusali.
“Good morning, Sir Justine! Congratulations po sa pagkapanalo niyo. Napanuod ko po iyong kumpetisyon niyo kagabi, Ang galing niyo po!”
“Salamat.” Tapik ko sa balikat niya. “Kumusta naman ho rito?”
“Ayos naman sir! Marami hong naghahanap sa inyo,” magalang na sagot niya sa akin.
Tumango ako at nagpaalam na sa guard. Maraming empleyado ang bumati sa akin sa aking pagbabalik. Pagpasok ko sa aking opisina ay agad akong binati ng aking sekretarya.
“Good morning, Sir Justine,” bati niya na may ngiti sa mga labi.
“Good morning, Stacy. What did I miss noong nawala ako?” tanong ko rito sabay pasok sa aking opisina at nakasunod naman siya.
Pagpasok ko ay gabundok na papel ang sumalobong sa akin. This is what I get from not coming here for months.
“Sir, medyo mahaba po siya e.”
“That’s okay. Tell me.” I sat on my chair and started to check the papers on my table as I listen to Stacy.
She cleared her throat. “Limang branches po sa France ang nangangailangan ng isa pang warehouse para po sa mga wine barrel. Mr. Villareal is asking if you are going to buy one of his farms. Mr. Pavel from the Russian branch is requesting for more budget for the machineries.”
Napakunot-noo kong tinignan si Stacy at sinensyasan na tumigil sa pagsasalita.
“What? ‘Di ba nagbigay ako ng 10 million last month for the same reason?”
“Iyon po kasi iyong itinawag niya kahapon sir.”
I exhaled. “Don’t release the money to him. Ask for a liquidation report and images from him to validate his request.” Tumango si Stacy. “Pakitawagan mo na rin mamaya si Jordan na bibilhin ko iyong farm niya.”
Pagkatapos sabihin sa akin ni Stacy lahat ng mga na-miss ko ng dalawang buwan ay puputok na yata ang ulo ko sa stress at sakit.