Yipeeee! Sumampa ako sa isang malaking bato at pagkatapos ay saka tumalon sa malinis at mala-asul na tubig. "Kingina, 'tol?! Kanina ka pa swimming ng swimming ah?" Ani Allan sa akin. Napatawa ako, "Ngayon lang ulit ako nakapag-swimming ng ganito. Pagkakataon ko na ito!" Natatawang sigaw ko pa sa kanya. Si Peter naman ay kasama ang nililigawan niya at kasalukuyan silang naglalandian sa may buhanginan. Mayroon din namang kasama si Allan na babae, kaya lang ay tila magka-away yata silang dalawa. Si Pech naman ay natutulog sa loob ng beach house kasama ng girlfriend ni Allan. Mabait naman sila at tiwala naman kami na hindi naman magsusumbong sa mga pulis na kasama namin si Mia. Matagal ko na naman kasing kilala ang girlfriend ni Allan na si Charlene, at ang nililigawan naman ni Peter n