Feeling JLC! 'Yan ang status ko ngayon—Si John Lloyd Cruz! Magaling kasi siyang umarte kaya siya ang gagayahin ko. Ang tagal ngang magising ni Pech.. Gusto ko na talagang umacting. Hehe! "Bro! Tingnan mo 'to! Binabalita si Pech sa T.V!" Sigaw nila Allan na nasa may salas ng beach house. Kaya naman agad akong tumakbo patungo sa kanila at nang makarating ako sa pinaroroonan nila ay agad ko namang narinig ang balita sa T.V. Mayroong Press conference si Senator Del Valle tungkol sa pagkawala ni Pech. Hanggang sa matapos ang press conference ay hindi ko man lang narinig ang pangalan ko. Ang laging sinasabi ni Senator Del Valle ay hindi niya alam kung nasaan ang anak niyang si Mia. "Bakit kaya hindi ipina-televise ni Senator Del Valle ang pangalan mo, Hunter?" Kunot-noong tanong ni Allan