Jasmine's POV "Magandang hapon sa inyo, Sir Erwin, Dr. Justin," bati ko sa dalawang panauhin na kampanteng nakaupo sa marangyang sofa. Nadatnan ko sila dito na may seryosong pinag-uusapan. Natigil iyon nang makita nila akong pababa ng hagdan. Nahihiyang nginitian ko sila saka ako umupo sa kaharap na sofa. Ngumiti din sila pabalik sa akin na ikinapula ng magkabila kong pisngi. Hindi yata ako masasanay na makaharap palagi ang dalawang gwapong nilalang na 'to. They are too handsome and I can't help myself admiring their gloriousness. Nakakailang pa naman kapag tumitig sila sa akin. It seems that they can already read what is on my mind. "Magandang hapon din, Jasmine. Mas maganda ka pa sa hapon," Dr. Lopez answered. He smiled at me widely, seeing his perfectly white teeth. I felt my face