Chapter 2

1474 Words
"World? What do you mean dad?" Naguguluhan, namamangha at nagugulat s'ya sa narinig. Does her dad referring to that world like what she saw in the books? Totoo bang may gano'n talaga? Mayroon sa likod ng sarado n'yang pintoan? Pinagmasdan n'ya ang ama nang may kinuha itong isang bagay sa bulsa. Umilaw ito nang pindutin 'yon ng ama n'ya. Nakita n'ya ang bagay na 'yan sa libro. She knew what it's called, that's telephone, no wrong, other term, that's --- "This is what the world looks like," Napanganga s'ya sa gulat at nanlaki ang mga mata sa nakikita n'ya sa maliit na bagay na 'yon. Nagtataasang mga gusali, restaurants, cars and lot of people roaming around outside. Sa bahagi na 'yon ay natigilan s'ya. These people are roaming around in that so called world. Tumingin s'ya sa ama bago ibinalik ang tingin sa bagay kung saan n'ya nakikita ang pinapakilala ng ama na s'yang mundo. "What is this thing dad? What is that place?" Turo n'ya sa hawak n'ya. "I mean, this telephone, right?" Her father nodded, "that's what we called cellphone." "Cellphone." She echoed. "How about this? What is this place? Is this true? Is this what it looks like, behind that door?" "Do you wanna see what's behind on your door?" Tanong sa kanya ng ama. Ikinagulat n'ya 'yon at ikinangiti pero nabuhay ang kaba sa dibdib n'ya. Hindi n'ya alam kung ano ang nasa likod ng pintoan na 'yan. She glanced the door and heard her heartbeat. Maaaring ang nasa likod ng pinto na 'yan ay ikapapahamak n'ya. Hilda once told her, curiousity sometimes would lead us to our downfall. She gulped and smiled weakly to her father. Ibinalik n'ya ang tingin sa cellphone kung saan nakikita n'ya ang mga tao na masaya. Some are running, eating and all, under the sun. Can she also do that? She jumped when her dad held her hand and guided her to the door. She was holding back. Nagmamatigas s'yang 'wag sumama. Natatakot at nagdadalawang isip s'ya. "Dad, I think. Ah, ahm...., I'm not interested of what's behind that door." She nervously said. Oo, gusto n'yang malaman kung ano ang nasa likod ng pintoan na 'yan pero may pakiramdam s'ya na parang ayaw na din. Nanghihina ang mga tuhod n'ya at nanginginig ang kalamnan n'ya sa isiping lalabas s'ya sa pinto na 'yan. Hindi pa n'ya kailanman nagawa 'yon kaya normal lang siguro na kahit nagkaroon s'ya ng curiousity kung ano ang nasa likod ay normal lang na kakabahan s'ya. "That's normal that you feel nervous. Just tell Hilda if you want to see what's behind that door. She knows what to do, she knows everything. I already told her." Aniya ng daddy n'ya at nagpaalam na ito sa kanya. Tiningnan n'ya ang sumarang pinto nang makalabas ang ama. Ang nakita n'ya sa pinapanood n'ya kanina ay maliwanag pero sa t'wing binubuksan ang pinto n'ya ay walang liwanag na pumapasok oh kahit man lang maaaninag. She herself can open that door. Kaya n'ya, hindi n'ya lang kailanman naisipan dahil 'yon ang sabi ng ama n'ya, huwag. Dahan-dahan s'yang naglakad papalapit sa pinto at inilapat ang kamay. Nasa labas ang lock nito pero hindi 'yon problema sa kanya. Pumikit s'ya ng mariin at nang buksan ang mga mata at tiningnan ang mga kamay ay napangisi s'ya nang makita ang umiilaw sa pula n'yang kanang kamay. Kinakabahan man ay itinatapat n'ya ang kamay sa pinto. Napatalon s'ya sa gulat ng wala pang ilang segundo ay nadurog ang pinto sa harapan n'ya. Ito ang unang beses na ginamit n'ya ang kapangyarihan n'ya, hindi n'ya alam na ganito kabilis at kalakas. Umangat ang tingin n'ya nang marinig n'ya ang matulis na tili ni Hilda na biglang sumulpot sa harapan n'ya. "What did you do?" Agad itong lumapit sa kanya habang ang mga mata nito ay nakatingin sa durog n'yang pinto. "I just want to see what is in there," ituro n'ya ang lugar na ngayo'y nasa harapan n'ya nang masira ang pinto. Kumunot ang noo n'ya nang wala s'yang makita na kahit ano. Katulad lang din ito ng tinitirhan n'ya. Wala ang mga nakita n'ya sa cellphone ng ama. "You wanna go there?" Tanong nito sa kanya. Medyo nalilito s'ya kung bakit ganito ang nakikita n'ya. Nasaan iyong nakita n'ya sa cellphone ng daddy n'ya? "That is not what I saw in dad's cellphone." "Phone?" Lumingon s'ya kay Hilda at tumango. May kinuha ito sa bulsa ng pantalon nito at pinakita sa kanya, nanlaki ang mga mata n'ya sa nakita. A cellphone! "You have a cellphone too!" Napalakas ng bahagya ang boses n'ya at nakaturo ang daliri sa cellphone na hawak ng yaya n'ya. Malaki ang tanda ni Hilda sa kanya pero dahil sa lahi nila ay walang bakas dito ang katandaan. Mukha lang itong ka-edad n'ya. "Is this what you are talking about?" Tumango s'ya ng pino at maraming beses nang iharap nito sa kanya ang umiilaw na cellphone at ipinakita ang kapareho ng nasa cellphone ng ama. "That! Where is that? Why I am not seeing that here?" Inililibot n'ya ang paningin sa pagtataka. Nakangiting tumayo sa harapan n'ya si Hilda kaya mas lalo s'yang nagtaka. "We are still inside your house. And this? This is just a video of very far away place." Paliwanag nito. "A what?" Kunot noong pagtatanong n'ya sa narinig na salita na hindi n'ya alam kung ano ang ibig sabihin. "A video, this is real yes, but this is just a video. Do you still wanna see outside?" "Outside?" "Yes Princess, there's an outside of this place. Do you wanna see it?" Hinanap n'ya ang pintoan sa paligid bukod sa nasira n'ya ay wala na s'yang nakita pa. Itinaas n'ya muli ang kamay ay agad itong umilaw. Mabilis naman s'yang dinaluhan ni Hilda ay pinigilan sa balak n'yang gawin. "I just---" "No need to use power, don't ruin everything here," natatawa nitong pagputol sa sasabihin n'ya. Napangiwi s'ya sa sinabi nito. Tumango nalang s'ya. Agad n'yang naramdaman ang pagkawala ng katawan n'ya sa kinatatayuan n'ya kanina, agad n'yang nahuli ang ginawang 'yon ni Hilda kaya bago pa man sila makaapak sa kung saan man sila pupunta ay na-i-compose n'ya ang sarili sa gitna ng kawalan. Nahuli n'ya ang teleporting power ni Hilda. Kaya n'yang magawa 'yon at ngayon ang patunay. Napatingin s'ya sa paanan nang makita n'yang nakaapak s'ya sa mga d**o. Napalunok s'ya at dahan-dahan na nag-angat ng tingin. Napasinghap at nanlaki ang mga mata. Naitakip n'ya ang mga kamay nang mapanganga sa pagkamangha sa nakikita. "Forest," wala sa sariling banggit n'ya. Malawak ang ngiti sa mukha n'ya nang makabawi sa pagkagulat. Napatingin s'ya kay Hilda na halata sa mga mata ang tuwa para sa kanya. "You're happy." Dinig n'yang sabi nito and it wasn't a question. Hinawakan n'ya ang kamay ng yaya n'ya at nagpasalamat. Agad may namuong kalokohan sa isip n'ya at habang hawak n'ya si Hilda ay ginamit n'ya ang kapangyarihan at ang pinakamabilis n'yang speed na kailanman ay hindi n'ya pa nagagamit. Alam n'ya kung paano gamitin ang lahat ng kapangyarihan n'ya. Alam n'ya kung ano ang kapangyarihang mayroon s'ya. Hindi pa man n'ya ito nasusubukan ay nasabi na ng daddy n'ya kung paano ito gamitin at hindi s'ya mahirap makaintindin. Noon pa man ay nakikita na n'ya sa isip ang mga sinabi ng ama at ngayon, ngayon na nasa mas malawak na lugar na s'ya, ngayon na nakalabas na s'ya sa mundo na akala n'ya noon ay hindi totoo na tanging nasa libro lang. Alam n'yang mas magagamit n'ya ang kapangyarihan ng mas madalas at mahahasa pa ng husto. Tiningnan n'ya si Hilda na hindi gumagalaw sa tabi n'ya. "Hilda, are you okay?" Nag-aalalang tanong n'ya dito. Tumingin ito sa kanya na parang walang buhay. "You're so fast," anito. "You're also fast." "Not fast as you are." Napangiwi s'ya nang bigyan s'ya nito ng matutulis na tingin. "Hilda, how huge this forest is?" Tanong n'ya. May pakiramdam s'ya na parang gusto n'yang malibot at makita ang nasa loob ng gubat. Napatingala s'ya nang makarinig ng tunog. Lumawak ang ngiti n'ya nang maaninag ang mga ibon sa ilalim ng liwanag ng buwan. Gabi na pero isa sa mga ability ng mga kagaya nila ang nakakakita sa dilim. "What do you have in mind, Princess?" Nagtatakang tanong ni Hilda sa kanya. Batid n'yang naisip na nito ang iniisip n'ya. May narinig s'yang kaluskos sa bandang unahan kaya napalingon s'ya doon. Napangisi s'ya sa isipan kaya humakbang s'ya para tingnan ang bagay na gumawa ng ingay pero bago pa man s'ya naka hakbang ay napa-atras s'ya nang biglang humarang sa harapan n'ya ang yaya n'ya. "Hilda! You startled me!" Reklamo n'ya dito. "You can't go there," matigas na sabi nito. Binigyan n'ya ng isang matamis na ngiti ang yaya n'ya saka umatras. "Tell daddy thank you and I'll be back, bye Hilda." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD