Inosenteng napahagikhik s'ya nang makatakas mula sa yaya n'ya gamit ang kapangyarihan n'yang mag teleport. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Daveeh nang marinig muli ang ingay na narinig n'ya kanina.
Naningkit ang mga mata n'ya at ipinilig ang ulo. Dahan-dahan ang galaw n'ya habang lumalapit sa kinaroroonan at pinagmulan ng ingay.
Iwinaksi n'ya ang maliliit na sanga habang dahan-dahan ang lakad sa ilalim ng maliliit na mga puno. Napangisi s'ya nang makitang isang maliit na usa ang naroon.
Napawi ang ngisi n'ya nang gumalaw ito at agad naging transparent ang tingin n'ya sa balat nito. Itinaas n'ya ang kanang kamay at itinapat sa maliit na hayop. Nanigas ito saka n'ya nilapitan.
"What are you little creature? You smell so good."
Hinaplos n'ya ang balat nito at tiningnan ang kabuoan ng usa. Her eyes was glued on deer's neck, seeing the most precious liquid.
"Ugh! You are so cute!" padabog n'yang binawi ang kapangyarihang ibinalot n'ya sa katawan ng kawawang usa. Akmang hahawakan n'ya ito ngunit mabilis na tumakbo ang hayop papalayo sa kanya.
Hindi n'ya kailangan ng gano'n ngayon, kakabigay lang sa kanya ng daddy n'ya ng marami at 'yon ang itinuro nito sa kanya. Hindi s'ya pwedeng uminom hanggat hindi kailangan.
Her dad helps her to control the eagerness of wanting such and she mastered it. Mataas n'yang tinalon ang isang malaking sanga sa mataas na bahagi ng kagubatan. Iba ang pakiramdam n'ya ngayon.
"I didn't know this is true! This is real! This is real! Was that video in the cellphone that far? How far?" aniya sa sarili habang palipat-lipat ng sanga sa pagtalon.
She'll surely thank her dad that he allows her to see this part of the world. She'll come back here soon. Kumislap ang mga mata n'ya nang makakita ng isang talon di kalayuan sa kinaruruonan n'ya.
Nasa itaas na bahagi s'ya dahil nakapatong s'ya sa sanga ng isang malaking puno. Tumalon s'ya pababa para puntahan ang talon na 'yon.
"That's falls! I've seen that in the book! Thank you daddy!!" she shouted and chuckled when she heard her voice's echo.
Gamit ang kakayahang bilis ay agad n'yang natunton ang bahaging 'yon ng gubat. Iginala n'ya ang paningin at namangha s'ya sa ganda ng mga bulaklak na nakapalibot dito. Wala s'yang ibang nakita na ano mang nilalang. Wala na s'yang nakita pang ibang hayop. Alam n'yang gabi na pero dahil sa kakayahan n'yang makakita sa dilim ay nagmistula lang umaga sa paningin n'ya ang paligid.
Tumalon s'ya sa tubig at napasigaw sa lamig. Dumadagundong sa paligid ang malakas n'yang tawa habang hinahayaang anurin ng malakas na agos ang katawan n'ya. Naglalaro s'ya sa malalim na tubig na parang bata.
Napatigil lamang s'ya nang makarinig ng tunog ng isang hayop sa di kalayuan mula sa pwesto n'ya. Sa isang kisapmata lang ay nakaahon s'ya mula gitna ng malakas na agos ng tubig.
Basa ang buong katawan n'yang hinanap ang tunog na 'yon. That sound was different from the sound of the little creature she saw earlier. And she's sure she's way too far from the place where she met that little creature. This one sound's mad and aggressive.
Mabilis n'yang inikot-ikot ang paligid pero wala s'yang nakita. Malayo na rin ang narating n'ya mula sa talon at wala s'yang nakita. Makalipas ang ilang minuto ay narinig n'ya muli ang tunog na 'yon na agad n'yang sinundan.
Napatigil s'ya nang tumambad sa kanya ang isang hayop na naliligo sa dugo habang ang isa ay s'yang naglalabas nito. That's giving birth! She knew that! She saw that in the book!
Pero hindi ang eksenang 'yon ang kumukuha ng atensyon n'ya. Ang mahalimuyak na amoy ng dugo nito ang s'yang nanunuot sa ilong n'ya. Ramdam n'ya ang pag-init ng mga mata n'ya at ang kagustuhang daluhan ito.
But seeing the baby animal pushes her back. Pero hindi kaya ni Daveeh na pigilan lang ang sarili. Napatakas n'ya ang kawawang usa kanina. This one is different.
Sa isang iglap ay busog na nilisan ni Daveeh ang lugar at bumalik sa tubig.
"That was sweet," she murmured.
Nang makaramdam ng pagod ay tumalon s'ya sa isang malapad na sanga ng puno na nasa itaas na bahagi at inihiga ang sarili. Ramdam n'ya ang lamig sa katawan dahil sa basa s'ya at ng hangin. Pero lumaki s'ya sa malamig na lugar kaya hindi n'ya ito alintana.
Nakatitig lamang s'ya sa buwan na ngayon n'ya lang din nakita. Alam n'yang buwan ito bagkus isa ito sa mga pinaka paboritong litrato na nakikita n'ya sa libro.
"But why don't you have face there?"
Inangat n'ya kamay na para bang inaabot ang buwan humaba ang nguso n'ya nang mapagtanto n'yang masyado itong mataas at walang pag-asang maabot n'ya.
Pinaypayan n'ya ang sarili nang bigla s'yang humikab. Ginawa n'yang unan ang kaliwang kamay at ipinikit ang mga mata.
Nang magising s'ya ay mas lalo s'yang namangha nang makita ang mas magandang kulay ng green sa paligid. It's all green. This woodland is so alive. Napatingin s'ya sa braso n'ya ng tumama ang sinag ng araw sa kanya.
Hindi s'ya nakaramdam ng sakit oh ano man. Alam n'ya kung bakit, sinabi ng daddy n'ya sa kanya ang lahat ng kakayahan n'ya at ang mga alam nitong mga kaya n'yang gawin.
Ang iilan sa mga katulad nila ay hindi kayang tiisin ang sinag ng araw pero s'ya hindi nito nasasaktan ang balat n'ya oh maging s'ya mismo.
Lumabas s'ya sa lilim ng malalaking puno at ibinilad ang sarili sa ilalim ng araw. Hindi n'ya nararamdaman ang sakit ng pagkapaso katulad ng nabasa n'ya. She wonders if her dad can stand under the heat.
Mabilis, sobrang bilis ang bawat takbong ginawa n'ya sa buong kagubatan. Hindi s'ya napapagod, masaya s'ya, sobrang masaya. Ang nararamdaman n'ya ngayon na para bang nakalaya s'ya sa matagal na pagkakakulong. But her dad didn't put her in a cell. She was just living in there for her safety.
She would never forget this line of her dad, "remeber this alway, you are living here for your sake. I couldn't lose you so you have to be safe."
Her dad didn't hide a thing from her. Lahat ng kailangan n'yang malaman tungkol sa pagkatao n'ya ay sinabi nito sa kanya.
Muntik na s'yang mahulog mula sa itaas ng puno nang akma s'yang tatalon papunta sa kabilang puno nang makarinig nang panibagong ingay.
Sa pagkakataong ito ay hindi n'ya alam kung anong ingay 'yon. Naningkit ang mga mata n'ya habang iniisip kung tunog ba ito ng hayop.
Pero mukha hindi at dahil sa kagustuhang malaman kung saan nagmula ang tunog ay sinundan n'ya ito. Ang tunog ng hayop ay napuputol pero ang tunog na ito ay tuloy-tuloy.
This sound is reckless. Sa mahabang panahon na wala s'yang naririnig na ingay na tulad ng mga ingay na narinig nga ngayon ay gustong-gusto n'yang makita kung ano ang mga pinagmulan nito.
Ang tanging ingay na kinalakihan n'ya ay ang tunog lang ng piano n'ya.
Gamit ang bilis n'ya ay sinundan n'ya ang ingay na 'yon at napatigil s'ya ng dalhin s'ya nito sa dulo ng bangin at wala pa s'yang nakikita na kahit na ano.
Napalingon s'ya sa likuran nang palapit na ang ingay. Mabilis s'yang umalis sa kinatatayuan at nagtago sa puno na di naman kalayuan. Nanlaki ang mga mata n'ya nang makilala ang mabilis na bagay na pa zig-zag ang takbo at ang dulo ng bangin ang direction nito.
That's a car! That's a car.
Walang pagdadalawang isip na lumabas s'ya sa pinagtataguan at dinaluhan ang sasakyan sa bandang likuran nito para huminto sa pagtakbo.
Napatigil n'ya ang sasakyan bago pa ito tumalon at mahulog sa bangin. Hindi n'ya alam pero kusang umalis sa lugar na 'yon ang katawan n'ya. Mabilis s'yang nakapagtago at ngayon ay nakapatong na naman ulit s'ya sa isang malaking sana sa bandang itaas.
Pinagmamasdan n'ya ang sasakyan sa baba at makalipas ang ilang minuto ay bumukas ang pinto nito at lumabas ang isang lalake. Palinga-linga ito sa paligid. Ipinagtaka ba nito ang biglang paghinto ng sasakyan n'ya?
'Paano n'ya napaandar ang sasakyan na 'yan? Mabibilis ba talaga ang mga sasakyan?" tanong n'ya sa isip.
Nang makita n'ya ang kabuuang mukha ng lalake ay napangiti s'ya. Ito ang unang beses na nakakita s'ya ng isang lalake na bukod sa ama n'ya.
"He's handsome," nakangiting saad n'ya. "How strong his power is? Is he stronger than I am?"
Pumasok ulit ang lalake sa loob ng sasakyan at narinig n'yang pinapa-andar ito. Namamatay ang tunog pero bumabalik din tapos namamatay ulit.
Binabantayan n'ya ang lalake sa mga galaw nito. Lumabas ito at binuksan ang sasakyan. Gusto n'ya man itong lapitan pero parang may isang bagay na pumipigil sa kanya.
Hindi nagtagal ay bumalik na lalake sa loob ng sasakyan at napaandar na ito. Pinaatras ito ng lalake at agad na umalis sa lugar. Wala sa sarili n'yang sinusundan ang sasakyan ng lalake gamit ang bilis n'ya. Napapangiti s'ya sa t'wing pinagmamasdan n'ya ang seryosong mukha ng lalake sa loob.
Habang palihim. S'yang nakasunod ay nakikita n'ya rin ang mga sasakyan na may iba't-ibang laki. Napangiti s'ya sa tuwa ng makita ang mga ito pero nakatuon ang atensyon n'ya sa lalake.
Nasa gubat lamang s'ya sa gilid ng daan pero hindi n'ya naiwawala sa paningin ang lalake. Nang pumasok ang sasakyan nito sa isang malaking pintoan na iba ang korte sa pinto n'ya ay napahinto s'ya.
Luminga-linga s'ya dahil hindi s'ya pwedeng dumaan sa dinaanan ng lalake, wala s'yang sasakyan. Napangisi s'ya nang maalal na hindi n'ya nga pala 'yon kailangan.
Agad s'yang nawala sa kinaruruonan at ngayon ay nakasunod na naman s'ya sa lalake hanggang sa tumigil ito sa tapat ng malaking pintoan. Bumukas ito at pumasok doon ang sasakyan pero hindi na s'ya sumunod. May pakiramdam s'yang hindi s'ya dapat sumama ro'n.
Pinagmasdan n'ya ang mga bahay na naroon sa lugar at namangha s'ya sa laki ng bawat bahay. Hindi pa s'ya nakakita ng bahay sa totoong buhay at tanging sa libro pa lang. The book says that family lives in a house.
This is probably the house and there's a family there. Nah, she doesn't have a family no wonder she doesn't have a house.
Mahaba ang nguso n'yang nilisan ang lugar at bumalik sa kagubatan. Paikot-ikot s'ya at palinga-linga.
"Now, how can I get back?"